Marrying Mr. Arrogant (PUBLIS...

By FrozenFire26

68.3M 895K 107K

[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a... More

Chap. 1 - PART ONE
Chapter 2
Chapter 3
★Video Trailers★
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Special Chapter
Author's Note
Chap. 47 - PART TWO
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
EPILOGUE

Chapter 35

865K 9.2K 1.1K
By FrozenFire26

Chapter 35


[Vianca's POV]


"Let's go. We're not supposed to be here." Bigla akong kinabig ni Mitsui sa siko at balak niya sana akong hilahin papaalis.


"Teka lang," protesta ko. Tinanggal ko ang kamay niya at tumingin ako kay Madame at sa mga bagong dating na bisita. Nakita kong kapwa sila nagulat sa inasal niya.


"I said we need to get out of here. Hindi na sana tayo pumunta kung alam kong nandito rin sila." Ako ang kausap niya, ngunit sa madrasta at tatay niya siya nakatingin. May bakas ng pagkamuhi sa kanyang mga mata. Maging ang isang palad niya ay mahigpit na nakakuyom at nanginginig sa galit.


Nang mga sandaling iyon, nagsalita ang babaeng umano'y stepsister niya. "Kuya Mitsui, kung may kailangan mang umalis sa atin, kami 'yon at hindi ikaw. Kayo ang tunay na pamilya. Let's go, Ma. Umuwi na po tayo." Hinawakan nito sa braso ang ina at akmang yayayain na pauwi.


"Walang sinumang aalis, unless I say so. This is my house, so I will decide who among you will leave." Pumagitna na si Madame Sofia sa mainit na sitwasyong aming kinalalagyan. "Mitsui, follow me. We need to talk," mariing utos nito kay Mitsui.


Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lola niya.


Pumasok sila sa isang silid kung saan padabog niyang isinara ang pinto na siyang lumikha ng malakas na ingay sa buong kabahayan.


"Until now, your son still doesn't know how to control his temper." Bumalik ang atensyon ko sa sarkastikong pananalita ng stepmother ni Mitsui.



"Mommy, tama na 'yan. Kakausapin na nga ni Madame si Kuya," saway naman dito ng anak.


Kaming apat na lang ang naiwan sa living room, kaya nakaramdam ako ng pagkailang.


"Ang mabuti pa siguro samahan n'yo muna si Tito sa garden. I think he needs to breathe some fresh air." Hinawakan nito sa balikat ang ina at iginiya sa direksyon kung saan matatagpuan ang malawak na hardin ng mansyon.


Hindi na kumibo pa ang ginang at inalalayan na lang nito ang asawa sa paglalakad. Napansin ko lang na laging walang imik ang daddy ni Mitsui. Mukhang matamlay siya at para bang may iniindang karamdaman.


Pareho naming pinagmamasdan habang naglalakad ang mag-asawa papunta sa labas nang muling humarap sa akin ang anak nilang babae.


"Pagpasensiyahan mo na lang sana ang nangyari. Alam na kasi naming magkakaganito, sumama pa rin kami," paghingi niya ng paumanhin sa naganap na 'di pagkakaunawaan ng pamilya.


"Siya nga pala, even though naipakilala na ako sa 'yo kanina, I still want to formally introduce myself. My name is Mikhaela," nakangiting pagpapakilala niya. May finesse siyang kumilos. Halatang may pinag-aralan, pero walang halong arte.


Inilahad niya ang kanyang kamay, kaya malugod ko rin naman iyong tinanggap.


"Nice to meet you, Mikhaela," nakangiti kong sagot. Sa hindi malamang dahilan, tila magaan na agad ang loob ko sa kanya. Marahil ay dahil parang totoong kapatid na rin siya ni Mitsui.


Naupo kami sa sofa at ipinagpatuloy ang aming pag-uusap.


"Sana naman ma-convince na ni Madame Sofia na magkasundo na sina Tito Javier at Kuya Mitsui," malungkot na pahayag ni Mikhaela. Katulad ng nabanggit niya, hangad ko rin na sana nga ay magkaayos na ang mag-ama.


"Gusto ko sana ulit mag-apologize. Nalaman ko from Manang Flor na umalis kayong mag-asawa sa bahay because of us. Where are you staying now?"


"Ah, okay lang 'yon. Nakatira kami ni Mitsui sa condo niya. Maayos naman ang lagay namin doon," sagot ko.


"I see... Don't worry, babawi na lang ako sa inyo some other time. Mabawasan man lang ang atraso ko kay Kuya." Nilakipan pa niya ng tawa ang sinabi.


"Hahaha! Ang lakas kong maka-kuya, 'no? Feeling close kay Mitsui. 'Yon kasi ang mahigpit na bilin ng parents namin. Tawagin ko siyang kuya to signify us as one family. But can I not call you Ate Vianca? I don't know, but it feels awkward. It's too formal. Anyway, it seems that we are of the same age."


Oo nga. Nakakaasiwa kung tatawagin niya akong Ate. Halos months nga lang yata ang agwat ng edad namin.


"Sure. Just call me Vianca," pagpayag ko sa kanya.



***

Nag-uusap pa kami ni Mikhaela nang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ng maglola. Halos magkasabay kaming napalingon nang lumabas mula roon si Mitsui.


Lumapit siya sa akin nang makita niyang nakaupo ako sa sofa at kakuwentuhan ko ang stepsister niya.


"Let's go home." Kumpara kanina ay hindi na gaanong mataas ang boses ni Mitsui. Bahagya na ring kumalma ang galit niya.


"Kuya, please let your dad and my mom make it up to you. Sana this time, sa pag-uwi namin dito sa Pilipinas, magawa na nating mamuhay bilang isang buong pamilya." Narinig kong pakiusap sa kanya ni Mikhaela.


Nakatingin ako sa mga sandaling 'yon kay Mitsui, kaya nasaksihan kong lumitaw ang kakaibang lungkot sa mga mata niya nang binitawan ng stepsister niya ang katagang 'isang buong pamilya.'


Gano'n ba siya sobrang nasaktan sa naging affair ng tatay niya. Kaya ba bakas 'yon sa mga mata niya? Nahihirapan akong basahin ang kung anong emosyon meron siya. Sa buong panahon ng pagsasama namin, ngayon ko pa lang siya nakitaan nang ganito.


Hindi niya magawang sagutin ang pakiusap ni Mikhaela. Nakatingin lang sila sa isa't isa, habang ako naman ay nakamasid lang sa mga nangyayari.


Sa huli, bumaling sa akin si Mitsui at hinila ako paalis. Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang sa kanya. Hindi ko na nagawang lingunin ang kapatid niya upang alamin kung anong naging reaksyon nito.


Nakaramdam ako ng awa para kay Mikhaela. I felt sorry for her. Nakikita ko kasing ito mismo ang nagre-reach out kay Mitsui, ngunit siya mismo ang umaayaw.


Pagkalabas namin sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse na mabilis naman niyang minaneho papalayo.


Nang mga sumunod na oras ay katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa. Paminsan-minsan ay naririnig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga, senyales na patuloy niya pa ring iniisip ang mga nangyari.


Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nakahawak siya sa manibela at nakatuon ang mga mata sa daan.



Ngayong nakita ko ang naidulot na hirap kay Mitsui ng pagkakaroon ng ibang pamilya ng daddy niya, nabuo sa isip ko ang isang desisyon.


Kahit kailan hinding-hindi ako papayag na mauwi lang sa divorce ang kasal namin. Sa oras na magkaanak kami, hindi ko hahayaang maranasan nito ang sakit na pinagdaanan niya. Hindi kami magiging broken family. Magkakaroon ang anak ko ng ama at ina, ng isang kumpletong pamilya.



***

—After One Week—


Lunes ng umaga na naman at kasama ko sa faculty room ang dalawang student facilitators. Tinutulungan nila akong mag-consolidate ng mga records ng kapwa nila estudyante.


Magkatabi silang nakaupo sa sarili nilang table na nasa right side ko, samantalang ako naman ay busy sa mga paperwork na nakatambak sa mesa ko.


Maliban kasi sa pagiging simpleng instructor dito sa Southern Yale, ako rin ang in-assign na maging University Student Council adviser ngayong school year. Dagdag pa sa trabahong aasikasuhin ko.


"Lian, tapos mo na bang i-sort out ang mga files ng College of Engineering?" untag ko sa isa sa kanila.


"Tapos na po, Ma'am. Isusunod ko na ba 'yong sa department natin?" sagot niya.


"Okay. Hatiin n'yo na 'yan ni Marj para mapadali ang ginagawa mo," utos ko sa kanya, dahil mukhang patapos na rin naman ang katabi niyang si Marj.


Tumayo si Lian at tinungo ang sulok kung saan may maraming nakasalansang kahon. Pagbalik niya ay buhat na niya ang isang box na lalagyan ng student papers. Mukhang magaan lang naman ito, kayang-kaya na niyang dalhin.


Inilapag niya ang box sa ibabaw ng table nila at isa-isang inilabas ang lamang documents. Hinayaan ko na sila at itinuon ko ulit ang focus ko sa ginagawa kong lesson plan.


Mayamaya pa, naagaw ang pansin ko nang mahinang hagikgikan ng dalawa. Lumingon ako sa kanila at nakita kong may hawak silang papel habang parang kinikilig na pinagmamasdan ang picture na nakalagay rito.



"What's the matter? Mukhang ang saya n'yo yata?" puna ko kina Lian at Marj.


Kaagad namang napaayos ng upo ang dalawa. Hindi siguro nila namalayang nasa kanila na pala ang atensyon ko.


"Si Lian kasi Ma'am, kinikilig dito, oh." Iniabot sa akin ni Marj ang hawak na papel.


Kinuha ko ito mula sa kanya at tiningnan ko kung ano bang meron. "Ano naman dito?" nakakunot-noo kong tanong.


ID picture lang naman ni Mitsui ang nakalagay sa papel. Actually, personal data sheet ang ipinakita nila sa akin. May personal informations na nakasulat sa dalawang pahinang papel na may 2x2 picture sa upper left side.


"Ano namang meron diyan at tuwang-tuwa kayo?" Ibinalik ko na sa kanila ang papel.


"Siyempre, Ms. Vianca, ang saya namin kasi may nalaman kaming mga bagong impormasyon tungkol kay Mitsui," walang kagatol-gatol na sagot ni Lian.


Hala! Mukhang mga stalkers ni Mitsui ang dalawang 'to.


"Hep! 'Wag na 'wag ninyong pag-iinteresang kumuha ng any information mula diyan. Hindi n'yo ba alam na confidential ang mga nakasulat diyan?"


"Ma'am, pleeease... Kahit anong ipagawa n'yo sa amin, susundin po namin." Nakita kong palihim niyang siniko ang katabi. "'Di ba, Marj?"


Mabilis namang tumango si Marj. "Opo, Ms. Vianca. 'Yong phone number lang ang gusto namin."


Aba't may plano pala silang kunin ang numero ni Mitsui. Napaka-private pa naman niyang tao. Walang basta-basta nakakaalam ng contact number niya.


"Hindi nga sabi pwede. Mahigpit ang patakaran na bawal makialam sa mga 'yan, lalung-lalo na ang tungkol sa phone numbers," saway ko sa kanila. Baka mamaya niyan mag-send sila ng walang patid na GM at love quotes. Baka sa ikli ng pasensya niya, sa akin pa ibato 'yong cell phone 'pag nagkataon.


"If you want, hingin n'yo na lang mismo kay Mitsui ang number niya," suggest ko sa dalawa. 'Yon ay kung gugustuhin nga nitong ibigay sa kanila.


"Haist! 'Wag na nga lang," disappointed na sabi ni Lian. Naka-pout siya habang patuloy pa ring tinitingnan ang litrato ni Mitsui. "Sayang, my labs... hanggang tanaw na lang talaga kita." Nakangalumbaba siya sa mesa at tila kinakausap ang picture sa harapan niya.


Inagaw naman ni Marj ang papel na hawak ni Lian. "Oo nga. Kamukha pa naman niya si L," nanghihinayang na sambit nito.


"Anong L? As in letter L?" nagtatakang tanong ko.


"Ay! Oo nga, noh? Kaya pala isip ako nang isip dati kasi parang may kamukha siya. So, si L pala yun. Kahawig niya si L ng Infinite," dugtong naman ni Lian.


Pasensya na. Na-out of place ako sa usapan. Wala akong idea sa pinagsasabi nila eh.


Nakita siguro ni Marj na hindi ko sila maintindihan, kaya siya na mismo ang nag-explain sa akin. "Ganito 'yon, Ms. Vianca. Medyo kamukha kasi ni Mitsui si L na member ng K-pop group na Infinite, isa sa mga sikat na idol groups ngayon," pahayag niya.


"K-pop? As in Korean? Bakit L ang tawag sa kanya?" Pasensiya na talaga. Tanga lang ako pagdating sa ganyan. Si Ashley kasi ang mas mahilig sa K-pop music.


Nagkatinginan ulit ang dalawa. Iniisip siguro nila kung paano sasagutin ang tanong ko.


"Ewan ko rin sa kanila kung bakit L ang ipinangalan sa kanya. Basta ang real name niya ay Kim Myungsoo." Si Lian na ang nagsalita.


Napa-roll eyes na lang ako. Tsk!  Yun naman pala. Myungsoo naman pala ang pangalan, may L pang nalalaman. Nanglilito lang.


Hindi ko talaga masakyan ang topic nila tungkol sa K-pop na 'yan. Igo-google ko na lang mamaya pag-uwi sa bahay kung kamukha nga ni Mitsui 'yang si L.



*******

A/N:


Hi po sa inyong lahat! Tinapos ko lang yung meeting the new family sa chapter na 'to.


Pagtiyagaan nyo na lang din yung tungkol kay L.. hehe.. Related po siya sa story... pramis!  ^___^



Continue Reading

You'll Also Like

137K 5.9K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
8.6K 227 22
✅ COMPLETED ✅ I MrHeartbreakersLove SideStory I [Nathan Antonio's story] Isa lang naman ang tumatakbo sa isip ni Anna, iyon ay kung saan siya kukuha...
1.9M 38.8K 75
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And...
6.8K 495 18
A year later, Charlotte rose to stardom right away after a successful comeback movie. It looked almost perfect; she receives offer left and right, sh...