I dedicate this chapter to Pinkstellar. Thank you so much for all the efforts. I SARANG YOU! <3 XD
Chapter 55: Big Deal?
Ashley’s POV
Napatingin kaming lahat sa mga parating. Agad kaming napatingin sa kamay ni Ethan at Fretzie.
“Tss” Sabi ni Ethan, halatang naiilang siya pero hindi niya mabitawan yung hawak niya sa kamay ni Fretzie. Oha! Ang haba ng hair lola mo!
“So… Kayo na?” Tanong ni Lexi sa dalawa. Nagkatinginan sila saglit tapos nginitian kami ni Fretzie.
“YAN ANG SINASABI KO SAYO PARDS!” Sabi ni Scott tapos inakbayan si Ethan. “CONGRATS!”
“Thanks. Pwede mo nang alisin yang kamay mo sa balikat ko”
=____=
[Sa isang Bar]
“Okay, manlilibre daw si Ethan!” Sigaw ni Bryan pagka-upo na pagka-upo namin.
“Utot mo. Bakit hindi ikaw?”
“Tss. Mga pulubi, OH.” Nagulat kami nung naglapag ng pera si Gian sa lamesa.
ANG YABANG NG SUNGIT NA TO! EH DI SIYA NA MAYAMAN! >____<
Nagumpisa na silang mag-order ng inumin at chibog. Geez. I’m not in the mood.
“Daldalita, walang iinom satin ah!” Sabi ni Lexi sa akin.
“Santos, wag mo nga kong madamay-damay diyan. Kung hindi ka pinapainom ni Scott, magtiis ka. Hahahahaha! The perks of being single!” Tapos kumuha ako ng isang drink. Nginitian ko muna siya ng nakakaasar before I took a sip. Mainggit ka! HAHAHAHA!
Maya-maya nawala yung ngiti sa mukha ko. Napatingin ako sa harapan ko. Si Bryan nilalaro yung kamay ni Monique habang walang tigil sa pagpipick-up line. Ewan ko ba, kahit ubod ng corny ng dalawang to, I really find them very sweet. Hindi sila nahihiyang ipakita kung gaano sila ka-cheezy sa isa’t-isa.
On the right side, there is Lexi and Scott. Lagi silang nagsasakitan, ganyan na talaga sila maglambingan. Pero who cares? All I can see is happiness. Saan ka nakakita nang nagsasakitan na, tawa pa rin ng tawa. Many would call their relationship, weird. But look, ang strong strong ng relationship nila. Naalala ko bigla, nagshare sakin si Lexi about sakanila ni Scott. Ang reason daw kung bakit hindi pa sila nagkakaroon ng serious fight ni Scott eh dahil hindi niya matiis yung kakulitan ni Scott. Ugali kasi ni Scott na maunang humingi ng sorry sa tuwing nagkakatampuhan sila at hindi daw siya baliw para pairalin ang pride niya. Hindi nila pinapatagal yung away nila ng isang araw.
Sa kaliwa ko naman tahimik na nakaupo si Fretzie at Ethan. Sobrang tahimik at awkward nila ngayon, hindi man lang naguusap. Pero magkaholding hands! Napangiti ako, ewan ko ba! Nakakakilig sila kahit wala silang ginagawa. XD
Haaaay. Ako na lang pala yung walang lovelife saming apat noh?
Keri lang. Hindi naman dapat minamadali yung bagay na yan. How ironic. Kung sino pa yung unang nagkalovelife samin, siya pa yung nagiisang single ngayon.
Eeehhhhhh! Bakit feeling ko ang lungkot ko?! Waaaah! Hindi pwede! Dapat masaya ako kasi sa wakas, masaya na yung mga kaibigan ko kasama yung mga boyfriends nila. Dapat masaya ako!
Tumayo ako. Feeling ko mababaliw ako kung uupo lang ako dun. I need fresh air!
