If This Lasts (If This #2) Pu...

By kissmyredlips

4M 102K 18.6K

Three years. Ganoon katagal simula nung huli silang nagkita. Tatlong taon mula nang itulak niya ito palayo. T... More

Prelude
Chapter One
Chapter Two
Zion
Chapter Four
Chapter Five
Zion
Chapter Seven
Chapter Eight
Zion
Chapter Ten
Chapter Eleven
Zion
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Zion
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Zion
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Zion
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Zion
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Final Chapter
Pre-Epilogue
Epilogue
Special Chapter #1

Chapter Twenty-Three

105K 2.7K 536
By kissmyredlips

What is Zion doing here?!

Hindi ko mapigilan isipin ang biglaang pagdating niya dito habang kumakain ng lunch. Knowing that he's just around the place stressed me out. I couldn't stop myself from pigging out. Hindi ko alam kung nakailang order ako ng rice. Halos nga lahat ng dessert nila ay natikman ko na.

Sa kabutihang palad, hindi naman siya pumunta sa restaurant. Kahit nang matapos akong kumain at umalis doon ay hindi ko nakita kahit ang anino niya.

Gusto ko sanang magpahinga muna dahil kakain ko lang pero naisip ko na huwag na munang bumalik sa room. I was scared that I'd cross paths with him, but considering how this resort isn't big enough for the two of us─I know we'll eventually meet. Kahit na anong iwas ang gawin ko ay paniguradong magkikita at magkikita pa rin kami.

I can't face him yet. I still need time. Kulang pa rin sa akin ang dalawang araw na lumipas. Hindi pa sapat iyon para harapin ko siya. How much time do I need then? Do we need another three years here?

A few nights ago, I've made up my mind and was set on giving us another chance. For the second time, I wanted to take a risk again. I pointed the gun at my head the moment I risked my heart for him and it didn't take him long to pull the trigger.

Hindi pa nga ulit kami nagsisimula ay natapos na agad kami. Hindi ko pa nabibigay ulit sa kanya ang tiwala ko ng buo ay sinira niya ulit iyon.

How am I supposed to trust him again? How am I supposed to believe any word that comes out of his mouth when it's so damn easy for him to hide things from me?

May third chance pa ba? Hindi ba hanggang second chance lang? And how does the line go again? Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. Fool me thrice... Ang kapal ng mukha mo.

Naglakad-lakad na lang muna ako sa resort. Nung una ay kabado pa ako at alerto sa paligid, sa takot na bigla na lang siyang sumulpot kung saan. Nang makalipas ang ten minutes at hindi ko pa rin siya nakita ay tsaka ko lang nakuhang kumalma.

Fatima gave me a list of activities that I could do for today. May schedule pa nga siyang ginawa. Inuna ko ang pagtingin sa Aviary na nasa tabi ng park. It's too bad I left my Canon at the room. Gusto ko sanang kuhanan ng picture ang mga iba't ibang klase ng ibon at ibang hayop, but this is also nice. I get to enjoy every moment.

Una kong nakita ang scuba diving sa listahan na binigay sa akin ni Fatima kay iyon din ang unang ginawa ko. Dahil mag-isa lang ako ay sumabay ako sa boat ride ng magba-barkada na mukhang college students pa. They were nice and friendly at sanay akong makisama kaya walang naging problema sa akin iyon.

Pagkatapos mag scuba ay nag jetski naman ako. It's cheap compared to the rates in Boracay. A small smile remained on my lips as I drove the watercraft.

The salty sea breeze was fanning against my face and it felt nice. May dalawa pa akong nakakasalubong na nagje-jet ski na masayang naghahabulan. Napangiti ako at ibinalik ang atensyon sa sariling dinadaanan.

Nawala ang ngiti sa labi nang may matanaw na pamilyar na mukha mula sa di kalayuan. Is that... Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Zion nga ang nakasakay sa jet ski kagaya ng akin.

He's hearing towards my way. Napasinghap ako. Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari. May bigla na lang na lumabas na tili mula sa bibig ko at sunod kong naramdaman ang pagbagsak ko sa tubig.

"Savion!" I heard my name being shouted from a far.

Sea water splashed in my face the same time I breathed in. I inhaled water right through my nose and I was incessantly coughing. Fuck! Ang hapdi!

May narinig akong tumalon sa tubig malapit sa akin. Panibagong tubig na naman ang tumalsik sa mukha ko. Mabilis na pinasadahan ko ng aking palad ang mukha. Pati yung mga mata ko ay mahapdi din! Nakakahilam!

May naramdaman akong dalawang malaking kamay ang humawak sa magkabilang braso ko. Like he's trying to keep me still and stop me from flailing.

"I got you." rinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Nagpantig ang tenga ko dahil doon. Agad kong binuksan ang mga mata. I was right. It's Zion. Nanlalabo pa ang mata ko dahil sa pagkahilam pero kita ko ang panic sa mukha niya. What the hell?

"Ano ka ba!" pilit ko siyang itinulak palayo sa akin pero ako lang ang lumangoy palayo. "I got you ka d'yan? Hello?! May life vest rin kaya ako!"

"I was just worried." ngumuso si Zion pero may tuwa na gumuguhit sa mga mata niya. I know that look. Katulad na katulad ito sa itsura niya three years ago.

"Worried mo mukha mo. Tabi nga!" hinawi ko siya at lumangoy palapit sa jet ski ko.

Ipinatong ko ang kamay sa gilid ng jet ski at ginamit ang lahat ng lakas para iangat ang sarili. Nakaangat na ang itaas na bahagi ng katawan ko. Napatalon ako nang maramdaman ang dalawang mainit na palad ang humawak sa bewang ko. Bago ko pa siya malingon ay inangat niya na ako. His hands purposely brushed my rear. My eyes widened.

Nakaupo na ako sa jet ski at nilingon siya. He'd touch me more intimately than that but I couldn' help but flush at what he did. Sinamaan ko siya ng tingin. "Asshole!"

Inalis niya ang dalawang kamay palayo sa akin. Lumipad iyon sa ere na parang wala siyang ginagawang masama. Lumangoy siya palayo sa jet ski ko at mapang-asar na humalakhak siya.

I grimaced at him and placed the key that was wrapped on my wrist, placing it on the ignition. I started the engine and drove away from him without looking back.

Hindi pa ako nakakaisang oras sa pag jet ski pero bumalik na ako sa dock. Makakapag-jet ski ba ako kapag nasa paligid lang siya at paniguradong mangugulo lang siya sa akin? I don't think so.

Umalis na ako doon at napag-isipan na magpa-massage na lang. May private room doon kaya hindi ako nagawang sundan ni Zion. Thank God.

The massage felt so damn good. Matagal na rin simula nung huling nagawa ko ito. I should do this a weekly thing from now on and maybe I can invite Avis. Napangiti ako sa magandang ideya na naisip.

Nang dumating na ang hapon ay bumalik ako ng room para kunin ang aking camera. I used the little time to take pictures of the view. It's too bad the sun setting can't be seen here. The sky looked beautiful, though.

Nang matapos na ako sa pagtake ng pictures ay bumalik na ako sa room. I was holding my breath when I passed Zion's room. I only managed to let go of the air that I was holding when I was in the safety of my room.

Nagpahinga na muna ako sa kwarto matapos maligo at magbihis. I used my free time to update my website. Matagal nang hindi active ang social media accounts ko. I decided on staying away from it, knowing how Zion could use it to his advantage.

I've sacrificed my accounts for to avoid him, pagkatapos ay nalaman ko na may direct resource pala siya pagdating sa akin? I can't help but feel sour about it all over again.

Nang sumapit na ang seven o'clock ay napag-isipan ko nang kumain ng dinner. I checked myself in the mirror, straightening the maxi dress that I'm wearing before heading out of my room.

Isa lang ang restaurant dito. Bukod doon ay ice cream kiosk, tindahan, at souvenir shop lang ang meron. It serves breakfast, lunch, and dinner. Pati snacks. Buffet naman kaya kahit isa lang ang restaurant ay nakakabusog pa rin.

Papasok pa lang ako sa door way ng restaurant ay nahanap agad ng mga mata ko si Zion na nakaupo sa isang table. Napahinto ako sa paglalakad sa pagkakita sa kanya.

He's alone. My eyes went down at the two plates set up on the table. Kumunot ang noo ko. May kasama siya? Sino naman? Bigla akong nakaramdam ng inis. I know why I'm annoyed, but I don't wanna think about it too hard. Ano ngayon kung may kasama siya? Bwisit.

Huminga ako nang malalim at iniling ang ulo para itaboy siya mula sa isipan ko. Ipinagpatuloy ko ang paglakad nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya pero ramdam na ramdam ko ang mainit at mabigat na pagsunod nito sa akin. I restrained myself from throwing him a glance and settled at a vacant table at the far corner of the room.

Pagkaupo ko ay saktong tumunog ang phone kong hawak-hawak. My mom's name and photo was flashing on the screen. I quickly answered it.

"Hey, baby." my mom greeted in a chirpy voice.

"Hi, Ma." hilaw ang saya sa boses ko.

"How's Davao?"

I sighed. "It's beautiful here, Mom. I wish you and Dad were here with me."

"Next time. I'll plan it. Magdi-dinner na kami ng Daddy mo. Kumain ka na ba?" lumambing na ang boses n'ya.

"Kakain pa lang. I'm actually at the restaurant right now."

"Oh, well. I'll let you go, para makakain ka na. Balance diet, Savion Elizabeth!"

Tumawa ako. "Yes, Ma."

After exchanging goodbyes, ibinaba ko na ang tawag. Nakangiti ako nang ibaba ko ang phone sa ibabaw ng lamesa. Doon ko lang napansin na may nakalagay na 'occupied' sa ibabaw ng table. Umangat ang mga mata ko at nawala ang ngiti sa mga labi nang makita ko si Zion. Nakaupo siya sa upuan na nasa tapat ng akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nakikiupo." nakakibit balikat na sagot niya.

"Go back to your table. Baka hanapin ka pa dito ng kasama mo." umirap ako sa kanya at tumingin sa buffet table. Maikli na ang pila doon.

"Sino naman nagsabi na may ibang kasama ako?" nagtaas siya ng kilay sa akin.

"The plates. Duh." umirap ako. Iyong tono ko ay parang ang tanga niya dahil nag tanong pa siya.

"The extra plate was for you." seryosong sabi niya. "Baby, I was waiting for you."

I stiffened at my seat when my heart jumped inside my chest. I couldn't look at him. Alam ko na nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung kaya kong harapin ang seryoso at nakakalusaw mga mata.

I clenched my fists and gathered all my strength to stand up from the table and head towards the buffet table. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa table ay narinig ko na ang malalim at mabigat na paghinga niya.

Hindi nagtagal ay sumunod rin sa akin si Zion sa buffet table. I could feel his heavy presence behind me as I moved from one dish to another. I chose to ignore him.

Bumalik ako sa table na inupuan ko kanina. Useless naman kung lumipat pa ako. I know he's just going to follow me wherever I go.

Pagkaupo ay inumpisahan ko agad ang pagkain. Hindi ko inangat ang mga mata ko mula sa pinggan na puno ng iba't ibang small servings ng dishes. Balak ko rin kumuha mamaya ng dessert.

Zion cleared his throat but I didn't raise my head. Mukhang may gusto siyang sabihin kaya tinatawag niya ang atensyon ko. Nang hindi ko siya pansinin ay hindi na niya tinuloy at nagpakawala muli ng malalim na buntong hininga.

Pagkatapos ko kumain ay nagtawag na ako ng waiter para mabayaran ang bill. Mabilis na uminom ng tubig si Zion bago ibinaba ang baso sa ibabaw ng lamesa. Pagkadating ng waiter ay nakalabas na ang kanyang wallet.

"I'll pay." sabi nito.

"I can pay for my own." I argued.

"I know you can. But I wanna pay for us." masungit na sagot nito sa akin. Kinuha niya ang bill mula sa waiter. He got a thousand bill from his wallet and slipped it inside. Tumayo na siya, mukhang walang balak na hintayin ang sukli niya.

Pwede naman ako mag-iwan ng hundred bill ngayon at umalis na para lang inisin siya, pero ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya kaya tumayo na lang rin ako. Kinuha ko ang wallet, susi, at phone sa ibabaw ng lamesa at nauna na sa paglakad.

Sumabay sa akin si Zion sa paglalakad. Mabilis at malaki ang ginagawa kong hakbang dahil ayaw ko na siyang makasama pa nang matagal. Kahit lumampas na kami sa room niya ay sumunod pa rin siya sa akin.

I slid the key inside the door knob. Pagkabukas 'non ay dumiretso na ako sa pagpasok. Hindi na ako nagpaalam kay Zion at isinara agad ang pinto.

Nagpapasalamat ako sa pagod na naramdaman para sa araw na iyon dahil maaga akong nakatulog. The next morning, I opted for room service and ordered breakfast. Ayaw kong makasabay ulit ang isang iyon sa table.

Naligo ako at nagbihis para sa seminar na mangyayari. Another thing to be thankful of. Panigurado naman na wala siya doon kaya buong umaga ko siyang hindi makikita.

At lunch time, may naka-serve na pagkain sa event room ng resort kaya hindi na namin kinailangan lumabas pa. Kasabay ko ang mga bagong nakilala dahil sa event.

Mamayang two o'clock ay may island hopping na sagot rin ng seminar na ito. I was excited for it. Bumalik muna kami sa kanya-kanyang room para makapagpahinga.

I changed into a paisley halter boho dress. It's knee length. Underneath, I settled for my white bandeu top and sidetie bikini bottom. Nag flip-flops na lang ulit ako dahil iyon naman talaga ang appropriate footwear sa beach. I coated my skin with sunblock. Mainit at mataas ang sikat ng araw. Ayaw ko namang masunog.

I brought my camera with me. Iyong waterproof ang dinala ko. I don't wanna risk my Rebel. Better safe than sorry! I brought my phone and room keys with me, leaving my wallet behind. Hindi naman kailangan iyon sa pupuntahan namin.

Nang makita na malapit na call time ay lumabas na ako ng room. Suot-suot ang mirrored sunglasses ay pumunta na ako sa meeting place. Iyong malapit sa dock. Napasimangot ako nang mapansing walang crowd doon. I was expecting to see a group of people... Maaga ba ako masyado?

Lumapit ako sa pamilyar na lalaking staff na may kausap na nag-aayos ng bangka. May hawak itong clip board. I think he's one of the staffs in charge of the event. Napatingin siya sa akin nang lumapit ako.

"Good afternoon po, Ma'am." bati nito sa akin.

"Nasaan yung mga tao? Yung mga nag seminar na magi-island hopping?" umangat ang dalawang kilay niya sa naging tanong ko at matapos ay nanlaki ang mga mata na parang may naalala.

"Naku! Umalis na, Ma'am. Kasama po ba kayo 'don?"

Horror fell on my face. "What? Umalis na?"

"Yes po, Ma'am. I'm sorry. Mistake on our part po. Sumobra po kasi yung bilang namin."

"Paano na yan?" nakasimangot na tanong ko dito.

Tumingin ang lalaki sa bangka at matapos ay tumingin ulit sa akin. "Ganito na lang po. Okay lang po ba sa inyo kung mag-isa lang kayo dito sa available pa na boat?"

I just want to go island hopping!

"That's fine." tumango ako.

"Okay po." he beamed and nodded. Tiningnan niya ang isa pang lalaki na kausap kanina. "Manong, hatid mo si Ma'am sa isla kapareho dun sa isang bangka."

"Sige po, sir." lumingon sa akin si Manong. "Tara na po, Ma'am."

They assisted me as I rid the boat. Hindi ito pangkaraniwan na bangka. It's a caique. Iyong bangka na sadya talaga para sa mga tourists. Parang maliit na ferry siya dahil sa mga upuan nito.

Umupo ako sa harapan ng bangka para makakuha ng magandang picture. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa ganda ng view. Ilang minuto rin ang naging boat ride. Umuwang ang labi ko sa pagkamangha nang matanaw ang isla na nasa harapan.

I lifted my camera and took a picture of it, bring it down and letting myself enjoy the view with my own eyes. Nang tuluyan na kaming malapit sa mababaw na parte ng isla ay napasimangot ako.

"Bababa na po, Ma'am." sabi ni Manong nang patayin ang makina ng caique. Tumango naman ako.

Tumalon si Manong sa mababaw na tubig. Hanggang ibabaw lang ng mga tuhod iyon. Inabot niya ang kamay para alalayan ako sa pagbaba.

Lumingon ako sa buong isla. Walang katao-tao doon. Sa isang parte ay may nakatayong outdoor canopy bed. Sa tabi nito ay may rectangular table na may nakatakip na serving trays. Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at ibinalik ang tingin kay Manong.

"Nasaan yung iba, Manong? Bakit ako lang nandito?"

"Ayon na po yung kasunod na bangka." itinuro ni Manong ang isa pang caique boat. Hindi ko ito napansin. Hindi tumigil ang makina nito.

My eyes widened when Zion easily hopped off the boat. The boat beside me began to purr but my eyes were locked on him as he headed towards my way. Nakangisi siya nang makita akong gulat na nakatingin sa kanya.

Umiling ako bago pa siya makalapit sa akin. Tumalikod ako para sana bumalik sa bangka ngunit mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na umaandar na ito at malayo na sa akin.

Fuck.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
2.4K 205 11
Genre/s/themes/trope: Shotgun marriage, romance, comedy, satire, action TRIGGER WARNING: THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SCENES THAT SOME READERS MAY F...
584K 8.2K 37
Walk of Shame is officially out on every PPC stores nationwide for only P109.75! Ho pe you guys will support it and grab a copy! Thankies!! :)
6.5M 219K 67
Lena Claire Aragonza's story.