We Are Married?! (PUBLISHED u...

By iheartcandiii

18.7M 203K 33.4K

You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be y... More

We Are Married?!
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Ten- Continuation
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Author's Note: Read it! I need your answers!
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven Prt1
Chapter Forty Seven Prt 2.
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Epilogue
Special Chapter 1 (Daryl and Yla)
Special Chapter 2 (Daryl and Yla)
Special Chapter 3 (Daryl and Yla)
Special Chapter 4 (Daryl and Yla)
Special Chapter 5
Special Chapter 6 (Ralph De Guzman)
Special Chapter 7 (Ralph De Guzman)
Special Chapter 8 (Wedding)
Special Chapter 9 (The First Conversation)
Special Chapter 10

Chapter Fifty Five

213K 3.4K 980
By iheartcandiii

“I’m sorry Ralph nalate ako.” Sabi ni Noneen at tsaka umupo sa tabi ni Ralph. Kanina pa kasi siya iniintay nito sa bench sa may park. Napangiti naman si Ralph.

“Wala yun, akala ko nga cancel na eh.” Sagot ni Ralph.

“Eto, nataggalan lang ako sa…pagaayos. Bakit ko naman icacancel?” Pagdadahilan ni Noneen. Totoo naman eh, dahil sa pagtawag ni Lawrence mas lalo pa siyang napatagal sa pagaayos. Hindi naman siya makikipagkita kay Ralph na namamaga ang mata. Jusko lang.

“Because…” Tumawag siya? “…you changed your mind? Or nagkaroon ng emergency meeting de avance si Rhian? Alam mo naman yun.” Pagsisinungaling ni Ralph. Sige lang Ralph, dyan ka magaling. Napatawa naman ng marahan si Noneen naalala niya kasi bago siya gumayak putak ng putak si Rhian tungkol sa ginawa ni JC sa kanya. Ayan tuloy

“Baliw naman kasi si JC! Lakas pagtripan si Rhian, ayan tuloy halos kulang na lang kulamin ni Rhian yun eh.”

“Hindi pa ba kinukulam? Bago ako umalis may sinabing orasyon si Rhian eh.” Nagtawanan naman sila. Tumayo naman si Ralph at tsaka nag-ayang kumain. Dinner time na rin naman. Pumunta sila sa McDo, syempre saan mo pa ba aasahan? Mga wala pa rin naman silang sobrang datung kahit papaano. Tsaka masarap kaya sa Mcdo excuse me.

Umorder si Noneen ng hamburger, fries (large ehem) at isang mcfloat habang si Ralph naman lahat na ata ng pwedeng orderin inorder na.

Pero syempre joke lang yun. Marami lang ng dalawa order niya kay Noneen etong mga to.

“Di ka gutom?” Pabirong tanong ni Noneen.

“Ikaw ba naman maghintay ng isang oras at kalahati.” Pabulong na sagot ni Ralph. Napasimangot naman si Noneen.

“Sorry na Ralph. DI ko talaga sinasadyang magtagal medyo ah naaberya lang yung pagaayos ko.” Ngumiti si Ralph at tsaka nagbayad sa babae sa cashier.

“Joke lang, eto di mabiro.” Sabi nito. Pumunta na sila na sa upuan nila at tsaka kumain. Nagkwentuhan sila, mula sa nangyari ngayon, papunta sa bagong palabas, papunta kay Rhian at JC hanggang sa biglang pinaguusapan nila ngayon ay si

Miley Cyrus.

“Alam mo maganda pa rin naman siya eh, kaso wala na sa ayos yung ginagawa niya. “ Sabi ni Noneen. Napasinghal naman si Ralph. Yung totoo? Napanuod niyo na ba yung wrecking ball?? Maganda ba yun? Eh kabastos bastos na nga yun eh! Sino pang lalaking rerespeto dun. Isip ni Ralph.

“Nagagandahan ka pa sa kanya?? Eh mukha ngang high parati. Mas maganda ka pa dun eh!” Sabi ni Ralph tsaka uminon ng coke. Bigla naman namula si Noneen sa sinabi ni Ralph. Tumawa na lang ito tsaka napailing.

“Kahit kelan ka talaga mambobola wooo!” Sabi ni Noneen sasagot na sana si Ralph ng ‘totoo naman eh’ ng biglang magring ang phone ni Noneen. Agad naman tong sinagot ni Noneen.

“Bakla? Bakit ka napatawag?” Tanong ni Noneen.

“Aber aber enek ke ng neney mo anong oras na!! Hello bading sumagasung ang chorvanenez mong majondeng peg kay papa ralph. May curfew ang dorm hello!! 9:45 na???” Napakagat naman ng labi si Noneen. Oo nga pala! May curfew ang dorms sa PhilU.

“Osige, sige eto na pauwi na bye.” Agad nang binaba ni Noneen ang kanyang phone tsaka inayos ang gamit niya.

“Ralph kelangan ko nang umuwi. Mas maaga curfew ng dorm namin kesa sa inyo di ba?”

“Ay oo nga pala sige tara hatid na kita.” Agad naman tumayo silang dalawa at tsaka umalis. Nagtaxi ang dalawa at si Ralph ang nagbayad. Gabi na rin kasi kaya wala na silang maabutan na jeep. Nang maihatid na ni Ralph si Noneen sa gate ng dorm nila nagsalita si Noneen.

“Salamat sa libre ha, nabusog ako.” Ngiting sabi ni Noneen.

“Wala yon, basta sa susunod ako na ilibre mo ha?” Pabirong sabi ni Ralph. Natawa naman si Noneen tsaka tumango.

“Sure sure. Sige pasok na ako baka dumating na yung nagroronda dito.”

“Sige, goodnight.” Sagot ni Ralph tsaka ito ngumiti at tumalikod at nagsimula nang maglakad. Papasok na sana si Noneen ng bigla nitong tawagin si Ralph.

“Ralph!” Napahinto naman si Ralph at tsaka lumingon kay Noneen. “Salamat, salamat sa pagiging mabuting kaibigan.” Pagpatuloy nito. Di malaman ni Ralph kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito, may parte sa kanyang nasihayan pero may parte sa kanya na parang nasaktan. Kaibigan, kaibigan lang eh.

Ayos lang yan Ralph.

“Anytime.” Simpleng sagot ni Ralph at tsaka ito nagpatuloy sa paglalakad. Napailing naman ito. “Lawrence, Lawrence pasalamat ka malakas appeal mo.” Natatawa nitong bulong sa sarili. Napabuntong hininga siya, talo nanaman siya; parang kelan lang panatag siyang pwedeng mapasakanya pero wala eh, siya rin naman ang nagtulak sa kapatid na kausapin si Noneen, si Noneen na nagpapaikot na ng mundo niya nung nakakaraang buwan, si Noneen na—

“Ouch!” Napatigil naman si Ralph sa pagmomonologue sa kanyang isip ng bigla niyang makita ang babaeng napaupo sa sahig. Agad naman siyang bumaba para tulungan ito at tanungin.

“Sorry! Ayos ka lang miss?” Tanong ni sa kanya. Nakita niya kasing napapikit ito sa sakit habang hinihimas ang pwet nito. Bigla naman itong napatingin sa kanya ng masama.

“DO I LOOK LIKE I’M OKAY AFTER WHAT YOU HAVE DONE?? ARE YOU SERIOUSLY ASKING ME THAT QUESTION? BASTARD!!” Sigaw nito kay Ralph at tsaka tumayo at pinagkukuha ang mga nahulog nitong gamit.  Para namang natulala si Ralph sa kinatatayuan niya. Bastard agad??? Agad agad???

“Wow ha, ang harsh mo ako na nga tong nagmamagandang loob.” Inis na pabulong na sinabi ni Ralph.

“Hah funny, hey you douchebag can you please f*cking look at where you are walking because you are a goddamn peste on this goddamn sidewalk!!! Ugh.” Para namang lumuwa ang mga mata ni Ralph at biglang dumugo ang ilong nito. Potek!! English nanaman.

“Hoy ikaw di porke’t babae ka eh may karapatan ka nang tawagin akong peste. HEY YOU BITCH I ALREADY SAID SORRY WHY CAN’T YOU AHHH POTEK KANINA PA UBOS ENGLISH KO MAGSALITA KA NGANG TAGALOG NYETA!! NASA PILIPINAS KA!” Inis na sabi ni Ralph. Nakita naman niyang napapailing na ang babae at tsaka lumapit sa kanya.

Oh-oh kitang kita ko na ang usok sa ilong at tenga nito.

“Did you just called me a ‘bitch’?” Mahinahon pero nakakatakot na sabi nito. Napalunok naman si Ralph. Di naman niya sinasadya eh, medyo nakakainis lang talaga tong babaeng to.

“Oo bakit? Naflattered ka— ARAY PUTA.” Napahawak naman agad si Ralph sa kanyang ehem alam nyo na. Sinipa kasi ito ng babaeng nakaboots pa. Napakagat naman siya sa labi niya.

“Hah, remember this bitch bastard.” Sabi ng babae habang nakangisi at tsaka umalis.

“Hoy gago ka bumalik ka dito!!” Sabi ni Ralph habang sakit na sakit sa ginawa ng babae sa kanya. Nakita naman niyang lumingon ito at tsaka ngumiti sa kanya. Pero ang hindi niya inaakala ay ang gagawin nito sususnod.

She raised her middle fingers.

Take note fingers. Dalawa.

Medyo bad girl.

Kakauwi lang ni Lawrence galing sa UP, dun kasi siya nagmamasteral ngayon. Kung di nyo nga pala naitatanong magkasama sila sa condo ni Natalie, pero syempre magkahiwalay ng kwarto. Binuksan ni Lawrence ang ilaw.

“Natalie?” Tawag nito dito. May dala kasi siyang pagkain, aayain niya sana ito. Kahit naman miske sa lahat nang nangyari hindi rin niya kayang tiisin si Natalie pero kahit papano hindi naman niya kayang pagbigyan ang mga gusto nito.

Ilang buwan na lang naman Lawrence mapapatunayan mo na sakanya. Isip nito.

“Natalie? Andyan ka na ba?” Tanong ni Lawrence. Nilapag niya ang biniling pagkain at tsaka pumunta sa kwarto nito. “Natalie?” Kumatok siya pero walang sumasagot. Napabuntong hininga ito, baka nagtatantrums? Binuksan niya ang pinto nang bigla siyang magulat sa nakita nito.

Ang linis, Sobrang linis ang kwarto ni Natalie.

Bakit? Kasi wala na ang mga gamit nito dito. Andito ba yung cabinet at kama pero the rest? Wala. Wala na.

May nakita namang sulat si Lawrence sa ibabaw ng kama ni Natalie. Agad agad niya itong kinuha at binuksan.

 

I’m sorry for everything, you deserve a better life. I’m letting go and moving on. Thank you for everything Lawrnece, you’ll always be a part of me. Sorry.

Natalie

Wala na, wala na si Natalie.

Tapos na.

3 years after

“BADING!!!! OHMAGOSHLING!!!!” Napalabas naman agad si Noneen sa CR at pumunta sa kaibigan niyang biglang nagtititili.

“Anong meron??” Dali-daling tanong ni Noneen napatingin naman siya sa pintuan nila. Punong puno kasi ng bulaklak at may isang napakalaking teddy bear halos kasing laki na nga niya eh. Natulala naman siya.

“Huhuhuhu ang sweet talaga ni Papa Lawrence!! Sana ganyan din mga papabels ko!! Omg!!” Baklang baklang sabi ni Rhian habang hinahawak ang mga basket basket na flowers. Iba’t iba, may roses, tulips at iba pa. Halos wala nga siyang masabi eh.

Nganga siya.

