Loving You From Afar

By suffocatinglove

14.8K 256 23

[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong imposible ka namang mahalin p... More

PROLOGUE
ONE - Meet Zaree Ysabelle.
TWO - Bestfriend.
THREE - Report Card.
FOUR - Hunter Grae.
FIVE - Basketball Game.
SIX - Tutorial.
SEVEN - Gig.
EIGHT - Tanga.
NINE - Guy in Black.
TEN - He's back.
ELEVEN - Deny pa more.
TWELVE - Maling akala.
THIRTEEN - Mahal kita.
FOURTEEN - Mahal mo din ba?
FIFTEEN - Drama.
SIXTEEN - Travis.
SEVENTEEN - Bonding.
EIGHTEEN - Nag-iisa lang.
NINETEEN - Expected.
TWENTY - The Break-Up.
TWENTY-ONE - Sparks.
TWENTY-TWO - Friends.
TWENTY-THREE - The Truth.
TWENTY-FOUR - I'm Always Here.
TWENTY-FIVE - Protector.
TWENTY-SIX - We Could Happen.
TWENTY-SEVEN - Paper Roses.
TWENTY-EIGHT - Love is Sacrifice.
TWENTY-NINE - Hunter Salazar's POV.
NOTE - #VoteKathrynFPP #KCA
THIRTY - The Chase.
Author's Note

EPILOGUE

449 9 4
By suffocatinglove

Before anything else, I just want to thank everyone for waiting bago ko pa ma-post 'tong epilogue. Sobrang tagal ko nawala sa wattpad because of school works pero hindi pa din kayo nawawala. Hehe, I love you all! May ipo-post pa akong author's note after ko i-post yung epilogue so dun na lang ako magda-drama, joke lang.


For additional info, hindi ko na po ito nire-read so please tell me kung may wrong grammars or kung ano ano pa. And of course, I want you all to know that this chapter is dedicated to all of you. Enjoy reading!



-----



{EPILOGUE}



DECEMBER 2014



Masaya. Eto lang yung nag-iisang salita na makakapag-larawan sa akin sa ngayon.



Hindi ba't sobrang saya kapag nakuha mo na yung gusto mo? Yung mga bagay na gustong-gusto mong makamit noon pa? Yung mga bagay na dati tinitingnan mo lang, ngayon nasayo na?



"Hoy Zaree, tulaley ka na naman dyan!" pagsisita sa akin ni Franco na kanina pa paikot-ikot sa loob ng classroom namin.



"Ay sorry." Nginitian ko naman siya at umupo lang siya sa tabi ko.



"Uy Zaree, sinagot mo na ba si fafa Hunter?"



"Bakit?"



"Wala naman, nagtatanong lang. Tagal na din niyang nanliligaw sayo ah!"



Hindi naman ako nakasagot dahil bigla namang sumabat si Audrey na sumulpot na lang bigla sa may likuran naming dalawa, "Bakla ka! Ilang months pa lang nanliligaw si Hunter dito kay Zaree 'no! Mas maganda nang matagal para sure! Diba, Zaree?"



"Tama—"



Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sumabat ulit 'tong si Franco, "Ano ba kayo! Ang pinapatagal ang relasyon! Hindi yung panliligaw!"



"Hay nako, wag mo na ngang guluhin pa si Zaree! Hayaan mo na siya mag-decide! Kung gusto niyang patagalin pa yung panliligaw ni Hunter sa kanya, hayaan mo na! Siya kaya yung nililigawan at hindi ikaw!"



Tumayo naman siya at pabirong hinampas si Audrey sa braso nito, "Gaga ka! Sige lang, ipamukha mo pa na walang nanliligaw sa akin!"



"Bakit? Wala naman talaga ah!"



"Bakla ka! Huhuhu," nagkunwari pa siyang umiiyak na ikinatawa ng mga kaklase namin, "Makikita niyo! May mahuhulog din sa patibong ko!"



"As if naman!" Pabiro pang umirap sa kanya si Franco at nilabas pa ang pamaypay nito.



"Hoy Audrey, tama na nga yan. Hayaan mo na yang si Franco mag-drama dyan." Pinaupo ko naman si Audrey sa tabi ko at natawa naman kaming dalawa.



"Oh em gee!" napalingon naman kaming lahat kay Franco ng bigla itong sumigaw.



Imbis na si Franco ang pagtuunan ko ng pansin, mas napansin ko pa ang lalaking nasa gilid niya na may dala-dalang isang bouquet ng flowers.



"Uhm, hi fafa Hunter!" bati ni Franco kay Hunter na siya namang ikinatawa nito.



"Hello."



"Para sa akin ba yan?" akmang hahawakan niya na sana ang mga bulaklak pero nilayo ito ni Hunter sa kanya, "Oo na! Alam ko namang hindi para sa akin yan! Gusto ko lang hawakan!"



"Ayoko nga." Asar sa kanya ni Hunter kaya naman sumimangot pa ito.



"Hoy bakla, wag ka ngang manira ng moment ng iba! Tara na, samahan mo na lang ako sa cafeteria, kumain na lang tayo, tutal wala namang nagmamahal satin eh. "pagdadrama pa sa kanya ng kaibigan niyang si Drizz at hinila siya palabas ng room.



"Siraulo talaga yung mga yon." Napa-iling iling naman si Audrey at tumayo, "Oh paano? Hihintayin ko na lang muna si Sandy sa baba, hindi pa naman nagsa-start yung klase eh. Iwan ko na muna kayo ni Hunter."



Tumango naman ako at bago siya umalis ay binati muna nila ni Hunter ang isa't-isa. Natutuwa naman akong ayos na silang dalawa at natuto na din patawarin ni Audrey si Hunter mula sa mga nagawa niya noon.



Na-realize niya din kasi na wala namang mangyayari kung puro sama lang ng loob ang kikimkimin niya. Siya lang din yung mahihirapan at tsaka, ganon din eh, hindi na din nila maibabalik ang buhay ni Ate Athena. Sa tingin ko, kung nasaan man si Ate Athena ngayon, tanggap niya na din yung nangyari sa kanila noon ni Hunter.



"Good morning!" bati sa akin ni Hunter at tsaka inabot ang isang bouquet ng mga bulaklak.



"Wow, ang ganda neto ah. Thank you!"



"You're always welcome." Tsaka niya ibinigay sa akin ang matamis niyang ngiti, "Ah, Ysabelle."



"Hmm?"



"May ka-date ka na ba sa darating na Christmas Eve party?"



Teka lang, lokohin ko kaya 'to? Ha-ha-ha.



"Ah, ganon ba? Ano kasi eh..."



"Ano?" Base sa mga nakikita ko, mukhang kinakabahan na siya sa magiging sagot ko.



"Sorry, Hunter. Meron na kasi akong ka-partner—"



"Tangina, sino yang hinayupak na yan?! Nakakainit ng ulo—"



"Hoy tigil-tigilan mo nga yang pagmumura mo!"



"Sorry nadala lang." Napayuko naman siya pero maya-maya lang ay tiningnan ulit ako ng masama, "Sino ba kasi yang magiging date mo sa Christmas Eve party? Nakakainis. Makita-kita ko lang talaga yang mukha ng lalaking yan, ay nako! Sinasabi ko sayo, Ysabelle."



"Anong gagawin mo sa kanya?" hindi ko na din mapigilan ang mapangiti. Malandi mang pakinggan pero oo, ang cute niyang maasar.



"Oh bakit ngumi-ngiti ngiti ka pa dyan? Anong nakakatuwa dun sa mga sinabi ko? Kapag nakita ko talaga yung lalaking yun sasapakin ko talaga siya." Bumuntong-hininga naman siya at sinamaan ulit ako ng tingin ng marinig niya akong tumatawa ng mahina, "Ysabelle naman! Hindi naman ako nagpapatawa!"



"Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan na matawa eh." Pinisil ko naman siya sa magkabilang pisngi, "Ang cute cute mo talaga! Nakakainis ka!"



"Hindi ako cute, pogi ako."



Umiling naman ako, "Hindi ka pogi, cute ka. Mukha ka kayang aso." Nang marinig naman ito ng iba kong kaklase ay narinig ko silang naghagikhikan.



"Ikaw nga mukhang siopao eh."



"Ah ganon? Oh sige, bahala ka sa buhay mo. Umalis ka na, dalhin mo na din 'tong mga bulaklak na binigay mo sakin. Hindi ko gusto yan, ang panget. Ibigay mo na lang yan sa ibang babaeng magugustuhan mo." Umayos na lang ako ng upo at hindi na siya pinansin.



"Uy grabe naman oh! Joke lang kasi yun! Ikaw nga kanina mo pa ako inaasar eh!"



"..."



"Ysabelle naman eh."



"..."



"Mamamansin ka o hahalikan kita?"



"..."



"Ah ganon ah." Naramdaman ko naman na unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin pero napatigil siya ng may sumigaw na isa kong kaklase.



"Uy PDA oh! Bawal kaya yan sa loob ng campus!"



***



Natapos na ang buong klase namin at simula pa kaninang umaga ay hindi ko pa rin pinansin si Hunter hanggang sa pagbalik niya ng classroom nila.



"Uy 'teh, hindi mo pa rin ba kakausapin si Hunter?" tanong sa akin ni Sandy.



"Papansinin naman pero dapat suyuin niya muna ako."



Nag-kunwari naman silang dalawa ni Audrey na parang nasusuka sa narinig nila kaya napatawa na lang ako, "Joke lang yun, syempre!"



"Nako girl ha, masyado nang pagpa-pabebe ang ginagawa mo!" saway sa akin ni Sandy habang inaayos ang mga gamit niya.



"Anong pabebe? Hindi ah! Tama lang yun sa kanya! Asarin ba naman akong siopao!"



"Ay sinabi niya yun sayo, girl?" natatawang tanong sa akin ni Audrey.



"Oo! Hindi naman ako mukhang siopao, diba?"



"Ah... Eh..." hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng gamit nila.



"Bwiset naman! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!"



Narinig ko pa silang nagtawanan bago ako lumabas ng classroom namin. Nang mapadaan naman ako sa room nila Hunter ay pasimple akong sumilip sa may bintana nila.



"Pst! Hinahanap mo ba ako?" napalingon naman ako ng may biglang sumulpot sa likuran ko.



Eh sino pa nga ba?



"Wag mo nga akong kausapin." Tinalikuran ko ulit siya at hindi na nagsalita ulit.



"Sorry na kasi, Ysabelle. Joke lang naman yung kanina eh." Kinakalabit niya ako at nang maramdaman niyang hindi ko siya lilingunin ay hinawakan niya na lang ang kaliwa kong kamay.



"U-uy a-ano bang g-ginagawa mo?" Oo nga naman kasi, Zaree. Obvious naman, tatanong ka pa.



"Hinahawakan kamay mo."



"Alam ko, pero bawal yan dito! Baka may makakita sa atin!"



Maya-maya pa ay narinig ko naman ang dalawa kong kaibigan na sila Audrey at Sandy na dumaan sa gilid namin at kunwaring hindi kami kilalang dalawa ni Hunter.



"Uy grabe sila oh! Diba bawal PDA dito sa loob ng campus?"



"Oo nga eh. Tara sumbong natin sa principal!"



"Wag na! Hayaan mo na sila!"



"Sige na nga. Sa totoo niyan, nakakainggit nga sila eh. Hay nako, Audrey! Gusto ko na din magka-lovelife!"



"Jusko, tara na't umuwi na lang tayo, Sandy! Baka mamaya maiyak ka pa dyan eh! Nakakahiya!"



Natawa naman ako sa kalokohan ng dalawa kong kaibigan at pati si Hunter ay napailing na lang. Mga may sira na talaga 'to. Kinain na ng sistema.



"Uy ate at kuya! Hinay-hinay lang po ah!" sigaw sa amin ni Sandy at tumango na lang kaming dalawa ni Hunter para makasabay sa trip nila.



"Oo nga! Kuya, alagaan mo yang kaibigan namin ah! Kapag may nangyaring masama dyan, sasapakin ka namin!"



"Masusunod po mga madame!" sumaludo pa siya sa dalawa kong kaibigan at nagpaalam na nga din sila sa aming dalawa ni Hunter.



"Ayan, wala nang tao, pwede ko na siguro hawakan kamay mo, Ysabelle?"



"Hindi pwede. Uuwi na ako."



"Ysabelle naman eh. Hanggang ngayon galit ka pa rin? Hindi ba dapat ako 'tong nagagalit sayo dahil pumayag kang makipag-date sa iba para sa dadating na Christmas Eve party?"



Napalingon naman ako sa kanya at napangiti ng bahagya, "Grabe, hanggang ngayon iniisip mo pa din yan? Hindi mo ba nahahalata kanina pa na binibiro lang kita? Jusko naman, Hunter."



Natahimik naman siya bigla na siyang ikinatawa ko, "Baliw ka talaga, Ysabelle. Halika na nga! Iuuwi na kita sa inyo!"



"Ano kamo? Baliw ako?"



"Oo, baliw na baliw sa akin."



"Di ah! Kadiri!"


"Grabe, hanggang ngayon dine-deny mo pa din na baliw na baliw ka sa akin?"



"Leche!"



***



FAST FORWARD TO THE 24TH OF DECEMBER 2014



Eto na yung araw na pinaka-hihintay ng mga estudyanteng katulad ko every school year. Syempre bukod sa graduation, kailangan muna namin magsaya tuwing 24th of December. Naka-ugalian na ito ng school namin na magkaroon ng Christmas Eve party taon-taon.



Inilibot ko ang paningin ko sa mga kaklase kong naggagandahan ang mga suot. Ako? Simple lang ang ayos ko. Sinuot ko ang isang dress na binigay sa akin ni Mama na binili niya pa sa isang mall at sandals na babagay sa dress na suot ko. Sila Audrey at Sandy lang din ang nag-make up sa akin, light make up lang dahil hindi naman ako sanay na maglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha.



Sabay-sabay kaming pumunta dito sa venue ng mga kaibigan ko. Maganda ang pagkaka-ayos sa venue, akala mo nasa movies ka pero hindi. May mga christmas lights sa buong paligid at maganda din ang pagkaka-set up ng stage.



Napagpasyahan ko na din na mag-perform ngayong gabi dahil pinilit ako ng mga kaklase ko pati na rin si Hunter. Pero teka nga, nasaan na nga ba ang isang yon? Kanina ko pa siya tinetext pero hindi naman nagrereply. Ni hindi nga niya ako sinundo sa bahay eh.



Oo, siya ang date ko ngayong gabi. Sino pa nga ba?



"Hoy girl, nasaan na ba yang date mo? Aba, hindi ka na nga sinundo, late pa!" pagrereklamo ni Audrey sa akin.



"Ewan ko nga eh. Hindi rin naman siya nagre-reply sa mga texts ko."



"Tawagan mo kaya?"



"Tinawagan ko na din kanina pero hindi pa nasagot."



"Uy Audrey, bakit ba parang ikaw pa 'tong affected dyan eh hindi mo naman date yon?" tanong sa kanya ni Sandy.



"Eh baka mamaya hindi sumulpot 'tong si Hunter! Kawawa naman 'tong bestfriend natin."



"Sus, hayaan mo na! Tara, papicture muna tayo sa photobooth bago mag-start yung program!" tumayo naman ako at hinila silang dalawa papunta sa photobooth.



Pagkatapos naming magpa-picture ay bumalik na kami sa table namin. Tiningnan din namin ang mukha namin sa picture at maya-maya pa ay napahagalpak na lang si Audrey sa kakatawa.



"Hala girl! Grabe naman pagka-wacky mo dito? Galit na galit lang sa camera?" pang-aasar niya kay Sandy at sinamaan lang siya nito ng tingin.



"Ang sama mo talagang babae ka! Maganda naman ako dyan, diba Zaree?"



"Uhm, no comment."



Natawa naman kaming dalawa ni Audrey pero maya maya lang ay napansin kong nag-dadramahan na pala kaming tatlo dito.



"Grabe, 3 months na lang tayong magkakasama." Oo, si Audrey po talaga ang nagsimula ng kadramahan na nangyayari ngayon.



"Oo nga eh. Parang kelan lang first day of school pa lang tapos nagkakahiyaan pa tayo sa isa't-isa. Tingnan mo naman ngayon? Malapit na tayo grumaduate ng high school!" sabat pa ni Sandy na muntik ko nang ikatawa.



"Girls, may 3 months pa oh! Tsaka hindi naman ibig sabihin na kapag nag-college na tayo, makakalimutan na natin ang isa't-isa, hindi ba?" sabi ko at tumango naman silang dalawa.



"Tama nga naman. Bakit ba kasi tayo napunta sa ganitong usapan?" tanong ni Sandy at tiningnan pa ako.



"Oh? Bakit parang ako pa yung may kasalanan? Si Audrey kaya unang nagdrama dyan!"



"Oy anong ako?"



"Ikaw kaya! Sus drama mo, 'teh!"



***



Ilang minuto na ang nakalipas nang mag-start ang party at wala pa din si Hunter. Nasaan na kaya yung lalaking yon? Nakakailang text na ako ah!



"At syempre, pwede ba namang hindi tayo handugan ng isang napaka-gandang kanta ng kapwa niyo estudyante?" narinig kong sinabi ng emcee.



"From IV-A, let's all welcome, the beautiful Ms. Zaree Ysabelle Salameda!"



Narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid ko at ang suporta ng mga kaibigan ko. Umakyat na ako sa stage at sinukbit na ang gitara ko na iniwan ko kanina sa backstage.



Umupo ako sa high stool na nakalagay sa gitna at nang tumahimik na ang paligid ay sinimulan ko nang i-strum ang gitara.



This could have been just another day

But instead we're standing here

No need for words, it's all been said

In the way you hold me near

I was alone in this journey

You came along to comfort me

Everything I want in life is right here



Nagsimula nang umilaw ang disco lights at ang iba naman ay sinayaw na ang mga ka-date nila habang ako ay kumakanta. Nagpe-perform na ako dito sa unahan at lahat-lahat, wala pa din si Hunter?



'Cause this is not your ordinary

No ordinary love

I was not prepared enough

To fall so deep in love

This is not your ordinary

No ordinary love

You were the first to touch my heart

Made everything right again

With your extraordinary love



Napatigil naman ako sa pagkanta ng may sasabay na sana sa pagkanta ko. Napalingon naman ako sa likod ko dahil panigurado akong si Hunter yun. Hindi ako pwedeng magkamali. At nang tuluyan na nga siyang lumabas mula sa backstage...



I get so weak

When you look at me

I get lost inside your eyes

Sometimes the magic is hard to believe

But you're here before my weary eyes

You brought joy to my world

Set me so free

I want you to understand

You are every breath that I breathe



Tila nagulat din ang mga nagsasayaw at napatigil sila. Ganon na din ako na nakalimutan na din ang pag-strum ko sa gitarang hawak-hawak ko.



"Ysabelle..."



"Hunter?"



Binaba niya saglit ang mic niya para kausapin ako, "Pwede bang ituloy na lang natin ang pagkanta? Ipapaliwanag ko sayo lahat mamaya."



Tumango na lang ako at tinuloy ang pagkanta. Wala nang sumayaw sa gitna dahil bumalik na sila sa kanilang mga upuan. Mas ginusto na lang nilang panuorin ang duet namin ni Hunter kesa magsayaw at napansin ko din ang dalawa kong kaibigan na kanina pa nagtutulakan na parang mga baliw.



'Cause this is not your ordinary

No ordinary love

I was not prepared enough

To fall so deep in love

This is not your ordinary

No ordinary love

You were the first to touch my heart

Made everything right again

With your extraordinary love



Napatingin naman ako kay Hunter habang pareho kaming kumakanta. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa ginagawa niya o hindi eh. Ano bang meron?



From the very first time that we kissed

I knew that I just couldn't let you go at all

From this day on, remember this

That you're the only one that I adore

Can't we make this last forever

This can't be a dream

'Cause it feels so good to me



Nang magtama ang aming mga mata, naramdaman ko ulit yung naramdaman ko noong una kaming magkita sa bar kung saan ako nagg-gig. Kakaiba talaga yung feeling, hindi ko ma-explain ng maayos.



Ewan ko ba pero feeling ko nagkaroon na ng kung ano-anong hayop na gumagalaw dito sa tyan ko. Kilig ba 'to?



'Cause this is not your ordinary

No ordinary love

I was not prepared enough

To fall so deep in love

This is not your ordinary

No ordinary love

You were the first to touch my heart

Made everything right again

With your extraordinary love



Nang matapos namin ang kanta ay inalalayan niya akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Siya na din ang nagtanggal ng gitara na nakasukbit sa katawan ko at doon ko na naman narinig ang hiyawan ng mga tao.



