Soulbound

By Missmaple

2.2M 109K 12.1K

Avery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire... More

Prologue
Soul 1: Soul Bound To You
Soul 2: Training Ground
Soul 3: Real World
Soul 4: Endless Pit of Magic
Soul 5: Lies in Disguise
Soul 6: Red Rose
Soul 7: Inner Beast
Soul 8: Black Crescent Moon
Soul 9: Map
Soul 10: Evil Spirit
Soul 11: Better Or Worst
Soul 12: Gold
Soul 13: Letter
Soul 14: Faster
Soul 15: Consolation
Soul 16: Chains
Soul 17: Best Decision
Soul 18: Secret Room
Soul 19: Good Sign
Soul 20: Selfish
Soul 21: Red and Black
Soul 22: Death Punishment
Soul 23: Jump Or Die
Soul 24: Run
Soul 25: Tresha Kingdom
Soul 26: You Are Trouble
Soul 27: Hysteria
Soul 28: Aivee
Soul 29: Avery Devon
Soul 30: Save Or Ruin
Soul 31: First Seal
Soul 32: Mates
Soul 33: Damon Elswit
Soul 34: Zara Montfort
Soul 35: Verone Shams
Soul 36: Death's True Form
Soul 37: Prelude of Chaos
Soul 38: Scars
Soul 39: Distraction
Soul 40: Bargain
Soul 41: Fallen
Soul 42: Full-blood
Soul 43: Captured
Soul 44: Devour
Soul 45: Bloodline
Soul 46: Safe Side
Soul 48: Sacred Temple
Soul 49: Eye of the Storm
Soul 50: Hell
Soul 51: Nostalgic Scent
Soul 52: Pendant
Soul 53: Dark Emperor
Soul 54: War
Soul 55: Death Match
Soul 56: Sacrifice
Soul 57: Magic Circle
Soul 58: Fifth Seal
Soul 59: Decay
Soul 60: Beginning

Soul 47: Regrets

31.3K 1.7K 251
By Missmaple

"War is already on our doorstep..."


AVERY


Zirrius was kind of intrigued. Sa tingin ko, gusto niyang makita ang lugar na sinasabi ko.


"Almost everything here is magical," makahulugang saad niya habang matipid na ngumiti sa 'kin. Sang-ayon ako sa sinabi niya kaya marahan akong tumango. Marami na siyang nakitang magagandang bagay sa lugar ng mga elves kaya hindi na nakapagtataka kung maisip man niya ito.


"Hindi mo pa nakikita ang lahat. Siguro kung walang digmaang nagaganap, mas magugustuhan mo ang lugar namin," nakangiting sambit ko sa kanya.


Marahang umiling si Zirrius. "If there's no war here then I wouldn't meet you," mahinang sambit niya pero narinig ko pa rin. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya sa oras na ito. Gusto kong alamin kung nagsisisi ba siya na nakilala niya ako pero natatakot ako sa malalaman ko. Naiilang na nilaro ko ang mga kamay ko. Kumukuha ako ng lakas ng loob upang magtanong sa kanya.


"Did you regret meeting me?" mahinang tanong ko sa kanya. Tumungo ako at hindi ko man lang siya magawang tingnan. Natatakot ako pero gusto ko pa ring malaman ang totoo. Halos hindi na makahinga ang kaluluwa ko dahil sa mahabang katahimikang namayani sa 'min. Mabuti na lang talaga at kaluluwa lang ako dahil hindi ko kailangang huminga. Tahimik na hinintay ko ang sagot niya. Gusto kong marinig ang sagot niya kahit masakit at nakakatakot. Naguguluhan na ako sa sarili ko.


My soul was suffocating on this eerie silence. Pero natagilan ako nang mapansin na unti-unting napuno ng lavenders ang buong kapaligiran. Bigla akong napalingon sa buong paligid upang pagmasdan ang mga bagay na ginagawa ni Zirrius. The maple trees and cherry blossoms were perfectly placed on the sidelines. Nasa gitna na kami ng malawak na taniman ng lavenders.


Mula sa malayo nakita ko ang isang malaking tunnel na gawa sa asul at pulang rosas. Halos mapanganga ako dahil nakaya nga niyang baguhin ang buong lugar. I could see that the whole place was so bright with his artificial sunlight. It was not dark anymore. And the whole place was just mesmerizing and amazingly stunning. Kahit hindi ito ang eksaktong itsura ng lugar na tinutukoy ko ay nagawa pa rin niya akong mapangiti.


