Back to You

By JhayeBii

12.3K 474 111

How long would it take for you to finally say, LOVE DESERVES A SECOND CHANCE? It all started when a 16-year o... More

Back to You (Overview)
Prologue
Chapter 2: The Campus Bad Boy
Chapter 3: The First Time We Met
Chapter 4: Destiny? No, It's Coincidence!
Chapter 5: First Day of School
Chapter 6: The Cupid Heartthrobs
Chapter 7: His Sweetdreams and Her Nightmare
Chapter 8: 101%
Chapter 9: Getting To Know Her
Chapter 10: Lovers in Clinic
Chapter 11: The Basketball Issue (Part 1)
Chapter 12: The Basketball Issue (Part 2)
Chapter 13: The Clash Between Scyde and Jhayden
Chapter 14: Sincerity is in the Eyes
Chapter 15: I Won't Leave You
Chapter 16: The First Date (Part 1)
Chapter 17: The First Date (Part 2)
Chapter 18: The First Date (Part 3)
New Story!
Chapter 18: The First Date (Part 3)
Announcement

Chapter 1: My Trip to Manila

946 35 9
By JhayeBii

MEICAH

"O paano, mag-iingat kayo sa Maynila ha?" Paalala ni Mama na si Monica habang inaayos nito ang mga gamit ko sa pag-alis. "Bantayan mo ng mabuti si Meicah."

"Okay." Sagot naman ng kuya ko na si Dhies na naghahanda na rin ng mga gamit niya.

Habang abalang nag-aayos si kuya ay napansin niya na kanina pa palingon-lingon sa paligid si Mama na para bang may hinahanap siya.

"Bakit, Ma? May problema ba?" Nagtatakang tanong ni kuya kay mama na napatigil sa kanyang ginagawa.

"Nasa'n na naman ang kapatid mo? Kanina ko pa siya hindi napapansin." At patay kang bata ka. Hinahanap na ako.

"E ano pa po ba aasahan niyo kay kulot? Malamang nasa taniman niyo na naman ng strawberry iyon." Sagot ni kuya at tinawag na naman niya akong kulot.

Isinarado niya ang kanyang bag at inilapag sa ibaba, sinimulan naman niyang lagyan pa yung isang maleta. Napaisip naman sandali si Mama sa sitwasyon.

"Naglilibang lang siguro yun. Dalawang buwan pa lang kasi e. Hindi pa makalimot iyon." Malungkot na nasabi ni Mama.

Wala naman naging imik si kuya sa kanyang narinig. Patuloy ito sa pag-aayos ng kanyang mga gamit na sa tingin ko'y ayaw pag-usapan ang mga bagay na tinutukoy ni Mama.

Tumingin si Mama sa walang expression na mukha ni kuya. Nag-isip siya ng kaunti, at nang makakuha ng tiyempo ay nagtanong ito.

"Ikaw Dhies, tanggap mo na ba?"

Napatigil si kuya sa kanyang narinig.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Siguro... dapat ka nang matuto na tanggapin ang nangyari sa Papa mo."

Tumahimik saglit ang paligid, walang niisang salita ang naglakas-loob na lumabas sa kanilang bibig.

"Susunduin ko na po si Meicah." Biglang sambit ni kuya Dhies na parang umiiwas sa tanong ni Mama.

Tumayo ito sa kinauupuan niya, sinundan lang siya ng tingin ng aking ina. Wala din naman siyang magagawa dahil alam niya ang nararamdaman ngayon ni kuya. Lumakad ito palayo at naiwan si Mama sa loob ng bahay. Lumabas ito para hanapin kung nasaang lupalop na naman ako naroroon. Haaaaay. Si kuya talaga.

By the way, let me introduce myself first. (^____^)

Ako pala si Meicah May Villanueva, 16 years young-LOL. Favorite kong makinig sa mga kanta ni Avril Lavigne, ang gaganda kasi ng mga kanta niya e.

Maraming nagtatanong kung pa'no daw ba basahin ang pangalan ko. Well, simple lang naman yun, as in 'meyka'. Ganun lang. Yung 'May' naman, kinuha sa birthday ko. May 20 kasi ang birthday ko. Hmmm... pa'no ko ba i-de-describe ang sarili ko sa inyo?

