Marry You

By pinkyjhewelii

21M 304K 51K

│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano More

MARRY YOU
Chapter 1 ♥ Meet Yumiko
Chapter 2 ♥ Meet Mr. Cold
Chapter 3 ♥ First Meeting
Chapter 4 ♥ Kiss Stealer
Chapter 5 ♥ Ipis
Chapter 6 ♥ Bar
Chapter 7 ♥ Meet Enrique
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 ♥ My Fault
Chapter 44 ♥ Cry
Chapter 45 ♥ End
MUST READ

Chapter 20

457K 7.1K 748
By pinkyjhewelii

Yumiko POV

Andito kami sa salas ni James. Movie marathon. Boring kasi. Buti nga walang lakad si James. At least nasamahan nya ako.

"Reid naman! You're so sungit talaga ever!"

Sabay kaming napalingon ni James sa main door dahil sa narinig naming boses ng babae.

Si Lance at..

Yun ba yung kapatid nilang babae?

"Stop it Fancy!" Sigaw ni Lance. As usual seryosong seryoso ang fiance kong magaling.

"Problema nyo?" Tumayo na si James saka sinalubong sina Lance. "Hi Fancy!"

"Patrick! Dito kana nakatira sa mansyon?" Amazed na tanong ni Fancy.

Na-OP naman ako sa magkakapatid. Nanonood lang ako sa kanila.

"Wag ka nga. James itawag mo sakin!" Reklamo ni James.

"I want Patrick! Okay? Look. Si Reid. Ayaw nya akong bilihan ng new car! Mygolly naman, I'm not a kid anymore. I can drive na naman."

Anong klaseng kapatid meron ang mga 'to? Maarte pa yata sakin 'to. Psh.

"Bro bilihan mo na yan. Baka magbigti pa eh." Natatawang sabi ni James. Loko talaga.

"No. You should be responsible first! Ayusin mo pag-aaral mo. Kababae mong tao, dinaig mo pa lalaki sa dami ng kalokohan mo!" Seryoso si Lance. Gumagana ang pagka-Kuya nya.

Hello? May tao dito? Di nila ako napapansin?

"Psh. You're so damot Reid!" Nakasimangot na si Fancy. Ang ganda nya sana at ang cute kaso ang arte nya magsalita. Nakakairita. Ang sakit sa tainga.

"Nga pala, Fancy pakilala kita sa fiance ko." sabi bigla ni James.

Seriously James?

"You have fiance na Patrick? Ohmy! You're so bata pa kaya! I thought si Reid ang may fiance?"

Pakana ni James.

Nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Lance at hinawakan ako sa braso dahilan para mapatayo ako. "She's Yumiko Hayashi, my fiance. Yumiko, si Fancy bunsong kapatid namin."

I smiled at her. "Hi Fancy!" Medyo lame yung pagbati ko sa kanya. Kasi ang awkward ng feeling. Si Lance kasi.

"So you're my brother's fiance. Yeah, he's right. You're beautiful, sexy and so fashionable. Pero hindi kayo bagay ni Reid."

Sinabi ni Lance na maganda at sexy ako?

Pero anong sabi ng Fancy na yan? Di kami bagay? Pigilan nyo ko!

"Fancy." Si Lance.

"Why? I'm telling the truth lang naman. Hello? I don't want girls who are so tahimik. Parang ang hinhin mo. I want talkative like me. Errr!"

Malapit nako mapuno. Ako daw tahimik? Wow. Baka si Lance ang tahimik. Psh

"Fancy tama na yan. Dimo pa nakikilala ng lubos si Yumi."

"Why patrick? Pinagtatanggol mo sya? I'm gonna cry na. Reid oh.."

Umiinit dugo ko. Nagpipigil nalang ako pero konti nalang talaga.

"Fancy go to your room." Utos ni Lance.

"Psh. Wait lang Reid. Hey patrick, you said you have fiance. Where is she?"

"Si Yumiko ang sinasabi kong fiance ko." Sagot ni James.

"WHAT? So you're telling me na dalawa kayo ni Reid na papakasalan sya? Omygolly!" Pag-iinarte ni Fancy saka tumingin sakin. "Yumiko right? How dare you na kanyanin ang handsome brothers ko? You want mega sakal?"

"Pwede ba? Manahimik kana? Nakakabingi ka. Nakakairita ang boses mo! Psh. Hindi ko kinakanya ang mga kapatid mo, okay? Gusto mo isaksak mo sa baga mo. At anong sabi mo kanina? Ayaw mo sakin kasi tahimik ako? Now you will see gaano ako kataray at kaingay!"

Mas ngumiti pa si Fancy.

What the hell. Akala nila diko yan papatulan? Psh.

"You're so mainit agad ang head. Grrr. So you are mataray pala? Well, magkakasundo tayo. Sige tanggap na kita. I want you for my brother. You can choose naman sa kanila. But If I were you? I better choose Patrick nalang kasi Reid is super sungit."

Yung totoo? Anong klaseng utak meron itong si Fancy? Kanina lang ayaw sakin at tinarayan ako tapos ngayon biglang gusto ako? At magkakasundo kami? God! Masisiraan ako ng ulo sa babaeng 'to!

"Shut up Fancy. Go to your room or else.." Si Lance nagbabanta na.

"Okay. Calm down! I'm going to my kwarto na to take a rest. Just tell to yaya 'yung baked mac ko pakidala sa kwarto." Sabi ni Fancy saka tumingin sakin. "Yumiko, let's talk later nalang ha? I have lot of secrets about Reid. So be ready. Handsome brothers, bye."

"She's so irritating!" Sigaw ni lance pagkaakyat ni Fancy sa hagdan.

"Lakas tama talaga ng kapatid natin na yun Bro. Sabi ko naman sayo Yumi triple ng ugali ko yun. Haha."

Natuwa pa si James. Kahit ako medyo nairita. Ayoko yung way ng pagsasaita nya. Promise! Nabobobo ako.

"Yumiko let's talk."

For what? Bigla bigla nalang nag-e-entada ng salita si Lance. Diba nag-usap na kami at wala na kaming pakialamanan for real? Problema nitong si Lance.

"Let's go." Hinila nako ni Lance pero nakaharang agad si James.

"Anong ginagawa mo Bro?"

"Mag-uusap kami kaya back off!" Hala. Seryoso si Lance.

"May dapat ba kayong pag-usapan? I think wala na." Sabi ni James.

Naramdaman ko yung paghigpit ng hawak ni Lance sa kamay ko. Galit ako sa kanya pero ewan ko bakit ako kinikilig. Aish.

"Yumiko, better tell him the truth para hindi na sya umastang ganyan." Seryosong sabi ni James.

Anong sinasabi nya? Wala akong idea. "Huh?"

"Diba boyfriend mo nako? Sinagot mo na ako diba? Nag-kiss pa nga tayo at nag-hug."

What the hell is happening to James. Di ako maka-react. Nakadilat lang mata ko kay James.

"Totoo ba yun?" Kalmadong tanong ni Lance.

Hindi ako makasagot.

"TOTOO BA YUN?????!"

Di ako makasalita. Pagdating kay Lance nawawala ang katarayan ko.

Sasagot pa sana ako ng sumingit na naman si James. "Wag mo syang sisigawan Bro. Ako makakalaban mo."

Hala bakit ang seryoso nila? Si James, di naman totoo yun ah.

"Wag ka munang makialam. Mag-uusap kami ni Yumiko." Seryosong sabi ni Lance. May pagbabanta sa boses nya kaya ayun si James naiwan sa salas. Hila-hila nako ni Lance pataas.

Maya-maya nakarating kami dito sa kwarto ni Lance. Pagpasok namin...

Lance hugged me. I didn't expect this.

Mas humigpit pa ang yakap ni Lance sakin. Naka-freeze lang ako.

"Yumiko.."

Bakit ba kasi. "W-Why?"

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin pero nakahawak sya sa magkabilang balikat ko habang magkaharap kami.

"Tell me. Totoo ba yung sinabi ni James?"

Seriously? Sineryoso nya yun?

Lance smiled. I saw it. Ohmy. What's happening?

"Really? Hindi totoong kayo na? Hindi totoong nagkiss kayo? Nag-hug?"

Umiling ulit ako bilang sagot.

As always, he kissed me again. Softly. And as always, I respond on his kisses. Mahal ko ang lalaking 'to kahit gusto ko na syang kalimutan at iwan.

Then he stopped. "Yumiko.."

"W-What?"

"Sorry sa pagsigaw ko sayo the last time na nag-usap tayo. Na-realize ko na dapat inaalagaan kita ngayon sa halip na iba ang umaalalay sayo. Damn, makita ko lang na nakangiti ka kay James, nangigigil nako sa galit. Gusto ko sakin kalang ngumiti. Sakin lang please..."

Nanggigilid luha ko. Kasi naman bakit ganon? Bakit biglang ganito si Lance? Bakit ang bait nya? Ang sweet nya at ang kalmado nya? Gayunpaman, masaya ako sa sinasabi nya. Masaya ako. Masaya sobra.

Maiwasan ko pa kaya si Lance? Kakalimutan ko pa ba ang nararamdaman ko para sa kanya?

"A-Anong nakain mo?"

"Nakain ko? Pride ko. Nilunok ko na lahat ng pride. Ayoko ng magalit sayo. Ayoko ng sungitan ka. Ayoko ng... saktan ka."

Tumulo na luha ko. Bakit sa isang iglap naging ganito si Lance? It was my first time to talk to him like this. He's so serious. Kung tutuusin, dapat maging masaya ako. Pero ewan ko, parang may mabigat sa loob ko.

He hug me again. "Ssshhh. Don't cry."

Lalo akong naiyak. Kasi naman. Nag-iba na si Lance. Parang bait na nya.

"L-Lance.."

"Why?"

"B-Bakit..."

"Stop asking me why. Okay? Ang mahalaga, hindi na kita susungitan. Sorry."

He even said sorry? Ohmy. Hindi sya si Lance. Parang sinapian yata 'tong lalaki na'to.

Kumalas ulit ng yakap si Lance sakin then kissed my forehead. "You better take a rest. Masakit pa ba braso mo? Mahapdi pa?"

Waa. Naiiyak ako sa treatment ngayon ni Lance. Bakit ang bait at sweet nya? Can anyone explain it to me?

Lance POV

Pinagpapahinga ko na si Yumiko. Hindi naman ako nagtataka na ganitong reactions makita ko sa kanya.

Nasanay syang sinusungitan ko sya at cold ako sa kanya. Ngayon iba na pakikitungo ko sa kanya.

*flashback*

Naghahanda ako dito sa kwarto ko. Si fancy kasi darating galing Paris kaya kailangan kong sunduin yun.

May kumatok sa pinto.

"Pasok!" Sigaw ko.

Si James pala. Ano problema nyan?

"Oh?" Tanong ko.

"Saan punta mo?"

"Susunduin ko sa airport si Fancy."

"Pauwi na sya?"

"Kaya ko nga susunduin eh. Edi pauwi na nga. Alangang sunduin ko ng hindi pa pauwi."

Tch. Nakakabobo tanong eh. Nagiging pilosopo ako ng wala sa oras.

"Bro.."

Malamya si James. Iba eh. Anong nangyari? "Why?"

"I decided to court Yumiko."

Liligawan nya si Yumiko? "What did you say?"

"Liligawan ko si Yumiko. Tutal wala ka naman pakialam sa kanya diba? Lagi mo lang syang sinasaktan at pinapaiyak. Alam mo bang mahal ka na ni Yumiko?"

What? Ako? Mahal na ni Yumiko. "How could you say that?"

"Dahil nag-uusap kami. I was the one who's on her side whenever she needed someone. Sakin sya naglalabas ng sama ng loob. Mahal ka nya pero alam mo bang pipigilan na nya nararamdaman nya sayo? Kasi sobra kana Bro. Binabalewala mo sya."

Didn't expect to hear those words. Yumiko loves me. "Ganito nako..."

"Hindi Bro. Mali yan. Hindi dahilan yung ganyan kana. Alam mo problema sayo? Yung pride mo! Masyadong mataas. Lampas langit na nga eh. Subukan mo lunukin pride mo, sinisiguro ko sayong sasaya kayo ni Yumi. Pareho lang naman kasi kayo ng nararamdaman. Hindi ko lang kayo maintindihan kung bakit kailangan nyong mag-deny. Tch."

Tinamaan ako sa sinabi ni James. Lahat ng sinabi nya awtomatikong pumasok sa puso't isip ko.

"I'm warning you Bro. Kung hindi mo pa din kayang alagaan ang fiance mo, aagawin ko sya sayo. I can make her fall for me. I can even talk to her na ako ang piliin nyang maging fiance. Kaya kung ayaw mong mawala sayo si Yumiko, habang maaga pa magbago kana. Wag mong hintayin ang araw na si Yumiko mismo, lumayo na sayo." Pagkasabi nyon ni James lumabas na sya sa kwarto.

*end of flashback*

Malinaw na malinaw sakin sinabi nya. Iisipin ko palang na sya na magiging fiance ni Yumi, gusto ko na pumatay eh. Malay ko. Tch.

Sinubukan ko pang balewalain sinabi ni James. Kanina nung habang nasa kotse kami ni Fancy pauwi dito sa mansyon, pilit kong sinasabing wala nako pakialam sa kanya. Wala na.

Pero kanina, nung sinubukan ni James na ipakilala si Yumiko kay Fancy as his fiance, nagflashback lahat ng sinabi ni James kaninang umaga.

Tch. I can't afford to lose her. Oo tama naman. Gusto ko si Yumi. Ma-pride lang talaga ako.

"Lance.."

Gulung-gulo pa din si Yumiko. Because of my treatment. Kahit sino maguguluhan. Kahit ako. Ganito ba nagagawa ng LOVE?

"Magpahinga ka na." Sabi ko.

"Why the sudden change Lance?"

Umiling ako. Natahimik ako sa tanong na yun. Kaya ko bang aminin sa kanya ang nararamdaman ko?

"You can't answer me? Sana lang panindigan mo'to Lance. Ayokong ngayon okay ka sakin tapos bigla mo na naman akong susungitan. Dahil 'pag nangyari pa yun? I'm telling you. I will choose James over you."

Tch. Wala akong nagawa kundi halikan sya. Ayokong sinasabi nya na mas pipiliin nya si James. Ayoko. Ayoko. Tch.

She respond on my kisses. I love the feeling while kissing her.

"You better take a rest. At oo nga pala, sorry sa inasal ng kapatid ko."

Kakaiba talaga ugali ng babaeng yun. Tch. Sakit sa ulo. Pati siya sinabihan si Yumi na mas piliin si James. Tch. Parang papayag ako.

"Okay." She answered me coldly.

I kissed her again pero smack lang. "Don't act like that. Please be normal? I already apologized." Sabi ko.

Inalalayan ko syang umupo dito sa kama ko. "Dito kana magpahinga para pag may kailangan ka, andito lang ako."

Tumango lang sya tapos nahiga na sa kama. Mukhang pagod sya. Hindi na tumanggi eh. Sa napansin ko parang kumikirot yata braso nya. Napapangiwi sya kanina. Hindi ko nalang sinasabi pero pansin na pansin ko.

Naninibago ako sa sarili ko. Ganito pala feeling ng mabait? Ganito pala feeling ng hindi ka cold sa isang tao? I can't believe it na nagawa kong baguhin sarili ko sa loob ng isang araw dahil kay Yumiko.

Gusto ko talaga si Yumiko. Yun ang totoo. At ayokong mapunta sya sa iba. Enough for my pride.

James POV

Andito pa din ako sa salas. Sana naman ayos na yung dalawang mahilig mag-deny na yun. Tch.

Ginagawa ko naman lahat para ipa-realize kay Lance na dapat nyang alagaan si Yumi. Hindi na tama yung ginagawa nyang pambabalewala.

Kinausap ko na siya kaninang umaga bago siya umalis para sunduin si Fancy sa airport. At kanina, sinubukan ko ulit siya kaya pinakilala ko si Yumi na fiance ko. Dahil alam ko namang magseselos yun. Sana lang effective ang ginagawa ko.

Dumagdag pa ang kapatid namin na isa pang makulit at pasaway. Hindi ko man sila matagal na nakasama ni Lance, aware ako sa kalokohan ng kapatid namin. Aabangan ko na ang mga gagawin ni Fancy kina Lance at Yumiko.

Alam ko, hindi palalampasin ni Fancy ang dalawang yun.

*evil smile*

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 74.1K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
72.2K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...