Lumabas muna ako ng bar. Waaaah! Ang daming stars! Shining bright like a diamond. *____*
“Ashley!” Nagulat ako nung may tumawag sakin. Pagtingin ko sa likod nakita ko sila Fretzie, Monique at Lexi.
“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sakanila.
“Ikaw, bakit ka nandito?” Tanong ni Lexi. Answering me with another question?
“Hmm… Papahangin lang. Ang ingay masyado sa loob.”
“Malamang. Di naman library to. Hahahaha!”
=____=
Palagi na lang akong inaasar ng babaeng to. Hmpf!
Inakbayan ako ni Lexi tapos naglakad kami. Sumunod naman sila Fretzie at Monique.
“S-San tayo pupunta?” Tanong ko sakanya.
“Hahanapan kita ng lalaki! Yung matino! Yung hindi manloloko!” Hinampas ko nga! Asar to.
“Ano namang pumasok sa utak mo at naisip mo yan?”
“Di kasi bagay sayo magdrama. Mukha kang ampalaya”
=____=
Bitter ba talaga ako? Hindi naman ah…
Maya-maya nasa gilid ko na rin si Fretzie at Monique.
“Baka isipin mo rin na porket may mga boyfriends na kami eh hindi ka na namin love!” Sabi ni Fretzie.
“Waaaaah! Siyempre hindi! Ano ba naman kayo! HAHAHAHA!” Nakakatawa naman tong mga babaeng to.
“Sagutin mo na kasi si Cyrus para may boylet ka na din!” Pangaasar sakin ni Fretzie.
“Subukan mo lang daldalita. -___-” Hahaha! Ayaw talaga ni Lexi kay Cyrus. Daig niya pa ako, hindi pa rin niya mapatawad. XD
“Si Gian na lang Ashley! Perfect match kayo! Wahahaha!” –Monique
“Hindi nga nanliligaw eh. =____=”
“Sus! Ligaw lang pala kulang eh. Push na natin yung OPLAN ASHIAN!” –Monique
“Please lang Monique, tigil-tigilan mo ko sa pauso mong ganyan. Kinikilabutan ako.”
“Suuuus! Kinikilig ka eh! :P”
=____=
“Wait!!! Omygod! Asan pala si Miko?!” Sabi ni Fretzie at bahagyan huminto sa paglalakad.
“Nagpaalam kanina. Wala daw siya sa mood, baka natutulog na sa hotel yun” Sagot ko. Ewan ko ba, hindi ako sanay na makitang seryoso si Miko. Ang seryoso niya talaga kanina nung nagpapaalam samin. Ni hindi man lang ngumingiti. :(
“I see. ^___^”
“Ano pa lang nangyari sa inyo ni Ethan kanina? Daya. Si Monique lang nakakita.” Sabi ko kay Fretzie at medyo nagpout.
“Nagkantahan sa buhanginan. HAHAHA! Romantic pala yun!” Singit ni Monique. Busy kasi sa pagi-imagine si Fretzie. Nagbablush pa. Ampf. =___=
“Infairness naman sa kuya mo, may tinatago pa lang sweetness! HAHAHA!” Sabi ko kay Monique
“Wala pa ring tatalo kay Monique. Reyna ng kakornihan yan eh! HAHAHA” Asar ni Lexi. Nagpout naman si Monique.
“Hindi ako corny noh!!! Im just a lady in love!” Hindi ko alam kung imagination ko lang, parang nagheart shape yung mga mata ni Monique. O__o
Tapos…
Sabay sabay kaming napahinto. May humarang kasi sa aming apat na lalaki.
“Sinuswerte ka nga naman. Mga artista ba kayo mga miss?” Sabi nung guy na mataba.
“Ay hindi po. Tara guys, Balik!” Sabi ni Fretzie kaya agad kaming tumalikod at patakbong umalis kaso may humablot sa kamay ko.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!
>_____<
“Sandali lang, saan kayo pupunta?” Sabi nung lalaking malaki yung katawan na nakahawak kay Monique. Lahat kami hawak hawak ng mga lalaking to. Natatakot na ko. Wala pa namang masyadong tao sa lugar na to.
“Bitawan mo kong ungas ka.” Sabi ni Lexi dun sa may hawak sakanya. Yung mataba kanina.
“Mga palaban pala to mga pre!” Sabi nung pandak na may hawak kay Fretzie.
Sinubukan kong kapain yung phone ko. Kukunin ko sana kaso inagaw nung lalaking may hawak sakin.
“Ops. Not so fast miss beautiful” Sabi nung pangit na lalaking may hawak sakin tapos hinagis niya yung phone ko dun sa mataba. Ughhhhh!
“Sh*t.” Mura ni Lexi. “Isa pang hipo taba, gagawin kong talong yang balat mo!”
Mommy!!! Waaaah! Bakit wala kong makitang ibang tao? >____<
“Mga kuya pwedeng pakawalan niyo na kami? Please po” Sabi ni Fretzie. She’s freakin scared like me.
“Awww ang cute mo naman miss. Sorry isasama muna namin kayo. Saglit lang naman eh”
“Mga g*go! Ano bang mga problema niyo ha? Kung maghahanap kayo ng babastusin, pwede wag kami?!” Sigaw ni Lexi namumula na siya sa galit. Feeling ko any minute sasabog na siya at makikipagsapakan na. >____<
“Bakit kami maghahanap ng iba kung sa inyo pa lang jackpot na?! Chill lang miss tapang. Masyadong kang highblood e. Nakikipagkaibigan lang naman kami sa inyo” Sabi nung matabang may hawak sakanya.
“HEEEEEEEEEEEEEEEELLLLPPPP!!! TULUNGAN NIYO KAMIIIIII!!!” Eto yung panahong kailangan kong gamitin yung lakas ng boses ko. Sobrang lakas ng sigaw ko kaya feeling ko na-threatened yung mga lalaking to.
“Hoy negro, takpan mo nga yung bibig nang isang yan!” Sigaw nung mataba sa lalaking nakahawak sakin. Sobrang basa nung kamay niya, kadiri!!! >_____<
“Ang ingay mo kasi eh!” Sigaw sakin nung ‘negro’ tapos tinalian niya ng panyo yung bibig ko. Swear nasusuka ako. Kadiri yung panyo, sobrang baho! Amoy pawis at libag. *vomits*
“Hoy hayup ka! Tanggalin mo yang panyong yan sa kaibigan ko!” Nagpupumiglas na si Lexi.
“Panyo ba talaga yan o basahan? Ewww! Alisin niyo yan sa bibig ni Ashley!” Galit na sigaw naman ni Monique.
“Ang aarte niyo!” Sigaw nung pandak na may hawak kay Fretzie. “Tara na mga parekoys, dalhin na sa tambayan tong mga to!”
O______O!!!
What?!
“Saan niyo kami dadalhin?!” Tanong ko sa lalaking nakahawak sakin.
“Sa paraiso *smirk*”
Dahan dahan akong pumikit. Sana panaginip lang lahat ng to.
[NORMAL POV]
“Pards, ang tagal naman nila!” Inip na sigaw ni Scott. Kanina pa sila nagtitigan simula nung umalis yung mga babae.
“Tignan mo, hindi pa dinala yung mga cellphone. Pambihira!” Sabi ni Bryan na hawak hawak yung cellphone ng gands niya.
“Naghahanap na ng iba yung mga yun” Pangaasar ni Gian sabay inom nung drink niya.
“Hindi magagawa ni Babes sakin yun!” –Scott
“ABA! Lalo naman yung Gands ko!” –Bryan
Walang imik imik, agad na tumayo si Ethan.
“San ka pupunta pards?” Tanong ni Scott
“Hahanapin ko yung payat ko.”
“Sama!” Tumayo na rin si Scott at sumunod kay Ethan.
“Hoy Gian di ka sasama?” Tanong ni Bryan.
“Bat ako sasama? Tss.”
“Sumama ka na!” Wala nang nagawa si Gian kasi hinila na siya ni Bryan at sumunod sila kila Ethan.
****
“Asan na ba yung mga yun?” Tanong ni Scott pagkalabas na pagkalabas nila ng Bar.
“Baka gusto mong tawagan yung babes mo?”
“Gagawin ko na yun eh, inunahan mo lang ako!” Kinuha ni Scott yung phone niya mula sa bulsa ng pantalon niya sa likod at tinawagan si Lexi.
“Pards cannot be reached eh.”
“Ano ba yan! Walang kwenta.”
“Si Fretzie?! Tawagan mo kaya?” Agad na kinuha ni Ethan yung beloved iphone niya, kaso…
“Wala pala akong number niya pards.”
“AHAHAHAHA! YAN ANG TUNAY NA WALANG KWENTA! GF tapos di alam yung number? Wahahaha! Pakamatay ka na pards!”
“Bakit hindi ikaw mauna? =____=”
“Anong problema mga pards?” Agad na tanong ni Bryan pagkalapit niya kila Ethan.
“Hindi namin makontak mga gf namin eh”
“Ano ba naman yan! Mga wala kayong kwenta” Agad na kinuha ni Bryan yung phone niya. Maya-maya kumakanta na si Daniel Padilla ng ‘Nasa Iyo na ang lahat’.
“Yung totoo? Nakalimutan mo talagang naiwan ni Brix yung phone niya sayo?” Di makapaniwalang tanong ni Ethan kay Bryan.
“Oo nga pala! Ano ba yan!” Asar na sabi ni Bryan.
“Nasa Iyo na talaga ang lahat, PATI PHONE NIYA! HAHAHAHA!” Asar ni Scott kay Bryan.
“Pards. Pati ba naman ringtone?” Kunot noong sabi ni Gian. Sakanilang apat siya yung pinaka-naiirita sa kakornihan ni Bryan at Monique. Pangalawa si Ethan.
“Inggit ka lang!”
“Bat naman ako maiingit?”
“Kasi walang nagmamahal sayo”
“Ikakamatay ko? Tss.”
“Puro ka TSS diyan. Siguro ang dami mong tinga?”
“HA-HA-HA-HA-HA. Ang dami kong tawa sayo, mga lima! -___-” Sabi ni Gian na nagbilang talaga ng tawa sa mga daliri.
“Ano magbibilangan na lang tayo ng tawa magdamag? Hindi na natin sila hahanapin?” Singit ni Ethan.
“Si Gian kasi! Tawagan mo nga si Ashley!” Sabi ni Bryan kay Gian, may kasama pang batok.
“Ayos ka ah! Bat ko tatawagan yung babaeng yun? Tss”
“ANO BA?! TATAWAGAN O TATAWAGAN?” Inip na sigaw ni Ethan.
“HAHAHA! Ayan, nagbangga na yung leader na masungit at yung hari ng kasungitan!” Natatawang sabi ni Scott sabay tahimik. Agad kasi siyang tinignan ng masama ni Ethan at Gian.
“Pards wala akong number nung babaeng yun” Sabi ni Gian kay Ethan.
“Hoy sinungaling! Nakita ko! May number siya ni Ashley!” Sabi ni Bryan.
“Kelan mo pa nahawakan yung cellphone ko? Epal ka talaga!”
“Eh bakit muna may number ka ni Ashley?” Pang-aasar ni Bryan kay Gian.
“Tss. Ano bang paki mo?”
Parang sinaniban si Bryan, nagpapadyak padyak at nagtatalon bigla. Parang sasabog na sa sobrang pagpipigil ng tawa.
“Anong nangyari diyan?” Takang-taka na tanong ni Ethan.
“Malay ko. Nababaliw na ata pards.” Sabi ni Scott na di rin alam kung anong nangyayari sa kaibigan.
“Matagal ng baliw yan” -Gian
Lumapit si Bryan kay Scott at hinila ito sa di kalayuan. Binulungan ni Bryan si Scott at sabay silang halos mamatay matay na sa kakatawa.
“Mga ungas. Tss” Sabi ni Gian. Kahit di niya alam kung bakit natatawa yung dalawa, may kutob na siya na siya yung pinagtatawanan nila.
“Hoy kayong dalawa. Anong nakakatawa?” Kunot-noong sigaw ni Ethan dun sa dalawa. Di pa rin sila tumitigil kakatawa.
Lumapit si Bryan at Scott sakanila. Parehas naka-kagat labi at halatang nagpipigil ng tawa.
“ISA! Sasapakin ko na kayo. BAKIT KAYO TUMATAWA?!”
Nagkatinginan si Bryan at Scott.
“Pfffffft. HAHAHAHAHAHAHA!”
Lalong nagsisingkitan yung mga mata nila kakatawa. Si Ethan naman parang mauubusan na ng pasensya. Nababaliw na yung mga kaibigan niya.
“ISA!” Banta niya sa dalawa.
“S-Si—HAHAHA! Gian wala akong kasalan! Si Bryan! HAHAHAHAHA!”
“G*go ka Bryan. Anong sinabi mo kay Scott?! -___-++”
“HAHAHA! Sorry pards. Hindi ko talaga alam na may number ka ni Ash. HAHAHAHA! Niloloko lang kita, kinagat mo naman! AHAHAHAHA!”
“Bryan?” Tawag ni Gian.
“Bakit pards?!” Tanong ni Bryan na natatawa pa rin.
“F*ck you! 1 thousand” Sabi ni Gian tapos tumalikod. Ayaw niya ipakita kung gaano kapula yung mukha niya.
“Sweet mo talaga!”
“HAHAHAHAHAHAHA!” Parang timang naman si Ethan, biglang tumawa ng malakas.
“Tawa pa.” -Gian
“Ay ang slow. Ngayon lang na-gets? =___=” Sabi ni Scott kay Ethan.
“Paki mo? HAHAHAHAHA! Binata na talaga si sungit. Hoy pag kailangan mo nang mga damoves. Sakin ka lumapit!”
“Tanga. Wag kay Ethan, damoves ng mga torpe alam niyan. Sakin ka magpaturo, ako expert diyan.” Sabi ni Scott tapos nginitian si Gian.
“Tigil-tigilan mo nga kami Scott. Hindi pa baliw si Gian para magpa-under tulad mo. Ako, ako magaling sa mga ganyan.”
“Anong tingin niyo sakin, tanga? I’m a way way better than you guys. Iba ang style ko, hindi bulok tulad ng sa inyo. TSS!” Sabi ni Gian with emphasizing his famous ‘TSS’.
“Ang dami mong satsat. Puro ka lang naman kayabangan.” Komento sakanya ni Ethan na isa ring puro yabang.
“Torpe! Tss.” -Gian
“Aba’t---” -Ethan
“Hahaha! Torpe daw si Ethan! Truth hurts pards” Natatawang sabi ni Scott.
“Manahimik ka diyan, UNDER. -___-“ Asar naman pabalik ni Ethan kay Scott.
“HAHAHA! Buti na lang gwapo ako.” - Bryan.
“Nagsalita ang hari ng kakornihan. Tss” –Gian. Tapos nagtawanan silang apat.
Pero agad itong naputol nang bigla silang nakarinig ng sigaw. Isang sigaw na nagpakaba sakanilang lahat.
“HEEEEEEEEEEEEEEEELLLLPPPP!!! TULUNGAN NIYO KAMIIIIII!!!”
O____O
Nagkatinginan silang apat.
“Sh*t. Boses ni Ashley yun diba?!” Sabi ni Ethan.
“Hoy Gian! Pards! ANTAAAAAAAAY!!!!!!”
*end of chapter 55*
A/N: Ayan. Alam niyo na kung sino ang susunod sa FRETHAN? Hahaha. Sa mga ASHIAN fans out there. *cheers!* XD Hahaha! Abangan niyo sa next chapter, makikita niyo na yung OPPA GIAN STYLE. HAHAHAHA. <3