Hindi ko naman talaga inaasahan na magagaya niya ang lugar na 'yon pero natutuwa ako dahil sinubukan pa rin niya. Halos mapanganga ako dahil sa lahat ng nakikita ko. I suddenly missed some beautiful places in Elfania and it's making me sick. Homesick.


Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya nang matapos siya sa ginagawa. "Wow! You improved a lot!" I exclaimed, almost gaping. Mahina siyang tumawa.


"Sa tingin ko, mas marami na akong kayang gawin ngayon kaysa noon," saad niya kasabay ng isang kindat na halos magpatigil sa mundo ko. Kung hindi ko lang siguro naalala ang tanong ko sa kanya kanina, baka isipin ko na nilalandi niya ako. But then, I was quite disappointed that he didn't answer my question. Siguro ayaw niyang sagutin dahil alam niyang masasaktan lang ako. Siguro pampalubag-loob lang ang lahat ng ito.


Tila bumigat ang pakiramdam ko kaya lumuhod na lang ako upang tahimik na amuyin ang mga lavender na nakapaligid sa 'kin. Unfortunately, it doesn't smell like the real thing. It doesn't smell anything. It was just a mere display on the surrounding and that made me sulk even more.


Parang gusto kong maiyak. Kailan kaya ako makakabalik sa Elfania? I already missed everything about that precious place. I was really suffering from homesickness now.


"I can feel that you're not really happy," nag-aalangang saad ni Zirrius. Hindi niya nakikita ang ekspresiyon ng mukha ko dahil sa liwanag na nakabalot sa 'kin pero siguro naramdaman niya ang kalungkutan dahil sa pananahimik ko.


"No. I'm actually happy that you made all of this. Na-miss ko lang ang Elfania kaya medyo nalungkot ako," I answered. It was a half-lie. Nalungkot din ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko pero wala na akong balak ulitin pa ang tanong na 'yon. Nawala na ang kaninang lakas ng loob ko.


Natigilan ako nang may bigla akong naalala. Kung nandito si Zirrius, ibig sabihin, hindi ko siya maaaring saniban nang walang paalam. I feel like biting my lips. Paano na? Kung magpapaalam ba ako sa kanya ngayon, papayag ba siya?


Nag-aalangang tumingala ako kay Zirrius. Matiim lang siyang nakatitig sa 'kin pero mariing nakatikom ang bibig niya. Halatang wala siyang balak magkomento sa sinabi ko. Siguro nararamdaman din niya ang homesickness na nararamdaman ko. Ang pinagkaiba nga lang, nami-miss na niya ang Alveria.


Bahagyang umangat ang isang kilay niya dahil napansin niya ang pag-aalinlangan ko. "May iba ka pa bang kailangan?" he asked gently.


Kahit hindi ako sigurado ay marahan akong tumango. "Will you let me use your body?" mahinang tanong ko.


Halos magsalubong ang mga kilay niya dahil sa pagtataka. "Bakit?" takang tanong niya.


"I need to use magic. I need to send a message to my right hand man," seryosong sagot ko sa kanya. Nawala nang bahagya ang pagtataka niya. He smiled and crossed his arms.


"If you say please," he teased with a charming grin. Nakakainis dahil pakiramdam ko mas malakas na ang dating niya kaysa noon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil malaki na ang ipinagbago niya ngayon. He was a full-blood elf and it's just normal that he could intimidate others. Pero bakit pati ako ay naaapektuhan? I'm also a full-blood! I was even an empress! But I think that doesn't help me on this kind of situation. His presence knows no bounds. I am no exception.


Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung inuuto ba niya ako o ano. I was too desperate right now. I need his body. Kung sasaniban ko naman siya, alam kong madali niyang mababawi ang katawan niya.


"P-Please...." mahinang sambit ko na halos hindi na niya marinig.


Bumuntong-hininga siya at lumapit sa 'kin. Natigilan ako nang halos lumuhod na rin siya sa harapan ko upang maging magkapantay kami. "I can't hear you," he said with a teasing smile. Gusto ko siyang itulak palayo dahil sa hindi inaasahang naramdaman ko. Halos tumalon ang kaluluwa ko dahil sa gulat.


"Kailangang lumapit sa 'kin? Ganu'n?" naiinis na tanong ko sa kanya. Ito agad ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkagulat. Mahina siyang tumawa dahil sa nakakatuwang reaksiyon ko. Pakiramdam ko, pinaglalaruan niya ako.


