One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 4

466 16 1
By eye_you

Page 4

Uuwi

*****

**20##, Saint Therese Academy.

Habol ko ang aking paghinga nang makarating sa auditorium ng school. Okupado na ang apat row sa gitnang bahagi na mga upuan mula sa harap. Iilan lang naman kami sa club.

Pagkaupo ko sa bungad na upuan ay napabuga ako ng hangin. Malayo ang mabilis kong nilakad para lang makarating ng tama sa oras. Eventually, hindi pa naman nag uumpisa ang aming meeting at late na ako nito ng half hour.

"Buti umabot ka."     Biglang may nagsalita mula sa harap ko.

Pagtingin ko ay nakalingon na sa akin ang isa sa clubmate ko at nakangisi. Nagulat pa ako nang makilala ito.

"Emy?!"       Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko.

Tumawa siya at tumayo. Umalis siya sa pwesto para makalipat yata sa tabi ko.

"Himala. Naunahan mo ako ngayon."      Natatawa kong sabi habang papaupo na siya.

Emy was my bestfriend dito sa STA. Emery Gail Hilario. She's a third year Business Administration student. Samantalang ako ay nasa HRM, same to her,  third year. Hilig ko kasi ang magdrawing at magkulay. Sa tingin ko bagay naman sa akin ang course ko.

"Hindi nagkataon."      Nakangiti niyang wika.      "Late ka lang talaga."

"Galing akong klase."     Sinimangutan ko nga siya.

Late kasing nagdismiss yung Prof namin. Hindi ko yun kasalanan. Malayo ang building namin sa auditorium. Pero kamusta naman? Late na nga ako pero mas late pa yung mga facilitator ng meeting. Tss.

Nagkakilala na kami ni Emy dito mismo sa club. Music club. Magkakasama rito ang iba't ibang musicians at instrumentist ng school at nagkataon naman na pareho kami ni Emy na marunong tumugtog ng piano. Actually, mas magaling siya sa akin. Marunong lang ako. Dapat ay sa choir ako sasama pero gusto kong i enhance ang pagtugtog kaya ako narito. I enjoyed it eventually... I mean.... Hindi naman ito nalalayo sa forte ko.  At nakilala ko si Emy kaya nakatagal ako ng three years.

Emy.... Is an outgoing person. She's pretty and famous sa school. Maganda nga kasi.  She has short kinky hair na natural na daw niya. Meron siyang barbie doll like body at minsan.... Naiintimidate din ako sa kanya.

Like.... Ang ganda niya kasi! Nakaka-out of place ang itsura kong mukhang secretary niya lang. Though, sabi niya.... Sabi niya lang. Maganda naman ako.

Pero sabi din nang Nanay ko yun. Anyways......

Unlike Emy, wala akong barbie doll body. Hindi naman sa flatchested ako,  tama lang ang katawan at figure ko sa edad ko. I'm 20 na ngayon same as her. Petite ako actually. Mahaba ang buhok ko na itim at may paoblong na mukha. Emy has more fierce face look samantalang ako ay mukhang mabait. Mabait naman talaga ako, at times. Pero pang modelo talaga ang ganda ni Emy. Madalas ko nga siyang gawing model sa mga designs ko at critic ko din siya kaya siguro naging extra close kami.

"Kamusta? Kamusta?"     Excited niyang tanong sa akin. Wala pa naman eh. Hindi pa nagstart ang meeting.

"Kamusta ang ano?"      Natatawa ako sa kanya kahit walang dahilan pa.

"Yung crush mo? Crush ka na rin ba?"

Natawa ako.     "Hah! Baliw ka talaga!"

Humagikgik siya.       "Kasi naman. Sabi ko na sa'yo ligawan mo na."

"Wow! Babae na pala ang nanliligaw ngayon?"      Utak nito minsan wala sa hulog.

"Leap year ngayon. Pwede daw manligaw ang mga babae sa lalake 'pag leap year."    Seryoso ang tone niya.

"Seriously?!"     Nakatawang nailing naman ako.

"Totoo. Nabasa ko yun. Saka...."       Tinitigan niya ako.       "Sa case mo. Malamang kailangan na ikaw talaga ang manligaw. Ang lupit ba naman ng crush mo eh. Student council president."         Saka siya ngumiwi.

"Sino?!"     Bigla kaming nilingon nang lalake na nakaupo sa harap namin. Clubmate din namin ito at isa sa malakas magpahangin kay Emy.  I mean.... Suitor. Si Samuel.   "Sinong crush ni Milca?"

Sinimangutan ito ni Emy.      "Epal ka! Wag kang makisali sa usapan namin. Girl talk ito noh!"  

"Narinig ko kasing sinabi mo na crush ni Milca ang SSC President. Crush mo si Aaqil?"

Nagblush na ako. Bakit ba alam nilang lahat yun pero yung crush ko hindi niya alam?

"Tsismoso ka noh!"       Singhal pa ni Emy.

"Magkaka crush ka na lang sa masungit pa na yun? Ang sungit sungit nun at istrikto. Tsk."      Umiiling na wika ni Samuel.

"Yun na nga."       si Emy.     "Masungit na istrikto na manhid pa."     Umiling pa siya.

"Eh, ikaw Emy? Sinong crush mo?! Ako ba?"     Biglang pag iiba ng topic ni Samuel.

Napangiwi naman ako same rin si Emy.

"Huy! Epalmuks! Wag ka na ngang mangarap! Eh kung, I-crash ko kaya yang mukha mo?"

Natawa lang ito.     "Hindi magtatagal--"

"Oo. Hindi magtatagal sasapakin na kita. Dun ka nga!"    Pagtataboy ni Emy sa lalake.

Lihim akong natawa at wala namang magawa si Samuel kundi ang tumalima.

Ako na uli ang binalingan ni Emy.      "Gusto mo ba?"

"Ano?"     Kumunot noo ako.

"Tulungan kitang magka boyfriend. Pero hindi yung crush mong masungit."

"Do i have to have a boyfriend?"     Umiling ako.      "Hindi na, Emy."

"Haist."      Napabuga siya nang hangin at naupo na uli ng maayos.

Ilang sandali lang ay nagstart na yung meeting namin. Tungkol ito sa concourse na gaganapin ng club. Si Emy ay magiging part nito. Siya kasi ang napili sa grupo namin at ako naman ay kasama sa grupo na performance. Sabi ko nga, mas mahusya s Emy.  May piesa na rin kami na inaaral para rito. Lumipas ang almost an hour ng meeting nang mapansin ko ang tila pagbubulungan ng mga kaclubmate namin. Napaisip ako kung anong nangyayari. Lumingon ako at napadako ang tingin sa kabilang column ng mga upuan. Just a row after nang sa amin. May dalawang lalake na nakaupo roon, nakahiwalay sila sa lahat. Nakilala ko kaagad ang isa rito na isa sa instrusctor namin. Pero yung kasama niya.....

"Si Henry Santillan yan ah."    Narinig kong wika nang isa sa babaeng nasa unahang row namin.

Of course everyone would recognize him. Henry Lionell Santillan is one of the famous student of our school. Varsity player siya ng soccer team at anila... Flowerboy nga daw. Kasi naman ang gwapo niya. Kahit naman ako ay nagagwapuhan sa kanya, hindi ko itatanggi pero his not my type. I mean... Bakit pa ako makikisali sa mga marami nang girls na nagkakadarapa sa kanya. I would gladly give them the way to him kasi nga hindi ako interesado.

Umiwas na ako ng tingin at bahadyang ngumuso.

Bakit nandito siya?

"Ang gwapo niya noh."      Napatingin ako kay Emy ng sabihin niya yun. Nakita ko na nakatingin din pala siya kay Henry at malapad ang ngiti.

Napakurap kurap ako ng mata. May kakaiba kasi akong nadama sa paraan ng pagtingin at ngiti ni Emy. Parang may kung anong kilig iyong laman. Kumunot noo ako at napapilig ng mukha. Well... Its just normal na magka crush si Emy sa isang katulad ni Henry.

"Partner mo siya?"       Hindi ako makapaniwala ng sabihin sa akin iyon ni Emy days after our club meeting. Nasa cafeteria kami ngayon. Minsan kasi, bukod sa dalawang araw na schedule namin sa club ay nagkakasabay kami sa pag-lunch sa cafeteria. Yun ay kapag nagtatagpo ang schedule namin.

"Totoo."   Ngumiti siya.     "Exciting di ba?"

"At paano naman siya napasama sa concourse?"     Hindi talaga ako makahuma sa naririnig. May conspiracy yata na nagaganap.

"Magaling siyang mag-violin."     Masayang sagot niya.       "Narinig ko na siya nung ipinatawag kami ni Sir Kevin. Bessy, ang husay niya talaga."   

"He's a soccer player!"

"Eh, ano naman?"       Aniya.       "Porque ba nasa athletic side siya ay hindi na siya pwedeng sumali sa club natin? He's a music prodigy. Balita ko ay kumakanta din siya, tulad mo. You play piano well and sing well at the same time."

"Ehh...."      Natigilan ako at nag-isip.

"Sigurado ako, bessy. Kapag narinig mo siya na tumugtog ng violin, maiinlove ka. Paano kaya kung kumanta pa?"

"Mukha ngang nagayuma ka eh."       Hindi ko napigilan ang pag irap ko.  Ewan ko ba kung bakit naiinis yata ako.

"Don't worry, bessy. Ikaw pa rin naman ang paborito kong partner pero.... Hindi ko kayang palampasin ang pagkakataon na makasama siya  sa isang stage. Alam mo yun?"      She pouted her red lips. Inabot niya ang kamay ko at ginagap iyon. Sayang hindi ko naiiwas agad.

"Isa pa yun!"       Naiirita kong wika.      "Paano siyang nakapasok sa club samantalang graduating na siya. Ang weird nun."

"Kaya nga mas lalong hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito."      She begged.

"Yung totoo..."    Mataman ko siyang tinitigan.       "Anong pinakain niya sa iyo?"

"Wala."     Ngumuso siya uli.

"Ang weird mo ah. Hindi kaya dahil lang sa gusto mo siya?"

"Sus!"    Natawa siya bigla.      "Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? He's talented, matalino, gentleman, pogi at higit anopa...mayaman."

Nagtaas ako ng kilay.

"Ayy Oo nga pala.… "      umismid siya.     "May president ka nga pala."

Gusto ko sanang umirap pero bigla akong natigilan.

Biglang bumilis ang tahip ng aking dibdib. Nahagip kasi ng aking tingin ang isang lalakeng nakaupo sa may kabilang mesa, hindi kalayuan sa amin. Mga dalawang mesa mula sa amin ang pagitan. Hindi ko yun napansin nang nag uusap kami ni Emy pero noong tumayo yung mga nakapwesto sa pagitan namin na mesa ay saka ko lang nakita na naroon siya.

Nagtama ang mga tingin  namin dahil nakaupo siyang paharap sa pwesto ko. Wala namang reaksyon ang mukha niya at saglit lamang iyon. Nag-iwas din ito agad ng tingin.

Shocks!!!

Nag init ang mga pisngi ko at umiwas ng tingin.

"Anong..."     Biglang lumingon si Emy.

"Wag--"      pero huli na. Nang bumaling uli ng tingin sa kin si Emy, nakangisi na siya.

"Andyan pala si crush. Aayiee...."

"Loko ka."    Lalo yata akong namula. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito lagi ang pakiramdam ko kapag nakikita si Aaqil. Alam ko na natural lang ang crush thing sa school lalo na sa age namin pero itong feelings ko kay Aaqil. Habang tumatagal....lumalala.

Aaqil was a senior Architecture student. Matalino siya at masipag. Gwapo siya, moreno at may matured built na katawan. May suot siyang graded glass, siguro lumabo na ang mga mata niya sa sobrang pag aaral. Actually, ang lakas niyang maka-Clark Kent aura. Tsk. Crush ko din kasi si Clark Kent nang Smallville pero iba ang pagka-crush ko kay Aaqil. He's my reality. At ang reality na ito ay mas impossible pa sa kwento ng Smallville.

Imposibleng magustuhan niya ako.

So i settled on crushing him. Kaya lang masyadong madaldal si Emy. Binubulgar niya kasi ako sa mga kaclubmate namin. Buti na lang at hindi kami personal na magkakilala ni Aaqil at wala kaming common friends kaya ligtas pa ang feelings ko.

Naging madalas na hindi ko nakakasabay sa lunchbreak si Emy. Gayun din sa club practice. Nagse seperate kasi sila nang practice ni Henry Santillan. Wala naman akong magawa pero pinapagalitan ko siya kapag dinidesregard niya ang oras ko dahil lang sa Santillan na iyan. Nakakainis.

*Piano playing.

"Kabisado mo yan?"      Tanong ni Emy habang nakaupo sa sahig ng clubroom at nakasandal sa pader. Kaming dalawa lang ang nasa clubroom dahil nakaalis na iyong iba.

"Oo."   Sagot ko at huminto sa pagtugtog.

"Yan ang piesa namin ni Henry."    Nakangiting aniya pero nakabaling pa rin ang tingin sa kanyang cellphone.

Kanina niya pa yan ginagawa. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Naupo din ako sa tabi niya.      "Sino ba yang katext mo?"

Mabilis niyang iniiwas ang kanyang cellphone nang tangkain kong basahin ang ginagawa niya.

"Hups! Bawal!"      Aniya sabay tawa.

Napasimangot ako.          "Andaya ah. Naglilihim ka sa akin."

Tumawa uli siya.       "Secret pa kasi. Yaan mo. Sasabihin ko rin sa yo 'pag pwede na."

"Ano ba yan? Lalake?"

Nagkibit balikat siya then sabay kaming natigilan nang bumukas ang pinto ng clubroom. Sabay pa kaming napatingin roon at laking gulat ko nang mapagsino ang dumating.

"Hi."    anang bagong dating na si Henry. Ngumiti siya at sa totoo lang... Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin sa ngiti niya.

Tsk. Natural charming kasi siya.

"Henry, wait lang."      Wika ni Emy.

Sinundan ko ng tingin si Emy nang agaran niyang kinuha ang kanyang bag at lumapit sa akin.        "Bes, mauna na ako ah."

Napaarko ang mga kilay ko.         "Magkasama na naman kayo?"     Hindi ko na gusto yan.

"Oo. Next month na yung dryrun para sa concourse di ba? Kelangan pa naming magpractice."       Nakangiting aniya. Ewan. Mukhang kinikilig ang lola ko. Pero hindi talaga ako natutuwa sa bagay na iyon.

Napangiwi ako.       "Para sa concourse nga lang ba yan? Baka iba na yan ah."

"Hah?!"

"Wala."      Biglang bawi ko. Ano ba yung iniisip ko?

"Friends lang kami ni Henry. Ansaya niya kayang kasama.  You should join us some other time."

"Hindi na."      Pilit akong ngumiti.

Ngumiti rin pabalik sa akin si Emy.     "We should. Ise-set ko yan."      Mabilis siyang yumuko at bumeso sa kanan kong pisngi.      "Bye. Ingat ka pauwi." 

"Sige. Ingat din kayo."      Tango ko.

Lumapit na si Emy kay Henry habang nanatili lamang ang huli sa tapat ng pinto. Sandali silang nag-usap tapos ay nilingon muli ako ni Emy at kumaway.

Kumaway ako pabalik. Unang lumabas ng room si Emy at bago lumabas si Henry ay tumingin pa siya sa kin at ngumiti. Tinignan ko lang siya. Hindi ko din alam kung dapat ba akong ngumiti din pabalik pero hindi ko din ginawa. Lumabas na siya at tuluyan na akong naiwan sa room na mag isa.

Guess, maaga akong makakauwi ngayon.

Huminga ako ng malalim at tumayo na.

Naging ganun ang mga sumunod na araw. Hindi ko na nga madalas makita si Emy dahil sa schedules namin tapos busy pa siya sa kanyang new-found-friend.  Si Henry. Hindi na talaga ako natutuwa sa bagay na iyan.

Habang papalapit ng papalapit ang araw ng dryrun ng concourse namin ay para naman akong nawawalan ng gana. Sabagay, finals muna bago iyon kaya focus muna kami sa academics. Isang linggong walang club activities at walang praktisan.

"Kamusta?"        Naupo ako sa katapat na upuan ni Emy at minasdan siya. Mukha na siyang toxic sa exams.

"Hindi mabuti."        Nag-angat siya sa akin ng tingin at ngumuso.    "May exam pa ko mamaya." 

Natawa naman ako.     "Buti ako tapos na. Uuwi na ako."      

"Talagang nang-inggit ka pa hah?!"      Inirapan  niya ako.

Nagkibit balikat na lamang ako. Nasa labas kami, nakaupo sa isa sa mga benches na nakaharap sa maluwang na open field ng school. Mula sa pwesto namin ay natatanawan ko ang maaliwalas na langit. Presko ang hangin sa paligid dahil sa mga matataas na punong nakakakalat nang maayos sa buong campus. Tahimik at payapa. Siguro dahil na rin sa karamihan sa mga estudyante ay nasa kanikanila pang klase at nage-exam. Ako, huling klase ko na para sa ngayon ang inaattendan ko kaya okay na ako.  Bukas naman uli pero last na bukas.

"Orpheus tayo after ng exam week, bessy...."       Inabot niya pa ang kamay ko habang tila nagmamakaawang tumitig sa akin.

Tinignan ko siya at ngumiti.     "Sige. After exam week." 

"Yes!"     Biglang tili niya. Umaliwalas na rin ang aura niya.    "Wala ng bawian yan ah."     Humalakhak pa siya at pumalakpak.

"Magreview ka na dyan at ayusin mo ang exam mo."

"Uuwi ka na ba?"     Tanong niya.

Tumango ako ng mahina.      "Darating ang Nanay ko ngayon. Alam niya na exam week kaya bibisita yun."

"Ahh.. Okay."        Tumango siya sabay ngiti.

Sandali pa ay naghiwalay na rin kami. May klase pa siya at pauwi naman ako. I hope she do well sa exam niya.

Habang naglalakad na ako sa kahabaan nang school path ay namataan ko ang pagdating ni Henry. Papasalubong siya sa akin at mag isa. Nagtataka ako kung bakit naligaw na naman siya sa lugar na ito? Business building ang tinatahak niya, eh. Kung nasaan si Emy.

Nakita ko ang pagngiti niya nang mamataan ako. Kumunot noo ako.

"Hi."      Bati niya ng malapit na kami sa isa't isa.

Tipid akong ngumiti. Wala akong balak huminto pero huminto siya sa harap ko. 

"Pauwi ka na?"     

"Hah?!"      Nagulat talaga ako sa tanong.      "O--oo."

"Ahh.... Okay."     Tumango siya at napapilig ng mukha. Mukhang may sasabihin pa siya.

"Si Emy may klase pa. Mamaya pa siya."

"Hah?! Ahh.… Oo nga."       Tila lito siyang tumingin sa akin.

"Mauna na ako."      Sabi ko na lang saka humakbang na paalis. Wala na naman akong narinig na anuman mula sa kanya. 

*****

Updated:  August 8, 2016

*Please vote / comment / share. Kahit ano po sa tatlo. Lol. Salamat. Godbless. ☺☺

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

78.7K 2.2K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2
221K 20.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...