Binigay niya naman ang gitara sa isang lalaki at doon niya hinawakan ang kamay ko, "Zaree Ysabelle..."



Binaba ko ang mic ko at ganon din ang ginawa niya, "Hunter, anong ginagawa mo? Tara na't bumaba na tayo. Tapos na din performance natin eh."



"Kung sayo tapos na, yung sa akin hindi pa." Bigla-bigla naman siyang sumenyas sa isang lalaki na nasa may backstage at maya-maya pa ay naglabasan ang mga kaibigan niya na may dala-dalang tag-iisang lobo na may nafo-form na sentence.



"Anong nangyayari?"



Kinuha niya ulit yung mic niya at nagsalita gamit ito, "Ysabelle, hindi naman ako nagmamadali pero ngayon nagbabakasakali lang naman ako na makuha ko na yung matagal ko nang hinihiling sayo."



Tumahimik naman ako at hinayaan siyang magsalita, "When I first saw you, alam ko na sa sarili ko na ikaw na talaga yung sinisigaw ng puso ko. Walang araw na hindi kita ninanakawan ng tingin. Masyado akong naging duwag noon. Hinayaan kong kainin ako ng ka-torpehan ko. Naguguluhan pa ako noon kung aamin ba ako sayo o hahayaan ko na lang ang sarili ko na mahalin kita kahit na hindi mo pansin. And then you became my private tutor, we became close at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mahulog sayo ng paulit-ulit."



Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit, "I was too afraid to say that I love you knowing na may nanliligaw din sayo noon. But then I realized, I need to fight for my feelings for you kasi kung patuloy lang akong magpapatalo sa iba, walang mangyayari, hindi ba? Aaminin kong sumasaya ako lalo na't ngayon na nililigawan na kita pero hindi ba mas maganda yung may commitment? Yung may assurance talaga tayo sa isa't-isa. Yun bang, sayo ako tapos akin ka lang."



Tiningnan ko naman siya at inasar, "Ano kamo? Commitment?"



Tumango naman siya, "Oo, alam mo na yun, Ysabelle. Nang-aasar ka na naman eh." Napatigil naman siya ng marinig namin na nagtawanan ang mga tao sa paligid, "Kung hindi ko man makukuha ang matamis mong oo sa ngayon, okay lang, maghihintay pa din ako sayo. Basta lagi mong tatandaan na sayong-sayo lang ako."



"Hindi mo pa naman kasi ako tinatanong eh."



Natulala siya saglit pero maya-maya lang ay lumaki na ang kanyang mga ngiti, "S-so, p-pwede?"



"Hmm..." napatingin naman ako sa mga kaibigan niya at nabasa ang nabuo na sentence sa mga lobo na hawak nila.



'Will you be my girlfriend?'



Lumayo naman sa akin si Hunter at may kinuhang bouquet of flowers mula sa backstage. Nung lumabas naman siya ay pumwesto siya sa pinakadulo na may hawak na lobo.



"Will you be my girlfriend, Zaree Ysabelle?"



"Hmm, teka lang pag-iisipan ko."



"Ysabelle naman eh."



"Oh sige na, oo yung sagot ko sa tanong mo."



"Oh fck, YEEEEES!"



Lumapit naman agad siya sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Maya-maya pa ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin tsaka siya nagsalita.



"Thank you for making me the happiest man alive. I love you so much, my Zaree Ysabelle."



"I love you too, my Hunter Grae."



Dati lang, hinihiling ko pa na mangyari 'to.



Akala ko kasi imposibleng maiinlove sa akin ang tulad ni Hunter Salazar.



Hindi ko alam kung paano ang nangyari at umabot kami sa puntong 'to pero isa lang talaga ang masasabi ko, wala na talaga akong mahihiling pang iba.



THE END.


-----

Author's Note: Guys, if may questions kayo sa akin you can ask me. Just comment below or pm me and sasagutin ko yun sa website na ginawa ko for my stories. Click the external link so it can automatically direct you to the page! 

Continue Reading

You'll Also Like

871 169 64
BTS Series 3: Kim Namjoon 💜
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
7.6K 325 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
18.2K 137 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...