His Bed Warmer Wife

By vampiremims

41.5M 86.2K 6.6K

Mula pagkabata pa lamang ay ramdam na ni Stephanie ang galit sa kanya ni Paul Jake, galit na hindi niya mauna... More

His Bed Warmer Wife
01
02
03
04
06

05

878K 10.9K 963
By vampiremims

Stephanie


Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Stephanie sa mga nangyayari ngunit sa kabila ng kaguluhan sa isipan niya, tinatanggap na lang niya ang mga nangyayari dahil alam naman niya na hindi papayag ang lalaki na pakasalan siya kung wala itong makukuha pabalik mula sa kasunduan na iyon.

Hindi na iyon bago sa kaniya dahil sa tuwing may ginagawa si Paul Jake para sa kaniya, may kapalit iyon palagi mula sa lolo nito. He's just being nice to her whenever he will get something in return and now that he agreed to marry her, alam niyang malaki ang pabor na iyon para sa lalaki, tiyak na malaki rin ang kapalit ng bagay na iyon mula sa lolo nito, mula kay Lolo Rafael.

She sighed as she thought about it thoroughly. Pumayag siya sa kasunduan na iyon kahit na alam niyang sa huli, siya lang din ang masasaktan. Pumayag siya kahit na alam niyang simula pa lang ng kasunduan na iyon, alam niya na ang magiging dulo at iyon ay ang pakikipaghiwalay sa kaniya ni Paul Jake oras na makuha na nito ang gusto nito mula sa lolo nito.

"Hindi naman ako puwedeng tumanggi," malungkot na bulong niya sa sarili niya. "I can't say no because aside from knowing that what you will get from this will make you happy, I also wanted you to know me more. I also wanted you to know the real me and not that person you think I was..."

She leaned on her seat and let out a deep sigh once again. Kung minsan ay naiisip niyang masuwerte siyang kinupkop siya ng matandang Monteverde, ngunit hindi niya rin maiwasan na marahil ay ibang buhay ang mayroon siya kung napunta siya sa isang bahay-ampunan o hindi kaya ay hindi nawala ang mga magulang niya noong bata pa siya.

Hindi ko rin makikilala si Paul Jake...

"Ma'am Stephanie, pinapatawag po kayo ng Lolo niyo sa may sala," tawag sa kaniya ng isa sa mga kasambahay na naroon dahilan upang mabalik siya sa kasalukuyan at maputol ang mga tumatakbo sa kaniyang isipan. Sinimangutan niya naman ito bago tumayo at muling pinagsabihan na tawagin na lamang siya sa pangalan niya ngunit kahit anong pakiusap niya sa mga ito na gano'n ang gawin, palagi pa rin siyang ina-address ng mga ito na may kasamang ma'am.

Sabi ng mga ito ay hayaan na lamang niya ang mga ito dahil iyon ang gusto ng mga ito.

She just went to the living room and saw Paul Jake and Lolo Rafael waiting for her. Sinalubong naman siya ng ngiti ng matanda habang hindi naman maipinta ng kahit sinong magaling na pintor ang itsura ng lalaki dahil na rin sa lalim ng pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kaniya.

"Pinatawag niyo raw po ako?" aniya sa matanda na sinenyasan siyang maupo sa tabi ng apo nito. Tumungo naman siya at naglakad papunta sa sofa at naupo na rin, may dalawang dangkal marahil na distansya mula sa kinauupuan ng lalaki.

"I am really glad that you agreed to this, too, Stephanie," Lolo Rafael was smiling while looking at them. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang pinagmamasdan silang dalawa ng apo nito na tila ba nasa isipan na nito ang mga bagay na maaaring mangyari sa kanilang dalawa ni Paul Jake oras na makasal sila.

She looked at Paul Jake who was still emotionless while looking at his grandfather. Iilang beses pa lamang niyang nakitang ngumiti o tumawa ang lalaki, kadalasan kapag kasama nito ang mga kaibigan nito. Liban doon, pulos pag-aangil na lang ang natatanggap niya mula sa lalaki simula pa noon pa man.

And about this marriage, I really didn't have a choice...

She just chose to smile a little and kept quiet. Hindi naman din niya alam kung ano ba ang sasabihin niya sa mga ito sa mga oras na iyon.

"I want your wedding to be the grandest wedding of the year," sabi pa ng matanda habang nakatingin sa kanila. "We will start planning it now and we will contact the best coordinators, designers, and everything that we need," he added before chuckling. "Oh, I could remember when your abuela and I got married. It was so magical and pure of love and I want the same to happen to your wedding," sabi pa nito sa kanila.

Napangiti naman siya ng alanganin dahil sa tinuran na iyon ng matanda. Though, she could really feel his happiness and excitement, hindi niya mapigilan na makaramdam din ng kaba sa mga sandaling iyon.

"E-Engrande po? Hindi po ba maaaring simpleng kasalan lang?" alanganing tanong niya sa matanda bago tumingin din kay Paul Jake na nakaupo sa tabi niya. Hindi man lang ito nagpapakita ng kahit na anong reaksiyon sa mga sandaling iyon.

Okay lang talaga sa kaniya ang magarbong kasal?

"Simple wedding?" kumunot ang noo ng matanda habang nakatingin sa kaniya at itinaas pa ang kamay at sumenyas sa kaniya na hindi ito pumapayag sa suhestiyon niya. "No, hija. I want it to be big! Minsan lang naman ikakasal ang apo ko kaya naman gusto kong maganda ang maging kasal niyo." May pinalidad na sabi ng matanda sa kaniya.

She bit her lip and clenched her fists. "Pero po kasi–"

"Grand wedding it is," Paul Jake cut her off before looking at her side. Natigilan siya nang lumapit ang lalaki sa kaniya at bumulong. "Huwag ka ng kumontra. You won't win."

Pinagmasdan niya ang lalaki at bahagyang kumibot ang labi. Naiintindihan naman niya ang bagay na iyon, sadyang hindi niya lang alam kung nararapat ba ang engrandeng kasal para sa kanila lalo pa at alam niya naman na sa huli, maghihiwalay lang din silang dalawa ng lalaki.

"It's just that–"

"Stephanie, hija," napalingon siya sa matanda nang magsalita ito. "It's settled already. You will have a grand wedding. Pagbibigyan mo naman ako, hindi ba?" lumambot pa ang tinig ng matanda habang nakatingin sa kaniya.

Napatingin siya rito bago bumaling kay Paul Jake na may maliit na ngiti sa mga labi nito bago bumaling sa kaniya na tila ba inaantay rin ang magiging sagot niya.

She sighed a little and nodded her head.

"Of course, Lolo..." halos walang boses na sagot niya sa matanda.

"That's great," he chuckled before turning his head to Paul Jake. "Now, PJ. My secretary already contacted your wedding coordinator and they will expect you both to meet her. I already told her my expectations so she will explain everything, but you can give inputs on what you both wanted to add, it is your wedding after all," he said and she has never seen him that energetic. Para bang bumata ng ilang taon ang matanda sa kasiyahan na mayroon ito sa mga sandaling iyon habang nasa isipan ang tungkol sa kasal nilang dalawa ng apo nito.

"Tell her everything you wanted, also the one who will make your dresses and suits," he added and she creased her forehead. He's talking like he has mapped it all already.

Handa na pala talaga ang lahat. Wala na rin pala talaga akong pagpipilian lalo pa at sa ayaw at sa gusto ko, mukhang nakahanda na ang lahat para sa kasal na ito.

"Yeah, about that. I already called Clarisse and I told her that we'll go to her shop today so we can discuss what we wanted." Ani ng lalaking katabi bago tumingin sa kaniya.

Clarisse...

"Clarisse? Oh, okay. Though I thought you would want to have it done by someone else, PJ," sabi naman ni Lolo Rafael sa lalaki.

Hindi naman niya rin madalas na nakikita si Clarisse. Tuwing may gathering lang ang pamilya ng mga ito niya nakikita iyon ngunit hindi naman din niya nakakasalamuha ng matagal ang babae dahil sa pagpapakita naman din sa kaniya ng disgusto nito.

Mas naunang maampon ang babae kaysa sa kaniya pero hindi sa poder ni Lolo Rafael ito napunta kung hindi sa tiyahin ni Paul Jake dahil hindi ito nabiyayaan ng anak. Nagdesisyon ang mga ito na mag-ampon na lamang, at si Clarisse iyon. 

"Alright, it's up to you now. Just let me know your plans," Lolo Rafael smiled before looking at her. Hinawakan pa nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Tell them what you want, Stephanie. It is your wedding and you have to speak up to whatever you want to happen," sabi nito sa kaniya. "Kuwentuhan mo ako ng mangyayari sa inyo," dagdag pa nitong sabi sa kaniya.

She just smiled at her and she could really feel the love he has for her. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya na para na rin siyang tunay na apo nito. Palagi rin namang sinasabi iyon sa kaniya ng matanda noon pa man kapag umaalis siya.

He wanted her to talk about what happened to her day and listen to her stories.

"You may both go now and prepare for your wedding," sabi pa nito sa kanilang dalawa at nauna na itong umalis para magpunta sa library nito upang magbasa ng mga librong naroon at uminom ng tsaa nito.

She just heaved a sigh and looked down at her hands. Ikinuyom niya iyon at mahinang ibinaon ang kuko sa mga palad upang malaman kung nananaginip ba lamang siya o totoo ang nangyayari sa paligid niya.

"Ouch..." she gasped and bit her lip.

"Are you just going to sit there? You heard him, we should go," ani Paul Jake sa kaniya makalipas lang ang ilang minuto. Nilingon niya ang lalaki at nakatayo na rin ito na tila ba hinihintay siya nito.

"I... I will just get my things," sabi niya sa lalaki na tinanguan siya ng maliit at sinabihan siyang bilisan niya kaya naman tinakbo na lang din niya ang papunta sa kuwarto para kunin ang bag niya dahil hindi niya naman alam kung baka bigla na lang siyang iwan ng lalaki sa kung saan kapag nainis ito sa kaniya. Mabuti na rin na may dala siyang pera at telepono para makatawag siya kay Cristine kung sakali.

Kinuha na rin niya ang susi ng sasakyan niya para roon na lang siya sasakay at susunod na lang siya sa lalaki para mas sigurado siyang hindi siya nito basta maiiwanan sa kung saan at makakauwi pa rin siya.

She walked towards the car and she gasped when she felt someone pull her arm suddenly.

"What are you doing? My car is over there," sabi nito sa kaniya na halata ang inis sa mukha at hindi nawawalang kunot ng noo nito habang nakatingin sa kaniya.

"I know. M-May trabaho rin kasi ako mamaya at naisip ko na pagkatapos natin sa pupuntahan natin, didiretso na ako roon kaya dadalhin ko na lang itong sasakyan at–"

"So you can brag this fucking gift of Lolo to you?" He cut her off again and she creased her forehead. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang naging pagtanggap nito sa sinabi niya.

"No, hindi gano'n, Paul Jake..." halos walang boses na sabi niya sa lalaki.

"We'll use my car," he said and pulled her arm. Wala na siyang nagawa dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya kaya naman naglakad na lang siya pasunod sa lalaki. Nauna itong pumasok sa loob ng sasakyan nito at hindi niya napigilan na tignan ito dahil sa ginawa nito.

He didn't even bother opening the door for her.

"Hindi 'yan bubukas ng kusa. Bilisan mo na," he rolled down the window and looked at her. Hindi na lang siya kumibo at binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay na rin. Isinuot niya na rin ang seatbelt at piniling manahimik na lamang nang magsimula ang lalaki na paandarin ang sasakyan nito.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang nagmamaneho ang lalaki. Sabi nito ay pupunta sila sa shop ni Clarisse–ang pinsan nito–para magpagawa ng mga isusuot nila. Naisip niyang sabihin na magpunta na muna sila sa wedding coordinator nila para mas maayos munang mailatag ang mga kailangan nilang gawin ngunit sinupil niya na lang ang plano na iyon at hinayaan na lang ang lalaki sa plano nito.

Isa pa, pinsan nito si Clarisse kaya marahil gusto nitong puntahan iyon.

Napapitlag naman siya nang marinig ang tunog ng telepono niya kaya mabilis niyang binuksan ang bag upang kunin iyon pero dahil puno ang bag niya ng mga pinapadala ni Cristine sa kaniya ay hindi niya iyon kaagad nakuha.

"Can you please pick up that fucking phone? It's annoying!" Naiinis na sabi nito sa kaniya. Napayuko naman siya at hinanap ang cellphone niya. Ramdam niya na ang talim ng tingin ni Paul Jake sa kaniya nang makita niya na ang phone niya.

Mabilis niyang sinagot iyon nang hindi tinitignan kung sino ba ang tumatawag dahil na rin sa kaba sa iritasiyon na mayroon si Paul Jake sa kaniya sa mga sandaling iyon.

"H-Hello?" She answered the call. Naisip niyang si Cristine ang tumatawag sa kaniya na marahil ay magtatanong kung nasaan na siya o ano na ang nangyayari sa kaniya sa pagdating ni Paul Jake.

"Hi, Stephie."

Kumunot ang noo niya nang marinig ang boses ng lalaki. She smiled a little when she recognaize Blue's voice. Ito lang din naman ang tumatawag sa kaniya ng Stephie noon pa man.

"Blue," she acknowledged. Ilang buwan na rin niyang hindi nakikita ang lalaki dahil naging abala silang dalawa pareho sa kani-kaniyang mga trabaho pero palagi naman din siyang kinukumusta ng lalaki. Nagpapadala ito sa kaniya ng mga pictures sa mga pinupuntahan nitong mga lugar.

He chuckled. "I'm glad that you can still remember me," he said and she chuckled. Gusto niyang sabihin na hindi naman niya ito nakakalimutan dahil maliban kay Cristine, si Blue na rin ang matalik na kaibigan niya. Cupid's always around, but he just kept on teasing her and Cristine. Malapit naman din sila kay Thunder pero iba lang talaga ang closeness na mayroon siya kay Blue.

"How are you?" he asked her.

"I'm fine. Ikaw? How are you? Are you back?" sunod-sunod na tanong niya sa lalaki. Hindi niya napansin na bumibilis ang pagtakbo ng sasakyan nila.

"I am doing good, and I just got back. I'm here at Sweet Desire. Where are you?" he asked and she looked at Paul Jake who's now clenching his fists while holding the steering wheel and tightening his jaw.

"I..."

"I'll pick you. Let's have lunch together, my treat," sabi pa ni Blue sa kaniya. Muli siyang napatingin sa lalaking kasama dahil alam niyang hindi naman siya kaagad makakaalis. Malamang ay abutin pa sila ng hapon na magkasamang dalawa ngayong araw.

"Lunch? Uhm..." she cleared her throat, looking for words to tell him.

Napapitlag naman siya nang biglang agawin ni Paul Jake ang telepono niya. "Paul Jake," she called him but he gestured to her to keep quiet.

Kunot ang noo na nakatingin siya sa lalaki nang idikit ang telepono sa tainga nito.

What is he doing?

"Blue, it's me," he greeted his friend and his lips turned into a flat line. Hindi niya alam kung ano ang naging sagot ni Blue kay Paul Jake dahil nagsalita naman din kaagad ang lalaking kasama niya. "She's occupied right now, I guess your lunch date will be cancelled. Bye." He ended the call and gave her phone back.

Nakatingin pa rin siya sa lalaki nang kinuha niya iyon at muling inilagay sa bag.

"You don't have to take my phone away. Sasabihin ko naman din talaga kay Blue na hindi ako puwede ngayon at–"

"You're with me and yet you're flirting with another man," he chuckled sarcastically. "Makikipaglandian ka na lang, sa kaibigan ko pa. Mahiya ka naman," naiiling na sabi ni Paul Jake na unti-unting nawala ang ngiting sarkastiko sa mukha nito.

Napatingin siyang muli sa lalaki dahil sa sinasabi nito.

"Flirting? He was just asking me to have lunch with him since he just got back. Hindi... hindi ako nakikipaglandian kay Blue gaya ng iniisip mo," hindi niya napigilang sabihin dahil alam naman niyang noon pa man, iyon na ang iniisip ng lalaki sa kaniya.

Para bang nakatanim na sa isipan nito na isa siyang malanding babae na lahat na lang ng lalaking makasalamuha niya ay lalandiin niya.

"That's not even the point. He just got back and yet he called you first? Bakit hindi ako o si Cupid ang inaya niya? Bakit ikaw? It was because you're flirting with him. Pati si Blue nabibilog mo ang ulo," sagot naman nito sa kaniya. Nilangkapan pa iyon ng lalaki ng iritasiyon nang lumingon sa kaniya.

"I am not flirting with Blue, or with anyone else," sabi niya sa lalaki bago humalukipkip at muling tumingin sa labas.

How can I even flirt with someone when I am so stupid to fall in love with someone like you?

"You're such a good liar," he remarked and she chose not to say anything anymore. HInayaan na lang niya ang lalaki na magmaneho habang nakatingin pa rin siya sa labas ng sasakyan at pinagmamasdan na lang ang ibang sasakyan na shop ni Clarisse.

She just closed her eyes and tried her best to ignore him. Hindi niya na namalayan na nakaidlip na siya habang nasa biyahe silang dalawa ng lalaki.

"Hey, wake up."

She just moved her head and refused to open her eyes.

"Stephanie, wake up," muling sabi ng isang tinig sa kaniya at mabilis siyang napadilat nang may tumapik ng malakas sa balikat niya at napatingin sa lalaking napakalapit ng mukha sa kaniya.

"What... what happened?" she asked him and looked around. Nakaparada na ang sasakyan nito at nakita niya ang shop na nasa harapan ng sasakyan. May mga naka-display na mga gowns doon at mayroon din na parang wedding gowns ang disenyo.

"Tulog mantika ka. Ganiyan ba kapag tinuring na prinsensa?" tanong nito sa kaniya bago nauna ng lumabas ng sasakyan nito. Napasimangot naman siya ng maliit bago inayos na rin angs sarili at sumunod na rin diti upang makalabas na sin siya.

"Let's go inside," sabi nito sa kaniya na nauna ng pumasok sa loob kaya naman sumunod na rin siya kaagad. Pagkapasok pa lang ay bubungad na kaagad ang mga mamahaling damit na naroon. May mga RTW na roon pero tumatanggap din ang mga ito ng mga custom-made gowns na siyang ipapagawa nila para sa kasal nila kahit na wala pa naman siyang ideya sa gusto niya.

Biglaan ang lahat at hindi pa naman siya nakakapag-isip ng kung ano ang gusto niya para sa kasal niya.

Kailan lang din naman nang magsimula ang negosyo ng mga ito sa bansa dahil matagal nanirahan sa ibang bansa sina Tita Bettina at Clarisse. Katulad ni Paul Jake, alam niyang hindi rin siya gusto ng mga ito.

"They will be the one who will make all the clothes for the wedding," ani Paul Jake sa kaniya na tinanguan niya lang ng maliit. Wala naman din siyang ibang magagawa kung hindi ang sumang-ayon sa mga sasabihin nito.

She looked around, checking the displays and smiled while looking at the gowns. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil sa ganda ng disenyo at pagkakagawa.

Napalingon naman siya nang may lumabas na isang babae mula sa pinto na pinasok ng isang staff nang dumating silang dalawa. Dumiretso ito ng lakad papunta sa lalaki habang malaki ang ngiti.

"PJ, babe!" She greeted him and to her surprise, she pecked on his lips. Natigilan siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa dalawa. Hindi niya maunawaan kung bakit hinalikan ito ni Clarisse.

"I've missed you so much!" sabi ni Clarisse at muling niyakap si Paul Jake. "Akala ko mamaya ka pa?" tanong nito sa lalaki habang nakayakap pa rin.

Paul Jake smiled at her. "I am fine and I missed you, too, Clarisse," he replied. "I just want to get things done immediately so we came here today," he told her.

"Oh, yeah? Were you serious when you said you're getting married? I bet you just missed me," she laughed and wrapped her arms around his neck.

Napaiwas naman ng tingin si Stephanie dahil hindi niya alam ang mararamdaman sa mga sandaling iyon. Nakikita niya ang pagsulyap ni Paul Jake sa kaniya pero wala naman itong sinasabi.

"I am serious, Clarisse. I am getting married," he said and Clarisse's expression changed. Nawala ang ngiti nito at napalitan iyon ng iritasiyon.

