One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 5

405 14 1
By eye_you

Page 5

Double date

*****

Yung encounter namin ni Henry, na binati niya ako, ay naulit pa ng ilang beses. Palagi ko siyang nakikita sa building nina Emy. Nadadaan kasi ako roon palagi at madalas ko ngang masalubong si Henry. Nagdududa na talaga ako sa relasyon nilang dalawa. Actually, hindi na ako magugulat kung sasabihin ni Emy na may something na sa kanila. I mean.... Hindi naman nakakapagtaka yun dahil pareho silang famous sa school. And they look good together.

Pero bakit parang naiinis ako. Tsk.

Bumuntung hininga ako ng malalim.

Tulad ngayon.

Mula sa kinasasandalan kong railings ay natatanawan ko sina Emy at Henry na naglalakad sa gilid na walkway ng open field. Nasa second floor ako ng aming building at nakaharap ito sa field at dahil kilalang kilala ko na ang kilos at pananamit ni Emy, kahit malayo ay nakita ko ito.

Lagi na lang silang magkasama. Kainis hah.

Mamaya na ang dryrun nang concourse pero imbes na maging excited.... Hindi ako excited. Wala na akong klase dahil tapos na ang semester at narito lamang kami para sa practice. Si Emy.… ewan ko. Hindi ko na sure kung ano ang purpose niya dahil mukhang napunta na ang lahat ng atensyon niya sa bago niyang kaibigan. Datirati naman, kapag may bago siyang boyfriend ay hindi niya isinasacrifice ang oras na kasama ako kapalit ng sa BF niya. Nag iba na ngayon. It is not like, wala akong ibang kaibigan sa school pero si Emy ang pinakaclose ko kaya nasanay na talaga ako na lagi ko siyang kasama.

Nagkibit balikat na lamang ako at lumakad na papunta sa auditorium. May ilang estudyante pa akong nasalubong at nang malapit na ako sa pakay ko ay biglang may tumawag ng aking pansin.

Biglang binalot ng panlalamig ang aking sikmura at bumilis ang kabog ng aking puso. Nag alanganin ang mga paa ko na humakbang pero kailangan kong magpatuloy.

Nakita ko kasi si Aaqil na nakatayo sa gilid lang ng entrance ng audi. Para bang may inaantay siya na dumating. Nag angat siya ng tingin at agad na nagsalubong ang mga mata namin.

I gulped hard.

"Miss Miranda."     Boses niya.

Tsk. Kilala niya ako?!

Napahinto ako sa paghakbang at siya naman ay lumapit sa akin.

"Hi."     Bati niya saka alanganing ngumiti.

Natulala naman ako. Ito ang unang beses na kinausap niya ako. Hindi ko nga alam na kilala niya ako by name.

"Ha-hi."     Aniko ng bahadyang mahimasmasan. Dyoskupo! Ang puso ko. Nagwawala na sa pwesto.

Tumingin siya sa paligid na tila may hinahanap.

Ano pa bang hahanapin mo? Nandito naman ako. Tsk.

Napasapo siya sa kanyang batok ay muling tumingin sa mukha ko. Hesitant siyang magsalita.

"May hinahanap ka?"     Mabagal kong sabi. Hindi ko din maialis ang tingin ko sa kanya.

Mahina siyang tumango.     "Actually, yes. Hinahanap ko si Emery."

Emery.....Eme...… Emy?

Nagtaka naman ako agad.

"Bakit?"

"Ahm... May hiniram kasi ako sa kanya na isasaoli ko lang. Hindi ba kayo magkasama?"    

Obvious ba?

"Hindi. Baka papunta na yun."     Parang nanlata ang katawan ko sa pagkakataong iyon.      "Kung gusto mo ako na lang ang magbibigay?"

"Ah, hindi na. Ako na lang."     Ngumiti siya.

Lihim akong napasinghap. Sa tagal ko ng kasama si Emy sanay na rin ako sa mga taong nakapaligid sa kanya. Yung mga kilos na alam mo agad ang mga tunay nilang pakay.

Pilit akong ngumiti sa kanya.      "Kung ganun. Iwan na kita rito, pasok na ko sa loob."

"Wait lang."    Pigil niya sa akin. Hindi ko maiwasan na titigan siya.       "Pwede ko bang malaman ang contact number ni Emery. Ahm... Hindi ko kasi alam ang kanya."

Hindi ako agad nakasagot. I'm not sure kung okay lang ba na ibigay ko sa kanya iyon. Hindi ko iyon nakasanayan gawin saka ayaw ni Emy ng ganun. One time na may pingbigyan ako na senior ng number niya at nagtampo siya sa akin. Isang araw niya akong hindi kinausap.

"Hindi ko alam kung pwede ko ba yang gawin."     Deretso ko siyang tinignan.

"Ahh... Okay."     Parang nadismaya siya sa sinabi ko pero wala na akong maisip na maidadahilan.

"Pwede naman na yung number mo ang ibigay ko sa kanya?"    Pero I doubt na papayag siya sa ideya.

"Ahm.... Okay lang ba?"   Bahadyang umaliwalas ang mukha niya.

Nabigla pa ako.    "Hah?!"

"Okay lang ba na irelay mo sa kanya? Siya na lang ang kokontak sa akin?"

"Ah, oo naman."     Mabilis akong napasagot sa tanong niya.     "I mean... Okay lang yun sa kanya."

"Salamat."    

Inilabas ko ang dala kong cellphone. Medyo nahiya naman ako dahil sa lumang modelo na iyon at may casing na paborito kong si Spongebob.

"Cute."     Narinig kong aniya habang tinitipa sa cellphone ko yung number  niya.

"Hah?!"

"Sabi ko ang cute ng casing mo. Spongebob."       Saka niya ibinalik sa akin ang phone ko.

"Thanks."      Pilit akong ngumiti.

"Ngayon ang dryrun niyo right?"     Mataman niya akong tinitigan at bahadyang ngumiti. 

Nakadama ako ng kilabot sa aking bumbunan. Pinilit ko lang na huwag iyong ipahalata.       "Ahm... Oo."

"I see. Good luck ah. Saka.... Salamat."     Aniya saka nagtaas ng isang kamay para bang isang wave gesture. Tumagilid siya ng hakbang at umiwas sa akin para makaalis na.

Nilingon ko siya at sinundan ng tingin habang papalayo.

For the first time, kinausap niya ako. At kilala niya ako.

Pero...... Si Emy ang hanap niya?

Bumuntung hininga ako ng malalim. Guess hanggang dun na lang ang lahat. Alam ko na kung saan ang place ko.

I feel..... Sad. Pero hindi ko alam kung bakit. Basta nalungkot ako.

Naupo ako sa kasama ng mga kagrupo ko sa club. Nakatulala lang ako ng tingin sa may stage at sumusunod lamang ako sa mga kasama ko. Alam ko na ipinapaliwanag ng club president namin ang mga magaganap sa music concourse pero hindi ko naman masyadong naintindihan. Para akong nanlalata.

"Milca?"

Mabagal akong lumingon at nakita si Emy na nakaupo na sa tabi ko.

"Okay ka lang?"     Napawi ang ngiti niya at agad niyang sinalat ang noo at leeg ko.      "May sakit ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Napapilig ako ng mukha.       "Ano bang itsura ko?"

Kumunot noo siya.      "Ang....gloomy mo?"

Sandali ko siyang tinitigan. Sana nakuha man lang ang pagiging masayahin niya para maiba naman ako. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin.     "Kinakabahan ako."

"Sus!"     aniya na mukhang naniwala naman sa akin.   "Syangapala. Yung pangako mo sa akin hah."

"Ano yun?"     Walang gana kong tanong.  

"Yung magpuputa tayo sa Orpheus. Pinangako mo na after ng exam week yun ah. Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng exams."

Mukhang kailangan ko yan. Nilingon ko siya.        "Ngayon ba?"

"Kung pwede ka."      Saka siya ngumiti.

"Sige." 

"Yes!"     Masigla niyang sabi. Naputol ang pag uusap namin nang tawagin na siya ng club president namin. Agad siyang tumayo at ng umakyat siya ng stage ay nakasunod na sa kanya si Henry. Hindi ko napansin na naroon na rin si Henry, masyado yata akong pre-occupied.

Minasdan ko silang dalawa habang kausap ng club pres namin then naupo si Emy sa may harap ng nakaset na grand piano sa gitna ng stage. Yumukod sandali si Henry para kunin ang kanyang violin then pumuwesto na sa medyo malapit sa unahan ng stage. Nagpalitan sila ng tingin ni Emy at sa cue ng club president namin ay tumipa na sa piano si Emy. Siya ang intro.

Playing:     A song from the Secret Garden

Umupo ako ng deretso at nakinig ng maige. Una. Nasa kay Emy ang tingin ko. Kabisadong kabisado na niya ang piesa kaya hindi na siya masyadong tumitingin sa piesang nakalahad sa harap niya. Lumingon ako sa mga kasama ko at napansin ang kakaibang pakiramdam sa paligid. Nakita ko ang iba na tila tulala. Nagtaka ako at tumingin uli sa may stage. Lumipat ang aking tingin kay Henry.

Ngayon alam ko na kung bakit tila natutulala ang lahat. Ang iba pa nga ay literal na nakanganga.

Parang ibang tao na si Henry habang tumutugtog ng kanyang violin. Hindi ako aware pero natulala na rin ako.

Wow.

After ng dryrun ay nagpunta kami sa Orpheus. Gabi na noon. Kasama namin ang ilan sa kaclub namin at naroon din si Henry. That was unusual. Naging sentro siya ng atensyon ng lahat at hindi na ako nagtaka. Nakaupo lang ako na kasama nila at tahimik na nakikinig sa kanilang usapan. Konti lang ang iniinom ko at wala akong balak na magkipagsabayan sa kanila. Ayokong malasing.

"Bess!"        Pabagsak na naupo sa tabi ko si Emy. Umangkla kaagad siya sa braso ko at ihinilig ang sariling pisngi si balikat ko. Sa tingin ko ay medyo may tama na ito.

"Lasing ka na?"

"Hindi pa ko lasing."     Pero nanatili siya sa kanyang pwesto.     "Okay ba yung performance namin kanina?"

Tumango ako.       "Oo naman." 

Actually, sobrang mangha nga ako sa kanila kanina. Iba yung chemistry na namamagitan sa kanila.

"Magaling kasi si Henry kaya nadala niya ako."    Humagikgik pa siya.

"Magaling ka din. Magaling kayo pareho."   Minasdan ko siya.      "Kayo na ba?"

"HINDI AH!"        Malakas niyang sagot agad.  Napaderetso siya ng upo. Naniningkit na ang mga mata niya sa pagkalasing at namumula ang mukha. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at iwinagay sa hangin.        "Hindi kami. Hindi siya..."       Saka humagikgik uli.

Kumunot noo ako.      "So may boyfriend ka ngayon? Sino?"

"Sek-re-to."          At muling humagikgik.

Napasimangot ako at napansin niya yun.

Yumakap siya uli sa braso ko at umiling iling.      "Soorryyy.... Bess.... Hindi ko pa masabi sa'yo. Kapag pwede na sasabihin ko din. Pwomis."

Err... Ngayon lang yata nangyari na naglihim ng karelasyon ang babaeng ito ah? Anong meron? Kung seryoso ang relasyon nila, bakit kailangang itago?

Biglang naalala ko si Aaqil.     "Syangapala. Ipapasa ko sa'yo yung number ni Aaqil. Hinahanap ka niya eh."

"Si Aaqil?"     Bigla itong nag angat ng tingin sa akin saka ngumisi.       "Nag usap kayo ni Crush mo?" 

Sinimangutan ko siya.       "Oo. At ikaw ang hinahanap. Tawagan o itext mo siya."

"Bakit binigay mo yung number ko?!"      Medyo histerikal siya.      "Dapat yung number mo ang binigay mo."

"Sira!"     Natawa ako ng pagak.    "Halatang ikaw ang type niya."

"Hul! Ano 'ko?! Keypad? Tinatype?"

"Lasing ka na talaga!"       Nailing ako.

"Hindi ko naman  siya type. Masyado siyang pa good boy, hindi kami talo."      Aniya.

"Yun nga ang maganda sa kanya."   Nag iwas ako ng tingin.

"Ikaw ang may gusto sa kanya eh."    

Pero anong magagawa ko kung ikaw ang gusto niya?

Napabuntung hininga ako ng malalim. Tama. Si Emy ang tipo ng girl na na laging naghahanap ng thrill at adventure sa buhay. Kung si Aaqil ay isang ideal man na matino at good boy siguradong hindi ito seseryosohin ni Emy. Iba ang trip niya sa buhay and i envy that part if her. Malaya siya. Nagagawa niya ang gusto niya ng walang dapat isaalang alang at kung meron man, alam niya kung paanong ihandle iyon.

Hindi na ako nagpagabi masyado kasama sila. Inaya ko na din na umuwi si Emy pagtagal at dahil lasing na rin siya ay pumayag naman. Kaya nga lang hindi ko inasahan ang ginawa niya.

Nakaunan si Emy sa kandungan ko habang lulan kami ng kotse ni Henry. Tsk. Inaya ni Emy na umuwi na rin si Henry kaya ito ngayon, ihahatid niya kaming dalawa. Malas lang dahil mauuna naming maihatid si Emy.

Nang makarating kami sa tahanan nina Emy, si Henry ang umalalay rito hanggang makapasok sa loob. Katulong lamang nila ang sumalubong sa amin at mukhang wala pa ang parents niya. Napaisip tuloy ako kung lagi bang wala ang mga magulang ni Emy. Nabo-bored yata siya rito palage kaya laging gustong nasa gimikan.

Sandali akong nanatiling nakatayo sa tapat nang gate ng bahay nina Emy matapos namin siyang maihatid sa loob. Lumapit si Henry sa may pinto ng kanyang sasakyan at binuksan iyon. Nilingon niya ako.  

"Dito ka na maupo para hindi naman ako mapagkamalang driver."      Saka siya ngumiti.

Nakakaloko lang talaga ang ngiti niya. Hindi ko malaman kung ano ang nilalaman niyon.

"Ahm...."     Alanganin akong ngumiti.      "Pwede na naman akong magtricycle na mula rito then jeep pauwi. Wag mo na akong ihatid."

"I insist Milca."   He genuinely smile pero parang may bahid na disappointment sa mga mata niya.

"Hindi nga. Hindi naman kailangan...."

"Harmless naman ako."      Sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko. Ibinaba niya rin naman iyon at biglang sumeryoso ang mukha niya. Nagkatitigan kami sa mga mata and my heart pound hard.      "May galit ka ba sa akin?"

Napapilig siya ng mukha at humalukipkip.

"Wala ah!"      Nag init ang magkabila kong pisngi.

"O, ayaw mo lang talaga sa akin?"      

Umiling ako. 

"Kung ganun, halika na."     Atsaka iminuwestra ang pinto ng kotse.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod pero tahimik na lang ako habang nasa biyahe hanggang sa makarating kami sa kung saan ako tumutuloy.

"Ahm, dyan mo na lang sa tabi. Bababa na 'ko."    Hindi pa niya lubusang inihinto ang sasakyan ay tinanggal ko  na yung seatbelt ko.

"Dito ka lang ba?"       Nilingon niya ako pagkatapos maitabi ang kotse.

"Sa.... Looban pa. Salamat sa paghatid."     Aniko. Agad kong binuksan ang pinto.

"Goodnight."     Narinig kong wika niya.

Tinignan ko siya ng makababa na ako, nakayuko ako at nakasilip sa loob. Tumango lamang ako bilang tugon then pumihit na akong paalis pagkatapos isara ang pinto. 

Mabilis ang hakbang ko papunta sa dorm na tinutuluyan ko. Bukas pa naman ang gate, sa gantong oras siguradong gising pa ang ilan kong kasama roon. Gusto kong lingunin kung naroon pa siya pero hindi ko nagawa.

Kinabukasan.

Nagmamadali pa akong pumasok sa loob ng isang kilalang fastfood chain at agad hinanap ng tingin si Emy. Pinapunta niya ako rito dahil nagpapasama daw siya sa mall.

Nasaan na ba ang babaeng yun?

Then nakita ko siya sa isang sulok. Nakaupo na siya at paharap sa akin. Nag angat siya ng tingin at agad akong nakita kaya kumaway siya na mayroong malapad na ngiti sa labi.

Atubili akong lumapit pero padating ko roon sa tapat ng mesa ay nakita ko na hindi pala siya nag iisa. Napatingin kaagad ako sa kasama niya na nakaupo sa katapat niya lang na upuan. Si Aaqil.

Napaawang pa ng konti ang labi ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin.

"Bess, upo ka na."      Agaw ni Emy sa aking atensyon. Itinuro niya yung bakanteng upuan sa tabi niya. Mabagal akong kumilos para maupo.

Tsk. Bakit nandito si Aaqil?

Nagtataka kong tinignan si Emy. Naka smile naman siya na parang walang kakaibang nagaganap.

"Tinext ko si Aaqil para samahan tayo ngayon."      Nakangitig wika sa akin ni Emy tapos ay bumaling siya ng tingin kay Aaqil.       "President, kilala mo na ang bestfriend ko, di ba?"

"Yeah. Michaella Miranda."       Napatingin ako sa mukha ni Aaqil pero seryoso lang naman ito.

"Milca na lang. We are all friends here, anyways."          Ani Emy.

Lihim akong napapiksi.      Tsk! Ano naman kaya ang plano nitong babaeng toh?

"Saan na kaya yun? Lagi na lang late."       Wika ni Emy sabay tingin sa kanyang cellphone.

"Akala ko tayo lang?"       Lakas loob kong tanong kay Emy. Umiwas ako ng tingin mula kay Aaqil.

"Hindi ko ba nasabi?"      Tinignan naman ako agad ni Emy at ngumiti.      "May nagbigay kasi sa akin ng apat na complimentary ticket para sa block screening ng isang movie. Wala akong maisip na isama kaya ikaw na lang, ta's sakto naman na gusto ding mapanuod ni Aaqil yung movie."

Tsk. Emy! Hindi yan ang gusto kong malaman.

"Hi!"      Sabay sabay kaming natigilan at napalingon. 

Lalo naman akong nagulat.

"Late ka Henry!"      Nakatawang ani Emy. 

At nandito din siya?! 

Mukhang nahuhulaan ko na ang balak ni Emy.  Double date.

Napatingin ako sa mukha ni Aaqil at nakita ko talaga na dumilim ang ekpresyon niya ng makita si Henry. Alam ko, sa moment pa lamang na iyon na hindi ko maeenjoy ang movie. O ang date. O ang araw na ito.

*****

Updated: August 10, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless. ☺☺☺☺

Continue Reading

You'll Also Like

26.5K 269 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

79.3K 2.2K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy