6

4K 166 13
                                    


althea

nandito ko ngayon sa bldg ng ofc ni jade. kanina pa ko paikot ikot sa lahat ng pwede nya puntahan.

lahat halos ng kamukha ng kotse nya tinitigilan ko.

hindi ko naman magawang kumatok sa bahay ng mama nya. i don't want to take the risk. alam kong hindi nag sshare ng problema nya si love sa mama nya lalo na kung ako ang involve. ayaw na ayaw kasi non na mapa sama ako sa tingin ng ibang tao. and besides wala naman don ang sasakyan nya.

hanggang sa naisip ko ang opisina nya.

nakita kong nakaparada ang kotse nya sa kanyang reserved spot. dali dali kong pinark ang motor ko at ngayon nga'y andito ako sa elevator naghihintay na makarating sa floor nila at makausap sya.

ang bagal nitong elevator. daming taong labas pasok. lahat sila napapatingin sakin. nagagwapuhan yata e pawis na pawis na nga ko sa init.

kanina pa ko nagmomotor kakahanap kay jade. tanghali na kaya.

shit!

di pa pala ko nakaligo!

kaya siguro sila napapatingin dahil and bantot ko na yata!

tangina talaga oh.

salamat na lang at narating ko na rin ang opisina ni love.

****

"hi. si jade?" tanong ko dun sa receptionist na kamukha ni jessie mendiola. dami palang magaganda dito. lahat naka business attire. puro chika babes.

fuck.

ano ba tong naiisip ko. andito nga pala ko para amuhin si love.

"jade who?"

aba mataray to ah. pag ako lang, nakaligo, who you ka sakin. hehehe.

"tanchingco. i'm looking for jade tanchingco"

"do you have an appointment?"

"i don't need to have one. i'm althea. althea guevarra."

parang nagulat si jessie look-a-like.

"are you sure?"

"what does that suppose to mean?" balik kong taray sakanya as i took off my shades at ginawang headband ito. pinandilatan ko sya ng mata.

"ah.. just.. ah.. please wait here" balik nya sakin. nataranta na si ate.

alam kong kilala ko dito sa office ni love bilang partner nya. palagi nya kong iniinvite pag may mga party sila. ako lang tong bibihira sumama.

minsan naman nirerent ng company nila yung runners pag may mga event sila.

ewan ko ba ba't di ako kilala nitong bruhang to. sabagay di ko rin naman sya kilala. must be new here.

--

45 mins na kong nakaupo dito sa reception, di pa rin lumalabas si love.

sabi nitong si jessie nung bumalik sya sa upuan nya 40 mins ago, lalabas na lang daw si love. ang tagal naman yata. naiinip na ko. i can't wait this long.

tyempong tumayo sya.

tatae yata.

chance ko na to.

nag kunwari akong abala sa binabasa kong magazine ng tumayo sya at nagpunta sa CR sa may dulo ng hallway.

pagsarado nya ng pinto ng CR, dali dali akong tumayo at pumasok sa loob ng office nila.

Stay with meWhere stories live. Discover now