Physically, hindi ako kapayatan at hindi rin naman katabaan, sakto lang. Namana ko naman yung kaputian ko kay Mama. Yung buhok ko na hanggang baywang at medyo curly na pagdating sa dulo, lagi kong iniipit gamit ang paborito kong red na lace na bigay niya din. Kaso hindi lahat, may iba parin na nakalugay basta mailagay ko lang yung lace sa likod ayos na. Yan ang dahilan kung bakit ako tinatawag na kulot ni kuya.

Ako yung type ng babae na ni minsan, hindi mo makikitang magsusuot ng mini skirt, sleeveless, seethrough, spaghetti strap o kahit ano pang klase na damit na kulang na lang, ipakita na lahat. Hindi rin naman ako mukhang manang ha. Simple lang ako manamit. Tapos hindi rin ako nagsusuot ng nagsisitaasang mga high heels pag wala namang occasion na dapat pagsuotan nun.

Pagdating naman sa ugali, mabait ako sa mabait sakin. Sa hindi? Upakan kita. Joke lang. Syempre marunong din ako lumaban paminsan minsan. Medyo tahimik ako sa hindi ko kakilala, pero malalaman mong baliw din pala ako kapag naging close na tayo.

Kung tinatanong niyo kung nagkaroon na ako ng boyfriend? Hmmm... Eversince, wala pa. NBSB in other term. Gusto ko kasi kung sino yung una, siya rin ang huli. Saka nangako kasi ako sa papa ko na aral muna. Saka ko na hahanapin ang Prinsipe ko. Hehe.

Speaking of my Papa, namatay siya last March during my graduation day. It was a car accident na hanggang sa ngayon, hindi pa na-so-solve yung case. Dalawang buwan na nung nangyari yun pero hanggang ngayon, yung nakabangga sa kanya ay hindi pa lumilitaw. Hindi rin namin alam kung bakit wala pang sinasabi ang Manila police tungkol sa kaso. Nagtataka na nga kami e. Sana naman makonsiyensiya yung gumawa nito sa Papa ko 'di ba? Haaaay. Isa yan sa mga malulungkot na araw ng aking buhay. Isang bangungot na hanggang ngayon ay napapalungkot pa rin sa akin.

Pero kalimutan na natin yun at gawing masaya ang life. Nakaupo ako sa malawak na damuhan na 'to habang kumakain ng strawberry na kapipitas ko lang. Inilagay ko silang lahat sa basket na nasa aking tabi. Favorite ko kasi 'tong strawberry e. Kahit napakarami nito dito sa Baguio, hindi ako nagsasawang kumain nito.

Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa Baguio. Kahit magtatanghali na, grabe parin ang lamig. Grrrrrr. Habang sarap na sarap ako sa aking pwesto, natanaw kong papalapit si kuya sa akin. Yan na nga ba sinasabi ko e.

"Hoy kulot, tara na aalis na tayo."

Nang marinig ko ang maganda niyang boses na isa sa mga ginagamit niya para makapagpaibig ng babae, na para sa akin naman ay nakakairita at nakakasira ng araw kapag aking narinig, ay agad kong itinago sa aking likuran ang basket na umaapaw na sa dami ng strawberry. Masama kasing magalit ang kuya ko, para siyang halimaw na nakakatakot.

"Wag mo nang itago kulot, nakita ko na yan." sabi nito habang nakapasok ang mga kamay sa kanyang dalawang bulsa. Sesermonan yata ako. Tumahimik muna ako saglit. Pero nagtaka ako. Hindi pa siya nagsisimulang magsalita. E 'di nagtanong ako.

"'Di ka galit?" tanong ko sa kanya. Ayaw niyang sumagot. Nakatingin lang ang mga nakakaakit na mata niya sa akin na parang may gustong sabihin. Isa pa ngang tanong, yung siguradong sasagot.

"Yung totoo, uso ba sayo yung cotton buds?" Natatawang sinabi ko. Bingi kasi.

