A Cry Of A Lone Wolf

By queenerich

2K 56 17

Pamilya. Ito ang pinapangarap ng bawat isa sa atin. Buo at matatag na pamilyang masasandalan sa mga panahong... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

290 11 0
By queenerich

A/N:  Salamat po sa lahat na nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng story na ito. Naka 210 reads na po tayo. Thankies mga bes!!! And as promise, here's the chapter 2.

Happy reading!!!!

***************

"Good morning, Sir!"

"Good morning, Mr. Evanghelista!"

"Good morning, Sir!"

Bati ng mga empleyado sa taong kalalabas pa lamang ng elevator. Marahang tango ang kaniyang iginanti at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniyang opisina.

Napakapormal ng kaniyang mukha, halos wala kang mababanaag na reaksiyon. Well, ganito na talaga siya simula ng pamahalaan niya ang negosyong naiwan ng kaniyang ama. Nasanay na rin ang mga empleyado ng kompanyang iyon sa gano'ng pag-uugali ng kanilang amo.

"Good morning, Sir Jonas!" Masiglang bati ni Tessa, ang kanyang sekretarya, nang mapadaan siya sa harap ng mesa nito. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Nagsilbi itong sekretarya ng kaniyang ama at ng kaniyang Tito Ismael. Dahil na rin sa 'di mapantayang didikasyon sa trabaho, ay 'di na rin nag-abala pang kumuha ng bagong sekretarya si Jonas. Para na rin kasing nakatatandang kapatid ang turing niya dito. Isa pa mapagkakatiwalaan niya si Tessa.

"Tessa, a cup of coffee, please," wika ni Jonas habang papasok sa kaniyang opisina.

"Okay, Sir Jonas. Isusunod ko na po." Tumigi ang binata at marahang nilingon ang kaniyang sekretarya.

"Tessa, please drop the word sir. Jonas na lang, okay," wika niya at nginitian ang kaharap.

"Okay, Jonas."

"Sige. Pakidala na lang 'yong kape sa office." At tumalikod na ito papunta sa kaniyang opisina.
Pagpasok sa opisina ay agad niyang inabala ang kaniyng sarili sa mga nakabinbing trabaho.

Halos gabundok na ang mga papeles na nakapatong sa kaniyang mesa ang kailangan niyang basahin. Kasisimula pa lamang niya magbasa ng kontrata nang pumasok si Tessa. Inilapag nito ang kape sa mesa.

"Ah, Tessa, may kailangan nga pala akong sabihin sa 'yo." At marahan niyang iniangat ang mukha mula sa papel na kaniyang binabasa.

"Ano 'yon, Jonas?"

"Kailan ka pala magpa file ng leave? Mukhang malapit ka nang manganak, ah."

"Ay, 'di pa ako manganganak. Seven months pa lang 'tong tiyan ko. Napag-usapan namin ng husband ko na sa susunod na buwan ako mag file ng leave. But of course, sisiguraduhin ko muna na may papalit sa 'kin bago ako umalis.

"Gusto ko sana na bumalik ka sa trabaho pagkatapos mong manganak. Isa ka sa mga dahilan kung bakit lumago ang kompanyang 'to. Sa mahigit sampung taong pagtatrabaho mo dito, malaki ang naitulong mo sa amin at aaminin ko mahihirapan ako s trabaho dito sa opisina 'pag umalis ka." Nangingiti niyang wika. "Kaya sana bumalik ka after two months. Don't worry about your salary, dodoblehin ko 'yon pagbalik mo."

Ito ang gusto ni Tessa sa kaniyang boss. Kahit na masasabing istrikto ito pagdating sa trabaho, mabait at galante ito kagaya ng kaniyang ama. Ilang beses na rin siyang tinaasan nito ng sahod at aaminin niya, malaking tulong iyon sa kanilang mag-asawa lalo na ngayon na malapit na siyang manganak sa pangalawa nilang baby.

Sobrang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos dahil nagkaroon siya ng boss na kagaya ni Jonas. 'Yon nga lang sobrang naapektuhan siya kapag nakikita niyang malungkot ang binata dahil sa pagkawala ng ama nito.

Naging malapit din kasi siya sa ama nito na itinuring siya na parang isang tunay na anak. Kaya ng malaman niya na si Jonas na ang mamamahala ng kompanya ay nangako siya sa sarili na tutulungan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Napakalaki kasi ng utang na loob niya sa pamilya nito.

Bandang alas diyes ng umaga nang makatanggap si Jonas ng isang  tawag. Nasa opisina siya noon at tinutulungan siya ni Tessa na mag proofread ng mga kontrata nang biglang tumunog ang telepono. Marahang inangat ni Tessa ang telepono para sagutin ang tawag.

"Hello, Mr. Jonas Evanghelista's  office. How may I help you?" Anang sekretarya niya.

"Gusto kong makausap si Jonas," Boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Oh, I'm so sorry, sir. Mr. Evanghelista is busy right now. Do you have an appointment with him?"

"Kailangan ko siyang makausap. It's a very important matter, so please pass the phone to Mr. Evanghelista," wika ng lalaki sa kabilang linya na medyo iritado na.

Nag-angat ng tingin si Jonas at napansin niya ang medyo pagkabalisa ng kaniyang sekretarya kaya sinenyasan niya ito na ibigay sa kaniya ang telepono. Bantulot man, ibinigay na rin ni Tessa ang telepono.

"Hello."

"Yeah."

"Okay."

"Yes. I'll be there." Narinig niyang wika ni Jonas bago nito tuluyang tinapos ang tawag.

Nahihiwagaan man, ipinagpatuloy pa rin ni Tessa ang pagre review sa mga kontrata. Alam niyang wala siyang karapatang mangialam sa mga phone calls na natatanggap ng kaniyang boss, pero hindi mawala ang kaba sa kaniyang dibdib matapos matanggap  ang tawag na iyon.

Lalo pa siyang kinabahan nang bandang alas onse y medya ng tanghali nagpasyang umuwi si Jonas at pinakansela ang lahat ng appointment sa araw na iyon.

"Please cancel all my appointments for today, Tessa. Something important came up. I have to go. Ikaw din 'wag kang magpapagabi. Umuwi ka ng maaga, okay. See you tomorrow," wika nito ng may pag-alala sa tono.

"Okay, Jonas. Tatapusin ko lang 'to then uuwi na ako".

Pagkalabas ni Jonas ng kaniyang opisina ay mabilis niyang tinungo ang elevator. Hindi na niya napansin ang kaniyang mga empleyado na nagbibigay-galang sa kaniya. Pagbaba sa basement, sumakay siya sa kaniyang koste at mabilis niya itong pinasibad.
Kailangan niyang makauwi agad sa kanilang bahay upang makasiguro na walang mangyayaring masama sa kaniyang kapatid.

Nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay ay nabungaran niya ang kaniyang  kapatid na nakaupo sa sala at nagbabasa ng magazine. Kumunot ang noo nito nang makita siya.

"Kuya, you're so early. Mamaya pa ang usapan natin 'di  ba?" Wika ng kaniyang kapatid.

Naalala niya na pinangakuan niya pala ito na mamamasyal sila sa mall pagkatapos ng kaniyang trabaho pero dahil sa lintik na tawag na iyon ay bigla siyang napauwi ng wala sa oras.

"Yeah. I remember that. Kaunti lang kasi ang trabaho sa opisina kaya umuwi ako." Pagsisinungaling niya.

"Nga pala, Trisha, bakit walang bantay sa labas? Where are they?"

"Nag break lang siguro, kuya. 'Wag ka namang paranoid. Walang mangyayaring  masama sa 'kin dito. Isa pa tinuruan mo ako kung paano ipagtanggol ang sarili ko 'di ba?"

"Kahit na, Trisha. Kailangan nating makasiguro. Kailangan safe ka lagi. Ikaw na lang ang natitira kong pamilya at ayokong may masamang mangyari sa 'yo, naiintindihan mo?" Malumanay niyang wika sabay yakap sa kaniyang nakababatang kapatid.

Ilang sandali ang lumipas nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa likod ng kanilang bahay. Pumunta siya sa likod-bahay at nakita niya ang Beta at Delta ng kaniyang sariling pack.

Sinasanay nila ang bawat miyembro ng pack para maipagtanggol nila ang kanilang sarili. Babae man o lalaki ay kailangang magsanay. Iyon ang utos ni Alpha Jonas.

Naroon din ang mga taong-lobo na dating may katungkulan sa Moonvile Pack gaya ng kaniyang Tito Ismael, si Frank, si Bert at si Markos.

Dahil na rin sa kanilang katandaan napagpasyahan nilang ipamana sa kanilang panganay na anak na lalaki ang kanilang posisyon sa Moonville Pack. Simula nang ipinamana nila ang kani-kanilang  posisyon ay naging tagapayo na sila ni Alpha Jonas.

Nang makalapit na sa kanila si Alpha Jonas ay biglang tumigil ang mga taong-lobo sa kanilang pagsasanay para magbigay-galang. Inikot naman ni Jonas ang kaniyang paningin at natutuwa siya sa nakikita niyang improvement ng mga ito.

"Sige. Ituloy niyo na ang inyong pagsasanay." Bumaling naman siya sa kaniyang mga tagapayo at nagsalita.

"Nais ko kayong makausap. May natanggap akong tawag kani-kanina lang at gusto kong malaman ang inyong opinyon bago ako magpasya."

*********
A/N:

Thanks for reading my story. Btw, how do you find my story? Pwede po kayo mag leave ng comments sa comment box.. Thankies!!!

Next update will be on thursday...







Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 383 11
Nasir Brahman and Zahra Brahman story. "How can I unlove you, if you are the reason why I am still alive." - Nasir "I wish I never met you if I can't...
17.7M 772K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
1.3M 23.4K 38
Wolf Series #2 Highest Ranking in Werewolf #1 "I don't want your love or anything from you Anya" He flatly said. I smiled bitterly and bowed my head...