“Bading ano ba!! HELLO?? Nastrokelalu na ba beauty mo nako teh make sungkiz ko tong teddy bear mo!!” Sabi ni Rhian sabay tapik sa braso nito. Napapikit naman si Noneen at tsaka napailing.

“Sorry, nagulat lang ako.” Mahinang sabi ni Noneen at tsaka hinawakan ang teddy bear. Lumang luma na nga pala yung teddy bear na bigay sa kaniya ni Lawrence. Napangiti naman siya. Naalala niya kasi nung huli silang nagusap kahapon binanggit niyang gusto niya ng bagong teddy bear para naman daw hindi lonely yung luma niyang teddy bear.

“Yieee kiligmats ka naman bading no!! Nako havey na havey tong surprise ni Papa Lawrence ha.” Simula kasi nung nagusap sila pagkatapos ng maraming buwan naging maayos na ang lahat sa kanila. Parati silang naguusap o nagkakatext tapos buwan buwan nagpapadala ng kung ano ano si Lawrence. At parating bongga bigay nito sa kanya tuwing anniversary nila kaso mas bongga lang talaga ngayon. Last year binigyan siya nito ng limited edition na librong gusto niya pero ngayon talaga bonggang flowers.

Pwede na ata silang magbenta sa sobrang dami eh!!

Nakita naman niyang pinasok na ni Rhian ang iba bang basket at boqueut ng flowers habang siya hawak hawak ang teddy bear, pinagmamasdan. Kulay brown kasi ito at sobrang lambot. Ayan tuloy abot tenga ngiti ni Noneen.

Niyakap niya ito tsaka pinasok sa kwarto nila ng biglang may mahulog na sulat. Agad naman niya itong pinulot at binuksan.

 

Happy Anniversary Nee, just a few months and I’ll promise you forever. Loveyou.

Lawrence

Napakunot naman ang noo ni Noneen sa nakalagay dito. Few months? Buwan? Bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya. Ilang taon na simula nung huli niyang makita si Lawrence, pag-naguusap sila naaalala niya parati niyang binabanggit kay Lawrence kung kelan ba niya makikita ito pero parati lang iniiwasan ni Lawrence o kaya hindi ito sasagot pero ngayon sinulat niya.

Few months.

Napangiti naman na abot tenga si Noneen at tsaka kinuha ang phone.

Just a few months.

“Ms. Evangelista!” Napalingon naman si Noneen.

“Mr. Jeron, bakit nyo po ako tinawag?” Tanong nito sa kanyang kasamahan. Kung di nyo lang naman natatanong pagkagraduate niya ay kinuha agad siya ng PhilU bilang professor sa department ng Arts and Sciences. Ilang buwan na rin nung simula siyang magtrabaho dito.

“Busy ka ba ngayon? Pwede bang magpatulong? Inutusan kasi ako ni Dr. Santos na pumuntang HR alam mo na para daw sa bagong professor natin. Next week na daw kasi ang dating niya.” Napatango naman si Noneen, last week pa nga pala pinaguusapan ang bagong prof sa department nila. Sabi nga daw napakatalino ito at parang overqualified pa nga eh. Nung ininterview pa nga raw ito ng dean ng department nila halos wala pang limang minuto ay hired na agad ito. Well wala rin naman pakealam si Noneen. Parang ganun lang sobrang echos na. Hmp.

“Sige sir samahan ko kayo, dalin ko lang to sa registrar. Pahintay na lang ako sa faculty.” Sagot ni Noneen. Ngumiti naman ito sa kanya at tsaka nag-thank you.

“Noneen nabalitaan mo na ba yung bagong prof?” Bati ni Marina niya, napalingon naman siya dito. Nasa faculty kasi sila ngayong dalawa parehong wala pang klase.

“Medyo, last week pa usap-usapan yun sa bulding natin. Bakit nga ba? Ano bang meron sa bagong professor na yon?” Tanong ni Noneen.

“Nako Noneen, kung alam mo lang nakita ko sya kanina! Nasa HR may finifillup-an jusko ang gwapo sobra. Balita ko nga ang galing niya sa math well kaya nga siya ginawang head sa BS Math na course—“

“Wait wait what? Head na siya agad? Kakahire lang niya di ba? Tsaka si Dr. Santos na ubod ng sungit? Seryoso ka?” Nagtatakang tanong ni Noneen.

“Oo! Yun kaya ang usapan dito kahapon. Eto kasi umuwi agad. Eh paano naman kasi nacharm niya ata si Dr. Santos ayan tuloy ginawa na siya agad na head.” Napakunot naman ang noo ni Noneen. Wow ha, grabe sino ba tong bagong prof na to na halos lahat ng babae pati pa ang matandang dean ng department nila napaamo niya.

Nakapagtataka.

“Shit shit shit.” Sabi ni Noneen habang nagmamadaling maglakad. Late na kasi siya well hindi naman sa klase niya pero sa welcome meeting para sana sa pinaguusapang prof. Ewan ba niya napakaaga naman kasi ng sinabing oras at nirerequire pa silang lahat dumalo. Mula sa labas ng pinto ng faculty nila naririnig na niya ang tawanan at paguusap ng mga tao sa loob nito. Hmm, mukhang friendly ang bagong prof ha? Inayos ni Noneen ang polo niya at tsaka hinawi ang buhok at pumasok sa loob.

Sinara niya ang pinto at tsaka lumingon sa mga tao upang masalubong lang ng dalawang matang pamilyar na pamilyar sa kanya, sa buhay niya.

Para namang nanigas si Noneen sa kinatatayuan niya.

“Ms. Evagelista finally you’re here. Come and meet Mr. Alcantara our new professor and head for the BS Math course.”

“Ang sarap talaga ng burger sa KFC.” Sabi ni Lawrence habang kumakain. Nakatingin lang sa kanya si Noneen ngayon. Halos bagsakan siya ng Mall of Asia, after ng ilang taon ng paghihintay niya na magkita na sila biglang ay.

HINDI GANITO YUNG INEEXPECT NYANG PAGKIKITA NILA ULIT!! WALA MAN LANG KILIG LETSE!!

Napansin ata ni Lawrence na hindi ginagalaw ni Noneen ang inorder nitong pagkain. Tumingin naman siya dito at tsaka niya pinagtaasan ng kilay.

“Wala ka bang balak kumain?” Tanong ni Lawrence.

“Alam mo para kang kabute.” Sabi ni Noneen na wala namang koneksyon sa tanong ni Lawrence.

“Ha?”

“Pasulpot sulpot ka na lang ng walang pasabi bwisit ka.” Natawa naman si Lawrence sa sabi ni Noneen sa kanya. Napasinghal naman si Noneen. Talagang natawa ka pang gurang ka ha!! Isip nito.

“Hindi ka ba masaya? I’m back.” Sabi nito na parang wala lang. Napapikit na lang si Noneen at tsaka kinuha ang fries niya at simulang ipinagbabato kay Lawrence.

“Gago ka, pagkatapos kong maghintay ng apat na taon at tatlong buwan tatawa-tawa ka lang dyan.” Bato ng fries. “Lintek ka! “Bato ng fries. “Akala mo ba ganun lang kadali?” Bato ng fries. ‘Bwisit kang gurang ka!!” Bato ng fries. “Ang insenstive mo sobra!” Bato ng fries. “I hate you!! Pakyu ka!” Inis na sabi nito at tsaka tumayo at umalis sa loob ng KFC.

Naiinis siya nasasaktan, para kasing wala lang yung ilang taon na naghintay siya. Parang isang malaking joke lang, di ba niya alam kung gaano kahirap yung dinanas ni Noneen?

Gusto nga niyang maiyak eh, ugh ang hirap talaga pag gurang ang boyfriend mo!!

Sinundan naman siya ni Lawrence at tsaka hinitak ang braso niya.

“Teka Nee, wag ka namang mag-walk out.” Sabi nito. Tumigil naman sa paglalakad si Noneen at tsaka humarap kay Lawrence.

“Wow ha nahiya naman ako sayo!! Simula nung magpakita ka sa aking ngayong araw wala man lang yakap, kamusta ka na, I miss you wala! Parang wala lang sayo letse ka apat na taon akong nagtiyaga tapo—“Napatigil naman si Noneen sa pagsasalita ng bigla siyang hinalikan ni Lawrence. Napapikit siya, nanghina.

Ugh punyeta Lawrence ang galing mong magtsamba.

Naramdaman niyang pumalupot naman ang braso ni Lawrence sa bewang niya sabay nang pagpalupot ng braso niya sa leeg ni Lawrence. Hayaan mo na, legal na siya. Pwede na PDA, pagbigyan nyo na!!

Pagkalayo naman ni Lawrence ngumiti ito tsaka nagsalita.

“No words can express how much I miss you and I love you, kaya wala akong sinasabi. Pero dahil ang demanding mo sige na, I miss you.” Sabay halik. “I miss you so much. Sa totoo lang dapat hindi ko muna to gagawin eh, pero yamuna.” Tinanggal ni Lawrence ang pakakahawak niya sa bewang ni Noneen at tsaka humakbang palikod para malayo dito.

“Who knew I would love a girl like you? No scratch that, who knew I would be in love with a girl like you?” Sabi ni Lawrence. Napakunot naman ang noo ni Noneen. Namumula rin siya, ngayon lang kasi nagsink in sa kanya na nasa mall sila ngayon, na maraming taong nakatingin sa kanila.

“You are a very childish person, dreamful, maingay na tipong nung unang beses tayong magkasama gusto kitang isilid sa sako at itapon sa alaska.” Napabuka naman ang bibig ni Noneen. Aba walanghiya to ha. Magsasalita na sana si Noneen ng pinigil siya ni Lawrence. “Teka, ako muna okay? As I was saying, nung dumating ka sa buhay ko isa kang sakit sa ulo. Ang tanga tanga mo pa pagdating sa Math.”

“Teka nga lang Lawrence sumosobra ka na ha, alam mo bang maraming taong naglalakad ngayon na nakakakita sa atin at naririnig ka gusto mo bang upakan kitang gurang ka ha.” Pabulong na sabi ni Noneen at tsaka tiningnan ng masama si Lawrence.

“Don’t ruin the moment Nee, I’m expressing my love for you right now? Can you please shut up for a second?” Reklamo ni Lawrence. Pumamwewang naman si Noneen at saka ngumuso kay Lawrence.

“Are you seriously professing your love for me or insulting me? Wala kang maloloko dito Lawrence.”

“As I WAS SAYING. You were just the girl I never thought I would devoted to, the one I would go crazy for.”

“Huu kagaguhan binobola mo lang ako eh.”

“Shut up Nee.”

“Bakit totoo naman?” Paghahamon ni Noneen. Napasinghal naman si Lawrence at tsaka napakamot sa ulo nito. Hindi niya malaman kung mafrufrustrate ba siya o magwawalk out na siya, napapansin na rin niya kasi yung iba huminto na sa paglalakad at talagang pinanunuod na sila. The fudge.

“Noneen, don’t spoil this could you please? I’m trying to be romantic right now.” Inis na sabi ni Lawrence.

“Okay fine go.” Pagsuko ni Noneen. Well medyo feeling na nga niya naiinis na si Lawrence sa kaniya. Hehe

“I know we’ve been through a lot and I love you so much I want to make everything the legal way around.” Sabi nito at tsaka lumuhod sa harapan ni Noneen.

“Will you marry me?”

 ---

Love you guys, the best kayo! :-)

Continue Reading

You'll Also Like

205K 13.2K 65
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3M 26.7K 64
Mikaela or Mikay, as what friends call her, grew up a spoiled brat with a silver spoon in her mouth. Her mom died when she was still young. Having be...
1.2M 13.1K 50
Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll...
1.5M 22.2K 97
Si Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay...