One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 11

428 14 0
By eye_you

Page 11

Talk

*****

"What's going on?"

Ambilis lumipas ng araw. Dumating na yung araw ng kasal ni Jeremy at eto kami. Busy sa venue. May iba pang wedding preparation kami na ginagawa pero mauuna na itong matapos.

Mabuti naman. Hindi ko na kaya pang tagalan ang ugali ng unggoy na yun eh. Umiiwas na lang ako na magkaroon ng alone moment na kasama siya dahil sa totoo lang....kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Unggoy na yun! Nagkapera lang akala mo na kung sino!!! Hmf!

"Ano yun?"    Nilingon ko si Wena.

Nakatingin kasi ako sa mga taong dumadating. Nasa one hundred plus din ang invites nila. Garden wedding na traditional pa rin naman ang theme. Simple lang ang preparation.

"Kayo ni Henry?"       Wika ni Wena.        "Anong meron sa inyo ni Henry?"

Napangiwi ako.

Speaking of Henry.  Nasaan na yunTss. Sabi niya ka-date ko siya ngayon tapos wala naman siya. Kung unggoy yung Ex ko, kupal naman 'tong Henry na ito! Hmf! Hanggang salita lang pala wala naman palang gawa.

Matapos yung naganap na pakikinig niya sa usapan namin ni Jeremy ay hindi ko pa nakikita si Henry. Busy yata. Sa mga babae niya. Pero alam ko lagi niyang kausap si Wena. Hindi ko kasi pinapansin ang tawag niya. Umiiwas na nga ako pero nangungulit pa.

Naalala ko bigla yung huli naming pag uusap.

"Ihahatid na kita."      

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Nagpatuloy lang yung ulan sa maghapon kaya nag photo shoot na lang kami sa loob ng resort at inireschedule yung sa labas. Nagkataon naman na affiliated sa M.E. Group of Companies ang resort at kilala rito si Henry. Ayun. Hindi kami nahirapan na magpare schedule.

"Ayoko."   Tanggi ko.

Napatingin tuloy sa amin si Wena.

"I insist Milca."       Pangungulit pa ni Henry.

Eh, ayaw ko nga kasi naiirita pa ako sa kanya. Tss. Kung pwede lang na iwan ko na siya dito eh, nagawa ko na kanina pa!

"Malakas ang ulan Milca. Sumabay ka na kay Henry."      Ani Wena. May sundo kasi siyang boyfriend niya

"Sige ka. Kapag hindi ka pa sumabay aabutan ka na ng madaling araw sa daan."       Wika ni Henry.

"Hahanapin ka ni Thea."    Wika ni Wena.

Bigla kong naisip ang anak ko. Oo nga pala. Baka hindi yun makatulog. Tsk.

Napatingin ako kay Henry na nasa tabi ko. Nakatingin lang din siya sa akin at ng nilingon ko siya ay ngumiti siya agad.

Tsk. Bakit ba kasi sa kanya pa ako pwedeng sumabay. Paano ko ba toh maiiwasan??!

Nang umalis sina Wena ay napilitan na akong sumabay kay Henry. Eh, kami na lang ang naiwan roon. Hindi nakaligtas sa tingin ko ang ngisi niya habang palulan kami ng kanyang sasakyan. Gusto ko tuloy umatras sa desisyon ko.

"Seatbelt babe."      Aniya.

Mabilis ko siyang tinapunan ng masamang tingin.     "Babe ka ng babe dyan!! 'Di naman kita boyfriend."

Natawa naman siya.     "Well sa paningin nila, Oo."    Sabay nguso sa labas ng kotse

Sinundan ko ng tingin yung nginuso niya tapos nakita ko sina Jeremy at yung girlfriend nito na nakatayo sa entrance at nakatingin sa pwesto namin

Sumalsal ang tibok ng aking puso. Hindi ko malaman kung anong dapat kong ikilos sa pagkakataong iyon.

Napapitlag ako sa pwesto ng lumapit sa akin si Henry. Nagtama ang aming mga tingin at nablanko na ang utak ko

Magkahinang ang aming mga tingin. Dama ko ang mabilis na pintig ng aking puso para itong sasabog o lalabas mula sa dibdib ko sa sobrang kabog.

Biglang may tumunog na parang lockNgumisi si Henry at umatras mula sa akin. Saka ko napansin na nakaseat belt na ako.

"Tss. Hindi daw apektado."    Tuya niya sa akin.

Napaawang ako ng labi.

I swear, nangapal ang magkabila kong pisngi sa sobrang init at pagkapahiya.

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa labas ng kotse. Parang narinig ko pa na tumawa si Henry pero hindi ko pinansin

Hindi ako nagpahatid sa bahay. Nagpababa ako sa terminal ng dyip na sakayan papunta sa amin.

"Ayaw mo ba talagang magpahatid sa akin hanggang sa inyo?"       Seryoso niya akong nilingon. Naka stop na ang sasakyan at natanggal ko na ang seatbelt. 

"Kaya ko na."     Malamig kong wika.

"Bakit ayaw mo?"

Umiling ako.    "Ayoko."

Bubuksan ko na sana ang pinto nang muli siyang magsalita.

"May itinatago ka sa akin." 

Napahinto ako at nilingon siya. Seryoso ang mukha niya pati mga mata. Nakadama ako bigla ng takot at kaba.

"May itinatago ka kaya ayaw mo---"

"Aalis na ako. Salamat sa paghatid."     Mabilis kong sabi saka binuksan ang pinto.

It keeps bothering me. Bakit ba parang nakabantay sa akin si Henry? Natatakot ako at nababahala sa pagiging malapit niya sa akin. Siguro curious lang siya pero hindi eh..... Baka....baka....

Buntung hininga.

"Lagi ka na lang ganyan. Kapag tinatanong kita ng tungkol kay Henry nananahimik ka. Unfair."

"Walang anuman sa amin ni Henry."

"Yan din ang sabi mo noon eh. Pero tignan mo. Tapos na yung project natin sa kanila pero nandyan pa rin siya. Hindi kaya..... Type ka niya?"

"Ano 'ko? Keyboard? Tinatype?"      Napangiwi ako.

"Pilosopo lang?"     Natawa naman siya.       "Pero hindi nga? May gusto yata siya sa yo eh. Pero panu yun? Eh... Ano siya....."

"Playboy siya Wena."     deretso kong sabi.      "Playboy siya at alam natin yan. Kung may gusto siya sa akin malamang gusto niya lang akong isama sa listahan niya ng mga babae. Hindi ako ganun. Hindi ako papayag."

Sandali kaming natahimik. Nakatitig sa akin si Wena na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Grabe ka."      Nailing siya.       "Paano kung serious pala?"

"Hindi. Imposible."       Iling ko.

"Tss. Basta. Feeling ko may kakaiba sa kilos ni Henry at sa kilos mo."   

"Pati ako?"     Baghadyang nanlake ang mga mata ko.  

"Oo. Lalo ka na."     Aniya.

Inismiran niya ako after. Napanguso naman ako.

Ang weird ko nga yata nitong mga nagdaang araw.  Lalo na nang magbalik kami mula sa Isla Catalina. Kasi naman..…

Hay naku! 

Nag start na yung wedding at naging abala na kami. Hindi ko namalayan ang oras at matapos ang seremonya ng kasal at deretso reception na ito dahil naroon na na din ang kainan. Naging maayos naman ang lahat. Eventually. Hanggang sa...

Napansin ko yung kumosyon sa bandang bungad na entrance ng garden. May nagkukumpulang mga kadalagahan roon. Mga bisita at kasama sa entourage.

Nilapitan ko si Wena at kinalabit.    "Wena?"

"Oh?    

Napakunot noo ako ng makita ang malapad na ngiti sa labi ni Wena.      "Anong meron?"

"May dumating."    Aniya.       "Hindi ka na dapat magulat dahil in expect mo na siya."

"Hah? Sino?"

Nagkibit balikat siya then napatingin uli ako roon sa entrance. Nahawi yung mga nagkukumpulang tao tapos ay unti unting lumutang sa paningin ko ang isang pamilyar na tao. 

Napaawang ako ng labi.

Ngumiti siya nang mapunta sa amin ang kanyang tingin. Humakbang siyang papalapit, hindi na pinansin yung mga nakasunod sa kanya na guests.

"Ang gwapo niya talaga."      Narinig kong wika ni Wena. Mahina lamang ang pagkakasabi niya, pigil sa lakas para hindi marinig ng iba.      "Makikipagpustahan ako sa 'yo, Milca."

"Hah?!"     Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa paparating.

"Makikipagpustahan ako na hindi lilipas ang linggo na ito, magtatapat ng feelings yan sa'yo."

Kumalabog bigla ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"Believe me..."      Aniya.      "He's into you."

Sasagot sana ako kaya lang biglang.….

"Hi!"     

Hindi na ako nakaimik. Nasa harapan ko na kasi siya kaya nanatili na lang akong tulala sa mukha niya.

"Hi Henry. Late ka ah."       Boses ni Wena.

"Sorry."      Ngumiti siya at nanatili din ang tingin sa akin.      "Hinintay mo ba ako babe?"  

Babe?!

Kumurap kurap ako ng mga mata.     Ako ba yun?

Mahinang binunggo ako ni Wena sa braso saka ako tuluyang nahimasmasan.  

"Ah!"     Agad akong umiwas ng tingin.      "Busy pala ako. See you later."      Saka ako tumalikod at umalis.

Tsk! What is happening to me? It's not like may nabago sa mukha niya ahPero, kainis! Natulala talaga ako.

Ibang iba kasi ang dating niya. Nakasuot siya ng long sleeve polo shirt na kulay baby pink. Nakatuck in sa itim na fitted  slacks then black shoes. Palagi naman siyang nakaganyan pero usually ay puti pero....pero...... Iba ang aura niya ngayon. Iba....

"Hey wait!"    

Napahinto ako dahil bigla niya akong hinawakan sa wrist at hinila pahinto. Napapihit akong paharap sa kanya. 

"Milca?"  

"Hah?"     Nagtama ang aming mga tingin. Napasinghap ako ng wala sa oras.

"Bakit aalis ka kaagad? Ito naman...."        Ngumiti siya.       "Galit ka ba dahil nalate ako? Sorry na, babe. Galing akong meeting. Gusto ko sanang ihatid ka dito pero urgent kasi yun kaya ngayon lang ako."

Hah?! What? Bakit nagpapaliwanag na toh sa kin ngayon?

Mabuti na lang at nasa malayo kami sa marami. Hindi nila naririnig ang anumang pinag uusapan namin. Bakit nga ba kasi ako biglang umalis? Tss.

"Sandali..."      Sansala ko sa kanya. Hinawi ko ang kamay niyang nakapigil sa palapulsuhan ko at kunot noong hinarap siya.        "Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo ah!"

"Eh----"

"Atsaka hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? Hindi din naman kita in expect na darating." 

Kita ko ang biglang pag-fade ng ngiti sa kanyang labi. Para namang may kirot akong nadama sa dibdib. 

"Talaga?"     Mabigat sa loob niyang sabi.      "Hindi mo ko hinihintay? Hindi mo ako namiss kahit ilang araw tayong hindi nagkita?"

Napasinghap ako at mariing napatikom ng labi.

"Hindi mo ako namiss kahit konti? Kahit... Saglit lang? Hindi mo ako naalala?"

Sandali kaming natahimik. Magkatitigan lamang kami. Unti unti kong nadarama ang pag akyat ng init sa magkabila kong pisngi. May kilabot din akong nadama.

"A--ano bang pinagsasabi mo?"  

Marahas siyang napabuga ng hangin.    "Tss. Excited pa naman akong pumunta dito at makita ka. Yun pala---"

Hindi na ako nagsalita. May sudden guilt akong nadama. Bakit ganun?

"Hindi ko akalaing ganyan ka pala. Tsk."      Umiling siya at umiwas ng tingin. Tumagilid siya ng tayo paiwas sa akin.      "Sige. Kung ganun naman palang hindi mo talaga ako namiss. Aalis na lang ako."

"Hah?"    Napamaang ako sa gulat.

"Magpapaalam lang ako kay Wena."    Aniya pa in gloomy face. Saka siya umakmang tatalikuran ako.

Automatic na umangat ang kamay ko hinawakan ko siya sa braso. Napahinto tuloy siya at napatingin sa kamay ko.

Agad nag-init ang mukha ko. Parang napapasong inalis ko yung kamay ko at napaatras.       "So--sorry."        Sabay singhap.

Nag-angat siya ng tingin at umarko ang mga kilay.   

"A--I--mean...."       Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko. Kainis naman.      "Ba-bakit ka ba nandito? Invited ka ba?"

Napanguso siya saka nagkibit balikat.     "I invited myself then."  

Napangiwi ako. 

Tinalikuran na niya ako at humakbang paalis. Sinundan ko siya tingin hanggang sa makalapit siya kay Wena na kasalukuyang kausap yung bagong mag-asawa.

Tss. Nagtampo yata.

Nagpaka-busy na lang ako sa trabaho. Nakita ko lang na magkasama sina Wena at Henry. Mukhang nag-eenjoy na nga si Wena sa company nito kaya nakalimutan ng nasa trabaho kami.

Hays!

"Magandang hapon."     Narinig kong bati ng MC sa tapat ng hawak na microphone. May make-shift stage din kasi kami na sinet up para sa kasal kanina at para na rin sa program ng sa reception. So far so good naman ang nagaganap. Walang aberya maliban sa konting delay sa mga bisita. Well, ganyan talaga.

Naroon pa rin sa program namin ang cutting of cake, yung champange toasts pati na rin ang bridal bouquet throw. Inabangan nang marami ang huling part pati na rin yung sa garter. Mabuti na lang at game magparticipate ang lahat.

"Mapalad tayong lahat dahil mayroon tayong bisita na magpapaunlak ng isang stage performance para sa ating bagong mag-asawa. Sikat siya sa mga kadalagahan ngayon."

"Hah? Sino yung sinasabi niya?"    Bulong ko. Mabilis kong hinagilap ng tingin yung line up ng program. Wala namang nabago.  Sino?

Bago pa ako makareact uli ay tinawag na ng MC uyung tinutukoy niya na guest. Nagulat ako nang makita na si Henry iyon.

"What the hell?"      Bulong kong muli. Nakatingin ako sa kanya habang nasa malayo.

Malakas na palakpakan ang narinig ko mula sa lahat.

"First, i'd like to congratulate the newly wed. Actually, i'm not a friend of any of them pero since nandito naman ang special someone ko, at mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang isa sa kinasal. It'll be an honor to me to dedicate a song for the new wedded couple."     He flashed his smile and everyone, maliban sa mga tunay na lalake, ang kinilig. Kahit ako ay pinag initan ng mukha. Tsk. That smile.      "Para rin ito sa lahat at lalo na sa kanya."

Tapos, pumunta siya sa gitna ng stage at inabot sa kanya nung MC yung violin.

Saan nanggaling yung violin?

Anyway. Natuon ang pansin ng lahat kay Henry. Pati ako. Natigilan na sa pwesto ko.

He played Beauty and Madness.

"I didn't expect him to be here."       Narinig kong wika ng isang guests nang magpunta ako sa restroom. Nasa bukana pa lang ako ng pinto papasok at dinig ko na ang boses ng kung sino man yan. Hindi tuloy ako nakapasok kasi nahiya ako. Tumayo ako sa gilid at napasandal sa pader.

"Sht! Friend, ang gwapo nya at ang galing pang mag  violin. Crush ko na talaga siya!!"   Anang isa pang boses.

"I heard that he's here dahil isa sa guests ang girlfriend niya. Sino kaya?"

"Swerte niya ah!"

Tss. Girlfriend his face! Lahat naman gusto nung girlfriend-in. Kahit yata poste na damitan ng pambabae papatulan nun.

Napanguso naman ako.

"Babe, anong ginagawa mo dyan?"

"AYY !! PUSO KO!"    Automatic akong napatalon sa pwesto dahil sa gulat. Paglingon ko ay nakita ko ang nakangising si Henry.

Lumapit pa siya sa akin. Kinabahan tuloy ako. 

"Wa-wala!"

Umarko ang mga kilay niya at mataman akong tinignan.

"Bakit ganyan kang makatingin?"       Medyo tinarayan ko na siya.

Humakbang pa siya tapos ay bigla niyang itinukod sa pader ang isang kamay at parang kinokorner ako. Napasinghap ako sa gulat.

"How was it?"

"A--alin?"    Tsk. MilcaStop stammering!

"My performance? Did you like it?" 

"Hah?"      Sandali akong natigilan.  

"Nagustuhan mo ba? I dedicated it for you. Hindi ba nakakakilig?"

Hah?! What? Me?

Napakunot noo ako.

"Tss. Hindi mo na naman na appreciate ang effort ko?"

Sabay kaming napalingon ng lumabas mula sa restroom ang dalawang babae. Namutla ako dahil sa gulat at kaba. Malamang sila yung nag uusap sa loob at nang makita nila si Henry ay nagulat din sila. Natameme.

Si Henry naman....

Sinulyapan ko si Henry at nakita ang kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Hi girls. Pasensya na. Nag uusap lang kami."     Aniya.

Napaawang ako ng labi.

Paglingon ko sa dalawang babae ay nakita ko talaga sila na nagblush.  Tsk!

"O-okay. Sorry sa istorbo."      Wika ng isa sa dalawang babae. Tapos ay mabilis silang umalis.

Namimilog ang mga matang sinundan ko sila ng tingin.     Halah sila! Sila pa nag sorry??!

Tinapunan ko ng masamang tingin si Henry na nakatingin din pala sa dalawang babae na papalayo. Hinampas ko siya sa balikat na ikinapalingon niya sa kin.

"Loko ka!"

"What? Why?!"     Natatawang aniya,

Napapiksi ako sa inis,      "Ewan ko sa'yo! Umalis ka nga sa harap ko."      Tinulak ko talaga siyang palayo.

Mabilis akong pumasok sa loob ng restroom. Nagpupuyos ang loob ko sa inis.  Tss. Nakakainis talaga siya kahit kelan.

Ilang minuto lamang ang itinagal ko roon sa loob. Habang naglalakad na akong papalayo sa area ng restroom ay biglang may humawak sa palapulsuhan ko at humila sa akin pahinto. Gulat na gulat ako lalo na ng makilala kung sino iyong gumawa.

"Oh?!"    Henry?

Bumuntung hininga siya ng malalim.     "Let's talk."

*****

Updated:  September 2, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless. Happy Christmas. Lol.

Continue Reading

You'll Also Like

12.1M 535K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...