My Secret Admirer

By sangchulettuce

131 3 1

Did you forget everything I'll always remember? More

Prolouge
Chapter 1: Rule #1, Don't Assume
Chapter 2: Panty
Chapter 3: Priceless
Chapter 5: Lub dub
Chapter 6: Mahal ko na nga ba?
Chapter 7: Last Dance

Chapter 4: Thank You

7 0 0
By sangchulettuce

"Hey!!! Let's go!!! We'll be late on school!!!" Sigaw ni Lantis mula sa labas ng kwarto ko habang kumakatok sa pintuan.

Masama ang pakiramdam ko. Hindi ako makatayo, nanghihina ako at masakit ang ulo ko. Ang lamig-lamig ng nararamdaman ko ngayon.

"I'll open the door, okay!!!" Sigaw ulit ni Lantis tapos binuksan nya nga ang pintuan ng kwarto ko.

Tinignan nya lang ako ng nakakunot ang noo tapos lumapit sa akin, "Hey stand up!" Sabi nya at hinawakan ang braso ko para pilitin na tumayo. "Nilalagnat ka?" Nag-aalalang tanong nya at hinawakan ang noo ko.

Ewan ko pero siguro naghahallucinate na ako sa sobrang taas ng lagnat ko dahil narinig ko yatang nagtatagalog si Lantis.

"S-si Mama?" Nanghihinang tanong ko.

"She went to Toto's school. May program daw sa school nila." Sagot nya.

Pinilit kong tumayo pero di ko kaya, natutumba ako. Tinulak ni Lantis ang noo ko gamit ang hintuturo nya. "You're weak. Just lay there, okay? I'll get you some medicines." Sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Sinunod ko naman sya. Nahiga lang ako sa kama ko hanggang sa bumalik sya na may dalang gamot, isang baso ng tubig at isang mangkok ng sopas na niluto daw ni Mama kaninang umaga para sa almusal namin.

"Eat this soup first so you can take medicine." Sabi nya.

Tinignan ko lang sya at ang sopas na nasa harapan ko.

"Don't worry I didn't put poison there." Sabi nya.

Kinuha ko yung kutsara at pinilit kumuha ng sopas gamit ito pero nanlalambot ang mga kamay ko. Umupo si Lantis sa edge ng kama ko at kinuha niya ang kutsara sa akin at sinubuan ako. Pagkatapos kong kumain ay pinainom nya naman ako ng gamot at tubig.

"Pumasok ka na sa school, Lantis. Baka ma-late ka pa." Sabi ko at humiga na ulit.

"I will not got to school today." Sabi nya.

"Okay lang ako. Sige na pumasok ka na." Sabi ko.

Imbis na sumagot ay kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa nya at may dinadial yata? Tapos tinapat nya ito sa tenga nya. "It's me... I'm unable to go to school today and don't bother asking why. Bye." Sabi nya at binalik na ulit yung cellphone nya sa bulsa nya.

Tumingin sya sa akin, "Get well. Call me if you need anything." Sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.








Nagmulat ako ng mga mata ko may nakadikit na malamig na bagay sa noo ko. Inalis ko ito at may nakasulat na 'coolfever' ito yung napapanood ko sa tv commercial. Meron ding isang baso ng gatas na nakapatong sa ibabaw ng drawer ko at may nakadikit sa baso na kulay dilaw na sticky note at may nakasulat na, "Drink this when you wake up. -Lantis."

Ewan ko pero napangiti ako.

"May natatagong bait din pala yun." Bulong ko sa sarili ko at ininom na yung gatas.

Tumingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras. 7pm na pala. Nag-ayos muna ako ng sarili ko at nagtoothbrush bago lumabas ng kwarto ko.

Naabutan ko sina Mama, Papa at Toto na kumakain na ng hapunan.

"Oh anak ano okay ka na ba? Kumain ka na." Tanong ni Mama.

Umupo na ako at nakisalo sa kanila sa pagkain, "Okay na po ako. Nasaan po si Lantis?" Tanong ko.

"Lumabas eh. May bibilhin daw yata?" Sabi ni Papa.

Hindi sya sasabay na kumain sa amin? Simula nung dumating sya dito sa bahay hindi pa namin sya nakasabay na kumain. Palagi syang lumalabas ng bahay kapag kakain na kami minsan naman busog daw sya at nagkukulong sa kwarto nya. Ayaw nya ba kaming kasabay na kumain?

"Ma.. Pa... ano.. pwede po ba akong lumabas bukas ng gabi?" Tanong ko.

Yung usapan kase namin ni Jim di ba? Sana payagan ako please.

"Saan ka pupunta anak?" Tanong ni Papa.

"Makikipagdate yan, Pa!" Sabi ni Toto.

Pinaglakihan ko ng mata si Toto. Nakakainis 'to! Uunahan pa ako eh!

"Nagyayaya po kase yung kaibigan ko na kumain bukas ng gabi." Sabi ko ng di tumitingin sa kanila.

"Hindi pwede!" Sabi ni Mama.

"Mahal, hayaan mo na lang si Aria. Tutal hindi naman na sya bata. At alam na nya yung tama at mali ano? Hayaan na muna natin sya. Parang hindi mo naman pinagdaanan yang mga ganyang bagay noon." Sabi ni Papa.

Yes! Sana naman pumayag na si Mama oh.

"Please Ma?" Nakangusong sabi ko.

"Sige! Pero 10 pm dapat nandito ka na sa bahay, okay?!" Sabi ni Mama.

Tumango ako at ngumiti ng malaki, "Opo Ma. Promise po!" Sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko.

Pagkatapos naming kumain nagpasya kami na manood na muna ng movie sa may sala. Sakto naman na nakauwi na si Lantis kaya nakisali na rin sya sa amin sa panonood. Miracle in Cell no. 7 yung title ng movie. Korean movie sya.

"Bakit hindi na lang yung english or tagalog movies yung panoorin natin?" Pabulong na tanong ni Lantis sa akin.

Magkatabi kase kami sa isang sofa eh. Tapos sina Mama, Toto at Papa andun sa isa pang sofa nakaupo.

"Wag ka nga! Maganda 'to." Sabi ko sabay subo ng popcorn.

"I don't understand people now a days. Bakit ba gustong-gusto nyong panoorin yang mga ganyan eh hindi nyo naman naiintindihan." Nakabusangot na bulong nya.

"Kaya nga may subtitles eh! Wag ka na ngang maingay at manood na lang." Sabi ko habang tutok na tutok parin sa panonood.

Ang cute nung bidang batang babae. Ye sung ang pangalan nya. Yung papa nya kase parang may sakit sa pag-iisip kaya napagbintangan sya na nirape nya yung batang babae na anak ng isang kilalang heneral.

"This is so awful." Malungkot na bulong ni Lantis habang tutok na tutok sa telebisyon.

Medyo natawa ako pero di ko pinahalata, nakakatawa kase yung ekspresyon ng mukha ni Lantis. Parang maiiyak na sya eh.

Di na ako nagsalita at tumutok na din sa panonood.

Tawa kami ng tawa dahil dun sa mga funny scenes ng movie. Nakakatawa yung mga kasamahan nung Papa ni Ye Sung sa preso. Pati nga rin si Lantis napatatawa din. Pinagmamasdan ko sya habang tumatawa.. mas gwapo sya kapag ganyan sya.. kapag tumatawa sya at masaya. Palagi na lang kase syang nakasimangot eh. Parang pinaglihi sa sama ng loob.

Nung nasa part na na hinatulan ng bitay yung Papa ni Ye Sung dun na ako naiiyak. Grabe bakit ganito naman yung movie? Sobrang nakakaiyak.

"That is not right!" Naiinis pero mahina na sabi ni Lantis.

Napatingin ako sa kanya. Namumuo na yung luha sa mga mata nya. Imbis na maiyak ay natatawa pa ako dahil nga sa ekspresyon ni Lantis. Sina Mama at Papa naman naiiyak na rin. Si Toto naman tulog na.

Natapos yung movie.. halos maubos na yung tissue sa tabi ko dahil sa kakaiyak ko.

"Akyat na kami ah? Matutulog na kami." Sabi ni Papa.

"Lantis kumain ka na ba? Pinagtira kita ng ulam nandun nakatakip sa lamesa sa kusina." Sabi ni Mama.

"Kumain na po ako. Sige po salamat." Sabi ni Lantis.

"Sige iwan na muna namin kayo ah? At kami'y matutulog na." Sabi ni Papa at binuhat na si Toto na kanina pa natutulog.

Umakyat na sila sa kwarto nila at kami na lang ni Lantis ang naiwan dito sa sala.

"Lantis.. ano.. salamat pala sa kanina ah?" Sabi ko sa kanya.

"It's okay." Sabi naman niya.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain?" Tanong ko.

Umiling sya, "No, I'm full. Napadaan ako sa 7 eleven kanina at kumain na ako ng cup noodles." Sabi nya.

Cup noodles? Ganun din yung kinakain nya noon nung nakita namin sya sa rooftop nina Reya at Darius ah? Mahilig ba sya sa cup noodles?

"Okay sige. Punta na ako sa kwarto ko ah? May pasok pa bukas. Babay. Thank you ulit kanina ah? Good night." Sabi ko at nagmadali ng umakyat papunta sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at tinignan yung cellphone ko, may new message kase from unknown number eh.

8:17 pm
From: 0917*******
"Hello Aria. This is your secret admirer. The black envelope."

Napaupo naman kaagad ako sa kama ko pagkabasa ko ng message na iyon. Kanina pa itong text nya na ito. Saan nya naman kaya nakuha yung number ko? Sinave ko kaagad yung number nya.

10:02 pm
To: My Secret Admirer
"Oh hello! :) Sige save ko na lang number mo."

Kinikilig ako sa totoo lang. Ewan ko ba? Kahit hindi ko pa sya nakikita at nakikilala kinikilig ako sa kanya. Ang sweet sweet kase nya at nag-eeffort talaga sya para lang sa akin. Gustong-gusto ko na syang makilala.

Tingin ako ng tingin sa cellphone ko pero hindi parin sya nagrereply.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Nauuhaw ako. Bumaba ako at dumiretso sa kusina ng bahay namin. Nagulat ako ng makita si Lantis doon kaya nagtago muna ako dahil hindi naman nya ako nakita. Kumakain sya. Ang sabi nya kanina ay kumain na sya? Pinagmasdan ko lang sya na kumakain, bakit parang ang lungkot-lungkot nya?

Umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko at humiga ulit sa kama ko.

Hindi maalis sa isip ko yung mukha ni Lantis kanina habang kumakain sya.

Tinignan ko yung cellphone ko napangiti ako ng magtext ulit sya.

10:38 pm
From: My Secret Admirer
"Akala ko hindi ka na magrereply eh. ;) Bakit hindi ka pa natutulog?"

Kinikilig ako ano ba?! Hahaha!

10:39 pm
To: My Secret Admirer
"Di pa ako inaantok eh. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?"

Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang hinihintay syang magreply. Bakit naman ang tagal nyang magreply? Sinubukan ko pang itext ang sarili kong number dahil baka walang signal pero nareceived ko naman yung text ko sa sarili ko. Bakit ba ang tagal nyang magreply?

Pinikit ko ang mga mata ko dahil nakakaramdam na ako ng antok.

Napamulat ako ng biglang magvibrate yung cellphone ko. Nakavibrate mode kase sya eh. Nagulat ako dahil hindi pala ito text kundi tawag. Tawag mula sa kanya na kaagad ko naman sinagot kahit na kinakabahan ako.

"H-hello?" Kinakabahan na sabi ko.

"Aria.." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng tawagin nya ako sa pangalan ko.

"Y-yes?" Kinakabahan parin na tanong ko.

"It's so nice to hear your voice again." Bakit ganun? Hindi ko marecognized yung boses nya. Hindi ko pa ba sya nakilala or nakausap man lang? Napaka-unfamiliar kase ng boses nya eh. Pero ang sabi nya again di ba? So ibig sabihin nakausap na nya ako?

"May tanong ako." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong nya.

"Nakita na ba kita? Nagkausap na ba tayo? Kung oo, saan, kelan at paano?" Sunod-sunod na tanong ko.

Narinig ko naman ang pagtawa nya mula sa kabilang linya, "Isa-isa lang haha. Oo nagkita na tayo at nakausap mo na ako." Sabi nya.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa school." Sagot nya.

Oo nga pala sa iisang school lang kami nag-aaral ang tanga ko talaga. Kase diba sa locker ko dun sya nag-iiwan ng letter so malamang nag-aaral din sya sa school ko.

"Saan tayo unang nagkita? Sa school din ba?" Tanong ko.

Nacucurious talaga ako. Gusto ko na syang makilala. Sino ba talaga sya?

"Hindi. Una tayong nagkita two years ago, sa playground sa village nyo." Sabi nya.

Sa playground sa village namin? Oo madalas ako dun pero hindi ko na matandaan na may nakausap akong stranger na lalake dun two years ago.

Masyado kase akong makakalimutin eh. Ewan ko ba? May sakit na yata ako sa utak at masyado akong makakalimutin hahaha.

"H-hindi ko na matandaan." Sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya, "Sabi ko na nga ba hindi mo na natatandaan. Subukan mong alalahanin, Aria." Ayun na naman yung puso ko na tinalo pa si Flash sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyare two years ago pero wala talaga akong matandaan. Sumakit lang yung ulo ko kakaisip eh wala talaga akong matandaan.

"H-hindi ko talaga matandaan." Malungkot na sabi ko.

"Yun lang yung paraan para makilala mo ko." Malungkot din na sabi nya.

"Pero bakit hindi ka pa kase magpakilala? Hindi naman ako magagalit. Kahit sino ka pa o kahit ano ka pa, tatanggapin parin kita." Sabi ko.

"H-hindi ko alam kung matatanggap mo 'ko." Malungkot na sabi nya.

Anong ibig nyang sabihin dun? Pangit ba sya kaya nya nasabi yun? Wala naman sa itsura yun eh.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Kahit sino o ano ka pa, tatanggapin parin kita." Sabi ko.

Bumuntong hininga sya, "Hindi pa ako handa na magpakilala. S-sige, paalam na muna. Goodbye Aria." Sabi nya.

"B-bye." Nauutal na sabi ko dahil sa sobrang tibok ng puso ko hindi na ako makapagsalita ng maayos.

Namatay na yung tawag. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko para kay Secret Admirer ko. Siguro nacucurious lang ako sa kanya kaya nakakaramdam ako ng ganito.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 113 59
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
15.8K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
344K 7.7K 33
Bored ako
46.9K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine