I Knew You Love Me(Completed)

Od Wild_Amber

530K 14.7K 455

Mark Anthony Villagas(GSB-9)-One of GSB. And he own the MAV restaurant. Ang pag-ibig ay wala yan sa panahon... Více

Teaser
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Special Chapter

Chapter 2

25.5K 798 23
Od Wild_Amber

WALANG nagawa si Kahlan ng pagbuksan na siya ni Mark nang pinto ng kotse nito. Napasunod na lang siya ditong pumasok sa loob ng kotse ng binata.

"I need to go back at GSB company, kaya kung may kailangan ka ay pwedi bang sabihin mo na." Anito kay Mark.

Parang baliwala naman kay Mark ang narinig. Agad nitong inistart ang kotse niya at pinaharurut yun. Habang nagmamaniho si Mark ay pinindot nito ang cellphone niyang nakalagay sa comforter ng kotse niya. Connected ito sa sasakyan kaya automatic na kapag may tatawagan ka o tumatawag ay direct loudspeak na yun. Kaya hindi muna kailangan pang ipitin sa tainga mo para makipag-usap sa kausap mo sa tawagan. Automatic din na kapag may tumatawag ay maririnig mo agad ang computer na iniiform ka about the incomming caller.

"Napatawag ka Villagas?" Tanong ng tinawagan ni Mark na dinig ni Kahlan.

"Napatawag ako dahil hihiramin ko lang si Miss Mendoza." Anitong kinatirik ng mata ni Kahlan.

"Gago, ibahin mo si Kahlan. Hindi siya gaya ng mga naging fling girlfriend natin, malilintikan ka talaga sa'kin at sa pinsan niyang si Dave." Ani Frank dito.

"You mean, magpinsan sila ni Dave?" Ang hindi makapaniwalang tanong nito kay Frank.

"Oo, magpinsan silang buo. At kilala mo si Dave kaya magpakatino ka." Saad dito ni Frank.

"Langyang yun, hindi sinasabi na meron siyang magandang pinsan." Ang natatawang ani Mark na kinapula naman ng mukha ni Kahlan. Kaya ibinaling na lang nito ang mata sa labas ng sasakyan upang itago ang pamumula ng mukha niya.

"Ang weird ng lalaki na 'to, kanina ang sungit niya pero ngayon ibang tao naman atah! ang kasama ko." Anito sa isip habang nakikinig sa pag-uusap nila Mark at Frank.

"Ihatid mo ng maayos yan dito sa opisina Villagas. Kundi ako ang babasag ng two balls mo." Banta ulit dito ni Frank.

"No problema boss, walang labis, walang kulang." Ang natatawang sagot nito kay Frank.

"Gago...."

"Fvck you." Saad nito kay Frank na natatawa.

"Tangina mo, desturbo ka sa trabaho." Ani Frank na kinatawa lalo ni Mark.

"Don't worry, bro, dahil I know kakailanganin mo rin ang kagwapuhan kung ito soon." Ang nakangising turan nito kay Frank.

"Tst! Bahala ka sa buhay mo, wag kana tumawag ulit para mangdesturbo kung ayaw mong ipasunog ko ang restaurant mo." Pabirong pagbabanta dito ni Frank.

"If I know, hindi kayo marunong magluto. Ako lang ang mabait na hingian niyo ng pagkain after niyo gumawa ng milagro dito." Natatawa parin nitong turan kay Frank.

"Tangina mo." Ani Frank sabay patay ng tawagan nitong kinatawa ni Mark lalo.

Ng matapus ang pag-uusap nila Mark at Frank ay pakanta-kanta lamang ito habang nagmamaniho. Napapangiti naman ng lihim si Kahlan na nakikinig sa kasama habang kumakanta ito. Hindi naman kasi pangit ang boses nito habang kumakanta.

"May tinatago rin pala itong talento sa kantahan." Ani Kahlan sa isip.

Makalipas ang ilang minuto nilang byahe ay biglang huminto ang sasakyan ni Mark sa parking lot kung saan ang pag-aari nitong restaurant. Agad itong bumababa ng sasakyan at ipinagbukas niya ng pinto si Kahlan. Kaya walang nagawa ang dalaga kung ang hindi bumaba sa sasakyan.

"Anong gagawin natin dito?" Agad na tanong dito ni Kahlan.

"Kakain tayo, hindi pa kasi ako kumakain ng breakfast. May maaga kasi akong inasikasong business kaninang umaga." Anito kinatango ni Kahlan.

"Okey!"

Tipid na sagot ni Kahlan. Magkasabay silang pumasok sa loob ng restaurant ni Mark. At bawat waitress at waiters na nakakakita kay Mark ay binabati siya ng mga ito.

Agad na inakay ni Mark sa isang pandalawahang mesa si Kahlan. At agad naman silang naupo doon.

"Anong gusto mong kainin?" Maya ay tanong ni Mark sa kasama.

"I don't know?" Kibit balikat nitong sagot. "Ikaw na lang mag-order, tutal sa'yo naman itong restaurant at ikaw rin itong  nagyaya sa'kin dito." Dagdag nitong may katarayan ang pagkakasabi kay Mark.

"Okey! as you wish my lady." Saad dito ni Mark na nakingiti.

"Tst! Para kang iwan, kanina ang sungit mo. Ngayon naman ay hindi ko maexplain." Naisatinig ni Kahlan na naiiling. "Can you please excuse me, pupunta lang ako ng ladies room." Anito sabay tayo.

"Yeah! sure, pero yung nasa opisina ko na lang ang gamitin mo." Saad dito ni Mark sabay tawag sa isa sa mga waiters niya.

"Yes! Sir?" Tanong agad ng tinawag niyang waiter gamit lang ang kamay.

"Pakidala si ma'am Kahlan niyo in my office." Utos niya dito.

"Sige po, Sir. This way po ma'am." Magalang na anang waiter at dinala nga niya si Kahlan sa opisina ni Mark at tinuro narin nito sa dalaga kung saan makikita ang CR sa opisina ni Mark.

"Thanks."

Tipid nitong aniya sa waiter.

"Your welcome po Ma'am." Sagot nito. "Uhm! Pwedi po magtanong sa inyo Ma'am Kahlan, pasensya na po kasi curious lang ako." Anitong kinatingin dito ni Kahlan. At alam agad ni Kahlan na binabae ang kaharap.

"Yeah! sure, ano yun?" Tanong niya dito.

"Eh! kasi po, never pang nagpapasok dito si Sir Mark ng babae sa opisina niya kahit marami na siyang fling girlfriend. Hanggang labas lang ang mga ito. Kaya nacurious po ako, girlfriend po ba niya kayo?" Nahihiyang tanong nito kay Kahlan. Napangiti naman si Kahlan sa tanong nito sa kanya.

"Ganun ba. Umm....hindi niya ako girlfriend pero kaibigan kasi niya ang boss ko at ang first cousin ko kaya siguro ganun lang siya sa'kin." Saad niya dito. Napatango naman ang kausap niya sabay nag-isip.

"Ah! siguro nga po kung ganun, pasensya na po sa pagiging chismuso ko." Ang nahihiyang aniya nito kay Kahlan.

"Nhaaaa...wala yun, don't worry secret lang natin ang lahat ng napag-usapan natin dito." Anitong napapangiti.

Maging ang kausap niya ay napangiti na rin. "Sige po, balik na ako sa trabaho ko Ma'am. Thank you po sa time." Saad nito kay Kahlan bago niya iniwan ang dalaga. Kaya pagkaalis nito ay agad binalingan ni Kahlan ang pinto kung saan ang tinuro sa kanya ng waiter ni Mark ng pumasok sila sa opisina ng binata.

"Hmmmp....nice place." Naisatinig ni Kahlan bago siya pumasok sa loob ng CR sa opisina ni Mark.

SAMATALA pagkatalikod ni Kahlan ay agad nag-order ng makakain nila si Mark. At habang hinihintay niya si Kahlan at ang pinahanda niyang pagkain para sa kanila ng dalaga ay bigla siyang natawa sa isip ng maalalang wala siyang pinapasok sa opisina niya na babae. Pero si Kahlan na kakakita pa lang niya dito kanina ay ito at pinapasok niya doon agad-agad.

At makalipas ang ilang minuto ay may biglang umagaw ng atensyon ng binata.

"Hi, honey....."

Boses babae na biglang pumulupot kay Mark. Napakunot naman ang noo ni Mark kung sino ang babae.

"May I know you, Miss?" Takang tanong niya dito. Bigla naman napanguso ang babae dahil sa tanong ni Mark.

"Oh! come on, honey. Bakit nakalimutan mo agad ako, last week lang tayo magkasama. Siguro may bago ka na namang babae ano?" Pagalit nitong turan kay Mark sabay pamaywang nito sa binata. Dahil sa may kalakasan ang pagsasalita ng babae ay agad yun nakaagaw ng atensyon ng ibang mga customer sa loob ng restaurant ni Mark.

"Look Miss, I don't really remember who you are. And one more thing, you don't care if I have a new girl because you are not my girlfriend." Sagot nito sa tinuran ng babae sa kanya.

"Your a fvcking son of a bicth." Anang babae sabay duro niya kay Mark.

Kung hindi lang siguro babae ang kaharap ni Mark ay baka nabigwasan na niya ito. Nagugutom na nga siya ay pandagdag pa ito sa kanya.

"Miss wag mong ubusin ang pasensya ko at baka makalimutan kung babae ka." May diin niyang turan dito.

"You scared me asshole, gawin mo kung ano ang gusto mong gawin and I don't care." Paghahamon nito kay Mark. Kaya sa inis ni Mark ay bigla nitong sinuntok ang mesang nasa tabi niya.

Ang lahat naman nang tinuran ng babae kay Mark ay narinig yun ni Kahlan. Kaya agad itong lumapit sa mga ito.

"What is your problem biatch?" Agad na tanong dito ni Kahlan.

"Whoaaa....at sino ka naman?" Paismid na tanong ng babae kay Kahlan.

"Non of your fvcking business." Pataray din ditong bwelta ni Kahlan.

"Oh! maybe your one of his fling girlfriend." Aniya nito kay Kahlan na kinatirik ng mata niya.

"Alam mo, nasa Pilipinas tayo. Kaya wag kana lang mag-english kung mas magaling pa mag-english sa'yo ang katulong namin." Ang naiinis ditong ani Kahlan dahil panay english nito pero halata namang hindi fluent mag-english.

"At itaga mo dyan sa kukunti mong hindi niya ako fling girlfriend. Dahil hindi ko kagaya ang mga naging fling girlfriend niya gaya mong hindi pa nga magkakilala at hindi nga alam ang pangalan ay bigla na lang bumukaka dahil nakita ng mala pandesal na ipinaglaway niya. Kaya wag kang assuming at wag kang magwala kung hindi ka niya matandaan dahil bumukaka ka naman sa wala sa lugar. Kaya kung nakalimutan ka niya ay problema mo na yun. Dahil kung hinintay mo ba naman ang 'we know each other first' ay baka hindi ka niya nakalimutan." Saad dito ni Kahlan na kinatahimik ng babae.

"Kaya kung ako sa'yo ay umalis na ako ngayon bago ako tubuan ng sungay sa ulo ngayon. Hindi pa naman ako nakapunta sa gym para makipag sparing ng judo. Baka gusto mo sampulan kita ngayon." Anang pa nito sabay hubad niya ng suot na cout. Kaya tumambad ang magandang hugis ng katawan ni Kahlan. Nakasuot kasi ito ng black feated jeans na pinarisan niya ng white t-shirt na bakat sa magandang hubog ng katawan niya. Kung kanina ay hindi mo maipaliwanag kung babae ba siya o tumboy ay ngayon masasabi mong babaeng babae ito.

"Ano gusto mong sampulan?" Anitong walang halung biro ang mukha.

Bigla naman nakaramdam ng takot ang babae kaya agad-agad itong umalis.

"Don't come back biacth, wag mong ipapakita yang pagmumukha mo ulit sa'kin." Pasigaw nitong turan dito. Bago niya binalingan si Mark na pinagpapawisan na.

"Hey! Are you okey?" May pag-aalala nitong tanong dito. Ngunit hindi nagsalita si Mark kaya agad niya itong inakay patungo sa opisina ng binata.

"Ma'am, gutom na siguro si Sir Mark. Masama po kasi sa kanya ang malipasan ng gutom." May pag-aalalang anang isa sa mga waitress ni Mark.

"Dalhin niyo ang pinahanda niyang pagkain sa opisina niya." Utos niya sa mga ito. Agad naman tumalima ang mga ito.

Nang makapasok sina Kahlan at Mark sa opisina ng binata ay agad niya itong inalalayang makaupo sa couch at dali-dali niya itong ikinuha ng tubig at pinainom niya. Walang sali-salitang ininom naman ni Mark ang tubig na inabot sa kanya ni Kahlan.

Agad na naupo si Kahlan sa tabi ni Mark at maingat nitong minasahe ang batok ng binata habang hinahanda ng mga waiters ang pagkain sa mesang nasa loob ng opisina ni Mark. Parang nakatulong naman ang ginagawa ni Kahlan kay Mark at gumaan ang pamimigat ng ulo nito dahil sa gutom.

"Kunusta ang pakiramdam mo?" Tanong muli dito ni Kahlan sabay haplos niya ng nanlalamig ng mukha ni Mark.

"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, thanks." Anito sa mababang tuno.

"Ma'am, ready na po ang pagkain." Anang isa sa mga waiters kay Kahlan.

"Okey! Thanks. Halika ng makakain ka, hindi pala maganda sa'yo ang nagpapagutom. Pero pasaway ka rin at nagpagutom ka." Saad nito kay Mark na agad niyang inabutan ng plato.

"Nawalan na ako ng gana kumain e." Anito kay Kahlan. At totoo naman talagang nawalan siya ng gana kumain dahil sa ginawa ng hindi niya kilalang babae.

"Gusto mong piktusan kita." Ang sabi dito ni Kahlan sabay pinaikutan niya ng eyeballs ang binata.

"Nganga." Utos nito kay Mark.

Walang nagawa si Mark ng subuan na ito ni Kahlan kung ang hindi tanggapin ang isinubo sa kanya ng dalaga.

"Next time, wag na wag kana magpapagutom. Meron ka pa namang restaurant pero nagpapagutom ka." Pangaral dito ng dalaga na kinangiti ni Mark dahil wala na atah itong kapaguran kung magsalita. Pero ang kaibihan lang ay nag-eenjoy si Mark na pakinggan ang pagsasalita nito.

Dahil nga sa inumpisahang subuan ni Kahlan si Mark ay ang nangyari ay hanggang sa natapus silang kumain ay sinusubuan lang niya ang binata. Tuwing aayaw kasi ito at sinasabing busog na siya ay pinandidilatan ito ni Kahlan. Kaya wala itong magawa kundi tanggapin ang sinusubo sa kanya ng dalaga. Hindi alam ni Mark kung bakit ganun na lang ito kung mapasunod ng dalaga.

"Drink the fresh orange juice." Ani Kahlan sabay abot nito ng juice kay Mark.

"Busog na talaga ako, hindi ko na talaga kaya pang inumin yan." Pagtanggi na nito.

"Kahit kalahati lang." Saad pa nito pero umiling na si Mark. "Ganito na lang inumin mo ang kalahati at kalahati sa'kin." Pamimilit pa nito kay Mark habang nakaumang basong hawak niya sa harap ng binata. Kaya walang nagawa si Mark kung ang hindi pagbigyan ito. Ininum nga niya ang kalahati sa juice at natira ay agad din yun ininum ni Kahlan.

Napahanga naman si Mark sa dalaga dahil wala itong kaarte-arte kahit sa pagkain. Kung ibang babae lang kasi ay malabong iinumin ang tira mo pero si Kahlan ay hindi ganun. Kaya hindi mo akalain sa ganda nito ay napakasimple lang niyang tao.

"What?"

Kunot noong tanong dito ni Kahlan.

"Nothing, you are beautiful." Nakangiti nitong sagot.

"Thank you." Ang natatawa na ring sagot dito ni Kahlan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ngayon ay ito silang nagkakangitian e kaninang umaga ay nagbabangayan sila. Para nga silang aso't pusa kaya napailing na lang siyang nangingiti.

TBC.

->Ayiieeeehhhh.....nakangiti na naman yan sila ng malapad.....hahaha!!!! Thank you for reading and God Bless.








Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

618K 16.1K 29
AMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I mis...
767K 23.2K 33
"Don't ever think of leaving me. Because you are my today, my tomorrow and my future."-Ace Nathaniel Laurel(GSB-12) @Wild_Amber
739K 22.1K 28
Lysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."
6.7K 122 4
panoh kung makita mo uli ang gf mo sa ibang katauhan, mamahalin mo ba ito tulad ng pag mamahal mo sa gf mong wala na or mamahalin mo siya dahil kakai...