Between the two (Completed)

By mahiwag4il

6.6K 1K 616

"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020. More

Between the two
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
EPILOGUE
EPILOGUE

KABANATA 6

265 55 53
By mahiwag4il

06.

Matapos ang araw na 'yon ay nag-pasiya na rin silang umuwi. Ngunit bago umalis at magkaniya-kaniya ng landas nagsalita si Viv.

"Hoy, Jordan. Can we talk?"

Bahagya naman napatigil ang mga kasama nila. "What for?" Pabalik na tanong ni Jordan.

"Some stuffs, dude. Don't worry, 'di tayo kemper 'no!" Natawa namang sagot ni Viv sa kaibigan.

"Is it too serious to talk?"

"Well, kinda."

At sa pagkakataong iyon nagpasiya na rin umalis ang iba nilang kasama. Si Viv at Jordan ay naiwan.

"Jords, 'dun tayo sa romantic place 'nyo ni Shaz. We're going to have a serious talks," At walang anu-anoy pinaharurot ni Jordan ang kaniyang sasakyan papunta sa romantic place nila ni Shaznae.

Gabi na rin kaya masiyadong magandang ang tanawin. Kita kasi mula dito ang siyudad.

"Viv..." panimulang sabi ni jordan sa kaniyang kaibigan na ngayon ay nakatitig sa punong may naka-ukit.

"Jordan, alam mo ba kung kailan niya 'to inukit dito?" Tanong ni Viv nang nakatitig sa ukit at bahagyang nilingon ang kaibigan na siyang umiling para sa sagot. "Inukit nya 'to, nung unang araw ka niyang nakita at nakilala." Ngiting tugon ni Viv at nagpasiyang umupo.

"The first time we've met.. is actually not good."

"Yun ba yung sa school ninyo nung college?"

"Yes—"

"Nah! Hindi 'yun ang una niyong pagkikita, ano ka ba! I remember nung kinuwento niya saken 'yon. Priceless ang strawberry face nya!" At tumawa ito. "Pulang-pula ang babaeng 'yon, Susme! Dahil nga umangat na naman ang pamilya niya, lumipat na sila ng bahay 'non at lumipat na rin siya ng school kaya every weekends na lang kami nagkikita. She even told me every details nung unang pagkikita 'nyo."

Nag-ring na ang bell, hudyat na tapos na ang klase sa araw na iyon. Naghahanda na si Shaznae Lender ng gamit ng may marinig siyang mga tili sa labas ng kaniyang silid-aralan. Napahawak siya sakaniyang tainga dahil sa lakas ng ingay.

"Ano bang mayroon? Susme! karindi sa tenga ng mga 'yon ah! Ano bang meron?" Dali-daling isinukbit ang bag at hawak ang mga libro. Nang lumabas siya ay mas tumindi ang tilian ng mga kababaihan. Halos hindi lang ang mga kapwa niya nasa ika-apat na baitang ng hayskul ang mga nakikita niyang tumitili. Nakita niya ang isa niyang kaklaseng babae na tumitili rin kaya't lumapit siya. "Uy, ano. Uh, jel? Anong.. anong meron ba't ang ingay nila?"

"Sabagay, transferee kasi ang aming President e," at bahagya itong natawa.

"'Wag na ipa-mukha, jel. Mahirap na nga mag-adjust e."

"Tumitili sila kasi nandyan na ang anak ng isa sa mga may hawak ng school na 'to."

Napakamot sa ulo si Shaznae. "E, sino naman 'yon? Maganda ba siya?."

"Ay, hindi siya maganda Ms. President!" Bahagyang sigaw niya dahil palakas ng palakas ang tili ng mga kababaihan.

"Boset 'yan! Hindi naman pala maganda e bakit tinitilian? Nakaka-loka dito ah!"

"Hindi naman kasi siya babae, Ms. President e. Lalaki siya! Isang Gwapong Nilalang! Na halos lahat ng babae gusto siya!"

"Ay, pag 'yan hindi gwapo, Jel ah! Sinasabi ko sayo, papatanggal kita sa isa nating org. De, biro lang. O, sige uwi na 'ko. Bye."

"Ay, hindi mo man lang titignan yung lalaking sinasabi ko? Sayang naman 'yon, Ms. President. Sabayan mo na kami nila Angela maki-tingin. Ang alam ko ay di-diretso 'yon sa Office, diba dun din ang office niyo? Ng Students President?"

Tumango naman si Shaznae. "Hm. Pero may aasikasuhin pa 'kong assignments. Saka na lang, sige bye-bye!" At tumuloy na nga sa paglalakad si Shaznae.

Kinuha niya ang kaniyang Mp3 at headset, nagpasiya siyang makinig na lang ng musika kaysa marinig ang matitinis na boses ng mga kababaihan. Ngunit hindi pa rin natinag, mas malakas pa rin ang tili kaysa sa musikang pinakikinggan niya.

"~i can be your hero~" pakanta niya pa habang binabasa ang nakalagay sa isa sa mga papel na binibigay ng mga first-fourth year students. Love letter.

Simula noong malipat siya sa bago nitong paaralan, palagi na siyang nakakatanggap ng mga ganitong papel. Mayroon siyang madaming taga-hanga at gusto siyang ligawan. Ngunit, iwas siya sa ganitong bagay dahil bata pa lamang ito.

Hindi niya pa iniisip ang tungkol sa pag-ibig. Hinahangaan siya ng mga kalalakihan at pati na rin ang mga kababaihan dahil sa kaniyang taglay na kabaitan, katalinuhan at kagandahan. Animoy, nasa kaniya na ang lahat ng gugustuhin ng isang tao. Napalaki siya ng maayos sa angkan ng mga Lender. Isa ito sa sikat at may matagumpay na kompanya, ngunit hindi ipinangangalandakan ni Shaznae na galing siya sa ganitong pamilya. Dahil gusto niya, makilala sa kaniyang sariling paraan.

"Ba't kaya ang lalakas ng mga loob nilang bigyan ako ng love-letter? Sana imbes na gumawa ng sulat para sa akin ay gumawa na lang sana sila ng assignments. Ang dami na naman nito, paano ko itatago kay Daddy 'to? Hays."

Napabuntong-hininga si Shaznae sa mga sulat na tinitignan niya.

Ayaw ng kaniyang ama na may manligaw rito kaya't ganoon na lang ang pangamba ni Shaznae sa mga sulat na baka makita iyon ng kaniyang ama. Lumaki siyang mahigpit ang kaniyang ama na si Rupert Serjio Lender, ganoon rin ang kaniyang Ina na si Shari Joyce Lender at ang kaniyang nakaka-tandang kapatid na lalaki na si Scrip Leandro Lender. Taliwas sa ugali ng ama ang kaniyang kuya na sobrang malapit sakaniya.

Maya-maya ay tumigil sa paglalakad si Shaznae. "Gutom na naman ako? Kakain ko lang 30 minutes ago ah! Lupet naman ng bituka ko! Hindi na yata bulate ang nandito sa akin. Ahas na yata! Boset."

At lumiko muna si Shaznae para pumunta sa kanilang canteen. "Ay ang astig pala pag dadaan yung Anak nung ano dito e. Walang tao sa canteen. Aba! Solong-solo ko ang Egg Pie ditey! Woooh!"

Nagmadaling nag-tungo si Shaznae sa bilihan ng kaniyang paboritong pagkain at binili ito. Masaya siyang lumabas ng canteen habang bitbit ang isang box ng egg pie at ang binili niyang gummy bears.

Binibilang niya ang kaniyang gummy bears habang siya'y naglalakad at hindi nakatingin sa dinadaanan. Napadaan pa siya sa mga kababaihang tumitili ngunit sa paglakad niya ay natamaan siya ng bola sa ulo.

"Aray! Ang sakit! Parang nawala 'yung lessons namin sa utak ko ah?! Ay, shems! Magkaka-amnesia ba 'ko? Ay sos, wag naman sana! Parang nawala lahat ng knowledge ko sa utak ko. Lumabas yata sa tenga ko. Flat na nga 'ko, mawawala pa yata pwet ko, sakit sa pwet," wika ng dalaga matapos matamaan.

"What are you doing in the middle of the quadrangle?" Malamig na sabi ng isang binata. Napa-angat naman ng tingin ang dalaga dito. Bahagya pa siyang nasilaw sa araw na nasa likod ng lalaki.

Sa umpisa'y hindi maaninag ng dalaga ang mukha ng binatang nakaharap sakaniya ngayon. Ngunit sa tinagal niyang nakatingin, ay halos magharumintado ang kaniyang puso nang makita niya ang mukha ng binata.

Naglahad ng kamay ang binata. "Are you alright? Here's my hand. Hold it, so I can get you up."

Ngunit sa 'di malamang pangyayari, parang naging isang istorya ito na hinahangaan ng mga bata.

Ang fairy-tales.

Nang maabot ng kamay ang dalaga patungo sa kamay ng binata, ay parang nawala ang lahat ng tao sa paligid.

Sa paningin ng dalaga'y naging mabagal ang oras. Nawala ang mga tili na kanina ay kaniya'y naririnig. Maririnig lamang ang puso niyang pumipintig ng mabilis.

Nawala ang pag-sakit noong matamaan siya ng bola. Tila na naiwan ang dalaga at binata na magka-hawak pa ang kamay.

Ang dalaga'y nanatiling tahimik, tumititig at dahan-dahang tumatayo habang hawak nito ang kamay ng binata.

Nakita niya ang mala-abong kulay ng mata ng binata. Nakita niya ang ilong na matangos. Nakita niya ang mapulang labi nito. Nakita niya kung gaano nakadag-dag ng kaniyang ka-gwapuhan ang buhok nitong magulo-gulo ang ayos.

"Hey! Abusive girl, my hands. Tsk," at unti-unting napabalik sa katotohanan ang dalaga dahil nag-salita ang binata.

"A–ay, oo. Sige. Salamat!" At dali-daling pinulot ang libro't mga papel saka tumakbo palayo. "Homay! Shaznae! What's wrong with you?! Ano.. anong nangyare?! Parang nawala ako sa sarili ko.. mga 2mins din ata yon!"

Hindi niya namalayang papunta na pala siya sa silid-aklatan. Pumasok siya rito at ganoon na lang din ang pagtataka niya ng walang tao. Umupo siya sa pinaka-dulong mesa at mapanlumong yumuko sa mesa.

"What's wrong with me? Stop beating so fast, puso! Mali. Mali. 'Wag naman sana. Susme!" Maya't maya pa ang pag-usap niya sa sarili. Nag-aalinlangan siya kung anong nangyari sa sarili. Hindi malaman ang nangyayari.

Matagal siyang umupo at nagpasiya rin na tumayo para kumuha na lang ng ibang libro para sa iba niyang takdang aralin. Hinahanap niya ang libro sa mga shelter, nang malibot at mapuntahan niya ang dulong bahagi ng silid-aklatan ay may nakita siyang nakaupo at bahagya nang nkatulog.

"Library 'to, hindi tulugan. Tsk," pa-bulong na sambit ni Shaznae. Nilapitan niya ito para gisingin ngunit ganoon na lang ang pag-bilis ng tibok ng kaniyang puso nang makita niya kung sino iyon.

"Jordan Mondelez III..." Pagbasa nito sa ID ng lalaking nakatulo. "Ikaw.. ikaw yung dahilan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko. Inano ba kita?"

Ngisi at pabulong na sabi ng dalaga. Sa ganoong posisyon ng lalaki, na naka-sandal sa pader, nakaupo at nakaharap sa dalaga. Nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na pagmasdan ang kabuuan ng binatang si Jordan Mondelez. Umupo ang dalaga kaharap ng binata.

"Ang tangos ng ilong mo... Ang cute ng pilik-mata mo... Medyo makapal pero sakto sayo yung kilay mo... Ang red ng lips mo, nagli-lipstick ka siguro no? Hehe char lang. Ang kinis ng mukha mo, endorser ka siguro ng gluta no? Hehe char lang ulit." Tinitigan pa niya ito ng matagal.

Ino-obserbahan ng may ngiti sa labi. Ngunit sa di niya inaasahan, biglang gumalaw ang binata. Lumaki ang mga mata ng dalaga kaya't walang anu-ano'y tumakbo ito pabalik sa lamesa mabilis na kinuha ang mga gamit at lumabas ng silid-aralan. Bago umalis nang tuluyan, liningon niya ang silid-aklatan.

"Jordan, hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko para sayo pero.. ang sarap sa pakiramdam at parang ayoko na mawala 'to."

"And then, yung araw na rin na 'yon sinabi ko sakaniya na na-love at first sight siya. Ayaw pa nga maniwala e. Nuon ko lang siya nakitang naging baliw dahil sa hindi niya daw malaman kung anong nararamdaman niya. Na-paranoid pa nga. Duon nagsimula ang paghanga, pag-stalk at pagsulyap niya lagi sayo," saad ni Viv.

"Yes, I now remember that. First day ko rin sa school na 'yon. Bunches of crazy girls on that day. Akala mo mga ngayon lang nakakita ng tao. Natamaan si Shaznae ng bola, pero hindi ako 'yon. Si Lewis at Andray kasi nag-aagawan sa bola. E, ako ang mas malapit kay Shaznae kaya ako ang tumulong sakaniya," tumigil siya sa pag-sasalita nang bahagya niyang naramdaman ang luhang tutulo. "Sa dami ng nangyare sa buhay ko, nakilala ko na pala noon pa ang babaeng mamahalin ko ng sobra. Kung alam ko lang na ganon, hindi ko na siya pinakawalan pa."

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 662 47
He is a totally hardheaded, A pain in the ass. What he wants, he get. Panglimang lipat niya na sa ibang paaralan. Hanggang sa magsawa na ang kaniyan...
102K 1.7K 62
Cassandra Marie Fernandez, the name of the most intimidating woman in the campus. There are so many adjectives that people used to describe her, som...
242K 3.6K 46
When you find someone that makes your heart skip a beat, stop the search and take the risk.
498K 8.4K 51
Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang makita ang babaeng 'yon, pero wala rin siya...