"Hindi ko narinig," kibit-balikat na saad niya. Umupo siya sa tabi ko upang mas maging kumportable. "Ano na?" nakangising tanong niya sa 'kin. Gusto kong ngumuso dahil sa ginagawa niya.


"Please!" halos pasigaw na sambit ko. Mas lumakas ang pagtawa niya dahil alam niyang naiinis na ako.


"Galit ka?" mapaglarong tanong niya. Napansin ko ang pagkaaliw sa tila kumikislap na mata niya.


Naiinis na inirapan ko siya pero napabuntong-hininga na lang ako. Kapag hindi ko inayos ang paghingi ng pabor sa kanya, tiyak na lalong magtatagal ang pag-uusap namin. Ngumiti ako sa kanya pero halatang pilit. Mabuti na lang, hindi niya talaga nakikita ang itsura ko.


"Please..." I asked sweetly. Halos mapaubo siya dahil sa tinig ko. Hindi ko alam kung nabigla ba siya pero halatang hindi niya inaasahan ang biglang pagbabago ng himig ng boses ko. He was so adorable with his lips almost open.


Tumikhim siya bago tumango. "Tatlumpong minuto," he said with a grin. Sumimangot ako dahil binigyan niya ako ng time limit. Inirapan ko siya nang wala siyang kamalay-malay.


"Sige," naiinis na saad ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Sinaniban ko na agad siya. Nang bumangon ako sa kama, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zirrius. "Hindi ka naman nagmamadali?" pang-aasar niya sa 'kin. Sumimangot ako. Ngayon ko lang ulit siya masasaniban nang matagal. Medyo nanibago ako dahil ramdam ko na mas malakas na talaga siya kumpara dati.


Agad akong tumayo at kinuha ang cloak niya. Wala akong pakialam kung pantalon lang ang suot niya sa oras na ito. Agad kong isinuot ang cloak niya at lumabas sa silid. Mabilis akong naglakad sa loob ng masukal na kagubatan. The trees were really huge. I'm sure giants would be ashamed with the trees' heights.


Sinigurado ko na walang kahit sino ang makakakita sa 'kin. There's a small entrance in between two huge trees and the lights coming from it intrigued me so I entered. Nakarating ako sa isang batis na napapalibutan ng malalaking puno. May mga pixies akong nakita na lumilipad sa ibabaw ng malinis na batis. Sila ang nagbibigay liwanag sa buong lugar kahit na malapit na ring sumikat ang araw. Pero dahil sa matataas na puno, halos madilim pa rin sa lugar na ito dahil hindi makapasok ang liwanag ng araw.


This was a perfect place to do magic. May ilang pixies na lumipad patungo sa 'kin. Halatang naalarma sila sa pagdating ko at lalo na dahil nakasuot ako ng hood. Wala akong nagawa kundi ang alisin ang hood ko para hindi sila matakot. They were pretty cute as they stared and studied my form.


"Ano'ng ginagawa nila?" takang tanong ni Zirrius sa isip ko.


"They're checking if they can trust you. Tirahan nila ito kaya natural lang na pangalagaan nila ang lugar. You're an outsider," sagot ko sa kanya. Pinalibutan ako ng mga pixies. They were checking me all over and I could hear them giggle as they caught a glimpse of Zirrius' bare chest.


"I just need to cast a spell to send a message for someone," mababang wika ko sa mga pixies. Their colorful small wings were glowing with different colors. Maybe they were the ones blessing this whole land that's why these trees grew tall and huge. Napansin ko ang pagtataka sa maliliit at magagandang mukha nila. Pero ilang segundo lang ay nilayuan na nila ako at tila hinahayaan na lang nila ako. Tumingala sila sa pinakatuktok ng isang puno kaya nagtatakang sinundan ko ang tingin nila.


I saw a figure on the top of a tree. Her black wings were widely spread as the gentle morning light kissed it.


"That's Aivee," mahinang wika ni Zirrius. Nakatanaw si Aivee sa malayo at mukhang hindi namalayan ang pagdating namin. Hindi ko na muna pinansin si Zirrius o si Aivee. I had a time limit. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. I chanted a spell.


Isang sulat ang lumabas sa harapan ko. Maingat na hinawakan ko ito. Through my spell, all the things I wanted to say was automatically written on that letter. I concentrated and let the letter disappear in front of me. It was now searching for my right hand man. It took me twenty minutes before I was sure that the letter reached him.


