Loving My Enemy

By walkingdezaster

14.6K 538 48

Mae Isabella Alcaire had always been the best of the bests in Adam State University. She's always confident t... More

Loving My Enemy (Soon)
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 2

903 40 2
By walkingdezaster

Changes

"Baka malusaw na ako niyan," nakangising sabi ni Xiv kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kung makatingin ka. Namiss mo ako no?" tukso pa niya sa akin kaya naman malakas ko siyang itinulak dahilan para mahulog siya sa inuupuan niya. Tinignan naman niya ako ng masama bago tumayo.

"Oh my gad! Okay ka lang ba Xai?" tinulungan siya ni Alex na makatayo.

"Masyado ka naming defensive," nakangisi nanamang sabi niya. Si Alex naman ay natatawa nalang sa aming dalawa.

"Namiss ko yang bangayan ninyo. Yung tipong lagi kang binabara ni Xai tapos wala kang magawa kundi manahimik lang," natatawang sabi sa akin ni Alex.

"By the way, tama ka. Namiss ka nga ng kaibigan kong ito."

"ALEX!!!" sigaw ko sa kanya na nanlalaki ang mata.

"What? Totoo naman? Minsan bigla ka nalang matutulala. Kahit di mo man sabihin alam ko naman na namimiss mo si Xairill. Naku huwag kang magdeny! I can read you like an open book. Hindi lang dahil sa bestfriend kita, psych major din ako no!"

"Gusto ko kasing malaman yung dahilan niya kung bakit bigla na lamang siyang nawala na parang bula!" Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. Para ko na ring inamin na namiss ko siya!

Nag-iwas lang ako ng tingin dahil nakatitig sa akin si Xiv. Bakit naman kasi kailangan pang sabihin ni Alex iyon? Nakakahiya. Baka kung ano na ang tumatakbo sa isip ng bwisit na lalaking ito.

Napili ko na lamang na umalis doon. Kahit na tinatawag ako ni Alexa ay hindi ko na siya pinansin. Hindi ko na kasi kaya yung mga tingin sa akin ni Xiv.

"Belle," tawag ni Xiv. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Wala na iyong mapanuksong tingin niya kanina. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon.

"Bakit? Babalik na ako sa room para makapagreview sa susunod na subject," sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mata niya.

"Cut the crap, Isabella. Alam naman nating dalawa na kahit anong aral ang gawin mo ay hindi mo ako matatalo."

Doon na ako tumingin sa mga mata niya. Mga mata niya na dati ay mababakas ang saya at kalokohan. Pero ngayon, nakikita ko doon ay galit at kalungkutan.

"Natalo na kita, Xiv. Iyon yung araw na umalis ka. Iyong araw na nawala ka na parang bula. Para sa akin kasi, iyon ang araw na nagdesisyon kang tapos na ang laban natin. Na sumusuko ka na."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kung hindi pa niya iyon pinunasan.

"My Belle."

"Kaya naman bitawan mo na ako. Kailangan kong mag-aral dahil running for summa cumlaude ako. Ayoko naming mawala sa akin ang titulo na iyon."

Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at tumakbo na pabalik sa room. Ayokong nakikita ang mga mata niya. Ayoko siyang nakikita dahil nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan. Mas mabuti pa noong wala siya, masaya ako.

Masaya nga ba ako?

Napabuntong hininga nalang ako. Siguro nga hindi ako masaya pero mas mabuti naman ang nararamdaman ko noong wala siya. Nakakainis lang.

"Mae!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti.

"Andrew!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Isa si Andrew sa mga kaibigan ni Xiv noon. Naging kaclose ko siya dahil siya noon ang napaglabasan ko ng sama ng loob ko dahil sa biglang pagkawala ni Xiv. Simula noon, parang siya na ang naging pangalawang bestfriend ko.

"Hindi mo na ako binalikan kahapon! Sabi mo pupuntahan mo lang si Alexa pero hindi ka na bumalik."

Nakagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti. Nagpapaturo kasi siya sa akin kahapon tungkol sa isang subject nila. Since halos ka IQ ko naman daw si Albert Einstein kaya naman sa akin siya nagpapaturo. Kaya lang nakalimutan ko na siya balikan kahapon nang puntahan ko si Alexa.

"Sorry," nahihiyang sabi ko.

"Whatever. Dahil diyan sabay tayong magdidinner at ililibre mo ako!" inakbayan niya pa ako. Naparoll eyes nalang ako. Basta talaga libre ang galling niya dumiskarte. Mayaman naman sila pero ang hilig ng lalaking ito sa libre!

"Diba si Xairill iyon?"

Nilingon ko ang tinitignan niya at nakita ko si Xiv na masama ang tingin sa akin. Medyo hinihingal pa siya. Siguro dahil na rin sa hinabol niya ako ng tumakbo ako palayo sa kanya.

Bago ko pa mapigilan si Andrew ay nakalapit na siya palapit kay Xiv.

"Tangina mo! Nakabalik ka na pala!" pabiro pa niyang sinuntok ang braso ni Xiv. Tumaas lang ang sulok ng bibig ni Xiv at nakipagkomustahan na sa kaibigan niya.

"Bigla ka nalang nawala! Bakit nga ba bigla kang umalis? Hindi ka man lang nakapagpaalam sa amin!"

"Para kang babae. Ang dami mong tanong," nakangising sabi pa ni Xiv.

"Tangina neto. Natural kaibigan kita kaya gusto kong malaman ang kung bigla ka nalang nawawala ng hindi nagpapaalam."

Napaiwas ako ng tingin ng tumingin sa akin si Andrew. Alam ko naman na kaya niya itinatanong kay Xiv iyon dahil iyon ang pauli-ulit na tinatanong ko sa kanya noon. Ang dahilan kung bakit umalis si Xiv.

"Salamat."

Tumingin sa akin si Xiv pagkatapos ay kay Andrew na nakangiti sa akin. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiti na iyan. Kung bakit naman kasi si Andrew pa ang pinagsabihan ko noon.

"Kayo ba?" biglang tanong ni Xiv

Napaubo nalang si Andrew ng malakas na parang nasamid siya sa sariling laway. Ako naman ay napayuko at pinipigilan ang sarili na mapatawa dahil sa tanong ni Xiv.

"Oo pare kami na. Bigla ka kasing nawala kaya nagkaroon ng pagkakataon si Mae na magtapat sa akin."

"ANDREW!"

"What? Totoo naman ah? Nagtapat ka naman talaga!"

Lumapit ako sa kanya at agad na piningot ang tenga niya.

"Aray ko, Mae!"

"Masasaktan ka talaga sa aking lalaki ka!" naiinis na sabi ko sa kanya at hinila na siya palayo kay Xiv na nakatingin lang sa amin.

"Tangina, Isabella Mae! Masakit na! Bitawan mo na!"

"Ayoko! Kung anu-ano sinasabi mo kay Xiv!"

"Totoo naman sinasabi ko ah! Nagtapat ka naman talaga sa akin!"

"Hindi ang iniisip na pagtatapat ni Xiv ang sinasabi mo! At kailan pa naging tayo! Walanghiya ka talaga!" sinipa ko siya ng malakas sa kanang paa dahilan para mapaluhod siya sa sakit.

"Fuck!" malakas na mura niya.

"Fuck talaga! Galit ako sayo!"

Iniwan ko siya doon na namamalipit sa sakit. Bahala siya sa buhay niya.

Nang maglabasan ay mabilis kong inayos ang gamit ko at nagpunta na sa building nina Alexa. Ako kasi ang naunang nadismiss sa amin ngayong araw. Agad ko naman siyang itinext para sabihin na hihintayin ko siya sa may groundfloor ng building nila.

"Belle."

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon para makita si Xiv na nakasunod sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Nakakapagod ang araw na ito. Una, nakita ko si Xiv pagkatapos ng ilang taon. Pangalawa, akala ko mababalik na sa dati ang buhay ko, tipong wala akong ibang iniisip kundi matalo siya pero nang makita ko ang lungkot sa mata niya, gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari sa kanya. Lastly, ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ako?"

Walang pag-aalinlangang tumango siya.

"I was wondering kung saan ka pupunta kaya naman sinundan kita."

Naupo ako sa may mga gazebo na madalas tinatambayan ng mga estudyante.

"Sabay kaming uuwi ni Alexa kaya naman hihintayin ko pa siya."

Tumabi naman sa akin si Xiv at inilagay ang bag niya sa mesang kaharap.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at ipinatong ang ulo sa bag.

"I'll wait for you. Sabay sabay na tayong umuwi. Magkakalapit lang naman ang bahay natin. Isa pa, gabi na rin naman at wala namang bago doon dahil sabay naman tayong umuuwi simula pa noon."

"Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko pero ang haba ng sagot mo." Humarap siya sa akin at ngumiti lang.

Ayan nanaman ang ngiti niya na walang buhay. Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari pero alam ko naman na sasabihin din sa akin ni Xiv kung gugustuhin niya. Napansin kong nakatulog na siya kaya naman iniangat ko ang kamay ko para haplusin ang buhok niya pababa sa mukha niya pero bigla siya dumilat.

Nakatitig lang siya sa akin habang ako naman ang nakahaplos pa rin sa mukha niya. Hindi ako makagalaw dahil iba ang mga tingin niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Andito ka na pala!"

Bigla kaming napaayos ng upo ng marinig namin ang boses ni Alexa.

"Oh, nandito ka rin Xairill?"

Ngumiti lang si Xiv sa kanya.

"Parang dati lang. Sabay-sabay tayong umuuwi," nakangitin sabi ni Alex. Napatingin ako kay Xiv at sakto naman na nakatingin siya sa akin.

Oo nga, parang dati lang pero ang nararamdaman namin, ang nararamdaman ko, hindi na katulad ng dati.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...