I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple

3.6K 70 36
By fizz_chae07

Salamat kay RishLee28 para sa YuRen picture! =)))

Chapter 56

**REN's POV**

"Dude, hindi ka pa ba kakain?"tanong sa akin ni Alexis habang nginunguya ang pagkain niya. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay nginitian lamang siya.

"Hoy Ren!Umayos ka nga!  Kanina ka pa ngumingiti diyan eh, para kang mongoloid! Kinikilabutan ako!"sita niya sa akin sabay hawak sa magkabilang braso niya na animo'y kinakalibutan nga.

Binatuhan ko siya nung nakapulupot na papel na kanina ko pang hawak-hawak at sapul! Natamaan ko naman siya sa noo.

"Aray! Takte Ren!"pagrereklamo pa niya sabay binitawan ang kutsarang hawak niya at saka hinimas-himas yung noo niya gamit ang kanang kamay niya habang yung kaliwang kamay niya'y nakahawak pa rin ng tinidor. Pero hindi ko pinansin ang pagdadrama niya at muli ko na naman siyang nginitian.

"Pssh! Pero di nga dude? Ikaw ba talaga yan? Kanina ka pa ngumingiti diyan! May sakit ka ba?"aniya na waring di talaga makapaniwala. Nilapitan niya ako at saka dinapo ang palad niya sa noo ko.

Paano ba naman kasi, simula nung dumating kami rito sa tambayan namin ay hindi na naalis-alis sa mga labi ko ang malapad na mga ngiti ko habang nakatingin pa sa kawalan. Kaya naman ganito ang reaksyon nitong si Alexis habang si Raven naman, ayun. Kahit na naninibago siya sa akin ay di niya naman ito ipinapakita hindi gaya nitong si Alexis.

Paano ba naman ako hindi mapapangiti? Eh kada maisip ko pa lang ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Di ko mapigilang ngumiti sa tuwing maalala kong kami na ni engot. Hahaha! Di ko ba alam kung bakit sa kanya ang bagsak ko. Sa kabila ng sobrang pagkairita ko dati sa kanya, eh nagawa ko pa ring mahulog sa kanya sa huli. Pero wala pa naman ako sa estado ng "pagmamahal", nasa "gusto" pa lamang ako.

"Wag ka nang magtaka pa Pre! Alam mo na kung bakit!"sagot naman ni Raven kahit na hindi naman siya ang tinatanong.

"Teka nga dude! Totoo ba talaga yung sinabi mo kahapon sa caf? Kelan pa dude? Kelan mo pa nagustuhan si Yuri?"sunod-sunod na tanong ni Alexis sabay inakbayan pa ako. Bading ba to? Nang-aakbay sa kapwa lalake niya eh!

Naramdaman kong biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kaya naman, kinuha ko ito sa bulsa ko at saka tinignan kung sino ang nagtext. Pagtingin ko'y si Yuri pala.

"Tapos na ang meeting. Saan ka na? Kakain na tayo. Gutom na gutom na talaga ako. T__T "

Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Ibang klase talaga ang babaeng to. Napakatakaw! Kung ang mga ibang babae diyan ay sobra sa pag-aalaga ng figure nila, eto namang si Yuri ay kabaligtaran ng mga babaeng yun. Pero ewan ko ba, kahit na sobrang takaw niya'y hindi pa rin siya tumataba. Sa totoo nga niyan ay sexy rin siya! May fast metabolism ata siya kaya hindi tumataba.

Pero seryoso, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Ni hindi naman siya gaanong kagandahan. Well, hindi ko naman sinasabi na hindi siya maganda. Syempre, maganda siya no! uupakan ko kung sino ang magsasabing hindi siya maganda. Pero kahit na maganda siya, may mas maganda pa rin talaga sa kanya. Gets niyo? Pero kahit na ganun, siya ang pinakamaganda sa paningin ko! Hahaha. Okay, balik na tayo sa usapan. Hmmn... Hindi rin naman siya gaano katalino, tapos pulos sakit ng ulo lang naman ang binibigay niya sa akin. At isa pa, taglay niya ang katangiang pinakaayaw ko sa lahat. Ang pagiging mabait! Pero bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya?

"Ngumingit ka na naman! Sino ba kasi yang nagtext?"tila'y naiinis na tanong ni Alexis dahil kanina ko pa hindi sinasagot ang mga tanong niya at puro ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya.

"Alam na..."panunukso naman ni Raven.

Imbes na sagutin ko ang tanong ni Alexis ay binigyan ko na lamang siya ng isang nakakalokong ngiti at saka tinanggal ko muna ang braso niyang nakaabay sa akin. At pagkatapos ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.

"Una na 'ko! !"pagpapaalam ko sa kanila at saka nagsimula nang maglakad palabas habang nasa magkabilang  bulsa pa ng pantalon ko ang aking mga kamay.

"Kita mo 'tong taong 'to! Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko! Hoy, bumalik ka nga rito, Jin Ren!"pahabol na sigaw ni Alexis.

"Hahaha! Hayaan mo na yung si Ren"ani ni Raven kay Alexis bago ako tuluyang nakaalis.

Ngunit di na ako lumingon pa sa kanila at sa halip ay itinaas ko na lamang ang kanang kamay ko at saka ito winawaygay--- tanda na nagpapaalam na ako sa kanila.

Habang naglalakad ako'y  hindi naman natanggal sa isip ko yung  huling tanong sa akin ni Alexis--" Kelan mo pa nagustuhan si Yuri?"

Kelan pa nga ba? Hmmn... marahil nga'y matagal ko na siyang gusto  simula pa nung nagsine kami't kumain sa ice cream parlor. Kaya lang masyado pa akong in denial nung mga panahong iyon at nakompirma ko nga lang talaga na gusto ko na siya nung nasa Terra Cota kami. Nung araw na naglaro kami ng volleyball. Nadiskubre kong gusto ko na pala siya dahil sa labis ang pagseselos ko nang si Fizz ang nilapitan niya. Nasaktan ako, nainis, at higit sa lahat ay nagselos ako. Sa sobrang pagkainis ko't pagseselos ay nagawa ko pa ngang suntukin si Fizz sa mukha at pagkatapos ay kinaladkat ko pa nun si Yuri't saka siya sinigawan. Nung una'y hindi pa masyadong malinaw para sa akin yung mga nangyari't mga nararamdaman ko. Bakit ba si Fizz ang nilapitan niya? Bakit si Fizz at hindi ako? Ako na sinasabi niyang mahal niya! At isa pa, bakit ba ako naiinis? Bakit ba ako nasasaktan? At higit sa lahat, bakit ako nagseselos? Matapos yung insidenteng yun ay ilang araw ko rin siyang hindi pinansin nang sa gayon ay makapag-isip-isip muna ako at maliwanagan sa mga nangyayari para naman matukoy ko kung ano nga ba yung tunay kong nararamdaman. Sa loob ng ilang araw ng hindi pagpansin sa kanya, dun ko nahanap ang mga sagot sa mga katanungan ko. Una'y kung bakit si Fizz ang nilapitan niya at kung bakit hindi ako? Na-realize kong likas na mabait at maawain si Yuri. Kaya naman, nung mga panahong iyon nang nakita niyang mag-isa lamang si Fizz at wala ni isa mang lang ang lumapit sa kanya upang alalayin siya'y marahil dala ng pagkamaawain at mabait niya'y mas pinili niyang lapitan na lamang ito kaysa ang lapitan na ako. Pero nakakainis pa rin kahit na ganun. Nakakainis talaga ang pagiging mabait niya. Alam niyo naman na kung bakit di ba? Kasi nga ayaw ko sa mga taong mababait. Pero hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang ayawan!

Tapos pangalawa naman, napagtanto ko kung bakit nga ba ako naiinis? Bakit ba ako nasasaktan? At higit sa lahat, bakit ako nagseselos? Simple lang naman ang sagot eh. Matagal nang andiyan sa harapan ko ang sagot. bagamat masyado lang akong mapagkunwari't ayokong tanggapin ito. Ayokong tanggapin na gusto ko na nga si Yuri. Pero simula nung araw na narealize kong gusto ko nga siya'y ipinangako ko sa sarili kong magpapakatotoo na ako sa sarili ko. Kaya naman, nung pag-uwi namin galing Terra Cota'y masayang-masaya ako dahil doon siya mamamalagi ng ilang araw sa bahay namin. Bagamat problemadong-problemado rin ako nung araw na yun. Kasi nga magkaaway kami. kahit na gusto ko na siyang lapitan nung mga panahong iyon ay hindi ko pa rin magawa buhat ng di ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hanggang sa nauwi na lamang ako sa pag-snob sa kanya. Hanggang sa dumating yung oras na siya na nga mismo ang lumapit sa akin. Masayang-masaya ako nang binitawan niya ang katagang "saranghae" nung gabing yun. Kahit na alam ko na ang ibig sabihin nun, ay nagkunwari pa rin akong hindi ko alam at saka siya kinulit upang sabihin niya sa akin mismo ang ibig sabihin ng katagang iyon; upang magkaroon siya ng pagkakataong sabihan ako ng "I Love You". Kaya lang masyadong tuso ang babaeng yun at sa huli ay hindi ko pa rin siya narinig na magsabi ng "I Love You". Nagtataka ba kayo kung paano ko nalaman ang kahulugan nung katagang yun? Naalala niyo ba yung regalo niya sa akin nung kaarawan ko? Isang malaking puzzle picture naming dalawa na may nakasulat sa gitna na “Happy Birthday Jin Ren ko” at sa gilid naman nung puzzle picture eh may nakaukit na "사랑합니다". Nakita ni Ms. Jane yung regalo niya sa akin at napansin niya yung "marahil na salita" na nakaukit sa may gilid nung picture. Tinanong ko sa kanya kung ano ang ibig sabihin nun at sinabi niya namang "Saranghamnida" raw. Kinulit ko pa siya kung ano naman ang kahulugan nun, bagamat ang isinagot niya lang sa akin ay," Find out yourself!" saka nginitian pa ako ng nakakaloko. Kaya naman nauwi ako sa pagse-search nung kahulugan nung katagang "Saranghamnida" sa internet. Kaya ayun, napag-alaman kong Korean pala yun ng "mahal kita". Di lang yun, nalaman ko rin yung iba't ibang paraan ng pagsabi ng "mahal kita" sa Korean. kaya naman nung sabihan niya ako ng Saranghae ay napangiti na lamang ako. Kaya naman, napagdesisyunan kong bigyan siya ng pagkakataon pati na ang sarili ko na maging masaya pagkatapos ang examination namin. At ayun na nga--- sinagot ko siya! Hahaha. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Kaya ayun, ganun ang naging ending! 

Naglalakad na ako papunta sa likod ng building namin nang tinext ko si Yuri na dun na lamang kami magkita. Panigurado, pagdating ko dun ay baka pale na pale na itsura nun sa sobrang gutom. Hahaha

Ang tagal din naman kasi nilang mag-meeting tungkol sa nalalapit na School Festival. Isa kasi siya sa mga class officers. Kahit ganun yun, may taglay din naman siyang leadership eh.

Pagdating ko dun sa likod ng building ay wala pa siya. Hinanap siya ng mga mata ko, ngunit di naman nila ito nakita. Umupo na lamang ako dun sa ibabaw ng puno at saka sumandal sa trunk ,  kasabay nun ay ang pagpikit ko ng aking mga mata.

**YURI's POV**

Haist! nakakainis! Bakit ba kasi nag-meeting pa kami ngayong lunch tume kung magmi-meeting din naman kami ulit mamaya? >.<

Ayan tuloy, ilang minuto ko na lamang makakasama si jin Ren ko sa pag-lunch! Hmp! Sabay pa naman kaming magla-lunch ngayon!

Naglakad na ako papunta dun sa likod ng building namin. Galing ako sa caf, akala ko kasi dun kami magla-lunch. kaya lang tienxt niya ako na dun daw kami magkikita sa likod ng building. Sa di kalayuan pa'y natanaw ko an siyang nakasandal sa ibabaw ng puno. 

Baka natutulog to? Magulat nga natin saglit! 

Dahan-dahan ko siyang nilapitan dun sa kinaroroonan niya. Dahan-dahan at maingat na tila ba'y isa akong magnanakaw. Hanggang sa...

"Alam kong andyan ka na, kaya wag ka nang magkunwari pa."aniya.

Imbes na siya ang gulatin ko'y ako pa ang nagulat sa biglang pagsalita niya.

"isa pa,  wag ka nang magbalak pang gulatin ako. Magmumukha ka lang tanga!"dagdag pa niya na ikinabagsak ko, hindi naman literally.

PAK!

langya to! Ang hilig talaga kong tawaging tanga! Siguro kailangan ko na tong pangaralan na wag akong tawaging tanga!

Matapos niyang sabihin yun ay naglakad na ako ng normal papunta dun sa kinaroroonan niya. Pagdating ko dun ay umupo ako sa tabi niya, pero hindi naman ganoong kalapit. Siguro'y mga kalahating metro pa ang layo namin sa isa't isa.

Alam niyo naman ako. Ngayon pa umaandar tong hiya ko sa katawan ngayong kami na. Kaya ayun, di ako ganoong kalapit sa kanya.

"Yung picnic mat?"tanong niya sa akin.

"Ay! Nakalimutan ko!"sabi ko pa nang maalala kong naiwan ko nga pala sa bahay ang picnic mat. Kaya pala feeling ko talaga kanina pa  na may nakaligtaan ako. yun pala ay yung picnic mat ang naiwan ko.

"tss!"aniya sabay tayo. 

"tayo diyan!" utos pa niya.

Di na ako umangal pa't tumayo na ako. Baka maimbyerna na naman tong lolo niyo't mauwi lang sa awayan to. Pagkatapos kong tumayo ay napansin kong may kinuha siya sa bulsa niya. pagtingin ko'y panyo pala niya. At...

at bigla ba naman niyang nilahad yung panyo niya sa may damuhan at pagkatapos ay sinabihan ako ng,"Upo na!"

Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi lang medyo, kundi gulat na gulat. Hello! Sino ba namang mag-aakalang gagawin yun ni Jin Ren ko? Heller? Si Jin Ren ko kaya tong pinag-uusapan natin. Si Mr. Sungit? Si Mr. Cold?! Iisipin niyo bang gagawin niya ito sa akin?

Kyaaaaah!!! Umaandar na naman tong kilig ko't pagkarera ng puso ko.

"Ah.. eh. Ayos lang kahit wag mo nang ilagay pa yung panyo mo. Umupo naman na ako kanina pa kahit na nung wala pa yan eh."pakipot na sabi ko pa.

"Eh sino ba namang may sabi sayo na umupo ka sa damuhan ni wala man lang picnic mat o ano?"sagot naman niya. Ano to? Magtatalo na naman ba kami?

"Pssh!"yun lang ang naisagot ko. Baka kasi kung sumagot pa ako'y mas lalo lang kaming magtatalo.Pero wag niyong isiping nagpapa-under na ako. Binibigyan ko lang siya ng chance kaya sumunod na lang ako. Tsaka ayaw kong mag-away kami nang dahil lang sa simplng bagay na to.

"Upo ka na nga! Ayaw kong madumihan ka."dagdag pa niya at saka hinablot ang kamay ko't sapilitan akong pinaupo dun sa sahig kung saan nakalapag ang panyo niya.

At ayun na nga na naman! Naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng kuryente sa katawak ko nang hawakan niya ako.

"Eh pano ka? Madudumihan ka?"nag-aalalang tanong ko pa.

"Ayos lang ako."sagot pa niya nang hindi nakatingin sa akin. matapos niyang sabihin yun ay...

Katahimikan. Isang nakababaliw na katahimikan ang bumalot sa amin. 

"E---" magkukunwari pa sana akong umubo-ubo nang sa gayon ay mabawasan yung awkwardness na nakapalibot sa amin. Kaya lang bigla naman siyang nagsalita. 

"Yung pagkain nga pala natin?"tanong pa niya sabay tinitigan ako ng diretso sa mga mata.

Ay takte! bigla ba namang tumingin sa akin?! lalo tuloy akong nahiya.

 Dali-dali ko namang kinuha yung dalawang lunchboxes sa bag. Sa sobrang taranta ko't kaba'y muntikan pa sanang malaglag yung isang lunchbox na hawak ko.

"Eto nga pala oh."ani ko pa sabay inabutan siya nung isang lunchbox. Kinuha niya naman ito at saka binuksan. Nakita kong may namuong mga ngiti sa labi niya na siyang ikinatuwa ko. 

Grabe talaga ang epekto sa akin ng lalakeng to. Isang ngiti niya lang, napapatuwa na niya ako!

"Kutsara't tinidor nga pala?"sabi pa niya. Dali-dali ko namang kinuha iyon sa bag.

 "Wag na wag mo kong bibigyan ng chopstick!"pahabol pa niya.

"Hahaha! Opo. Eto na po, kutsara't tinidor niyo."sagot ko pa sabay iniabot sa kanya yung utensils.

"bat ka tumatawa?'naguguluhang tanong niya habang magkasalubong pa ang dalawang kilay niya.

"Wala. Naalala ko lang yung araw na nag-lunch din tayo rito."pag-uumpisa ko pa habang binubuksan yung lunchbox ko.

"Sino ba namang makakalimot nung araw na yun? Akala ko'y lason yung pinapakain mo sa akin dahil di ako pamilyar dun sa potaheng inihanda mo para sa akin. Oh buti naman ngayon at pagkaing pinoy na ang niluto mo."hika niya sabay sumubo nung pagkain.

"Yah! Lason ka diyan! Korean food yun noh!"sabi ko pa at saka sumubo na rin.

"At saka kahit na ganun itsura nun, aminin mo. Nasarapan ka rin sa niluto ko!"dagdag ko pa.

"Haha! Oo na!"sagot pa niya at saka itinaas yung dalawa niyang kamay na kung saan ay yung kanang kamay niya'y may hawak na kutsara habang yung kaliwa naman ay tinidor.

"Tapos, imbes na kutsara't tinodor, binigyan mo ko ng chopsticks. Eh hindi naman ako marunong gumamit nun."usal pa niya sabay nag-pout pa.

Waaaah!!! Ang cute niyang mag-pout! Pa-pout nga ulit! =3

"Hahahaha! Kaya nga eh. trying hard ka pa nun sa paggamit nang chopsticks hanggang sa naisipan mo na lang magkamay. Ang cute kaya!"kwento ko pa habang nakangiti.

"Alin ang cute? Ako o yung pagkakamay ko?"biglang tanong niya na siyang ikinagulat at tahimik ko.

Tapos nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin nga siya sa akin. Kyaaah!!! Heto na naman 'tong kaba na to oh. Nawala na to kanina eh, kaso bumalik na naman!

"P-pareho!"nahihiyang sagot ko pa. Kaso bigla ba namang humalakhak ang mokong?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"tawa pa niya.

Ano na naman ba ang nakakatawa? Baka naman pinagtritripan na naman ako nito?

"Anong nakakatawa?"tanong ko pa. Bigla naman siyang tumigil sa kakatawa at nagseryoso na naman. galing talagang mag-pokerface.

"Ikaw! Ang cute mo kasi."sabi pa niya na siyang ikinamula ko ng bonggang-bongga. At pagkatapos ay pinisil pa niya ang isang pisngi ko't saka nagpatuloy na sa pagkain.

C-cute daw ako sabi ng boyfriend ko! Kyaaaaaaaah!!!

Pero ano namang nakakatawa sa pagiging cute ko? Hmmn. Ang wirdo talaga ng taong to!

Kumain lang kami ng kumain sabay usap din. Minsan pa nga'y nagtatalo rin kami. Ganun lang ang ginawa namin hanggang sa natapos din kaming mag-lunch. 

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na yung mga pinagkainan namin at saka ibinalik yung mga lunchboxes sa bag. At saka kinuha yung cellphone ko't tinignan yung sa "calendar". gusto ko kasing malaman kung anong petsa na, para malaman ko kung ilang araw na lang ba bago mag-meteor shower. 18 na pala ngayon. Balita ko kasi may Leonid Meteor Shower sa 21. Ma-save nga!

"Ano yang tinitignan mo?"tanong sa akin ni Jin Ren ko sabay hablot nung cellphone ko kahit na nakikita niya namang nagta-type pa ako. Wala talagang manners tong taong to!

Binasa niya yung tina-type ko.

'Meteor Shower on 21! =) '

"Mahilig ka pala sa mga ganyan?"tanong niya pa saka ibinalik yung phone ko. 

"Yep!"sagot ko pa sabay kuha nung phone ko.

"I see."yun lang ang isinagot niya.

"Ahmm, hindi pa ba tayo aalis? 20 minutes na lang at magta-time na."pag-iiba ko ng paksa.

"Maya na. Gusto ko munang magpahinga."pagkasabi't pagkasabi niya nun ay bigla na lamang siyang humiga at saka ipinatong ang ulo niya sa kandungan ko.

"Y-yah! A-anong ginagawa m-mo?"nauutal na tanong ko. Eh sa bigla akong kinabahan sa ginawa niya. Tsaka nakakailang kaya.

"Hmmmnn.. iidlip muna ako."sagot pa niya habang nakapikit.

"Magta-time n-------"

"15 minutes. 15 minutes lang, Yuri!"aniya.

Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako sumagot pa at saka tahimik na lamang pinagmasdan ang maganda niyang mukha na kasalukuyang mahimbing na natutulog.

Pssh! Kaya pala dito ka nagyayang mag-luch at hindi sa caf! Para makatulog ka sa kandungan ko. Akala ko talaga nung una'y nahihiya kang makita ng iba na sabay tayong magla-lunch. Pero hindi. hindi pala. gusto mo lang pala na magka-moment tayo. 

Sa di mabilang na pagkakataon Jin Ren ko'y napamangha mo na naman ako sa simpleng bagay na ginagawa mo.

---------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

342K 23.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
16.6M 720K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...