The Last Moon Keeper (Great E...

By midnightangelixx

80.1K 4K 300

What if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- In Hemia's world, there were once seve... More

-
Illustrations
Map
Chapter 1: The Moon Feast
Chapter 2: The Successor
Chapter 3: A Hundred Flower Graves
Chapter 4: Bakunawa, The Moon-Eater
Chapter 5: The Girl with No Luck
Chapter 6: A Mischief Deal
Chapter 7: Escape
Chapter 8: Rain of Arrows
Chapter 9: A Stage for Betrayal
Chapter 10: The Five Phases
Chapter 12: To the Province of Cavay
Chapter 13: The Missing Blacksmith
Chapter 14: Ten Water Strings
Chapter 15: The Night of Submerging
Chapter 16: A No-Holds-Barred Match
Chapter 17: Underwater Vertigo
Chapter 18: A Hand-Carved History
Chapter 19: Tambanokano, The Giant Crab
Chapter 20: Black Pearled Poison
Chapter 21: The Berserk State
Chapter 22: Those Who Stayed
Chapter 23: Death Zone
Chapter 24: Welcome to the Capitol
Chapter 25: The Little Sage
Chapter 26: Lawin's Test
Chapter 27: Yin and Yang
Chapter 28: Immaterial Dimensions
Chapter 29: A Call for Surrender
Chapter 30: A Brewing Storm
Chapter 31: Mark of Ownership
Chapter 32: The Mad Emperor
Chapter 33: A New Member
Chapter 34: Midnight Warmth
Chapter 35: A Moon-Eater's Promise
Chapter 36: Mayhem in the Fog
Chapter 37: A Knock From the Past
Chapter 38: The Ritual
Chapter 39: Last Ones Out
Chapter 40: Confrontation
Chapter 41: Red Hibiscus
Chapter 42: The Choice
Chapter 43: Rapture
Chapter 44: The Guide
Chapter 45: Gods and Goddesses
Chapter 46: Rampage
Chapter 47: Wrecking Havoc
Chapter 48: Endless Contradiction
Chapter 49: Sinister News
Chapter 50: Downfall
Chapter 51: Defanged
Chapter 52: The Laughing General
Chapter 53: Unparalled Fury
Chapter 54: Deep Slumber
Chapter 55: Perplexing Truth
Chapter 56: A Gnarly Mission
Chapter 57: Path to Tread
Chapter 58: After Dark
Chapter 59: Distant Memory
Chapter 60: Great Eclipse
Chapter 61: Shattered Moonlight
Chapter 62: Night Filled with Flowers
Epilogue
Acknowledgement

Chapter 11: A Chicken Versus A Swan

2.3K 141 5
By midnightangelixx

Chapter 11: A Chicken Versus A Swan

Naghahabol ang hininga kong tinignan si Eleya nang matapos akong sumayaw.

I know it's not perfect, but I did my best with just a few days of training.

Hindi ko alam pero parang mas kinakabahan pa ako sa magiging hatol niya kaysa sa duwelo namin ni Malari bukas.

"A-ano sa tingin mo?" tanong ko nang hindi siya magsalita.

Seryoso niya lang akong tinitigan hanggang sa itaas niya ang kamay niya.

A thumbs up.

Namilog ang mga mata ko at dali-dali siyang nilapitan para yakapin ng mahigpit.

"Salamat, Eleya! Maraming salamat talaga," walang masidlan ang tuwa na sabi ko sa kaniya.

All my hardships were worth it.

"B-Binibining Hemia, masyado pong mahigpit, ay!" natatawa naman niyang sabi kaya mabilis akong napalayo sa kaniya.

"Maraming salamat talaga," pag-uulit ko at nakangiti naman siyang tumango.

"Alam ko pong magagawa niyo ito, ay. Ang kailangan niyo na lang pong gawin ay ang manalo bukas," sabi niya.

"Syempre naman! Bukas, ako ang mananalo," I declared with confidence.

"Isang payo lang po mula sa taong nakakakilala kay Dayang Liwa, ay. Mukha mang hindi siya makabasag pinggan, pero kapag siya ay nakipaglaban, wala siyang pinapalampas."

Well, I already knew that.

Panigurado akong may tinatagong kademonyitahan ang babaeng iyon.

"Mayroon lamang po akong nais pang sabihin sa inyo. . . " nabigla ako nang makitang hawak-hawak niya 'yong bali kong espada na gawa sa kahoy saka ibinigay 'yon sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa seryosong ekspresyon niya, "Ano iyon?"

"Narinig niyo na ba po ba iyong tungkol sa mga taong nagpapalamon sa kanilang galit at nawawala sa kanilang sarili, ay?"

Natigilan ako.

She took a sharp breath and her brown eyes stared through me.

"Lahat po ng tao ay may tinatagong halimaw na katauhan, at kumakawala lamang iyon tuwing tayo'y nagagalit, ay."

"Anong . . . ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Isang epektibo at pinagbabawal na pamamaraan upang pansamantalang lumakas ang iyong dungan. Iyon ay ang poot, Binibining Hemia."

Hindi ako nakapagsalita.

Poot?

Hinawakan niya ang isang balikat at marahan 'yong tinapik, "Isa lamang iyong payo kung kayo'y nasa kagipitan, ay. Huwag niyo po sanang masyadong seryosohin."

Napatawa siya sa sarili.

"Napanood ko po kung gaano kayo naging determinado sa inyong pagsasanay sa nakaraang mga linggo, ay. Kaya naman po ngayong natutunan mo na ang limang yugto, kahit ano ay kaya mo ng gawin at isa na roon ay ang gumawa ng sarili mong sayaw na ikaw lamang ang nakakaalam."

Dahil doon, dahan-dahang sumilay muli ang ngiti sa labi ko.

"Naniniwala po ako sa inyo, Binibining Hemia," dagdag pa niya.

The overwhelming feeling of achieving something filled my heart, and someone believing that I can do it beside myself is so strange.

Dahil doon ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko na kaagad na ikinabahala ni Eleya.

"B-Binibining Hemia?! Bakit po kayo umiiyak, ay?!" tanong niya at mabilis na pinahiran ang luha ko gamit ang manggas ng kimono niya.

Napatawa na lang ako.

"Habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang ginawa mong pagtulong sa akin, Eleya. Maraming salamat."

"Hay nako, mas mabuti pa pong magpahinga na kayo, ay. Hahatiran ko na lamang po kayo ng pagkain maya-maya," sabi niya.

Sumang-ayon naman ako at nagpaalam na sa kaniya para pumunta sa sarili kong silid.

Mas mabuti ngang makabawi ako ng lakas ngayon para bukas. Kelangan ko ring mag-isip ng plano kung paano ko matatalo si Liwa.

Natigil na lang ako sa pag-iisip at paglalakad nang bigla kong mamataan ang isang matangkad na lalaking pagewang-gewang na naglalakad sa gitna ng pasilyo.

Nalukot agad ang mukha ko nang makilala 'yon.

Bakunawa.

Kung minamalas ka nga naman talaga oh.

Halos dalawang linggo ko ring hindi nakita ang nakakasulasok niyang mukha. Ni hindi nga man lang niya ako kinamusta sa pagsasanay ko tapos ngayong araw bago ang duwelo pa talaga siya magpapakita.

Habang nagpapakahirap akong magsanay, ito naman siya at nagsasaya.

Tatalikod na lang sana ako para sa iba dumaan pero nasa direksyon niya kasi 'yong silid na tinutuluyan ko. Kainis talaga!

Dahil mukhang lasing na lasing naman siya at hindi pa naman niya ako namumukhaan ay balak kong pasimple na lang na maglalakad ng hindi niya napapansin saka mala-ninja na papasok sa loob ng silid.

Iyon ang nasa isip ko.

Pero ang kupal ay huminto rin sa paglalakad, napasandal sa mismong pintuan ng kwarto ko, nagpadausdos doon at naupo. Nakayuko ang ulo niya habang may hawak-hawak paring lagayan ng alak na mukhang wala ng laman.

Inis na lang akong napasabunot sa buhok ko saka padabog na naglakad papalapit sa kaniya.

Kaagad naman siyang nag-angat ng ulo nang maramdaman niya ang presensya ko. Tumingala siya at bumungad sa akin iyong mukha niyang pulang-pula at ang mga mata niyang sobra ring naniningkit dahil sa kalasingan.

"Oh, Hemia. Ikaw pala," bati niya sa akin, while grinning widely like a fool.

"Umalis ka nga diyan. Papasok ako sa loob," saway ko at sinipa ang binti niya.

"Aray ah!" pagalit na daing niya.

"Umalis ka sabi."

"Bakit mo ba ako pinapaalis? Dito lang ako," pagpupumilit niya.

Napapikit ako ng mariin at humugot ng pasensya.

I reach for his arm and pulled him up. Dahil nagpapabigat pa ang siraulo ay nahirapan ako.

Nang makatayo na siya sa wakas ay walang anu-ano naman niyang ibinagsak 'yong ulo niya sa balikat ko.

"Ano bang---"

"Hindi ako lasing," pagpuputol niya sa akin kaya pagak akong natawa.

"Hindi ko tinatanong," asar na sumbat ko pabalik saka pilit na inaalis 'yong ulo niya hanggang sa ibinalot niya na rin 'yong mga braso niya sa bewang ko payakap.

Nanigas ang buong katawan ko.

"H-hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" singhal ko sa kaniya.

"Hindi nga ako lasing," pag-uulit niya at isiniksik pa talaga 'yong mukha niya sa leeg ko, dahilan para maramdaman ko 'yong mainit niyang hininga sa balat ko na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko.

Dahil doon ay malakas ko siyang nilapirot sa tagiliran kaya mabilis siyang napalayo sa akin at napadaing sa sakit.

"Bakit ka ba nananakit?!" inis na tanong niya habang nakahawak sa tagiliran niya.

"Talagang mas masakit pa diyan ang magagawa ko sa'yo kapag lumapit ka pa uli sa akin," muling singhal ko sa kaniya saka dali-daling pumasok sa silid ko at binalibag pasara ang pinto.

But then he started knocking at the door like a madman. Kulang na lang ay gibain niya na 'yong pinto kaya naman nagtitimpi ko 'yong binuksan uli.

Napatigil sa ere 'yong kamay niya sa pagkatok at parang tangang napangiti uli nang makita ako.

"Pwede bang huwag kang mambulabog ng tao?!"

"Bakit ka muna galit? Galit ka ba, Hemia?" tanong niya habang namumungay parin ang mga mata niya.

Natigilan naman ako roon.

"Oo, galit na galit ako. Kaya umalis ka na sa harapan ko," sabi ko.

"Patingin nga," ngiti naman niya kaya inis ko siyang itinulak nang akmang papasok siya sa loob.

"Ano ba, Bakunawa!" nagtagis ang mga ngipin ko.

"Patawad."

Teka, nabibingi na ba ako?

"Ha?"

He tipped his head to the side and pouted like a helpless puppy, "Ha?"

Hindi ko alam na pati pala isang dragong katulad niya ay tinatamaan ng alak. Ang sarap niyang sakalin, grabe.

"Matulog ka na sa kwarto mo. Kailangan ko ng magpahinga," sabi ko saka muli siyang pinagsarhan ng pinto sa mukha.

Humiga na ako agad sa kama ko at sinamaan ng tingin 'yong nakasaradong pintuan.

***

Inayos ko pababa ang suot kong lumang salakot bago tuluyang binuksan ang pintuan ng bulwagan. Nakita kong halos nando'n na ang lahat ng tao na manonood para sa magiging duwelo ngayong araw.

Sunod-sunod silang napalingon sa akin pagkapasok.

Kaagad ko namang naramdam ang makapigil hiningang tensyon na namumuo sa paligid. Sa sobrang tahimik ay maririnig maski ang paghulog ng isang maliit na karayom.

From the look of their faces, alam kong malaki ang paniniwala nilang matatalo ako. Nobody in here believes that I could win and that made my blood boil in excitement.

Napansin kong tinakpan din nila ang lahat ng bintana sa paligid kaya naman ang liwanag sa apoy ng mga torch na nakapalibot sa buong bulwagan ang tanging nagsisilbi naming ilaw.

They really took their time on their preparation.

Nakita ko naman sa dulo ng bulwagan si Liwa na nakasuot ng puting kimono at naghihintay sa akin. She's holding a white scabbard, probably with her sword.

Nagtuloy ako sa paglalakad papalapit sa kaniya at huminto nang makarating sa itinakdang pwesto, a few feet away from her.

I guess this is it.

"Ngayong araw ay ang duwelo sa pagitan ng dalawang magigiting na mandirigma, si Dayang Liwa at Binibining Hemia, ay," pagsisimula ni Apolyo, ang punong-pinuno.

Nakatayo siya sa entablado kasama si Bakunawa at nang magtama ang mga mata namin ay ni isang reaksyon ay wala akong natanggap mula sa kaniya.

Mukhang hindi niya maalala lahat ng pinaggagawa niya kahapon.

Well, it's not like I took his sudden apology seriously.

"At kung sinuman ang mananalo sa inyong dalawa ay siyang magsusuot ng kwintas at ang siyang magmamana ng kapangyarihan ng ika-pitong moon-keeper," dagdag pa ng punong-pinuno at ipinakita 'yong hawak-hawak niyang kwintas.

Naikuyom ko na lang ang mga palad ko at napatitig doon.

"Nawa'y manatiling maging matalas ang inyong mga armas at ang inyong lakas ay hindi matinag."

Pareho kaming bahagyang napayukod ni Malari sa isa't isa. Our eyes immediately locked then we both backed away from each other.

Naningkit ang mga mata ni Liwa nang bigla niyang makita ang hawak ko.

"Hindi mo ba kailangan ng totoong espada, ay?" tanong niya.

Napangisi naman ako saka mas humigpit ang pagkakahawak ko sa bali kong espadang gawa sa kahoy.

"Hindi na kailangan. Ito ang pinakamalakas kong armas," sagot ko sa kaniya.

She heaved a sigh then drew her sword with grace, the blade made a hissing whisper as it was removed from the sheathe.

Her movements are like water, calculated and soft. Hindi makabasag-pinggan, ika nga ni Eleya. Her posture exuded elegance and a bewitching beauty which were enough to mesmerize and captivate anyone. She's the epitome of a goddess of beauty.

But I already learned my lesson to never underestimate someone like her.

If she is a swan, what am I? Could be a mere chicken?

Nanatiling magkadugtong ang mga tingin namin ng walang kumukurap, hinihintay kung sinuman ang puputol nito.

"Umpisahan niyo na ang laban," Apolyo signaled.

Mabilis kaming sumugod sa isa't isa, both our swords clashed with each other.

Liwa could be blindingly fast, at kapag nasimulan niya na ito ay wala ng makakapigil pa sa kaniya.

So I stayed on offensive.

Tuloy-tuloy ang mabilis kong mga pag-atake sa kaniya at hindi ko siya binigyan ng tsansa na umatake pabalik.

I controlled my breath and steadied my mind so I wouldn't tire out easily.

Wind phase. . .

Nang maramdaman ko ang unti-unting pagtaas ng temperatura ng aking katawan, I deflected her sword and did a roundhouse kick to her head.

Pero mabilis niya rin 'yong nasangga gamit ang espada niya at dahil hindi niya 'yon naasahan ay bahagya siyang napaatras.

Fire phase . . .

As I felt my dungan building up from my core, droplets of sweat flew from my forehead every time I move.

We're now five minutes in our duel at pareho na kaming naghahabol ng aming mga hininga. Pero wala ni isa sa amin ang may balak na huminto

Kahit papaano ay pumapasok na rin ang mga atake ni Liwa kaya naman ay nang maramdaman ko ang paghapdi ng braso ko ay alam kong sandali 'yong nahagip ng espada niya.

She finally drew blood from me.

Pero isa lang ang napansin ko.

Like Eleya, she's dancing.

And I fully knows what dance that is.

Hindi ako makapaniwala. She is underestimating me by using a beginner dance technique to defeat me.

Gano'n ba kababa ang tingin nila sa isang katulad ko?

Sunod-sunod kong nasangga ang mga atake niya at hindi ko napigilang mapangisi habang nagngingitngit ang mga ngipin.

"Right foot, spin, upper-cut slash," I muttered while predicting her next move.

Nang masangga kong muli ang espada niya ay mas lumapad ang ngisi ko at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

"Paanong . . .?"

"Hindi mo ako matatalo gamit ang sayaw na 'yan, Liwa. Ngayon, panoorin mo ako," wika ko saka mabilis na tumakbo papunta sa pader ng bulwagan.

I immediately jumped aside, saka tila nakadikit ang mga paa kong tumakbo paitaas sa pader. I propelled and kicked my body, bago umikot sa ere na parang tubig.

Water and Earth phase. .

Sinubukang harangin ni Liwa ang atake ko ngunit malakas lang na tumalsik ang kaniyang espada papalayo.

At bago pa siya makaiwas ay nahagip na ng espada kong gawa sa kahoy ang sentido niya.

Metal phase.

She snapped backward.

Sa isang iglap, bumagsak ang katawan niya sa likuran ko bago pa man ako tuluyang makalapag sa sahig, crouching like a cat.

Walang nakaimik.

Tanging ang malakas na paghinga ko lang ang maririnig sa paligid.

If I used a real sword, I could have beheaded her.

Ni hindi pa nga lumalagpas ng sampung minuto ang duwelo namin.

Dahan-dahan akong napatayo at nilingon si Liwa na walang malay na nakabulagta sa maluwag na sahig ng bulwagan.

By witnessing her refined movements, alam kong mas mahihirapan ko siyang matalo if ever she saw me as an equal opponent.

Mahina na lang akong napaismid saka napabaling sa entablado kung nasaan si Bakunawa.

Hindi man lang siya nagulat sa resulta ng duwelo at sa halip ay seryoso siyang nakahalukipkip habang sinasalubong ang mga mata ko.

I won, you bastard.

Continue Reading

You'll Also Like

139K 4.5K 66
How can I hate it? When all of my family are having fun and love it? First Publish: March 20, 2016 End: July 8, 2016
46.8K 2.8K 41
WATTYS 2022 WINNER (FANTASY CATEGORY) First Avenue In San Ferro hospital where affected babies are confined on the same day due to the widespread occ...
112K 3.9K 35
Fantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakat...
214K 4.7K 20
Hoping for a brand new start, Kate Eris Morfei enthusiastically enrolls at Allison Academy- a special yet mysterious school she just heard from gossi...