Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 5

12.4K 429 31
By deliixx

Kabanata 5

Driver 

Pagkapasok ko sa classroom ay agad akong nilapitan ni Maxxine na mukhang may mahalagang sasabihin sa akin

"Oh my God! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" sigaw ni Maxxine at pinagyuyugyog ang balikat ko

"I saw Zeeyan talking to Kelsey Wilson last night pagkatapos n'yong umalis." nagtaas ako ng kilay sakanya dahil hindi ko kilala yung tinutukoy n'ya

"Hindi mo kilala si Kelsey? Dito nag-aaral 'yun, Junior." umiling s'ya na para bang ang bobo ko at hindi ko kilala iyong tinutukoy nya

"Ang sabi ni Daddy ay may project sina Tito Adam at ang Daddy ni Kelsey sa BGC. Condominium or building, I'm not sure." kibitbalikat n'ya

"Why are you saying this to me?" tanong ko dahil hindi ko talaga makuha ang punto n'ya kung anong meron kay Kelsey Wilson

"I'm just warning you, we all know how business world works." sabi ni Maxxine at umupo na sa kanyang assigned seat which is sa tabi ni Nathan

I know how business world works, sa dinami-dami ba namang party na pinuntahan ko ay alam na alam ko na kung paano mag salita, umarte and mag plano ang mga businessmen, plus both of my grandparents are legends in business and my parents are known because of our business so I really know how their world spin.

May mini thesis na binigay ang English teacher namin at puro daing ng mga mag-aaral ang naririnig ko, anila'y masyado namang advance dahil pang college daw iyon

"Kaya nga mini thesis di'ba? Preparation n'yo 'to para kapag actual thesis na ay may guidance kayo." sabi ni Ma'am Magdrigal at tumango na lang iyong nagreklamo.

Inayos n'ya ang kanyang salamin at tinignan ang class list.

"Sana partner tayo, Tiara. Para hindi gaano mahirap." sabi nung katabi ko na narinig ni Ma'am Magdrigal. Matalim n'yang tinignan ang katabi ko at binalik ulit sa kanyang Class List na para bang may naisip sa sinabi ni Mickaela.

"Thank you Ms. Garcia, you just gave me an idea. I want all of you to do your job and be responsible kaya iyong mga nasa Top 10 ay ipagsasama ko." sabi ni Ma'am na tinutol ng iba. I don't mind though, kahit sino pa ang ka-grupo ko wala akong problema.

Tila walang narinig si Ma'am sa mga daing ng klase at nanatili lang ang tingin n'ya sa kanyang listahan.

"Garcia, Lopez and Ty."

"Alminian, Paguio and DeliDeli."

"Orquiola, Pabustan and Baltazar."

"Tuazon, Santiago and Ico."

Tumingin sa akin si Ma'am kaya alam kong ako na ang susunod, nakahanda na ang kamay ko sa pagsulat ng pangalan ng magiging kagrupo ko

"Johansson, Morales and Tyson."

Guess I don't need to write their names dahil kilala ko naman ang magiging mga kagrupo ko

Tumili si Maxxine sa sobrang saya kaya napatingin sakanya si Ma'am ng masama

"Sorry, Ma'am. Excited lang para sa thesis." sabi n'ya

Tinignan ko s'ya at nag-thumbs up s'ya sa akin, nginitian ko s'ya at nilingon ang isa pa naming ka-grupo.

Nakapatong ang kanyang baba sakanyang kamay at nakatingin sa akin na para bang kanina n'ya pa hinihintay ang paglingon ko.

He smirk when he saw me look at him kaya nag-iwas ako ng tingin. Damn, Johansson. What was that?

These past few days, being with Johansson makes me uncomfortable. Para bang inoobserba n'ya ang bawat galaw ko and those messages... Dammit!

Pinaliwanag ni Ma'am kung ano ang mga gagawin namin sa thesis at kung kailan ang pasahan. May apat na buwan kami para tapusin ang mini thesis at tuwing lunes ay ichecheck n'ya ang bawat chapters para makasiguradong may magagawa kami.

"I'm sure you know that students won't graduate if they didn't submit their thesis."

Pagkatapos ipaliwanag ang lahat ay binigyan n'ya kami ng tatlumpung minuto para isipin ang magiging title/problema namin sa thesis.

Umupo ako sa tabi ni Maxxine para idiscuss ang magiging title namin at kung paano namin gagawin ang thesis.

Pagkatapos mag-isip ng title ay pinasa namin iyon kay Ma'am Magdrigal para sakanyang approval.

"So, paano natin gagawin ang thesis?" si Maxxine na nagputol sa patinding katahimikan sa aming tatlo

"Library o break time?" suggest ko at tumango naman si Maxxine

"We can go to our house if there's a lack of time." simpleng sabi ni Johansson pero hindi iyon nagpalingon ng ulo ko, si Maxxine lang ang lumingon sakanya

"Sure! You have a library, right? 'Dun na lang tayo!"sabi ni Maxxine at patago akong siniko

Nakatingin sa akin si Johansson kaya hindi ko magawang tignan ng masama kay Maxxine.

Why are you looking at me, Johansson? Dammit! It makes my knees tremble kahit na nakaupo ako

"So, it's settle then?" sabi n'ya at tumango kaming dalawa ni Maxxine.

Oras na para sa susunod na klase kaya nag-ayos na kami ng gamit.

"Ikaw ah, may napapansin ako sainyong dalawa." sabi ni Maxxine nang naglalakad kami sa hallway

"Tumigil ka nga, Maxxine."

"Asus! Denial ka pa! Kanina pa kaya tumitingin si Zeeyan sa'yo tapos ikaw naman todo iwas. Ano, naapektuhan kana ba?" tukso n'ya

"Ewan ko sa'yo." sabi ko at binilisan ang lakad para iwan s'ya

"Grabe ka naman! Joke lang 'yun!" sabi n'ya nang nasa classroom na kami. Inirapan ko na lang s'ya at hindi na nag-salita

"Sinong susundo sa'yo?" tanong ni Maxxine. Tapos na ang klase at papunta kami sa parking lot kung nasaan ang driver n'ya habang ako ay maglalakad na lang ng konti para makalabas na ng gate. Mag-tataxi ako dahil nag-day off si Kuya Carding dahil nasa hospital daw ang kanyang asawa, hindi ako masusundo ni Daddy dahil may meeting pa daw s'ya kaya no choice kundi mag-taxi.

"We can give you a ride, tutal kapag ako naman yung walang sasakyan kayo ang naghahatid sa akin." umiling agad ako sa offer n'ya. Mas hassle kapag ihahatid n'ya pa ako

"Sobrang layo ng inyo sa amin, Max. Hindi pa naman magdidilim kaya hindi delikado kung mag tataxi ako." sabi ko at mabilis na hinalikan sa pisngi

"Bye!" sabi ko at agad ng umalis sa harap n'ya dahil kapag nanatili pa ako dun ay alam kong pipilitin n'ya lang ako

Paglabas ko ng gate ay madaming estudyante na nag-hihintay ng taxi kaya pumila ako. Nilabas ko ang phone ko para hindi ma bored

Sampung minuto na akong nakapila at nakalahati na ang pila, malapit ng lumubog ang araw. Naabutan tuloy ako ng rush hour, kaya siguro kakaunti lang ang taxing dumadaan.

"Oh my God! Hindi ba sasakyan 'yun ni Zeeyan?" masyado akong busy sa Facebook para marinig yung pangalan na binanggit ng nasa likod ko

"Oh my gosh!" tili ng mga tao at nagtulakan kaya natamaan ako.

Tinignan ko sila ng masama pero hindi nila ako nakita dahil nakatingin sila sa sasakyang nasa gilid namin.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang pamilyar na sasakyan, bumaba ang salamin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Tiara, hatid na kita." napalingon ako sakanya nang narinig ko ang pangalan ko.

I knew it, alam kong s'ya ang nasa sasakyan. Ramdam ko...

"Uhm..." tumingin ako sa linya, nasa kalahati pa lang ako at baka abutan ako ng gabi atska lahat ng tao ay nakatingin sa amin, yung iba ay sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Pagkalingon ko sa sasakyan ay nakita ko si Johansson na lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Uh...okay." sabi ko at umalis sa linya. Rinig ko ang daing ng mga tao sa ginawa ni Johansson

Nang nakapasok ako ay nagkatinginan kami saglit bago isara ang pintuan ko, umikot s'ya at pumasok na rin.

"Nasaan si Kuya Carding at bakit mag-isa ka lang?" may halong galit sa boses n'ya

"Nag-day off si Manong tapos si Daddy naman nasa office pa." simpleng sagot ko habang tinitignan ang mga estudyanteng nagdadaanan sa paligid ng school, may ibang napapatigil sa paglakad para tignan ang sasakyan ni Johansson

"You can text me, you have my number kahit na hindi ka gaano nag-rereply sa mga messages ko." nag-iwas s'ya ng tingin sa huling binanggit n'ya

"It's okay, Johanssson. Kaya ko namang mag-taxi." sabi ko nanatiling naka tingin sa labas

"It's not okay kung kaya ko namang ihatid ka." sabi n'ya at hindi ko na mahanap ang mga salita ko. Nakatikom lang ang bibig ko at hindi na s'ya ulit tinignan dahil alam kong tumitingin s'ya sa akin kapag naabutan kami ng stoplight.

Tahimik kami hanggang nasa tapat na kami ng bahay, nilingon ko s'ya at nakatingin s'ya sa akin na para bang kanina n'ya pa hinihintay ang paglingon ko sakanya.

"Thanks for the ride."

"Anytime." 'yun ang narinig ko bago lumabas ng sasakyan n'ya

Kumaway ako sa kanya at bumusina muna s'ya bago umalis. Napahawak ako sa dibdib ko habang tinitignan s'yang palayo. Is it really okay kung ihatid n'ya ako? How about Kelsey?

"Tiara!" nagbabasa ako sa library ng bigla akong tinawag ni Maxxine, tinignan ko s'ya ng masama dahil papagalitan kami ng Librarian kapag pinagpatuloy n'ya ang pagsigaw

Sinara ko ang librong binabasa ko nang hindi tinatanggal ang eye contact naming dalawa. Nakita n'ya ba si Nathan na may kasamang babae at kung gaano n'ya ka-"hate" si Nathan?

"Nakita ko sila!" umiling na lang ako, sabi na nga ba. Nathan at iyong babae n'ya.

Pabagsak s'yang umupo sa tabing upuan ko at nilapit ito sa akin para maibulong n'ya sa akin

"Nakita ko si Kelsey na may binigay na papel kay Zeeyan! May alam ka ba tungkol doon?" nagkibitbalikat ako sa tanong n'ya

"Wala, paano ko naman malalaman?"

"Ano kaya 'yun? Love letter siguro! Paano kana, Tiara?"

"Anong paano na ako? Tumigil ka nga, Maxxine. Mas mabuti pang mag-review kana at may quiz pa tayo mamaya." sabi ko at binuksan ulit ang libro pero nanatili parin si Maxxine sa pag-iisip tungkol sa papel na binigay ni Kelsey

Sino ba 'yang si Kelsey? How come I didn't know about her? Siguro tahimik lang at hindi troublemaker kaya hindi ko napapansin.

Pagkatapos ng library period namin ay pumunta na kami sa susunod na klase namin kung saan may quiz.

Nang natapos na ako ay tumayo ako at pinasa iyon kay Ma'am, nakita ko si Maxxine na nakakunot ang noo habang tinitignan ang kanyang papel. Bahagya akong tumawa sa inasta n'ya at napawi rin iyon nang makitang nakatingin sa akin si Johansson.

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na sa upuan ko para hintayin si Maxxine, hindi ko na ulit tinignan ang pwesto ni Johansson.

"Ang hirap 'nun ah!" sabi ni Maxxine nang natapos na s'ya, inaayos n'ya ang gamit n'ya habang ako naman ay kanina pa nakaayos

"Walang mahirap kung nag-review ka." sabi ko

Siniko ako ni Maxxine at nginuso si Johansson, nag-aalinlangan pa akong tignan s'ya pero sa huli ay si Maxxine na mismo ang gumalaw ng ulo ko para lingunin si Johansson na may tinitignang papel

"Oh binabasa na pala n'ya yung binigay na love letter ni Kelsey! Gawa ka rin mamaya, Tiara. Yung mas maganda!" agad kong hinawi ang kamay n'yang nasa pisngi ko

"Bakit naman ako gagawa? Hindi naman Valentine's." and it's corny

"So ibigsabihin kapag Valentine's na ay gagawan mo s'ya?" nag ngiting aso si Maxxine, umiling ako

"That's not the point and besides, it looks like an invitation to me."

Hindi ko iyon sinabi dahil sa defensive ako, it really looks like an invitation, hard paper with classic designs. Halata namang invitation iyon tungkol sa isang party or what.

Natapos ang klase at hindi parin tumitigil si Maxxine sa pangungulit sa akin tungkol sa Valentine's.

"Oh ano na, lume-level up na ba?" tanong n'ya

May sasabihin pa sana s'ya kaso natigil sa taong nasa harap namin.

Nakatayo si Johansson sa harap namin hawak ang kanyang laptop sa gilid

"Ano 'yun, Johansson?" malambing na tanong ni Maxxine kay Johansson tila nanunukso

Blankong ekspresyon ang binigay ni Johansson kay Maxxine at nawala ito nang nilingon n'ya ako

"May sundo ka ba?" tanong n'ya at bahagya pa akong nagdalawang isip kung ako ba ang tinatanong n'ya

"Ah eh..." Paano ba 'yan, wala akong sundo. Pahatid na lang ako kay Maxxine?

Nilingon ko si Maxxine, nagbabaka sakaling sabihin n'yang s'ya ang maghatid sa akin kaso ang pinakita n'ya sa akin ay ang kanyang ngisi at alam ko na agad kung ano ang iniisip n'ya

"Sasama na lang ako kay Maxxine mamaya, diba Max?" sabi ko at tinignan si Maxxine

"Huh?" halatang nagulat s'ya dahil binanggit ko ang pangalan n'ya "Ah! Ano e, may date kasi ako mamaya so..." napabugtong hininga ako sa sinabi n'ya. Anong date ang pinagsasabi n'ya at sino naman?

Alam kong wala s'yang date at ginagawa lang n'ya iyon ng rason para ihatid ako ni Johansson. Grr, humanda ka sa akin Maxxine! Makakaganti rin ako!

"Good, ako na ang maghahatid sa'yo." simpleng sabi n'ya. I guess I have no choice, then?

Nauna kami ni Maxxine lumabas ng classroom habang si Johansson naman ay nasa likod namin

"Blessing in disguise pala ang pag-d'dayoff ng driver n'yo." bulong ni Maxxine habang naglalakad kami papunta sa parking lot

"Bakit bigla bigla ka nagkaroon ng date? At sino naman? Si Nathan?" medyo nakalayo kami kay Johansson kaya nagawa ko s'yang sigawan

"Wala akong date no, pinagbibigyan ko lang itong si Johansson. Halata namang gusto kang ihatid ng tao." may sinabi pa s'ya na hindi ko na pinakinggan, ayokong marinig yung pang-aasar at pagbibigay n'ya sa akin ng pag-asa.

Nang nasa parking lot na kami ay napapalingon sa amin ang mga estudyante. Ganun ang nagagawa ng isang Zeeyan Brent Johansson, dating palang n'ya alam mo ng papalapit na s'ya

Nagpaalam si Maxxine sa amin nang nahanap na n'ya ang sasakyan nila

"Good luck, Zeeyan! Galingan mo!" sigaw ni Maxxine at nagmadaling pumasok sa back seat

Gusto ko s'yang saktan sa sinabi n'ya! Ayan tuloy at lalong naging awkward.

"Sorry kay Maxxine, kilala mo naman 'yun." sabi ko nang pinagbuksan n'ya ako ng pintuan

"Okay lang." sabi n'ya at sinara ang pintuan ko. Habang naglalakad papunta sa driver's seat ay nagkaroon ako ng pagkakataong tignan ang parking lot, may mga estudyanteng nanatiling nakatingin sa sasakyan ni Johansson. They probably think that we're a thing now pero ang totoo ay friendly gesture lang ito ni Johansson

Isang linggo ng absent si Manong Carding at hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Isang linggo na rin akong hinahatid ni Johansson, tinanong pa nga n'ya ako kung sino ang nagsusundo sa akin kapag papasok

"Probably Dad pero kadalasan ay taxi." sabi ko nang wala sa sarili

"I'll fetch you then." nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Sapat na sa akin iyong paghatid n'ya tuwing uwian, ayokong maabala s'ya at magkaroon ng utang na loob. Pupwede namang mag-taxi kaso sabi n'ya ay susundan n'ya rin iyong taxing sasakyan ko hanggang sa bahay kaya mas mabuti na daw na sa sasakyan na ako sumakay.

"You really don't need to do this, Johansson. Pupwede namang magpatawag ako ng taxi sa guard." sabi ko isang araw nang sinundo n'ya ako

Umiling s'ya at ngumiti

"I want to do this, Tiara and besides, ayaw mo bang sinusundo kita? You think I'm a burden to you?" sabi n'ya at tinignan ako saglit gamit ang malungkot n'yang mata at binalik rin agad sa kalsada

"What? Baliktad nga e. Alam kong busy kang tao at tingin ko nakakaabala ako sa mga dapat mong gagawin kapag hatid sundo mo ako." bahagya s'yang natawa sa sinabi ko, kumunot ang noo ko sa ginawa n'ya.

"Sleepless nights will hunt me kapag hindi ka sumasabay sa akin so just let me do this and let me cherish the moment."

Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi n'ya kaya nanatili na lang ang tingin ko sa bintana hanggang sa nasa unibersidad na kami.

Dammit, Johansson!


Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 233 2
"This place is where you can do worst things, and people will love you for it." Discover the truth about the infamous All-black school! ...
531K 13.2K 37
"Loving you is the greatest mistake that i have ever done. Kaya hinde na ko magtatangkang gawin iyon muli dahil hindi pa ko baliw para hayaan ang sar...
1.6K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
24.2K 5.8K 70
WARNING: This is an extraordinary romance novel that will be caught your heart and stay with you until you turned to the final page. - - When Ellain...