"Gusto mong cotton buds din ang gamitin ko para umunat yang buhok mo?" Ay grabe ha. Ang sama nitong taong 'to! Hindi naman kulot ang buhok ko, may parte lang naman banda sa dulo na curly. Hyper lang siya kung magsalita. Minsan naiisip ko kung kapatid ko ba talaga siya o baka sa kung saan lang lugar o parte ng taniman ng strawberry nila napulot 'tong buang na 'to e.

"Ewan ko sa'yo! Nakakaasar ka na." sabay simangot ko. Ganto kami lagi ng lalaking 'to. Grabe kami magrambulan niyan sa bahay kaya lagi kaming napagsasabihan ni Mama. Ang tanda tanda na daw namin pero para pa daw kaming mga bata kung mag-away.

Tumalikod lang ito sa akin na para bang walang pakialam. Umiwas na lang din ako ng tingin sa kanya.

"Biro lang, wag ka nang magalit. Tara na, hinahanap ka na ni Mama dun." saka siya lumakad paalis.

Ganyan ang kuya ko. Pilyo, mapagbiro, araw-araw kaming magkaaway, pero kahit kailan hindi niya ako nagawang saktan. At the end of the day, ako pa rin ang kulot (daw) na bunso niyang kapatid, at siya pa rin ang buang kong kuya.

Kahit ganyan siya kakulit, marami pa ring babae ang nagkakagusto sa kanya. Maliban kasi sa gwapo siya e, matalino pa. 6'2 naman ang height niya na ginagamit niya para makasali sa mga pageant at modelling. At alam niyo ba, Campus Ultimate Heartthrob ang tawag sa kanya sa University na pinapasukan niya na nagkataong school na papasukan ko na din. First year BS Architecture na ako sa Saint Thaddeus University sa darating na pasukan na kilalang school bilang isa mga nangungunang University dito sa Pilipinas. At ngayon ay handa na akong makipagsapalaran sa Maynila, para sa aking mga pangarap.

***

Before I leave this room na puno ng memories, humiga muna ako saglit.

Haaaay. Mami-miss ko 'tong si mister bed, yung mga unan ko na lagi kong niyayakap sa malalamig na gabi, saka yung mga gamit ko na maiiwan dito. Lalong lalo na yung mga stuffed toys kong Domo, I will miss them all. Mahilig kasi akong mangolekta ng Domo e, I'm a Domo addict. Ang cute kasi niya at kapag hawak ko siya, feeling ko hindi ako nag-iisa. Matagal-tagal ko din silang hindi makikita at mahahawakan. Haaay... ang lungkot naman. Pero kailangan ko nang sanayin ang sarili ko nang wala sila. Para ma-overcome ko na 'tong takot ko.

Nilibot ko saglit ang aking mga mata sa all-white kong kwarto habang yakap yakap ang pinakamalaki kong Domo na stuffed toy para sa huling pagkakataon, iiwanan ko na kasi siya dito e.

Napatigil ako saglit nang mapadaan ang aking mga mata sa picture frame ng aking Papa na nasa sidetable ng aking kama habang nakasabit dito ang medalya kong nakuha sa graduation. Bumangon ako at kinuha iyon saglit saka bumalik sa aking pagkakahiga. Tinitigan ko ito ng matagal.

Nagtapos ako bilang Valedictorian para sa papa ko at siya dapat siya yung magsasabit ng medal na 'to nung araw na yun e kaso nawala siya. Nararamdaman ko na parang nababasa na lang bigla ang aking mga mata. Naku, maiiyak pa ata ako. Wag naman.

Pero isang mapangbulabog na tunog ng bumukas na pinto ang narinig ko.

"Sasama ka ba sa Maynila o matutulog ka na lang diyan?" Pambungad na sinabi ng kuya ko nang mabuksan niya yun. Nakita kong nakakunot ang noo niya nang pumasok, he expressed a high tone showing his annoyance to me. Okay, high blood na naman siya.

"Opo saglit lang!" sabi ko habang nagmamadali namang bumangon, hindi parin ako bumibitaw sa pagkakayakap ko kay Domo. Tumayo ako sa harapan niya, nakabalandra kasi sa pinto e. Tiningnan niya ako ng malalim, dahilan para magrambulan yung mga paru-paro ko sa tiyan.

"Anong tinatayo tayo mo diyan? Kanina pa kaya kita hinihintay. Tara na sa ibaba." Tapos bigla na siyang umalis.

I bit my lips. Nagpigil ako ng inis sa masungit na kuya ko. May araw din yang lalaking yan sa akin, akala niya ha.

Dinala ko palabas yung picture ni Papa kasama nung medal ko. Pagkatapos ay ibinalik ko na si biggest domo sa istante ng aking koleksiyon nun kasama pa ng ibang Domo. Haaaay. Mamimiss ko silang lahat. Pero kailangan ko na kasing sanayin ang sarili ko na wala sila. Anyways, goodbye Domo-kun ko.

Magtatanghali na nang kami ay nagbalak na umalis ng bahay. Kahit hindi ko sigurado kung ilang oras ang biyahe mula sa amin sa Baguio hanggang sa Maynila ay excited na excited na akong makarating doon. Isinakay na ni kuya ang mga gamit namin sa kanyang Adventure na regalo pa ni Papa sa kanya noong nakaraang birthday nito, habang ako ay hindi tumutulong sa kanya at sa halip ay kumakain lang ng mga strawberries na kanina ko lamang pinitas na dapat sana ay baon ko para sa biyahe mamaya.

"Dhies?" Tawag ni mama kay kuya na abala sa paglalagay ng gamit.

"Po?"

"Ang mga bilin ko sa'yo ha tatandaan mo." Paalala ni Mama sa kanya habang inaalalayan nito si kuya sa pagbubuhat ng bag na yun.

"Opo." sagot nito pagkatapos ilagay sa kanyang kotse ang huli naming bagahe.

"Meow. Meow." W-what was that? Pusa? E nasa'n naman? Wala naman akong makita dito.

"Meow. Meow." And there it goes again. Napatigil ako sa pagkain ng strawberries. Sa'n kaya nanggagaling yun?

Lingon sa kaliwa, liingon sa kanan, lingon sa... taas? Joke lang. Anu yun, falling cat? Wala naman e. 'Di kaya imagination ko lang yun?

"Meow. Meow." Ay anak ng kuting nga naman oh, oh! Nagulat ako at napayuko bigla nang may nagpapaamong kuting sa paa ko. Paulit ulit niyang ipinupunas yung katawan niya sa kaliwang binti ko sabay huni ng, "Meow. Meow."

Siya ang alaga kong si Kitty and yes, kinuha ko ang name niya sa sikat na hello kitty. Hehe. Ang corny ko noh? =^.^=

Naupo ako saglit at hinawakan siya.

"Ang cute cute mo talaga Kitty." Sabi ko habang hinihimas ang katawan niyang balot ng mapuputing balahibo. "Mamimiss kita Kitty. Be a good girl lagi ha?"

"Okay." Sagot niya. Joke lang ulit. "meow meow" Sabi niya. Matakot kayo kung sumagot yan bigla. Takbo hangga't may lupa.

Habang busy ako sa paghimas kay Kitty ay bigla namang natuon ang pansin ni Mama sa akin.

"At ikaw naman Meicah." Sabi nito habang lumalapit sa direksiyon ko sa tabi ng Adventure.

"Ano po iyon Mama?" Binuhat ko si Kitty at humarap ako ng bahagya kay Mama at tumingin sa kanya. Nahalata ko sa hitsura ni Mama ang pagiging kampante... pansamantala. Siguro dahil sa nakikita rin niya akong nakangiti ngayon dahilan para mapagaan ang loob niya.

"Pagbutihin mo ang pag-aaral ha?" Pangangaral nito habang nakaturo sa akin. "Saka lagi mong tatandaan ang huling bilin sa'yo ng Papa mo na-"

"No boyfriend, study first." Pinutol ko ang kanyang pagsasalita at ako na ang nagpatuloy. "Yun po ba sasabihin niyo?"

Ngumiti ako sa kanya, she gave me beautiful smile too. Understood na ang lahat. Hindi maipagkakailang magkamukha talaga kami ni Mama. The way I talk, the way I dress, the way I move is definitely like my mom.

"Hmm... Meron pang isa e." pahabol nito. Hinawakan niya ako sa ulo, hinimas niya pababa ang itim kong buhok. Paulit ulit niyang ginagawa iyon.

"Ano po yun Ma?" nagtatakang tanong ko habang nakatingala sa kanya, medyo matangkad kasi sakin si Mama.

"Wag masosobrahan sa pagkain lalo na sa strawberries, baka sumakit ang tiyan mo." Pangangaral ulit nito. Alam niya kasing malakas akong kumain lalo na kapag wala siya sa paligid, kaya lahat ng gusto kong kainin, nilalamon ko. Pero hindi naman ako tumataba, hindi ko din alam kung may problema lang ako sa digestion.

"Okay po Ma." At ngumiti ulit ako.

"Naku, ang ganda talaga ng anak ko." Sabay kurot niya sa pisngi ko. "Sige na, umalis na kayo para maaga kayong makarating sa Maynila. Baka gabihin pa kayo. Wag nang tumayo pa diyan Meicah, dalian mo naaaa." Sabi ni Mama habang itinutulak ako papasok sa kanang pintuan katabi ng driver's seat.

"Akin na yang si Kitty. 'Wag mong isama yan, malulungkot ako dito." Sabay agaw niya sakin kay Kitty. Ang kulit ng Mama ko noh? Hehe.

Binuksan ni kuya ang makina ng kotse. Anytime pwede na itong umandar at umalis. Nakahawak naman ang isang kamay ni Mama sa bintana ng aking inuupuan habang ang isa ay buhat buhat si Kitty. Pinagmamasdan ko ang mga mata niya na parang unti-unting nababasa ng luha. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to, pero pilit niyang pinipigilan iyon dahil alam niyang ayaw naming nakikita siyang malungkot.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing, "Ma, ingat ka dito ha. Mahal na mahal ka namin ni kuya."

Sa sinabi kong iyon ay hindi na napigilang pumatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Mahal ko din kayo Meicah, Dhies." Sagot na pilit gumagawa ng maayos na tono ng boses habang pinupunasan ang kanyang mga luhang tumulo.

Aww. Ansakit makita nun ah. Napalingon ako sa direksiyon ni kuya na kasalukuyang nakatingin din kay Mama. Nang mapansin niyang lumingon ako ay umiwas agad 'to ng tingin. Ayaw man niyang ipakita sakin, pero ramdam ko din sa kanya ang sobra ding pag-aalala kay Mama.

"O tama na. Ang drama natin dito." Nagpunas ng luha si Mama. "Mag-text ka kapag nadoon ka na."

"Opo, Ma."

"Sige. Mag-iingat kayo. Dhies, ang pagmamaneho ha. Dahan dahan lang, kaskasero ka pa naman."

"Haha! Buti alam niyo Mama."

"What?! Ikaw talagang-" aambahan sana ako ng suntok ni kuya nang biglang pagbawalan ito ni Mama.

"Oh. Tama na yan. Mag-aaway na naman kayong dalawa ha. Wala nang aawat sa inyo dun."

"Hehe. Sorry Ma. Sige, aalis na po kami." At tumango lang ito sa amin.

Sinimulan nang paandarin ni kuya ang kotse hanggang kami ay unti-unting lumalayo na sa kanya. Nang malayo na kami ay tinanaw ko siya sa bintana. Nakita ko itong nakataas ang kanang kamay at iwinawagayway sa amin. May kurot man sa puso ko ang mga nangyayari ngayon pero naintindihan ko naman na kailangan namin 'tong gawin. Para sa isa't-isa, at para na rin sa sarili.

***

Habang na sa biyahe ay iniisip ko pa rin si Mama habang pinagmamasdan ko ang buong paligid na aming nadadaanan. Sa mga sandaling iyon ay nakalimutan ko saglit ang aking ina. Kasi, probinsiyana mang sabihin pero, tuwang-tuwa talaga ako sa aking mga nakikita. Tumatama sa aking mukha ang sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Kahit tirik na tirik ang araw ay sobrang lamig dito sa Baguio, the skies are cloudless blue. Kasalukuyan naman kaming dumadaan sa lugar kung saan puno ng pine tree ang paligid.

After moments, napansin kong nakatingin sa akin si kuya. Bigla na naman akong nakaramdam ng hindi maganda! Yung tipo kasi ng ganyang mga tingin niya, nagbabanta nang World War sa aming dalawa. Naghihintay lang ako, nakikiramdam. Maya-maya ay bumanat na ang buang kong kuya.

"Kulot?" Pagtawag na naman nito sa pangalan kong siya lamang ang nag-imbento. Napatingin ako ng hindi maganda sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo kuya na hindi naman ako kulot? Ang kulit mo din e noh?!" Agad na sagot ko naman na may kasama pang pagtaas ng kanang kilay ko habang naka-cross arms.

"Galit agad?" sumbat nito. "May itatanong lang naman sa'yo e."

Nahiya naman ako ng bahagya bigla sa sinabi niya. May itatanong lang pala ang mabait e. Nakakakonsiyensiya naman yung ginawa ko. E 'di simulan ang seryosong usapan na once in a blue moon lang namin ginagawa.

"Ano ba yung itatanong mo?" This time, maayos na yung tono ng boses ko. The normal tone of my voice.

"Tingin mo, ayos lang kaya na iniwan natin si Mama doon?" Nag-aalalang sinabi nito sa akin. Napatigil ako saglit at napaisip.

"Hmm. Siguro..."

Napaisip uli ako.

Hindi ko alam ang isasagot. Alam naming hindi sanay si Mama na wala kami sa tabi at paningin niya. Wala man si kuya Dhies noon dahil sa Maynila siya nag-aaral kasama si Papa na doon din nagtatrabaho bilang Architect na kung umuwi sila ay sabado na ng gabi at aalis ng hapon kinabukasan. Maaga pa rin akong umuuwi galing eskwelahan kaya hindi siya naiinip sa bahay. At kung maramdaman man niya iyon kapag wala pa ako, lalabas lang siya ng bahay para mamitas ng strawberry sa taniman niya. Pero ngayon, hindi na namin alam ang magiging buhay ni Mama doon lalo na't wala na siyang kasama.

"Hindi naman natin mapilit si Mama na sumama. Hindi naman niya pwedeng iwanan ang business nila ni Papa doon".

PAPA. Narinig ko na naman ang salitang "Papa".

Napayuko ako bigla at napatingin sa hawak ko. Oo, hanggang ngayon hawak ko pa yung picture frame niya na kinuha ko sa kwarto. Dalawang buwan na ang nakalipas pero para sa akin, parang kahapon lang ang lahat. Siya pa rin ang nasa isip ko, araw-araw at gabi-gabi bago ako matulog. Nalungkot na naman ako. Napansin ni kuya ang hawak ko at parang nahalata niya na nag-iba ang mood ko.

"Wag mo nalang isipin ang sinabi ko. Matulog ka na lang muna. Malayo pa tayo." Pagpapagaan-loob na sinabi ng kuya ko. Alam ko namang naiintindihan niya ako sa nararamdaman ko ngayon.

Ibinaling ko nalang ulit ang aking tingin sa paligid. Hindi ko man ramdam ang bilis ng kotse ng aming sinaksakyan pero sa nakikita kong paglagpas ng mga nadadaanan naming lugar, bumalik ako sa reality na palayo kami kay Mama at papunta naman sa panibagong lugar.

MANILA. Ang lugar kung saan magsisimula ulit ako ng panibagong buhay.

Ano kayang mangyayari sa akin dun? Maka-survive kaya ako sa college life? Maka-meet kaya ako ng bagong friends? O kaya... lovelife?

Erase the last one. Wala pa akong balak nun. Pero grabe! Na-e-excite na tuloy ako.

Again, I'm Meicah May and welcome to my fairytale. ^^

______

END OF CHAPTER 1. :)

PICTURE OF NA EUN OF A PINK AS MEICAH MAY VILLANUEVA ON THE RIGHT SIDE. :D

Continue Reading

You'll Also Like

351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
369K 17.7K 53
[ Iskwala Series #1 ]
1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson