Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-5-

93.2K 2.4K 555
By vampiremims


NAMIMIGAT ang mga matang nagmulat ako kinabukasan. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw dahil hindi din naman ako makapuwesto ng maayos dahil kay Aly at Lean. Dalawang kama na ang pinagdikit namin pero parang kulang na kulang pa sakanilang dalawa iyon. Ilang beses din akong naitulak ni Aly at nalaglag sa kama. Hindi na ako magtataka kung makikita kong may mga pasa ang siko ko at tuhod dahil doon.

"Good morning."

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Kol na nakaupo sa dulo ng kama habang nakatingin sa akin.

"Kol!" napaupo ako at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi ko. Agad ko ring sinipat ang gilid ng mga mata ko.

"Ngayon alam ko na kung bakit..." nakatitig siya sa akin bago umiiling na tumayo. "Huh?" tanong ko sakanya. Hindi ko maiwasang mapahikab. Inaantok pa din ako.

"Aly told us you're still sleeping. Puyat na puyat ka ata. Papasa ka ng panda sa eye bags mo..." sabi nito bago naglakad papalabas ng kwarto namin. "Umakyat lang ako para gisingin ka. It's almost 11 am..."

"What?" nanlaki ang mga mata ko bago inabot ang cellphone ko na nasa may gilid lang ng kama na naroon.

11:13 am.

"Shit..." mahinang sabi ko bago ibinalik ang phone ko sa pinaglalagyan at muling humiga. Nilingon ko si Kol na nakatingin lang sa akin. "Bakit hindi niyo ako ginising?" tanong ko sakanya.

Nagkibit-balikat lang siya bago lumabas ng kwarto.

Itinakip ko sa mata ko at nagbilang ng hanggang sampu bago bumangon na. Kumuha ako ng damit sa gamit ko nang mapansin ko ang isang bagong bag na naroon. Mukhang narito na sila Ate Caryl.

Nagpunta nalang ako sa banyo at naligo. Siguro'y mas tama na sabihin kay Jahann at Enzo mamaya na huwag ng painumin ang dalawa. Hindi naman sila ang hindi nakakatulog ng maayos, eh. Nagtu-toothbrush na ako nang mapatingin ako sa sarili ko.

Wala sa loob na hinawakan ko ang noo ko.

Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa ang labi niya sa noo ko.

That's weird.

Sa mga nababasa kong kwento, mas tamang maramdaman ang labi ng lalaki kung sa labi ka din niya hinalikan. Normal bang kahit sa noo lang ako hinalikan ni Ian, hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Umiling-iling nalang ako para mawala ang iniisip ko. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at lumabas na din sa kwarto namin.

Nakarinig ako ng ingay sa may living room ng bahay na naroon kaya naman doon na ako dumiretso. Naabutan kong naroon si Theon, Keij, Aly, Lean, Ate Caryl, Kuya Kiro at Kol.

"Good morning," bati ko sakanila. Naglingunan naman sila sa akin.

"Oh, buti gising ka na?" sabi ni Keij sa akin. "Akala namin, matutulog ka na maghapon, eh..." dagdag pa nito. Umupo ako sa tabi niya at inirapan siya.

"Papapasukin ko na sana si Ian sa kwarto natin para halikan ka, eh..." natatawa namang sabi ni Aly sa akin.

"Baliw ka talaga," sabi ko sakanya. "Nasaan pala si Jahann at Enzo?" tanong ko sakanila. Hindi ko sila nakitang kasama nila dito sa living room.

"Cooking," si Ate Caryl ang sumagot sa akin. Tumango-tango nalang ako. Maya-maya'y lumabas si Jahann sa kusina na may dalang isang mug na umuusok pa. Dumiretso siya sa akin at inabot ang hawak niya.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango at nagpasalamat sakanya. Ginulo niya ang buhok ko kaya agad ko namang iniwas ang ulo ko sakanya. "Jahann..." saway ko dito. Ngumiti lang siya sa akin.

"After lunch, labas tayo?" aya ni Theon sa amin. Sumang-ayon naman ang karamihan. Si Kol ay hindi naman sila kinibo. Nagpaplano sila kung saan pwedeng magpunta mamaya. Hindi na ako nakisali sa kanila dahil alam ko namang hihilahin din ako ni Aly kung saan man kami pupunta.

Nakaupo si Jahann sa may gilid ng couch at nakapatong ang braso sa may balikat ko. Nakapatong naman ang braso ko sa may hita niya habang nakikinig sakanila.

"Jahann, gusto ko din ng hot chocolate..." sabi ni Aly kay Jahann. Ngumiti pa ito na tila naglalambing. Natawa nalang ako. Lagi nalang siyang ganyan kay Jahann kapag may pinapakiusap siya.

Huminga ng malalim si Jahann bago tumango. "Fine. I'll make you one..." sabi nito bago umalis sa tabi ko.

"Jahann, ako din!" sabi ni Lean dito. Natawa naman ako. Ayaw pa naman ni Jahann ng inuutusan siya.

"Ikaw, Ate Caryl, baka gusto mo rin?" tanong nito kay Ate Caryl bago magpunta sa kusina. "Sige, Jahann. Thank you!" sagot ni Ate Caryl dito.

"Jahann, kami, di mo igagawa?" tanong ni Keij dito bago ako inakbayan.

"May paa ka. Tumayo ka diyan," sabi ni Jahann bago tumalikod at nagpunta sa kusina. Hndi ko naman mapigilang matawa ulit.

"Bagay talaga silang magkakasama nila Kol at Enzo..." sabi ni Keij sa akin.

"Tigilan mo kaya ang pantitrip sakanila para hindi ka nila sinusungitan?" sabi naman ni Lean kay Keij.

"Ikaw nga, kahit hindi ka pinagtitripan, masungit ka, eh..." sagot naman ni Theon dito.

"I am sure kung nandito si Kuya Cloud, lahat tayo mananahimik..." natatawang sabi ni Ate Caryl. Katabi nito si Kuya Kiro.

"Kung nandito naman 'yon, malamang kaharap lang 'non 'yung laptop niya at negosyo pa din ang inaasikaso," sagot ni Kuya Kiro kay Ate Caryl. Mas close si Kuya Kiro kay Kuya Cloud dahil na din kay Tita Stephanie at Tita Cristine. Bata pa lang daw kasi ay lagi na itong magkakasama sa SD. Si Theon din naman ay madalas na naroon pero simula nang dumating sila Keij at Kol, mas sila ni Keij ang nagkasundo.

"Para namang kapag ikaw ang busy sa pagpe-paint mo, naiistorbo ka..." sabi naman ni Ate Caryl kay Kuya Kiro.

"Hindi ka naman istorbo kaya okay lang kung ikaw..." ngumiti ito sakanya.

"Bagay talaga kayo..." nakangiting sabi ni Aly. Ngumiti lang si Ate Caryl sakanya.

Maya-maya'y bumalik na si Jahann. May hawak itong tray na may lamang tatlong mug at inabot sa tatlong babae at umupo na muli sa tabi ko.

"Mamimitas ba ng strawberry mamaya?" tanong ni Theon sa amin. Halata namang naexcite sila Aly at Lean sa ideyang iyon.

"Good morning, Ian!"

Natigilan ako nang biglang may binati si Aly. Agad kong nilingon ang likod ko at naroon nga si Ian at nakatayo. Simple lang ang puting shirt at jeans na suot nito. Naka-cap din ito ng black. Napaayos ako ng upo matapos kong ibalik sa mga kasama ko ang tingin ko.

"I'm Alyanna. Cherinna's twin sister..." tumayo pa si Aly at lumapit kay Ian.

"Aly!" saway ko dito ngunit tila hindi naman niya ako narinig.

"Hi," tipid na bati ni Ian dito.

"That's Theon, our cousin. Si Keij, pinsan din namin," pakilala niya sa dalawang katabi ko. "Here's Ate Caryl, our sister by heart and also Lean, pinsan siya ni Keij..." tuloy-tuloy lamang ito sa pagpapakilala. "Ito naman si Kuya Kiro, brother by heart namin, and this is Kol, Keij's twin brother..." ayaw magpaawat ni Aly sa pagpapakilala.

"The guy reading a book last night's Enzo, Lean's twin brother, and..." lumapit ito kay Jahann. "This is our brother Jahann..." Aly smiled widely.

Napayuko nalang ako sa ginagawa ni Aly.

"Guys, this is Ian, Cherinna's classmate and—"

"Aly..." putol ni Jahann sa sinasabi ng kakambal ko. Nilingon naman ni Aly si Jahann. "And the owner of the house..." ngumiting muli si Aly.

"Hi, nice to meet you," nakangiting sabi ni Ate Caryl dito.

"Nice to meet you, too..." sagot ni Ian dito. Nakayuko lang ako at pinagmamasdan ang laman ng mug ko. Parang gusto kong kainin nalang ako ng couch dahil sa kahihiyan.

"It's nice meeting you all, but I have to go. May pupuntahan kasi ako, eh..." sabi ni Ian sa amin.Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sa akin lang siya nakatingin.

"It's okay, no worries..." si Aly ang sumagot dito.

"Ingat ka, p're..." sabi ni Keij dito.

"Thanks..." tipid namang sabi ni Ian dito. Nakayuko pa din ako at hindi nag-aangat ng tingin.

"Cherinna..." tawag niya sa akin. Napaangat ako ng tingin sakanya. Nararamdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. "Ha? Bakit?" tanong ko sakanya.

"Thank you for staying with me last night," ngumiti siya sa akin bago nagpaalam na at lumabas ng bahay.

"Oh my gosh! What is that, Cherinna Alecksia? Ano 'yon?!" pinanlakihan ako ng mata ni Aly. "Ano 'yung staying with me last night na 'yon?" halatang kinikilig ito habang nagtatanong.

"Magkasama kayo kagabi?" tanong naman ni Lean sa akin.

"Kaya ka ba napuyat ng husto?" tanong naman ni Kol bago ko pa masagot si Lean.

"No!" agad kong sagot sakanya. "I was cleaning last night, then nagising siya, bumaba siya, ayun lang 'yon!" sabi ko sakanila.

"I doubt it, Cherinna..." maging si Ate Caryl ay nakisali na sa pang-aasar nila. I just sighed.

"Kaya nga, Ate Caryl. Tapos ang gwapo pa ni Ian, diba? Bagay sila nitong ni Kambal!" masiglang sabi ni Aly. Napailing nalang ako.

"Aly, define gwapo?" tanong ni Keij dito.

"Definitely not you..." inirapan ito ni Aly.

"Tapos 'yun gwapo, wow ha? Salamat pinsan..." sarkastikong tugon ni Keij dito.

"Gwapo naman talaga si Ian. Bagay sila ni Cherinna..." muling sabi ni Aly.

"Aly, stop it..." saway ko sa kakambal ko. Mukhang hindi na naman niya ako titigilan sa kaka-Ian niya. "Nagugutom na ako. Pwede na bang kumain?" bumaling ako kay Jahann.

"Yeah," tipid na sabi niya bago tumayo.

"Kain na tayo, guys..." aya ko sakanila bago tumayo na din at sumunod kay Jahann.

"Twin, hindi pa tayo tapos, no!" sumunod na din si Aly sa akin at maging ang iba pa naming kasama. Naabutan naman namin si Enzo na naghahain na ng pagkain namin.

"Thanks, Enzo..." sabi ko sakanya bago naupo. Tumango lang ito sa akin.

Nagsiupo na ang lahat at katabi ko si Lean at Aly kaya naman habang kumakain kami ay inuungkat pa din nila si Ian sa akin.

"Mamaya niyo na nga pag-usapan 'yung Ian na 'yun, kumain na muna kayo..." sabi ni Keij sa dalawang katabi ko. "Nandito naman kami, kung sino-sino pang pinag-uusapan niyo. Hindi pa ba kami sapat sa inyo?" dagdag pang tanong ni Keij.

"Ang drama mo naman..." inirapan nalang ito ni Aly. Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain. Hindi na din muna kumibo ang dalawang katabi ko pero sinabihan ako ni Aly na hindi pa din kami tapos.

Knowing Aly, hindi naman talaga kami matatapos sa usaping Ian.

"Ako nalang maghuhugas," pagpiprisinta ko. Tanghali na din naman ako nagising kaya naisip kong pambawi nalang iyon. Isa pa, para makaiwas sa interogasyon nila Aly sa akin.

"I'll help you," sabi ni Kol sa akin. Tumango nalang ako sakanya. Mas mapapabilis naman kung tutulong si Kol sa akin kaya matapos kumain ay ako na ang naglinis ng lamesa.

"I'll wash it, just wipe it later," sabi ni Kol bago sinimulang hugasan ang mga baso. Huminga ako ng malalim bago sumandal at pinagmasdan ang ginagawa nito.

Nasa may sala na ulit ang mga kasama namin at nagkukwentuhan. Pagtapos namin ni Kol ay tsaka kami lalabas para mag-ikot-ikot na muna.

"Can I ask you?" tanong ni Kol sa akin matapos ang nakakabinging katahimikan. Tinignan ko naman siya bago ako tumango. "Yeah, sure. Ano 'yun?" sabi ko sakanya.

"Do you like Ian?" diretsong tanong niya sa akin bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Ha?" hindi ko inaasahan ang tanong niya sa akin. Kung tutuusin naman kasi ay walang pakialam si Kol sa love life ng kung sino man sa amin. Protective lang talaga sila sa aming lahat, maging kay Ate Caryl kahit hindi namin siya kamag-anak.

"Do you like him?" muling tanong ni Kol sa akin. Ni hindi man lang ata nito naramdaman na nagulat ako sa tanong niya. Inulit pa talaga.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" pilit akong tumawa. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Kol, he's just my classmate, okay?" sabi ko dito. Hindi ko naman alam kung seryoso si Ian nung sinabi niya sa akin na liligawan niya ako. Limang araw pa lang kaming magkakilala.

I admit, ngayon lang din ako nakaramdam ng kakaiba para sa isang tao.

Laging mga pinsan ko at kapatid ko ang nakapaligid sa akin. Noong high school kami at may nanligaw sa akin at nalaman nila Keij, kinabukasan, hindi na nagparamdam sa akin 'yung lalaki. Wala namang kaso sa akin 'yon dahil wala naman akong nararamdaman para 'dun.

Si Drew Taggart talaga ang gusto ko, eh.

But now...

I really don't know. Para kasing maaga pa para sabihin kong gusto ko si Ian. Siguro ay crush ko lang siya. Hindi ko talaga alam kung anong itatawag ko sa nararamdaman ko para sakanya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya.

"It's obvious, you like him..." sabi ni Kol bago inabot sa akin ang huling pinggan na pupunasan ko. Napatingin ako sakanya.

Napailing nalang ito bago tumingin sa akin. "Tapusin mo na 'yan para makaalis tayo..." sabi niya sa akin bago naunang lumabas ng kusina. Lumabas na din naman ako matapos kong punasan lahat ng plato at ayusin iyon.

"Let's go na?" aya ni Aly sa amin. "Twin, here's your wallet and phone," inabot sa akin ni Aly iyon at hinawakan na ang braso ko para lumabas.

"Jahann, sabay mo na sa'yo si Kol at Enzo. Sa sasakyan ko na sila Aly, Lean at Cherinna. Si Ate Caryl at Kuya Kiro ang magkasama sa sasakyan nila, eh..." sabi ni Theon bago binuksan ang sasakyan nito.

"Sige," iyon lamang ang sinabi ni Jahann at nagpunta na sa sasakyan nito. Nakatingin lang ako dito. Nakita ko si Kol na may sinabi dito pero umiling lang si Jahann dito. Ano kayang mangyayari sa loob ng sasakyan ni Jahann ngayong nagsama-sama silang tatlo doon?

"Tara na, Che..." aya ni Lean sa akin na nauna ng sumakay sa sasakyan ni Theon. Sumunod na ako at sumunod na din si Aly.

"Aly, look!" biglang sabi ni Lean sa tabi ko. Ipinakita nito ang phone kay Aly. "Ang gwapo ni Kevyn talaga!" kinikilig na sabi ni Lean.

Hindi ko talaga kilala si Kevyn. Maybe I should ask my dad about him.

"Ang alam ko may bago siyang gagawing project, eh. Sasabihan ko si Dad kung pwede tayong mag-visit sa set nila..." sabi naman ni Aly dito.

"Sino ba 'yang Kevyn na 'yan?" tanong ni Theon sa kanilang dalawa.

I feel you, Theon.

"Taga-bundok ka ba? Hindi mo siya kilala? Nagkalat nga ang billboards niya sa Edsa, eh..." sabi naman ni Lean.

"Ano namang pakialam namin sa billboard sa Edsa?" tanong ni Keij na nakasuot pa ng shades habang nagmamaneho.

"Ewan ko sa inyo, lumabas kasi kayo sa mga lungga niyo," sabi ni Lean bago sumandal ulit at nagscroll na sa IG nito.

"May lovelife ba si Jahann?" tanong ni Lean bigla sa amin.

"Wala," sagot ko. Iyon naman ang alam ko. Wala naman siyang dinadala sa bahay na babae.

"Eh, kanino niya ibibigay 'to?" tanong ni Lean sa amin ni Aly. Ipinakita niya din ang phone niya sa amin.

It was picture of a ring.

Yours.

Iyon lang ang caption ng picture.

"Baka kay Iris?" sabi ni Aly. Ngumiti ito. "In denial lang talaga 'yang si Jahann. Lagi ba namang pinupuntahan ni Iris sa studio 'yon. May dalang kung ano-ano, ewan ko nalang kung hindi magustuhan ni Jahann 'yun..." natatawang sabi ni Aly.

Si Iris?

"Okay lang sa inyo na mag-girlfriend na si Jahann?" tanong ulit ni Lean sa amin. Nilingon ko siya. "Wala—"

"Okay lang pero mas magandang huwag muna talaga..." putol ni Aly sa sasabihin ko. "Mahahati ang atensyon ni Jahann, eh..." dagdag pa nito.

"We're here, guys..." biglang sabi ni Theon sa amin. Ni hindi namin namalayan ang biyahe. Matapos magpark ng sasakyan ay bumaba na kaming lahat.

Mukhang maling desisyon na nag-blouse lang ako at jeans. Hindi ko akalain na malamig pala. Sana kinuha na din ako ni Aly ng jacket.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Keij kay Ate Caryl. Sila pala ang nagyaya na mamasyal doon. Para kaming nasa isang bazaar. Sa lahat nalang ng pinupuntahan namin, hindi pwedeng wala kaming pupuntahang ganito para mamili ng souvenirs.

"Mamimili..." nakangiting sagot nito bago nag-aya na papunta sa mga tindahan na naroon.

Sumunod nalang din ako. Nasa likod ko ang iba pa naming kasama.

"Sino 'yung pagbibigyan mo ng singsing, Jahann?" narinig kong tanong ni Theon sa kapatid ko. Hindi naman ako lumingon pero nakikinig lang ako sakanila.

"What ring?" tanong naman nito.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla akong paharapin ni Theon. "Ano nga 'yung pinag-uusapan niyo kanina, Cherinna?" tanong ni Theon sa akin. "Yung singsing na ibibigay ni Jahann sa girlfriend niya..."

Nakatingin sa akin si Jahann. "Ah. 'Yung post mo. Nakita kasi ni Lean. For Iris, right?" sabi ko sakanya bago ako ngumiti. Hindi naman siya nagsalita.

"Dude, walang masama mag-girlfriend. Gamit ka lang proteksyon, ha?" natatawang sabi ni Theon bago tinapik ang balikat ni Jahann.

"Tigilan mo nga ako," sabi naman ni Jahann dito. Iiling-iling lang na nauna pang maglakad papalayo sa amin si Jahann at tumingin-tingin nalang din sa mga naroon.

Siguro'y pinaglihi talaga ni Mommy si Jahann kay Daddy.

Sumunod nalang din ako sakanila habang nagtitingin-tingin ng kung ano-anong naroon. May mga pagkain, damit, accessories at kung ano-ano pang tinda ang naroon.

May nakita akong isang necklace doon na dream catcher ang design ng pendant kaya dinampot ko iyon pero may kasabay akong dumampot noon kaya naman agad ko siyang tinignan.

"Ian?" nabitawan ko ang necklace.

Ngumiti siya sa akin.

"Konti nalang, maniniwala na ako sa destiny..." sabi niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita. Bakit ba kung nasaan kami, nandon din siya?

"Do you like this?" tanong niya sa akin. Itinaas niya pa ang necklace para ipakita sa akin.

"No, sige sa'yo na..." sabi ko sakanya.

"Pero bibilhin ko 'yan para sa'yo..." ngumiti siyang muli bago itinanong ang presyo ng kwintas na iyon at binayaran.

"Pagbalik nalang natin sa Manila kita bibilhan ng mas mahal..." sabi niya sa akin bago kinuha ang kamay ko. Ang buong akala ko ay ibibigay niya sa akin ang kwintas pero hinila lang pala niya ako para patalikurin sakanya. Naramdaman kong isinuot niya sa akin ang kwintas.

"This is just a reminder of what I said... it has nothing to do the with dream catcher, though. I just want you to know that I am falling so please, catch me. If that's okay with you..." mahinang sabi niya sa akin. Nararamdaman kong malapit lang ang labi niya sa tenga ko.

Napayuko nalang ako at huminga ng malalim.

Nakayuko pa rin ako nang humarap ako sakanya.

"Pupuntahan ko lang ang mga pinsan ko..." sabi ko sakanya. Nagiging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko. Tumango lang siya sa akin. "See you, later..." pahabol niya pang sabi bago ako naglakad papalayo.

Naglakad-lakad nalang ako para hanapin sila Aly. Nagtext na din ako sakanila kung nasaan sila. Kung hindi sila nagreply, pwede namang bumalik nalang ako sa sasakyan ni Theon.

Habang naghihintay sa reply ni Aly, may nakita akong tindahan na nagpepersonalize ng bracelet. Sa palagay ko'y hindi din mahal iyon, pero natuwa lang ako na pwedeng ipersonalize iyon.

Nagtanong ako kung pwedeng magpagawa ng bracelet na lalagyan ng pangalan, nag-oo naman sa akin ang nagbabantay sa tindahan kaya naman nagpagawa ako ng sa amin ni Jahann. Ayaw ni Aly na nagsusuot ng ganoon kaya naman iba nalang siguro ang bibilhin ko para sakanya.

"Thank you..." ngumiti ako sa lalaki nang maibigay niya na sa akin iyon. Nagbayad nalang din ako at naglakad-lakad na ulit.

"Nasaan na ba sila?" tinignan ko ulit ang phone ko pero wala naman akong signal.

Luminga-linga ako.

Kapag sumigaw kaya ako, makikita nila ako?

Giniginaw na din ako. Hindi man ganon kanipis ang suot ko, malamig pa din dahil karamihan sa mga tao na naroon ay nakasuot ng jacket.

Napahinto ako sa paglalakad nang nakita ko na naman si Ian. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang suot na jacket sa akin.

"Wag mong kakalimutan ang jacket mo kung maglalakad-lakad ka dito..." sabi ni Ian sa akin.

"No, wag na..."

"I insist. Halatang giniginaw ka na..." pamimilit nito. Hinawakan nito ang kamay ko para ibigay ang jacket niya sa akin.

"Hands off..."

Sabay kaming napalingon ni Ian nang may magsalita. Nakita ko si Jahann na seryoso ang mukha na nakatingin sa amin.

"Jahann..."

Naglakad siya papalapit sa amin at hinawakan ang braso ko bago tumingin kay Ian. "Keep your hands off her. Tsaka mo na hawakan yung kapatid ko kapag may karapatan ka na..."

Ngumiti lang ng tipid si Ian. "Noted," sabi pa nito.

"Let's go..." sabi niya sa akin bago ako hinila papalayo kay Ian.

"Jahann..." tawag ko sakanya. Mabilis ang lakad niya kaya naman napapatakbo ako. "Wait, bibili ako ng jacket..." sabi ko sakanya pagkatapos ay pilit siyang pinatigil.

Nilingon naman niya ako bago napatingala. Hinubad niya ang jacket niya at ibinigay sa akin.

"Okay na?" sarkastikong tanong niya sa akin.

Ngumiti nalang ako at lumapit sakanya. Sinuot ko ang jacket niya at pumuwesto sa harap niya. "Okay na..."

Hindi pa din siya ngumiti sa akin.

"Give me your hand..." sabi ko sakanya. Hindi naman siya kumilos kaya napasimangot ako. Inabot ko nalang ang kamay niya at isinuot ang bracelet na pinagawa ko.

Tinignan niya iyon.

"Because you're the best brother in the whole universe..." ngumiti ako sakanya bago ikinawit ang braso sa braso niya at naglakad na pabalik sa mga kasama namin.

Bigla namang nagring ang phone ni Jahann. Kinuha niya iyon at nakita ko kung sino ang tumatawag.

Si Iris.

Ngumiti ako sakanya. "Sagutin mo na..." sabi ko bago ako bumitaw sakanya at nagpunta kina Aly na namimili pa din.

Maybe Jahann needs someone like our mom.

And maybe that's Iris.

Napahinto ako nang magvibrate ang cellphone ko at nakita kong may message galing kay Ian.

Ian:

Magkakaroon din ako ng karapatan hawakan ka. Soon, Cherinna. Soon.

Napabuntong-hininga nalang ako bago ngumiti at inilagay na ulit sa bulsa ang phone ko.

Yeah, maybe soon.

Bahala na.

Continue Reading

You'll Also Like

24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
15.7K 980 28
WARNING: THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SCENES THAT SOME READERS MAY FIND DISTURBING AND/OR TRIGGERING. READ AT YOUR OWN RISK. ♦ Story description ♦ S...
111K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
205K 3.9K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...