Stay with me

By TheDoubtful

108K 3.8K 472

My dearest althea, like what I've told you last night, I have never loved and will never love someone as much... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
finale

11

4.4K 193 31
By TheDoubtful


ALTHEA's POV



Nilagay ko na sa likod ng kotse ang mga bagahe ko.

Pagkasara ko ng trunk, nilapitan ko muna si Batchi na nakaupo na sa sasakyan nya.


"Oh paano tsong, dito na muna ko. salamat ng marami ha."

"Oo sige, ikaw pa. text mo na lang ako. kailan ka puntang Runners?"

"hindi ko pa sure eh. basta, bahala na. ingat ka tsong."

"balitaan mo na lang ako ah. good luck." may pataas taas pa ng kilay na bilin nito sa akin at nginunguso pa si Jade.

"oo na! mag text ka rin paguwi mo. hala, sige, layas na."

"babu. bye Jade!" sigaw pa nito kay love sabay kaway. kinawayan din naman sya nito.

at tuluyan na ngang pinaandar ni Batchi ang sasakyan nya.



Naglakad na ko papunta kay Love.



"Ako na mag di-drive." sabi ko sa kanya habang binubuksan ko ang pinto sa passenger seat para papasukin sya.

"ok." matipid na sagot ni Love ng makaupo na sya.


huminga pa ko ng malalim ng umikot ako papunta sa driver's side.


whooh.. phase 1, check! pumayag si Jade na sa condo muna ko mag stay ng hindi sya aalis.


Lord, please naman, tuloy-tuloy sana ang swerte ko.


"Let's go?" tanong ko sa kanya ng maka upo na rin ako.

"seat belt ka." mahinang sagot naman nya sakin.

inistart ko na ang kotse at pinaandar palabas ng parking lot.

"medyo maganit na kambyo nito, love." basag ko sa katahimikan ng kami ay nasa byahe na.


napansin kong nagulat sya at biglang dumiretso ang kanyang likod dahil tinawag ko syang 'love'.


"ah... yeah nga e." matipid nyang sagot.


"medyo may kalampag na din. pina-tune up mo na ba to?"


"wala naman akong idea..."


"due na ng tune-up nito 3 months ago pa. alam mo naman saan yung talyer ni tommy, diba? sana dinaan mo don" putol ko sa sasabihin nya.


"sorry. busy kasi ako. tsaka ok pa naman andar ah." malumanay naman nyang paliwanag.


"maswerte ka nga't umaandar pa. dibale ako na lang magdadala bukas."


"eh anong gagamitin ko?" tanong nya ulit.


"ihahatid kita." sabi ko sabay tingin at kindat ko sa kanya.


nakita kong namumula na ang mukha nya.


sa inis yata.


sana naman hindi.



kahit casual lang ang usap namin ni love sa byahe at medyo argumentative pa ang tono ko, di ko parin mapigilang kiligin. para kasi kaming mag-asawa katulad ng dati.


hay.. na miss ko talaga to.




na miss ko talaga sya.



"gutom ka ba? gusto mag drive-thru."


"sige." matipid pa rin nyang sagot.


dinaan ko sa mcdonalds at medyo mahaba haba ang pila.



awkward silence sa loob ng kotse.


I can't hear anything pero para akong mabibingi sa kabog ng dibdib ko.


"the usual?" tanong ko sa kanya na medyo high pitch.


'tangina althea! para ka namang tanga! pumipiyok ka pa!' sa isip-isip ko.


tango lang ang sagot nya.


pagkakuha namin ng order, inabot ko ito sa kanya at nag drive na ulit.


hinihintay kong gawin nya ang lagi naming ginagawa noon kapag kumakain kami sa sasakyan.


yung susubuan nya ko ng burger at fries tapos papainumin ng softdrinks.


pero binaba lang nya yung pagkain namin sa sahig ng kotse.


pabalik balik ang tingin ko sa daan at sa brown paper bag.


napansin nya yata.


lumingon sya sakin saba'y balik ng tingin sa labas ng bintana.


"sa unit na tayo kumain." buntong hininga nya.


BIGO.


sasadyain ko pa naman sana talagang dumihan ang pagkain ko para punas punasan nya ko ng tissue sa mukha.


ngangers.


dibale, marami pa namang araw.


"sabi ko nga e." sagot ko lang.



nagpatuloy na lang ako sa pag di-drive hanggang maabot na namin ang condo bldg.



home sweet home!



binaba na nya ang dala naming food at kinuha ang shoulder bag nya. kinuha ko naman ang laptop bag nya at binuksan ang trunk para sa mga bagahe ko ng tahimik.


ganito kami ka coordinated ni love kahit noon pa man. nagagawa namin yung mga bagay ng hindi na namin kailangan pang pagplanuhan o pag-usapan.


nagagawa nga naming mag-usap sa tingin lang lalo na't may kasama kaming ibang tao.


alam na namin yung tingin ng isa't-isa na nagsasabing 'tara na, uwi na tayo' or 'yabang nitong tao na'to' or 'wag mong bibilhin, inuuto ka lang nyan'


binaba ko na ang mga bagahe ko mula sa trunk ng nakita kami ni mang oscar, security guard sa basement ng condo bldg.


"uy boss! tulungan ko na po kayo!" bati nito sa akin sabay kuha ng isa kong maleta.


"long time no see boss ah." dagdag pa nito habang hinihila ang maleta papunta sa elevator.


nakasunod lang kami kay Jade.


"nag bakasyon lang saglit, chief. medyo pumopogi tayo ah." bati ko naman sa kanya ng may ngiti.


"aba syempre, boss. tagal nyo sa bakasyon ah. kala ko pa naman totoo na yung chismis." dagdag pa nito.


"hahaha." nagtawanan na lang kaming dalawa. habang naghihintay sa tapat ng elevator.


hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang hinila si love sa baywang at binack hug ito. nagulat din ito sa ginawa ko.


pinatong ko pa ang mukha ko sa balikat nya at tumingin kay mang oscar.


"chismis talaga oh! magagawa ko bang iwanan tong misis ko."


"hahaha, ok yan boss!" sabay thumbs up pa ng matanda.


kung nakakamatay lang talaga ang tingin ni Jade, malamang naka handusay na ko ngayon dito.

 

kinindatan ko lang sya sa reflection namin sa salamin ng elevator door bilang tugon.


pero ang bango nya! grabe! partida buong araw na sa location yan ha!


para kong nakarinig ng mga anghel na umaawit nung nayakap ko sya.


nag-init ang buong katawan ko sa halimuyak ni love.


sobrang sexy nya!


masakit sa puson ito, shit!


iiscore pa sana ko ng isang kiss sa cheeks ni love nang biglang tumunog ang elevator hudyat ng pagbukas ng pinto.


"tara na." biglang kawala ni love sabay lakad papasok na sya namang ikinasubsob ko.


"aray! puke!"


"oh boss! ok ka lang?" alalay naman sakin ni mang oscar habang pinapasok ang bagahe ko sa elevator.


"ok lang chief. excited lang. hehe." palusot ko dito. "salamat ha."


"no problem boss! basta ikaw!"


"thank you, manong." sabi ni love sabay irap sakin ng sumara na ang pinto ng elevator.



------------




JADE's POV



"ok lang chief. excited lang. hehe." says Althea while scratching her eyebrows.


I turned my back on her as the elevator ascends.


Minutes ago, I was surprised when she back hugged me.


I was stunned and I didn't know how to react.


Her scent attacked my senses like a strong cold wind blowing dried leaves off the pavement. only that it's warm.


Her hands snaked from my side to my belly gripping me closer to her.


I lost control and leaned on her warm body.


The familiar scent hypnotized me to the core.


Her toned arms felt like weapons that gently cradle me home.


I was a vulnerable prey being held by my predator.


The touch of her face on my shoulders sent shivers to my spine vibrating to my entire being.


I frowned on her reflection to hide my burning face.


She winked and it confirmed what I feared; that I am a weakling about to be swallowed submissively by a lion.


Boy, I am in trouble.


---



I handed her the keys to our unit and I stood back as she opened the door.

It feels surreal having her home.


"Do you wanna eat first?" I asked her as soon as we got in.


"Yeah, I'm famished." She answered.


I went straight to the kitchen to get some plates and I started to set the table.


I can see her watching me.


"wash your hands na, come on."


She did what she was told, sat down and we started eating.


We ate silently but somehow it wasn't awkward.

It was comfortable silence.



I took out the pickles from my burger and handed it to her unconsciously.


I realized what I did but before I could stop and make thinks awkward again, she just took it from me, put in her mouth and chewed it like its the most casual thing to do.


"Wot chaym pachok mmm bukash?"



I handed her her drink.




"May meeting ako ng 9. chew your food, love. althea."



fuck!!!



She smirked and her eyes twinkled.



She's doing this on purpose.



I'll get back at you with a vengeance.




--

After we ate, she offered to take care of the dishes.



for the first time in the history of mankind!



"baka mabasag mo." I told her.


"grabe ka sa'kin. kaya ko yan no. ako kaya gumagawa nyan sa canada."


hhmmmm...


I know what she's doing.


She's provoking me to ask her about her stay in Canada.


Not gonna happen, Guevarra.


I know you too well.


"ok then. I'll just take a shower and I'll get you some pillows and a blanket."


"ha?"


"yeah. dyan ka matutulog sa couch kamo diba? If you want, you can stay sa room ako dito."


"ay hindi na, love. ok nga dyan sa couch e. miss na miss ko kaya yan."


"ok."


love mo mukha mo!



-


I went inside the room and took a bath.


I showered longer than the usual.


I looked for the sexiest, most revealing nighties that I could find and I put them on.


No bra of course, I'm about to sleep.


I did not bother putting cologne.

She might think I'm doing it on purpose.


I'm dealing with a professional tease here and I should up my game.

And besides my scent alone will rock her world. I know. *winks*


I took fresh pillows and some blankets.

I breathed deeply before I turned the door knob.





It's payback time.



---------



ALTHEA's POV





Tagal naman ni love.


Nakaupo ako ngayon dito at katext ko si Batchi.



Batchi:

Ano lover boy, kamusta?



Me:

ulol! dito na kami sa condo.

Mukhang magiging bestfriend ko talaga 'tong couch na to. nakauwi ka na?



Batchi:

oo. ay tsong, pinapasabi pala ni loveliness, 'dasal lang. dasal lang talaga' hahaha.



Aba'y kahit kailan gago tong kaibigan ko.



Pero kahit ganto pa ang sitwasyon namin ni love, I would rather be here than anywhere else.


Siguradong pag nalaman ng mga barkada ko na andito na ko sa pinas, matinding party to!


babaha nanaman ng alak at babae pero siguro talagang si love na lang talaga ang gusto kong makasama.


hindi na ko nangangating gumimik kasama ng mga barkada ko at pumarty with other women.


hindi na yun ang gusto ng puso ko.


na outgrow ko na nga talaga.


sana magawa ko lahat ng plano ko to win her back.


imbes na beer, kape ngayon itong tinutunga ko.


but I am happy. really happy to be with her.



hinipan ko muna ang mainit na kape bago inumin ito ng biglang lumabas si love galing sa kwarto.


"ppsshhhkk!! puta! ang init!" nabuga ko ang mainit na kape.


"ay! ano ba yan lo.. althea! ba't ka dyan sumuka?"



hayop! grabeng sexy ni love!



nilapag ni love ang bitbit nyang unan at nagmamadaling lumapit sa'kin.



dyos ko pong mahabagin! nakabakat pa ang nipples ni love!



"na.. aahhh... na pppa pa paso ak ako.."



"bat di mo kasi pinalamig muna bago mo inumin?! hubarin mo yan, bilis, magbihis ka." natatarantang sabi nya.



kinuhanan ako ni love ng bagong t-shirt mula sa maleta ko at inabot ito sa'kin.



"oh mag bihis ka." sabay angat nya ng t-shirt ko.


dito na ko sa harap ni love naghubad. natutulala pa ko sa dibdib ni love ng ihampas nya sa mukha ko yung tshirt na inaabot nya sa'kin.



"hoy althea! ano ba kasing ginawa mo?"







"yung dodo..."







"ano?"





"yung gatas este kape.."





"ewan ko sa'yo! matulog ka na nga." sampal niya ulit sa mukha ko.






"ayan yung unan mo!" sabay walk-out.






sa sobrang sakit ng puson ko, naka limang ihi ata ako buong magdamag. :)




-

-

-

-

-



nagising ako sa alarm ng phone ko. 6AM na.




kahit antok na antok pa, bumanggon ako. 



niligpit ko muna yung pinaghigaan ko at dumiretso sa kusina.







ano kayang gustong breakfast ni love?






tbc




a/n : 

hi guyth! :)

i "might" be out for a week. hindi ko kasi sure kung ok ba ang internet connection dun sa pupuntahan ko e. 


but i will try to update as soon as i can.

your comments, likes and follows inspire me to write more.



thank you!


shoutout kay @mimitot1105 :)

Continue Reading

You'll Also Like

611 83 6
a childhood love story of two.... sink in to enjoy the depth of their sanity....
79.8K 1.9K 73
"Fate is well known for its tricks." What will happen, when you accidentally bump into your one and only bias Jungkook in a elevator? Does fate has s...
23.4K 1.5K 24
L O A D I N G... classic jock boy picking on the computer nerd. the school's good boy, Jackson Wang is stuck as roommates with the school's bad boy...
368K 13.3K 60
π—œπ—‘ π—ͺπ—›π—œπ—–π—› noura denoire is the first female f1 driver in π——π—˜π—–π—”π——π—˜π—¦ OR π—œπ—‘ π—ͺπ—›π—œπ—–π—› noura denoire and charle...