Natigilan ako nang biglang bumaba si Aivee sa harapan ko. Mabilis na tumiklop ang itim na pakpak niya.


"Avery," mahinang sambit niya sa pangalan ko. She was standing in front of me like a glorious queen she was meant to be. She was wearing a sexy dress like armor. Her beautiful face seemed worried about something.


"Hi?" nag-aalangang tanong ko sa kanya. Her presence was overwhelming. Hindi ko alam kung bakit parang ang seryoso ng aura niya. Matipid na ngumiti siya upang bahagyang mabawasan ang tensiyon na bumabalot sa 'min. Ramdam ko ang saglit na pag-aalinlangan niya habang bumubuka at sumasara ang bibig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa 'kin o kung paano sisimulan ang gusto niyang sabihin. She was, somehow, lost.


"It's already passed thirty minutes," paalala sa 'kin ni Zirrius. "But it seems Aivee needs to talk to you. I'll extend your time but please let my body sleep peacefully after this," he added. "Ito ang huling pagkakataon na hahayaan kitang gamitin ang katawan ko. Damn! Don't you know how awkward it is for a guy when someone's using his body especially when it's a girl?" dagdag na reklamo niya. Bahagya akong ngumiti dahil sa hinaing niya.


"It doesn't bother me though," kibit-balikat na saad ko sa kanya. Sigurado ako na nakasimangot siya ngayon pero pinili niya ang tumahimik na lang.


"The war is near," Aivee started. "No. Near is overrated. I bet it's already in front of us in its invisible and most silent form," she corrected herself. Bahagyang kumunot ang noo ko.


"You're quiet wrong. War is already with us in the past but is just soundly sleeping. And we just choose to wake it up soon," kibit-balikat na saad ko sa kanya. She smiled with my weird logic.


Mabigat na bumuntong-hininga siya pagkalipas ng ilang segundo at marahang tumango. "I'm not even sure if I can make it out alive," she admitted. Sumimangot ako dahil sa sinabi niya.


"Where's your army, by the way?" tanong ko sa kanya. "Don't say something like that. It's giving me a creepy feeling like you're... going to die soon," nakasimangot na dagdag ko. Mahinang tumawa siya pero napansin ko ang kalungkutan sa mga mata niya.


"If I die, please take care of Shin. Promise me, no matter what happen you'll take care of him," she almost pleaded. Parang gusto kong mapaurong sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko naghahanda na talaga siya para sa kamatayan niya.


"Damn! Fine! Just don't mention it again!" naiinis na sagot ko sa kanya. Halos magsalubong na ang mga kilay ko dahil sa pagkainis sa kanya. Bahagyang ngumiti si Aivee kahit napapansin na rin niya na naiinis na ako.


"If something bad happens, my army is at your disposal. I mean, they will follow you as I instructed them," she added. "Please save the Ameyans too," she added.


"You're asking for too much. I'm sure you can save your kingdom with your own power," nakangusong saad ko.


"I'm preparing you for the worst case possible. What if I died? No one will take care of them, that's why I'm already asking you. Don't worry, if you die, I'll take care of your people too," she kiddingly said with a grin. Kahit nagbibiro lang siya, pakiramdam ko tumatagos ang bawat salita niya sa puso ko. Pakiramdam ko, mawawasak ang puso ko kung sakaling isa sa 'min ang mamamatay. Hindi ko hahayaang may mawala sa 'min.


"My army is in Ameya. Once the war begins, chaos will be all around the city. The slaves Severus made out of my people will join the war. That's where my army will come from. They will stay loyal to me, and since I instructed them to follow you, they will," she added. "You have to be careful when you went to Elfania. Tiyak na maraming kawal ang nagbabantay sa katawan mo. At kung mahuhuli kayo ni Severus, mahihirapan kayong makawala. Huwag kang mag-alala. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya," she said with a faint smile.


Sumimangot ako. "You're giving me creeps!" reklamo ko sa kanya. Napailing ako. "Huwag kang masyadong mag-isip. Natulog ka na ba? Kung anu-ano ang sinasabi mo ngayon. You should rest. Kailangan ko na ring ibalik ang katawan ni Zirrius sa kanya," I said to dismiss her.


Tinalikuran ko na siya pero dalawang hakbang pa lang ay tumigil na ako. "Don't die. Malulungkot si Shin," mahinang saad ko. Sapat lang upang marinig niya. Naglakad na ako palayo.


"But I'm meant to die. Fate is never on my side," makahulugan at malungkot na wika niya na halos hindi ko na narinig nang maayos. Tila nilipad ito ng hangin at inilayo mula sa pandinig ko.


Nang makabalik ako sa silid, agad akong humiga upang ibalik kay Zirrius ang katawan niya. I was now back on the wide field of lavenders. Zirrius was waiting for me there. He smiled when I came back. Pero napansin ko na tila may gumugulo sa kanya. Hinayaan niyang matulog at magpahinga ang katawan niya. His soul was comfortably lying on the middle of the lavender field. Umupo ako sa tabi niya habang yakap-yakap ang tuhod ko. Aivee was making me nervous.


"Hindi pa kita sinasagot sa tanong mo," mahinang sambit niya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"Ano'ng tanong?" takang tanong ko sa kanya.


"If I regret meeting you," he answered.


Halos tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung sasagutin ba niya ang tanong ko. Why did he bring this up when I already forgot about it? Balak na ba niyang sagutin ang tanong ko? Mas kinabahan tuloy ako sa sagot niya kaysa sa mga sinabi ni Aivee.


"And?" mahinang tanong ko sa kanya. I waited for his answer even when I was not even sure if I could take it.


"I really regret that I met you," he answered truthfully. Halos mawasak ang buong mundo ko dahil sa pag-amin niya. Nanghihinang inilapat ko ang pisngi ko sa mga tuhod ko. I was facing the other direction, out of his view.


"Just as I thought so," mahinang pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Kung maaari lang sigurong lumuha ang kaluluwa ko, baka kanina pa ako napaiyak. Of course, he regrets meeting me. What do I even expect? Nabalot na kami ng mahaba at nakabibinging katahimikan. I felt like my soul was silently breaking on this silence. It was unexpectedly killing me. Hindi ko alam kung ilang oras kaming tahimik. Hindi na niya sinabi pa ang rason niya kung bakit siya nagsisisi pero mukhang alam ko na. I already caused him a lot of stress and pain.


When I looked at his direction, he's already gone. I suddenly felt alone for the first soulbreaking time. And this beautiful place he made for me couldn't even compensate with my sadness. I hoped he was aware that he was breaking me. Would he even feel guilty about it?


~~~~


Mabilis na lumipas ang araw. Two weeks have passed. Nakahanda na ang lahat sa plano naming paglusob sa Elfania kung nasaan si Severus pero naghihintay pa sina Damon sa hudyat na nakuha ko na ang katawan ko. Nakapuwesto na sila sa iba't ibang lugar malapit sa Elfania at handa na.


Kasama ni Verone si Zirrius ngayon. Unfortunately, creating portals couldn't help us. Napapaligiran ng malakas na kapangyarihan ang buong Elfania na pumipigil sa kahit na sino na gumawa ng portal. It was very secured. We have no other choice but to enter the city by feet. Kailangan naming malampasan ang bawat kawal na haharang sa daraanan namin. Nakasakay na silang dalawa sa kani-kanilang kabayo.


Mabuti na lang, may isang sikretong lagusan na natagpuan si Verone para tahimik kaming makapasok sa Elfania. I'm not even familiar with it. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari pero bahala na. Sana mabawi ko na talaga ang katawan ko. Sa ngayon, nagpapasalamat na lang ako dahil halos lahat kami ay magtutulong-tulong na talunin si Severus. I was glad everyone was willing to work for our freedom. Sana magtagumpay kami.


This will be the start of war. We will reclaim what is rightfully ours.

****


Author's note:

Slowly, it is. 

Continue Reading

You'll Also Like

953 108 5
❈ ONGOING ❈ Hinirang na Anito #10 Sa likod ng bawat kidlat, tambol ng kulog sa mga ulap, at sa pagbuhos ng ulan, nakatanaw ang makapangyarihang nila...
3.1M 129K 60
[This is a Virtual Reality MMORPG Story]{Online Game} Denise Raven was one of the top players when it comes to MMORPG Online Games. She received a ve...
7K 567 10
Suddenly, from all the green around, Something has disappeared unnoticeably; Her presence creeping closer to marble floor, In total silence from an...
45.5K 2.9K 20
Sin has been reincarnated back to the Devon Family, and the future empress of Elfania. She was cursed in her previous life to never realize and know...