Once Mine, Always Mine

By Shettered

4.5M 40K 1.7K

[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes ... More

Once Mine, Always Mine
Once Mine, Always Mine -- Chapter 1
Once Mine, Always Mine -- Chapter 2
Once Mine, Always Mine -- Chapter 3
Once Mine, Always Mine -- Chapter 4
Once Mine, Always Mine -- Chapter 5
Once Mine, Always Mine -- Chapter 6
Once Mine, Always Mine -- Chapter 7
Once Mine, Always Mine -- Chapter 8
Once Mine, Always Mine -- Chapter 9
Once Mine, Always Mine -- Chapter 10
Once Mine, Always Mine -- Chapter 11
Once Mine, Always Mine -- Chapter 12
Once Mine, Always Mine -- Chapter 13
Once Mine, Always Mine -- Chapter 14
Once Mine, Always Mine -- Chapter 15
Once Mine, Always Mine -- Chapter 16
Once Mine, Always Mine -- Chapter 17
Once Mine, Always Mine -- Chapter 18
Once Mine, Always Mine -- Chapter 19
Once Mine, Always Mine -- Chapter 20
Once Mine, Always Mine -- Chapter 21
Once Mine, Always Mine -- Chapter 22
Once Mine, Always Mine -- Chapter 23
Once Mine, Always Mine -- Chapter 24
Once Mine, Always Mine -- Chapter 26
Once Mine, Always Mine -- Chapter 27
Once Mine, Always Mine -- Chapter 28
Once Mine, Always Mine -- Chapter 29
Once Mine, Always Mine -- Chapter 30
Once Mine, Always Mine -- Chapter 31
Once Mine, Always Mine -- Chapter 32
Once Mine, Always Mine -- Chapter 33
Once Mine, Always Mine -- Chapter 34
Once Mine, Always Mine -- Chapter 35
Once Mine, Always Mine -- Chapter 36
Once Mine, Always Mine -- Chapter 37
Once Mine, Always Mine -- Chapter 38
Once Mine, Always Mine -- Chapter 39
Once Mine, Always mine -- Finale
S H A N A .....
UNTITLED..

Once Mine, Always Mine -- Chapter 25

81K 584 23
By Shettered

Chapter 25

 *Flashback

Denzel's POV

 "Uurrrggghh." Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit.

Anong oras nga ba ako naka-uwi kagabi? Urgh. Hindi ko din alam. Kung bakit buhay pa ako? Hindi ko din alam.

Basta ang sa akin lang ay sobrang naiinis ako sa sarili ko. At sobra akong nasasaktan.

Pag-alis na pag-alis ko sa bahay ng mapapangasawa ni Maverick, ay dumiretso na ako sa isang bar. At 'yun na nga, hindi ko alam na makakaya ko pang mag-drive pauwi dito sa condo.

Tumingin ako sa kanang bahagi ko kung saan nandoon ang alarm clock ko. Mas maaga pa akong gumising kesa sa inaasahan ko.

Ala sais pa lang ng umaga. Pag ako nagising na ng ganitong oras alam kong mahihirapan na akong matulog pa ulit. Kaya kahit na nahihilo pa ako at masakit ang ulo pinilit kong tumayo at pumunta sa banyo para maligo na.

Nang matapos ako,  kahit papaano ay nawala na din ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. Pumunta na akong kusina para magluto pagtapos kong magbihis.

Habang nag-luluto ako ay kinuha ko ang planner ko sa taas ng refrigerator.

Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Tapos ko na naman ang mga kailangan na designing building na naka-a-sign para sa akin. Tapos ko na din ang mag-review ng mga building na natapos ko na ng ilang buwan na ang nakakalipas.

Siguro magpapahinga na lang ako sa opisina para mawala na din ang pag-kabored ko at mawala ang atensyon ko sa kanya.

Kahit na inaalam ko ang schedule ko ngayon mukha niya pa din ang nakikita ko. Lalo na ang masasayang alaala naming hanggang dumating sa mapait na alaala.

Iniisip ko na naman siya. Kaya kahit na anong mangyari ay kailangan kong mapasa-akin siya. Madamot ako lalo na't simula pa lang alam kong akin na siya.

Nang matapos akong kumain ay umalis na ako. Papunta na akong opisina. Doon na lang ako babawi ng tulog. Alam ko naman na walang mag-iingay sa ibang mga team na nandoon.

Mas maaga pa akong dadating sa opisina kesa sa mga employee. Mas maganda na din siguro 'yun para alam nilang hindi ako pumasok kahit na nandoon lang naman ako.

Ilang liko na lang ang dadaanan ko ng maisipan kong bibisita na lang pala ako sa mga site na ako mismo ang nag-isip ng konsepto Lalo na sa Tagaytay. Doon ko kasi ina-sign si Mark, isa sa mga engineer namin. Kahit na nahahanginan ako sa kanya ay malaki pa din ang tiwala ko sa taong yun.

Isa't kalahating oras bago ako nakarating dito sa Tagaytay. Wala pang traffic nyan. Nadatnan kong busy ang lahat ngayon. Saan nga ba ako magsisimulang mag-inspect? Parang umutrong ang paa ko ngayon. Bigla akong tinamaan ng katamaran.

 Aalis na sana ako ng makita ko si Mark. Hindi lang siya mag-isa pero may kasama pa siya. Bumaba na ako sa sasakyan at nilapitan sila. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang boses niya.

Bigla naman nagpantinf ang tenga ko ng magsalita si Mark. "Ayos Ma'am, pwede ba kayong ligawan."

Kung hindi ko lang pagkakatiwalaan 'to kanina ko pa pinutulan ng leeg ang lalaking 'to. Kaya sumingit na ako bago pa ako mawalan ng pasensiya sa lalaking 'to.

"Wala siyang boyfriend kasi may asawa na siya. Kung ayaw mo pang mawala ng trabaho bumalik ka na doon at tignan mo sila, hindi yung nandito ka nagpapa-cute sa asawa ko."

Akala niya huh. Lokong Mark 'yun. Lumapit na ako kay Rebecca at niyakap siya. Ang sarap talagang yakapin ang taong mahal mo. Kahit kahapon ay sobrang nasaktan ako, mayakap ko lang siya nawala na ang galit ko. Ang bango niya talaga.

Alam kong nagulat siya. At lumayo sa akin. Hindi ko pinansin ang mga paghahampas niya sa akin. Para sa akin ay wala lang ang mga 'yun, ang sarap pa nga sa pakiram na hinahawakan niya ng dibdib ko. Ang sarap din sabihin ang MeLoves. Sa kanya ko lang talaga itatawag ang salitang 'to.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon, maswerte talaga ako ngayong araw na 'to. Siya pa pala ang may-ari ng pinaghirapan ko. Kung eto na nga ang pagkakataon lulubos lubusin ko na. Kesa mawala pa. Sana hindi panaginip ang lahat ng mga 'to.

Hinila ko na siya kahit alam kong napipilitan lang siya sa ginagaw ko. Saan ko nga ba siya dadalhin ngayon? Bahala na basta makasama ko lang siya.

Para kaming sira, titingin sa isa pero iiwas din bigla. Hindi ko talaga maiwasan, sobrang nakaka-miss lang talaga. Ang laki ng ngiti ko sa labi tuwing napapatingin siya sa akin.

Nang nakarating na kami sa isang restaurant ay bumaba na ako sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Rebecca. Pagpasok pa lang naming sa loob ng restaurant ay pinagtitinginan na kami particular na kay Rebecca. Pero ng tignan ko siya parang wala lang sa kanya. Urgh! Kung sa kanya balewala, sa akin ang laking epekto 'nun. Mga lokong lalaking 'to ang sarap gitilan sa leeg wag lang makatingin kay Rebecca.

Matapos kong bigyan ng bulaklak na tissue si Rebecca ay hindi ko namalayan na naiwan ko pala siya sa loob ng restaurant. Hindi ko kasi maiwasang maging masaya dahil nakita ko na naman ang pamilyar na pagiging pula ng pisngi niya tuwing gumagawa ako ng masayang bagay.

Ilang minuto lang kaming nakakabyahe ay naka-idlip na siya sa sa passenger seat dito sa kotse ko. Tanong siya ng tanong kung saan kami pupunta prto kahit ako ay hindi ko din alam kung saan.  Saan ko na naman ba dadalhin si Rebecca ngayon? Para kasing ayaw ko nang matapos ang araw na 'to. Yung araw na walang problema na parang wala lang nangyari kahapon at nung nakaraang dalawang taon.

Paikot-ikot lang ako dito sa Tagaytay ng may makita akong isang malaking gate. Gate na kahoy. Wala naman nakalagay na masamang dumaan kaya pumasok na ako. Kung may mangyari man ay hindi ko hahayaan 'yun lalo na at kasama ako ang taong mahalaga sa akin.

Hindi na akong nag-atubiling gisingin siya. Mukhang pagod na pagod siya ngayon. Kaya bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso sa may malaking puno sa bandang kanan ng sasakyan. Tumabi ako doon at tinignan ang paligid nasa isang mataas na lugar pala kami.

Kitang-kita ang magagandang halaman dito sa taas. ang payapa ng atmosphere. Ang lamig pa ng simoy ng hanign dito.

Sana ganito na lang kami, yung payapa at walang mang-gugulo. Kung itanan ko na lang kay siya? Wag! Bakit ko pa siya itatanan kung pwede ko naman siyang pakasalan. Kaso ako lang ang may gustong bumalik sa buhay niya. Siya ba natanong ko na ba na gusto niya akong maging paret ulit ng buhay niya? Pero natatakot akong harapin ang katotohanan na magpapasakit lang ulit sa aking puso.

Kaya gagawa ako ng paraan para mapa-ibig ko ulit ang siya. Hindi tulad ng dati na dinaan ko sa isang pagka-torpehan. Ngayon ipapakita ko sa kanya at ipapadama kung gaano ko siya kamahal. At hindi ko hahayaang masira ulit ang tiwalang ibibigay niya sa akin kung nagkataon.

Pag-uwi ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Maverick. Sa kanya ako hihingi ng tulong. Sa kanya ko kukunin ang number ni Rebecca. Dahil magkaibigan naman ng mapapangasawa ni Maverick si Rebecca ay hindi malayong wala siyang number noon.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay isang mensahe ang dumating sa akin. Ang galing mo talaga Denzel. 1 point for that. Next step ay babati ako ng magandang umaga sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na may ngiti sa labi. Eto na ang oras na mapapasa-akin ka na talaga Rebecca.

Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin kung tatawag na ba agad ako kay Rebecca o tatayo muna ako para maghilamos. Sige uunahin ko na ang paghihilamos at pagmumumog para maging maganda ang boses ko pag narinig niya.

Pagtapos ko ay kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Rebecca. Hindi na naman maalis sa labi ko ang ngiti. Minsan lang akong buhayan ng loob kaya lulubos-lubusin ko na. Gagawin ko ulit ang mga dati kong ginagawa sa kanya noong kami pa. Marinig ko pa lang ang boses niya noon ay sobrang ganda na ng bungad ng umaga ko.

Ilang dial na ako pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Baka naman hindi pa siya gising. Pero anong oras na.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng sagutn niya. "H-hello." Sai niya. Bakit hinihingal siya?  Binalewala ko yun at bumati sa kanya ng magandang umaga.

"--awww Sean stop it!" Yun ang narinig ko sa kabilang linya na may tumatawang iba. Biglang nawala ng ilang segundo at narinig ang boses niya na nagpagalit sa akin. "Maghubad na kayo jan. Hintayin niyo ako may kausap lang ako."

Sobrang galit ako ngayon. Bakit kailangan ko pang marinig ang mga 'yun galing sa kanya. Nahuli na ba ako at nakahanap na siya ng iba bukod sa akin? Urgh. Dapat sa akin niya lang sinasabi ang mga 'yun hindi sa lalaking kasama niya ngayon. Kaya ko naman maghubad kahit hindi niya sabihin sa akin. Kaya kong ibigay ang katawan ko.

Magkasama lang kami kahapon pero talo pa din ako kasi may lalaking naghihintay sa kanya at makakasama ng ilang araw, gabi. Ako? Ilang oras lang ang tinagal ng pagsama namin ni Rebecca. Ilang taon na ba sila? Ilang buwan? Ilang linggo? Ilang araw.

Urgh! Sumsakit ang dibdib ko pag naaalala ko na may iba siyang kasama bukod sa akin. Kung sana naging malakas ang loob ko noon eh di sana kami pa rin hanggang ngayon at sana wala siyang ibang kasamang lalaki bukod sa akin at sa Daddy niya.

Continue Reading

You'll Also Like

939K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.2M 76.3K 26
COMPLETED || SPG || R-18 || Romance || General Fiction -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STORY. READ AT YOUR OWN RISK! -- ...
1.3M 21.2K 85
Minsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pi...
2.2M 39.4K 70
I Love Him, That's why im willing to sacrifice everything just to be with him I Love Him. To the point that im willing to give everything just to sat...