"You're kidding, right?" she asked him and Paul Jake shook his head. Inalis nito ang kamay ng babae mula sa pagkakahawak sa kaniya bago naglakad papunta sa kinatatayuan niya.

"I am with my bride," sabi nito na hinawakan ang baywang niya. Napatingin siya sa lalaki dahil sa ginawa nito at napalingon din sa babaeng nasa harap nilang dalawa.

She looked at her from head to toe and she believed that it was laced with judgements. Para bang hinuhusgahan nito ang buong pagkatao niya sa mga sandaling iyon. She was wearing her black body fitting dress and white sneakers.

"You?" tanong nito pero mas nakatingin kay Paul Jake kaysa sa kaniya. "Ikaw ang ampon ni Lolo Rafael, hindi ba?" tanong nito sa kaniya.

"Uhm... yeah..." mahinang sabi niya. "Nice to see you again, Clarisse," sabi niya sa babae at inilahad pa ang kamay rito na tinitigan naman ng babae.

"Are you playing with me, PJ? Pakakasalan mo ito?" tanong nitong muli sa lalaki bago matalim siyang tinignan. Hindi nito itinago ang disgusto sa tingin nito sa kaniya.

"I am not playing with you, Clarisse. We came here because I want you to personally design her wedding gown. I know you're good at it," sabi pa ni Paul Jake sa dalaga. Nilingon naman nito ang lalaki at umirap.

"You know I can't say no to you, but really? Pakakasalan mo siya?" tanong nitong muli na para bang wala siya roon kung magsalita ng gano'n.

"Yes, really," Paul Jake said and smiled at her again.

Hindi niya napigilan na isipin na napakadali pala para sa lalaki ang ngumiti, bakit tila sa kaniya ay hindi nito kayang gawin iyon.

They just stayed there and waited for their wedding coordinator, too. Doon na rin nila ito kinausap para makapagsimula ng plano. Doon na rin sila kumain at pinanood niya ang lalaki at ang pinsan nito na mag-usap habang nasa sulok lang siya at kumakain.

It was almost five in the afternoon when Paul Jake told Clarisse that they're leaving. "I still have a dinner meeting tonight so I have to go," sabi nito na tinanguan naman ni Clarisse.

"Of course, you take care, okay? And you can visit me in my pad," she smiled at him and kissed his cheek. Paul Jake just smiled at her.

"Thank you, Clarisse," sabi niya sa babae na tinignan lang siya at binigyan siya ng pekeng ngiti.

Gustuhin man niyang itanong sa lalaki ang tungkol sa paghalik ni Clarisse rito kanina, hindi niya naman alam kung paano niya sasabihin iyon.

They're not blood-related... kung sakaling may gusto ito kay Clarisse, hindi naman niya masisisi ito. She's pretty, too, and talented and... he's nice to her.

"Get in," sabi ni Paul Jake sa kaniya. Nilingon niya naman ang lalaki at umiling.

"Hindi na. Pupunta pa ako sa Sweet Desire ngayon para tulungan si Cristine para sa mga cakes and cookies na stocks namin," sabi niya sa lalaki. "Mag-ta-taxi na lang ako," dagdag pa niyang sabi rito.

"What?" he asked her while looking at her.

"M-May pupuntahan ka pa kasi, 'di ba? Sige na, okay lang naman. Mag-ta-taxi na lang ako."

He looked at her and she felt like his stare could melt her. Ang intense nitong tumingin sa kaniya kaya naman napayuko siya.

"I'll drive you there," sabi nito sa kaniya bago binuksan ang pinto para sa kaniya. Napatingin naman siyang muli sa lalaki dahil sa ginawa nito.

"Is it okay?" she asked him again and Paul Jake sighed before looking at her again and cocked his head on the side.

"Just get inside, Stephanie," he commanded and she nodded her head.

Pinanood niya na lang ang lalaki nang maglakad ito papunta sa kabilang side upang makasakay na rin.

She looked at him and couldn't help but to wonder if they will work things out eventually after they get married.

Well, she's hoping for that.

Umaasa siyang sa dulo, hindi sila maghihiwalay kung sakali.

Continue Reading

You'll Also Like

63.3K 1.1K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...