Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-6-

85.3K 2.2K 267
By vampiremims


TRUST ME. 


--

"JAHANN, ikaw ulit magluluto?" tanong ni Aly kay Jahann nang makabalik na kami. Hindi naman natuloy ang plano na mamimitas ng strawberry dahil anong oras na din kami nakaalis. Namili nalang kami at namasyal ng kaunti at kumain kung saan-saan bago napagdesisyunan na umuwi.

Kanina habang nasa sasakyan kami, nagpaplano na agad si Theon at Keij tungkol sa inuman ulit nila mamayang gabi. Sinabihan ko na kaagad si Aly at Lean na hindi sila pwedeng uminom. Bukas ng hapon ay uuwi na kami kaya naman mas mas mainam na hindi sila lasing o wala silang hang-over kapag umuwi kami. Isa pa, mahirap na malaman ni Daddy na nalasing si Aly. Sigurado ako na si Jahann ang pagagalitan 'nun.

"I'm tired. I want to sleep. Kaya naman na ni Enzo 'yan," sabi nito bago naglakad papunta sa hagdan. Nakatingin lang ako sakanya. Siguro nga'y napagod na din talaga si Jahann. Puyat din naman siya kagabi at maaga siyang nagising para magluto nang umaga.

"Ako nalang 'yung magluluto," sabi ko sakanila. Napansin kong natigilan sa pagalakad si Jahann. "Don't worry, Jahann. I know how..." ngumiti ako. Maybe he's worried. Bukod kasi sa bahay ay hindi ko pa nasusubukan magluto para sa ibang tao. Tutulungan naman ako ni Enzo kaya sa palagay ko'y wala namang magiging problema. Hindi siya nagsalita, sa halip ay dumiretso na lamang siya sa pagpanhik sa itaas para magpahinga.

Nagsipag-upuan na sila sa couch na naroon at binuksan ang malaking TV. Tumabi nalang din muna ako kay Aly para na rin tanungin kung anong gusto nilang kainin.

"Anything will do," tipid na sabi ni Kol sa akin. Tumango naman ako. Nagbigay ng iba't-ibang suhestiyon ang mga kasama namin ngunit sa huli ay si Enzo pa rin naman ang nasunod. Siya daw ang may alam kung anong meron sa kusina kaya siya ang nakakaalam kung ano ang lulutuin sa hindi. Hindi nalang din kami nakipagtalo sakanya lalo pa't nakakunot na naman ang noo niya.

"Enzo..." untag ko dito habang nakaupo ako at naghihiwa ng mga sangkap ng lulutuin niya. Hindi ko naman kasi malaman kung bakit bigla niyang naisip magluto ng afritada. Simpleng adobo lang naman ang nirerequest ng mga kasama namin kanina.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "What is it?" tanong niya bago muling itinuon ang atensyon sa paghihiwa ng karne ng manok.

I bit my lip. I'm not so sure if I can ask Enzo about something, but I have no one to ask. Kung kay Kol ako magtatanong, sigurado akong hindi ako kakausapin 'non. Kung kay Keij at Theon naman, pagtitripan lang nila ako.

"I'm waiting, Cherinna..." tila naiinip na sabi ni Enzo. Wala pa ngang isang minuto nung tinanong niya ako kung ano 'yon, eh. Napaka-mainipin naman nitong lalaking 'to.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Paano mo ba..." Damn. "Paano mo ba malalaman kung... kung seryoso sa'yo ang isang lalaki?" tanong ko sakanya. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil nahihiya talaga akong magtanong. Baka mamaya ay kung anong isipin ni Enzo tungkol sa pagtatanong ko.

Hindi agad kumibo si Enzo. Patuloy lang ito sa ginagawa nito at tila walang narinig na sinabi ko.

"Nevermind. Kalimutan mo nalang na—"

"Is this about that guy named Ian?" kaswal lamang ang pagkakasabi ni Enzo sa akin bago nag-angat ng tingin.

"Ha?" agad na napatuwid ang likod ko. "No. It's just... uhm. It's just a random question and—"

"He likes you?" tanong nito. Kasabay noon ang pagtaas ng isang kilay nito. Pareho talaga sila ni Tito Blue. Hindi din maipagkakaila na si Blue De Guzman ang tatay ni Enzo.

Hindi ako nagsalita. Sasabihin ko bang oo, gusto ako ni Ian? Seriously, ilang araw pa lang ba kaming magkakilala? Isang linggo pa lang naman kaming magkasama. Kahit nakita ko na siya noon, ngayon ko lang naman siya nakasama dahil sa pagiging magkaklase naming dalawa.

"You should not worry about that. May bagay kang mas dapat alalahanin na mas importante kaysa sa lalaking 'yon," sabi ni Enzo na tumayo na at nagpunta sa lababo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What are you talking about?" tanong ko sakanya. Tumayo na din ako at lumapit sakanya. Nagkibit-balikat lang siya sa akin at hindi nagsalita.

"Enzo..."

"Payag na ba sila Tito Kerko na magka-boyfriend kayo?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong ko. Sumandal ako bago inabot sakanya ang mga gulay na nahiwa na para hugasan. "Sabi ni Daddy, we're still young for that and I think he's right. Besides, we're always with you. Hindi siguro din kami kumportable kung may ibang lalaki sa paligid namin..." sagot ko sakanya.

Nasanay na kami nila Lean at Aly na sila ang laging kasama. Si Ate Caryl naman ay si Kuya Kiro. Kaya ganon nalang din siguro katatag ang bond sa pamilya namin. Dahil na rin hindi hinayaan ng mga magulang namin na lumaki kaming malayo ang loob sa isa't isa.

"Then stick with that, okay?" ngumiti siya ng tipid sa akin bago ibinigay ang mga nahugasan na niyang ingredients ng lulutuin niya. Wala din naman akong ginawa habang nagluluto siya. Nakatingin lang ako sakanya habang nagtatanong ng kung anu-ano.

Nang matapos siyang magluto ay agad ko ng pinuntahan ang mga kasama namin na nagkukwentuhan lang sa may living room. Pasimuno na naman sa kwentuhan si Keij na nakatayo pa sa may gitna habang nakatingin sakanya ang lahat.

"Kadiri ka talagang walanghiya ka," halos di na makahinga si Aly sa kakatawa habang nagkukwento si Keij. Maging si Lean ay namumula ang mukha sa pagtawa.

"Tangina mo, mag-aalok ka nalang ng candy sa babae, condom pa ibibigay mo!" binato ni Theon si Keij ng throw pillow. Si Ate Caryl din ay hindi mapigilan ang pagtawa.

"Bakit may baon ka bang condom kasi?" tanong ni Lean kay Keij. Naluluha na din ito sa pagtawa.

"Pampaswerte sabi ni Dad," kibit-balikat na sabi ni Keij.

"Sabi ni Daddy, ilagay sa wallet. Hindi sa bulsa, gago..." ismid na sabi ni Kol sa kakambal nito.

Natawa naman si Keij. "Para mas maswerte, binulsa ko na..."

Napailing nalang ako. There's really no doubt, anak nga ni Tito Hunter si Keij. Lumapit na ako sakanila at sinabi na kakain na. Nagsipagtanguan naman sila sa akin at tumayo na. Si Keij ay sinabunutan ni Aly bago naglakad papunta sa kusina.

"Tatawagin ko lang si Jahann..." sabi ko sakanila. Tumango naman sa akin si Theon bago inakbayan si Lean na agad pinalis ang kamay nito. Iiling-iling na dumiretso nalang ako ng lakad papaakyat para gisingin si Jahann. Pagod nga siguro talaga 'yun kaya ganoon nalang ang pagtulog.

"Jahann..." kumatok ako sa pinto ng kwartong inookupa nila ni Enzo at Kol. Katabi iyon ng kwarto nila Kuya Kiro, Theon at Keij.

"Jahann..." mas nilakasan ko ang boses ko at ang pagkatok ko pero wala man lang akong naririnig na pagresponde sa akin. "Jahann..."

Idinikit ko ang tenga ko sa may pinto upang marinig ang kahit na anong ingay mula sa loob ng kwarto ngunit wala man lang akong mapala. "Jahann..." muli akong kumatok pero wala pa ring sumasagot sa akin. Umayos na ako ng tayo at huminga ng malalim bago hinawakan ang doorknob ng pinto. "I'm coming in, Jahann..." sabi kong muli para ipaalam sakanya na papasok ako pero hindi pa rin niya ako sinasagot.

Binuksan ko ang pinto at ipinasok ko lang muna ang ulo ko para silipin kung nandoon si Jahann sa loob. Ang linis ng kwarto nila. Nakaayos ang damit nila at bag sa may couch na naroon. Walang makikitang kahit anong nakakalat sa sahig. Pati yung libro ni Enzo, maayos na nakapatong sa may lamesang naroon.

Mas babae pa ata ang tatlong iyon kaysa sa amin. Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa makita ko si Jahann na nakadapa sa may kama at tila mahimbing na natutulog.

"Jahann..." tawag ko dito. Ulo ko lang pa rin ang nakasilip sa kwarto at hindi pa rin ako pumapasok. "Jahann!" nilakasan ko ang boses ko pero wala pa din. Napasimangot nalang ako bago ako tuluyang pumasok sa kwarto. Lumapit ako sakanya at tila hindi man lang siya natitinag sa pagkakatulog.

Hampasin ko kaya ng unan 'to ng magising?

"Jahann..." tawag ko ditong muli. "Jahann..." kinalabit ko ang balikat niya pero inilipat niya lang ang pagkakalingon ng ulo niya sa kabilang side.

"Ugh. Wake up, kakain na tayo..." muli ko siyang kinalabit pero iginalaw-galaw niya lang ang balikat at niyakap ang unan na naroon. Napangiti nalang ako at umupo sa gilid ng kama niya.

"Kung nag-aalala ka kasi ako ang nagluto, don't be. Si Enzo ang nagluto," sinundan ko iyon ng pagtawa. Hindi pa rin siya kumilos sa pagkakahiga niya. I looked at his face. Naalala ko kung paano niya tinignan si Ian kanina. He's really protective.

Mahina kong pinisil ang tainga niya bago tumayo. "Fine, ipagtatabi nalang kita ng pagkain para kapag nagising ka..."

Tahimik nalang akong naglakad papalabas at isinara ang pinto. Binalikan ko nalang ang mga kasama ko na nagsisimula ng kumain. Umupo ako sa tabi ni Aly at naglagay na din ng pagkain sa plato.

"Si Jahann?" tanong nito sa akin.

"Sleeping..." sagot ko. "Tatabihan ko nalang siya ng pagkain para kapag nagising siya mamaya," dagdag ko pa. Tumango nalang si Aly sa akin.

Hanggang sa pagkain ay panay pa din ang pagkukwento ni Keij. Nakikinig lang ako sakanila at hindi na nakisali pa.

Nang matapos kaming kumain, si Keij ang nautusang maghugas ng pinagkainan namin dahil siya ang pinakahuling natapos. Inuuna niya kasing magkwento kesa kumain kaya sinabi ni Enzo dito na ito ang maghugas ng pinagkainan. Magrereklamo pa sana ito pero inabot na agad ni Enzo dito ang plato nito.

"Lalabas pa ba tayo bukas o dito nalang tayo?" tanong ni Aly habang nakaupo sa may sofa. Nakadagan sa mga hita ko ang binti niya.

"Dito nalang tayo..." sabi naman ni Lean na sinandalan ako.

"Higaan niyo nalang kaya si Cherinna?" sabi ni Kol sa dalawang babae. Sinimangutan lamang ito ni Lean at Aly.

Tinulungan ni Theon si Keij maghugas ng pinggan at kung hindi kami nagkakamali, tatlong beses kaming may narinig na nabasag at ilang beses na din silang nagmurahan na dalawa doon.

Nagpalipas lamang kami ng isang oras bago nagkasundo na magsipagpuntahan na sa kwarto para makapagpahinga. Mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko na hawak ni Aly ang necklace na bigay ni Ian.

"Sa'yo 'to, Kambal?" itinaas ni Aly iyon nang tinanong ako.

"Uhm..."

"Saan mo binili? Sana binili mo din ako. Ang cute kasi, eh..." nakangiting sabi ni Aly. "Kanina yan, nung napahiwalay ako. Wala na kasing iba, eh. Yan nalang yung natitira kaya..." kapag sinabi ko na si Ian ang nagbigay ng kwintas, sigurado ako na hindi na naman ako titigilan ni Aly sa pang-aasar niya.

"Ang ganda..." muling sabi ni Aly bago tumingin sa akin at ngumisi. "Pwedeng akin nalang, Kambal?" inilingkis niya pa ang braso sa may braso ko.

"No..." agad kong kinuha ang necklace sakanya.

"I knew it. Sinong nagbigay? Si Ian, ano?" biglang humalakhak si Aly. "Kambal, we're twins, natural na kilalang-kilala kita..."

"Matulog ka na nga. Alyanna..." itinago ko na sa bag ko ang kwintas na bigay ni Ian.

"Yeah, inaantok na din naman ako..." sabi niya matapos humikab. "Bukas nalang kita tatanungin tungkol kay Ian..."sabi nito bago humiga sa tabi ni Lean na natutulog na, katabi si Ate Caryl.

Sila pa yung nagyaya kanina na magpupuyat daw pero sila naman ang unang nakatulog.

Umupo na muna ako sa couch na nasa loob ng kwarto at nagsuklay ng buhok.

Iniisip ko si Ian.

Well, he's handsome, no doubt about that.

Whenever he's around, palagi nalang ding bumibilis ang tibok ng puso ko.

Seryoso ba siya?

Paano ba malalaman kung seryoso ang lalaki sa isang babae?

Magkakalahating oras na akong nakaupo at nagsusuklay pero wala pa din akong makuhang sagot. Hindi din naman ako ang makakasagot kung seryoso siya o hindi, eh.

Iiling-iling na lumabas nalang ako ng kwarto. Hindi pa din naman ako makakatulog kaya mas mabuti pa siguro na magpahangin nalang ako.

Tahimik na ang buong kabahayan. Karamihan sa ilaw ay pinatay na din kaya naman kinailangan kong magdoble ng ingat dahil hindi agad nag-aadjust ang mata ko sa dilim.

Nanunuod sa balat ko ang lamig ngunit nakatulong din naman ang jacket ni Jahann na sinuot ko. Bukas ko nalang ibabalik sakanya kapag pauwi na kami.

Lumabas ako ng bahay at naupo sa may baitang ng hagdan na naroon habang nakatingala. Kakaunti lamang ang mga bituin pero hindi katulad sa Manila, mas visible sila dito.

Niyakap ko ang mga tuhod ko habang nakatingala.

"May plano ka bang maging yelo sa lamig diyan?"

Napalingon ako nang may magsalita sa bandang likod ko. Lumapit siya sa akin habang may dala-dalang dalawang mug na umuusok pa. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa maupo siya sa tabi ko.

"Kapag hinalikan ba kita, magsasalita ka na?" natatawang sabi ni Ian sa akin bago inabot ang isang mug.

"Siraulo..." inabot ko nalang iyon at nagyuko doon.

"You're really cute..." sabi ni Ian bago uminom sa mug niya. He sighed and looked at the sky, too. Maya-maya ay nilingon niya ako. "Hindi mo ba sasabihin na pang-tuta ang cute at hindi ka tuta?" nakangiti siya habang nagtatanong sa akin.

Umiling ako. Bigla siyang natawa sa akin.

"Pinapabilis mo ba ang pagkakahulog ko sa'yo?" tanong niya ulit sa akin. Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Can I hold your hand?" tanong niya sa akin.

"Huh?" kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Your brother told me I don't have the right to touch you, so I'll just ask you for the meantime. Can I hold your hand?" inilahad nito ang palad sa harap ko.

Tinignan ko ang kamay niya, at muli kong pinagmasdan ang mukha niya. Mukha naman siyang seryoso. Mukha naman siyang—"Look, may ipis!" biglang sabi ni Ian kaya naman bigla akong lumapit sakanya at napahawak sakanya.

"See, it's that easy... ang tagal mo, eh..." natatawang sabi nito sa akin.

"Siraulo ka talaga!" binawi ko ang kamay ko sakanya at muling umayos ng upo.

"I'm actually afraid of heights..." maya-maya'y sabi ni Ian sa akin. Nakatingala siya kaya naman side view niya lang ang nakikita ko at ang paggalaw ng Adam's apple niya. "Nakita ko kayo ng mga pinsan mo na sumakay sa Viking. I admit, naiinis ako nung nabangga mo ako nung una. May iniisip kasi ako 'nun. Then, the second one, napansin ko na ang cute mo pala..."

"Lagi mong sinasabing sinasadya ko..." mahinang sabi ko sakanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Hindi ba?" sabi niya sabay lingon sa akin. Nakita ko na malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo, ha?" inirapan ko nalang siya.

Huminga ito ng malalim bago muling tumingala. "Seryoso ako nung sinabi ko na liligawan kita..."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko din siya nilingon.

"I want to know you more, Cherinna..."

"Ian—"

"Cherinna—"

Sabay kaming napalingon ni Ian nang magsalita si Jahann. Tumayo ako at lumapit sakanya. "Gising ka na pala..." baka nakaramdam na siya ng gutom.

"It's late, bakit gising ka pa?" tanong niya sa akin bago tumingin kay Ian.

"Nagpahangin lang ako..." sagot ko sakanya. "Tara, paghahanda kita para makakain ka na..." aya ko nalang sakanya. Nilingon ko si Ian at ngumiti nalang ako ng tipid dito. Bagong gising si Jahann, hindi pwedeng inisin lalo.

Paggising ko kinabukasan ay abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit. After lunch daw ay bibiyahe na kami pabalik. Pasimple naman akong lumilinga-linga at hinahanap si Ian. Hindi ko siya nakita nung breakfast at magla-lunch na ay wala pa din siya.

"Twin, wala ka na bang nakalimutan?" tanong sa akin ni Aly habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Jahann. Umiling naman ako.

"Okay ka lang? May sakit ka ba?" tanong nitong muli bago dinama ng likod ng palad niya ang noo ko. "I'm fine. Baka pagod lang din ako at namimiss ko na ang kwarto ko..." sagot ko sakanya.

"Aly..." napahinto kami nang tawagin ni Ate Caryl si Aly. "Pwedeng sa amin ka sumabay? May itatanong kasi ako about sa business niyo para ssa OJT ko..." sabi nito.

Nilingon naman ako ni Aly na tila nagpapaalam sa akin. "Sige na..." sabi ko sakanya. Hindi naman na niya inilipat ang mga gamit niya na nasa sasakyan na ni Jahann. Ako, si Kol at si Jahann na ang magkakasabay habang si Theon, Keij, Enzo at Lean sa isang sasakyan at si Kuya Kiro, Ate Caryl at Aly sa isa pa.

Hindi pa din ako kinikibo ni Jahann.

Buong biyahe ay tahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Nag-earphone nalang ako habang nakasandal at nakapikit. Hindi ko namalayan na nakatulog ako kung hindi pa ako ginising ni Kol. Nasa bahay na namin kami ng hindi ko man lang namamalayan.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at muling humiga sa kama.

Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at iniluwa 'nun si Kol na dala ang gamit ko. "Thank you..." ngumiti ako sakanya. Akmang lalabas na siya ng kwarto ko nang pigilan ko siya.

"Kol, sandali..."

Nilingon naman niya ako. "What is it?" tanong niya. Isinara niya ang pinto at tumingin sa akin.

"Galit ba si Jahann sa akin?" tanong ko sakanya. Simula kagabi nang makita niya na kasama ko si Ian, hindi na niya ako masyadong kinibo. Kapag kinakausap ko siya, simpleng tango lang ang isasagot niya sa akin.

Ngumiti ng maliit si Kol. "He's your brother. Natural sakanya ang mag-alala..."

"Ah..." huminga ako ng malalim.

"I have to go. Nandyan na yung sundo ko..." nagpaalam na siya sa akin at ginulo ang buhok ko bago lumabas sa kwarto ko.

Maybe, I'm just not used to it.

Natulog nalang ako at hindi na lumabas ng kwarto hanggang kinabukasan.

Si Aly ang kasabay kong pumasok dahil sabi ni Daddy, may pinakuha pa siya kay Jahann sa Ai's. Hindi ko na din siya naabutan nang mag-almusal ako.

"Kambal, may weird ka bang napapansin kay Jahann?" tanong ko kay Aly habang nagmamaneho ito.

"Weird naman talaga si Jahann..." natatawang sabi nito. "Maybe because of Iris. Narinig ko kanina na tinanong siya ni Dad about her. And he said they're fine..." dagdag pa ni Aly.

Tumango nalang ako.

Ipinarada ni Aly sa tabi ng sasakyan ni Theon ang sasakyan nito. Nakaabang naman sa amin ang mga pinsan namin at si Lean. Wala si Kol at Enzo, as usual...

Naglalakad na kami papunta sa classroom namin nang may isang motor na biglang umandar at huminto sa saktong harap namin.

"Oh, sino naman 'to?" tanong ni Theon.

"Aba, malay ko..." sagot naman ni Keij.

"Ilan ba may Ducati dito sa school?" tanong ulit ni Theon.

Hinubad ng lalaki ang helmet na suot at ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko si Ian. Ngumiti siya sa akin.

"Good morning, Cherinna," bati niya sa akin. "Good morning din sa inyo," sabi niya sa mga kasama ko.

"Hi, Ian..." sabi ni Aly na pasimple akong itinutulak.

"Morning din..." tipid na sabi ko. Tumingin akong muli kay Ian.

Bakit ang gwapo niya sa simpleng white t-shirt? Medyo magulo pa ang buhok nito dahil sa pagkakaalis ng helmet nito kanina.

"Guys, tara na. May mga klase pa tayo!" biglang sabi ni Aly sabay hawak kay Theon at Keij.

"Mamaya pa klase ko," sabi naman ni Keij dito.

"Maki-seat in ka sa amin!" asik ni Aly dito bago kami nilingon ni Ian. "Ingatan mo yang kakambal ko, ha?" malakas na sabi nito bago patuloy na hinihila si Theon at Keij. Nakasunod naman sakanila si Lean.

"Ang cute din ng kakambal mo, ha?" natatawang sabi ni Ian sa akin.

"Lahat nalang ba, sinasabihan mo ng cute?" hindi ko mapigilang mapaismid.

Pinagkrus nito ang dalawang kamay sa may dibdib habang nakatingin sa akin at ngumiti. "Nagseselos ka ba?" tila natutuwa pang tanong nito sa akin.

"Ewan ko sayo, papasok na ako..." inirapan ko nalang siya at naglakad na pero hinawakan niya ang braso ko.

"Don't be. Ikaw naman 'yung gusto ko, eh. Ikaw 'yung nililigawan ko..." muli siyang ngumiti sa akin. May lumapit sakanyang lalaki at may binigay siyang susi doon.

Muli siyang humarap sa akin at ngumiti.

"Ang cute mo talaga. Tara na?" pinisil niya ang ilong ko bago ako hinawakan sa braso at inakay papunta sa classroom namin.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 465 8
Anya and Grae. Marriage is sacred. It is the combination of two people who are deeply in love with each other. Anya and Grae have been together for y...
5K 507 15
After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to his bride-to-be, only to learn that she ha...
42.3K 1K 57
Ciudad de Escalante Series 1/8 Being an illegitimate daughter didn't hamper Klevoreign Carvajal's chance to experience a well-lived life until everyt...
7.7M 34.2K 12
Vince De Salvo's story