Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 4

12.5K 417 19
By deliixx

Kabanata 4

The Mysterious Guy

Maaga akong pumasok ng SC room at nakita ko kaagad si Johansson na nakaupo sa harap ng laptop nya.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko dahil napansin ko ang cup sa tabi ng laptop nya

"Good morning." imbes na sagutin ang tanong ko ay bumati sya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Good morning. Happy birthday pala kay Tito Adam." sabi ko ng hindi nakatingin sakanya

"Just greet him later." sabi nya at tumayo malapit sa may pintuan. Kinuha nya ang malaking paperbag doon at binigay sa akin

"Ano 'to?" tanong ko at tinignan ang loob. May limang itim na box sa loob

"Your masks." simpleng sabi nya

"Oh! Thank you, you don't have to do this." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Sana talagang hindi na namin syang hinayaang mag-asikaso sa mga mask namin. Nahihiya tuloy ako

"It's okay, ayokong mamroblema kayo sa party ni Dad." aniya at tinalikuran na kami

Buong araw sa klase ay panay ang rinig ko ang tungkol sa party mamaya.

"Sinong mag-me-makeup sayo, Tiara?" bulong ni Bianca habang nakikinig ako sa teacher

She's still into the party

"Mom's makeup artist?" sabi ko dahil hindi ako marunong mag-makeup sa sarili ko and I guess it will be useless dahil naka-mask naman kami

"Ako rin, kailangang maganda ang makeup natin mamaya!" bulong nya bago ako tinantanan.

Kaya nang natapos na ang klase ay mabilis na nagpaalam sina Bianca para mag-ayos, magkita-kita na lang daw kami sa mansion ng mga Johansson kung saan gaganapin ang party.

Sinundo na rin ako ng driver at may natitira pa akong dalawang oras para mag-ayos.

Pagkauwi ko ay naabutan ko si Mommy na naka-bathrobe at mukhang kaliligo lang.

"Maligo kana, Tiara. Parating na ang mag-aayos sa atin." sabi ni Mommy kaya mabilis akong umakyat para makaligo na.

Nang natapos na akong maligo ay tinignan ko ang susuotin ko sa kama, I still can't belive the detail of my champagne jacquard dress samahan pa ne'to ang magarbong mask na mukhang pinasadya pa para sa dress na susuotin ko.

Galing sa kwarto nina Mommy ay pumasok ang makeup artist na mag-aayos sa akin. Inayos nya ang kanyang mga makeup kit sa tapat ng kama ko habang ako naman ay nakaupo sa harap nya.

Nang natapos ako ay sakto naman pagpasok ni Ate na naka-ayos na, sa tingin ko ay sya ang nag-ayos ng sarili n'ya

Namangha ako sa ginawa ng babae sa akin, light lang pero elegante tignan.

"Let's go?" tanong ni Ate na nasa kwarto ko parin. Tumango ako sakanya at sinundan sya sa sala kung saan naghihintay sina Mommy at Daddy

Konting picture lang sa tabi ng piano at tumahak na kami.

Nang nasa sasakyan ay doon ko pa lang nahawakan ang phone ko, hindi ko na napansin 'to kanina dahil busy.

May limang text na galing sa aking kaibigan at ang isa ang hindi ko inaasahan

Zeeyan Johansson:

Are you on your way?

Simple lang ang laman ng message nya at nakakapanibago, we usually don't text each other. Nag-tetext lang kapag may importanteng sasabihin tungkol sa school and I'm sure this is not important and obviously not about school

Matagal akong nakatitig sa message nya bago naisipang mag-reply ng 'Yup, I'm with my family.' kaso binura ko rin kaagad

Natural Tiara, kasama mo family mo kasi invited sila

Ako:

Yup

Tipid akong nag-reply dahil ayokong may masabi s'yang masama sa akin o asarin nya ako

"We're here." sabi ni Ate at automatic na lumingon ako sa malaking gate ng mga Johansson.

Nakabukas ito ngayon dahil may party at may dalawang guard sa gilid para i-check ang mga guest

"Tyson Family." sabi ni Dad sa guard at umatras ito para papasukin kami

Unang tumambad sa amin ang malaki at buhay na buhay na garden nila, may gazebo sa gitna. Hindi ako sigurado kung ang nakita ko ba ay isang maze. Sa kabilang gilid naman ay malaking swimming pool na may jacuzzi sa tabi.

Dinaanan namin ang malaking fountain na may umiihing anghel sa taas tulad ng sa amin

Nakapunta na ako dito noon, birthday party rin ni Tito Adam o ni Johansson at ito lang ang masasabi ko. Every year ay nagpapa-renovate sila.

Inayos ko muna ang dress ko bago bumaba kasama si Ate. Agad naman nakakita ng kakilala sina Daddy dahil walang maskara ang mga 'yun. Nag stay sila sa labas kaya nagpaalam kami sakanila at sa mga kausap nila para dumiretso kami ni Ate sa loob.

Maskara ang una kong napansin sa mga tao, halos hindi ko sila mamukhaan. May mga bumabati at kumakausap sa amin at malalaman lang namin kung sino sila sa kanilang boses

"Tiara, right?" tanong ng nakapulang babae

"Revenna?" hindi ako siguro dahil sa maskara pero pamilyar ang kanyang boses

Tumawa sya at malapad ang ngiti, I guess I'm right

Kaklase ko sya noong high school at pinsan s'ya ni Johansson. Ang balita ko ay sa US na sila nakatira ng kanyang pamilya

"Sabi na nga ba't ikaw 'yan eh! You see, you're an attention seeker at alam kong ikaw agad 'yan dahil sa akin nagpatulong si Zeeyan sa mga masks nyo." sabi n'ya pagkatapos naming magyakapan

"Sorry sa istorbo, Johansson doesn't have to do it but thank you." sabi ko at nginitian sya

"You must say thank you to him, he really did a lot of efforts to find a perfect mask for you." sabi nya, lumingon sya sa lalaking humawak sa braso nya at may binulong

"Got to go, may mga babatiin lang ako." sabi nya at bineso ako

Perfect mask for me? Baka for us? Bigla tuloy akong nahiya, he really did a lot of efforts base on the design of the masks.

"Tiara?" napalingo ako sa naka-all black na mask, dress at heels

"Maxxine!" sabi ko at niyakap sya

"Glad I know the designs of our masks, hindi ako nahirapang hanapin kayo." sabi ni Maxxine at tinuro ang ilang kaibigan namin na hindi makaalis sa tabi ng mga magulang dahil pinapakilala sila sa ibang businessman.

Maraming lumapit sa aming mga lalaki at kinausap sila ni Maxxine habang ako at hanggang ngiti at tango lang.

"Drinks anyone?" tanong ng naka-champagne na tuxedo na kakulay nung sa akin.

Kumunot ang noo ko at tinignan ng maigi ang naka-mask na lalaki sa harap namin, his voice seems familiar but only when it's softer

"Nick?" tanong ko, nagbabakasaling si Nick na bakla naming kaibigan ang kumausap sa amin

"Damn, I deepen my voice pero nahalata nyo parin?" sabi nya at tumawa kami ng biglang naging normal ang boses nya. From manly to semi-girly

"Ganda mo, girl!" sabi nya sa akin at hinawakan ang buhok kong kinulot ng make-up artist

"Ah eh, thank you." awkward na sabi ko at binaling ang tingin sa stage dahil magsisimula na ang programme

Nakita ko sina Mommy na nakaupo sa table, nandoon na rin si Ate na kausap kanina ang mga kaibigan nya noong high school. Nagpaalam ako sakanila na pupunta na ako sa table namin.

"Where have you been? Hindi mo tuloy nakita si Zeeyan." bulong sa akin ni Ate dahil nagsasalita na ang emcee sa harap

"It's okay, I'm with my friends." sabi ko

Nagpalakpakan ang lahat ng umakyat sa stage si Tito Adam, nakaputing tuxedo sya na may dark blue na necktie.

"Thank you for coming tonight although we're all busy..." hindi ko na nasundan ang sinabi ni Tito Adam dahil nahagip ng tingin ko ang naka grey na tuxedo na nasa table kung saan rin si Tito Adam kanina. Naka maskara sya pero ramdam ko ang kanyang titig sa akin

Ngumisi sya ng tumingin ako sakanya at pinaglaruan ang kanyang labi, nag-taas ako ng kilay at nag-iwas ng tingin. I don't know who he is at kung nandito si Maxxine at nakita nya iyong lalaki ay paniguradong sasabihin nyang gwapo iyon kahit na nakamaskara

Ramdam ko parin ang kanyang titig sa akin pero pinilit ko paring tumingin sa stage at nagkukunwaring nakikinig sa mga sinasabi ni Tito Adam.

Nagpalakpakan ulit ng natapos s'ya sa kanyang speech at nagsidatingan na ang main course.

"Hi Tito and Tita, can I steal Tiara?" biglang sumulpot sa likod ko sina Maxxine nang patapos na ang dinner

"Wait, let's greet Adam first." sabi ni Mommy pagkatapos punasan ang kanyang bibig. Tumayo kaming lahat at pumunta sa grupo ng mga businessman na nakatayo malapit sa enggrandeng stage.

"Oh, Keith Tyson!" bungad ni Tito Adam nang makita n'ya kami palapit sakanila

"Happy birthday, Adam." bati ni Daddy at Mommy pagkatapos ng kamayan

"Happy birthday, Tito." sabi ko

"Thank you" nagsimula na silang mag-usap tungkol sa negosyo kaya nagpaalam na kami ni Maxxine na pupuntahan lang ang mga kaibigan namin, ganun din si Ate.

Habang naglalakad kami patungo sa table ng mga kaibigan namin ay namataan ko nanaman yung naka-grey tuxedo. He's with some businessman na mga nasa mid at late 20's. Nagsasalita sya pero sa akin nakatingin at nang nakita nya akong nakatingin sakanya ay ngumisi sya.

Gusto ko sanang tanungin si Maxxine kung sino iyong lalaki pero alam kong useless dahil naka-maskara kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at nagmadaling pumunta sa table nina Bianca.

Nag-kwentuhan sila about sa mga nakita nilang mga kakilala habang ako naman ay pinaglalaruan ang wine glass.

Napatingin ako sa tumayong si Karlie at Maxxine, inubos muna nina Shaira at Bianca ang kanilang wine bago tumayo at sundan sina Karlie na palayo na ng table.

Nilingon ko na lang ang tanging natira sa table katulad ko, si Nick. Busy kasi sya sa pagtingin sa kanyang phone kaya hindi na nya napansin ang mga kaibigan naming nagsialisan na.

"Hindi ka ba sasama, Tiara? Garden lang." sabi ni Shaira, tumango ako sakanya at tinapik si Nick na mukhang nasa phone nya parin ang atensyon n'ya.

"Huh?" tanong n'ya at luminga-linga sa paligid, tinuro ko sina Maxxine

Sabay kaming tumayo at sinundan sila.

Naabutan namin silang nakaupo sa table malapit sa pool, may nadaanan kaming grupo ng lalaking nag-sisigarilyo.

"I didn't know that their house is this grand." sabi ni Bianca habang tinitignan ang paligid. Nagtanggalan na kami ng mga mask

Nakatingin ako geometry pool habang nakikinig kung gaano sila kamangha sa mansion ng mga Johansson. They have two pools, itong malapit sa amin at sa harap ng mansion.

Si Maxxine naman ay nakangisi lang na nakikinig sa kanila habang umiinom ng wine, may nag-offer sa amin kanina na waiter ng bottle of wine at iyon ang iniinom namin ngayon.

"Having fun, ladies?" napatingin silang lahat sa bagong dating na si Zeeyan habang ako naman ay kumunot ang noo kay Nick na nakangiting nakatingin sa kanyang phone. He's really spacing out tonight, sino kaya iyong katext nya?

"Of course, Zeeyan! Thank you for inviting us." pormal na sabi ni Bianca at medyo nahihiya pa

Tinignan ko ng masama si Maxxine nang naramdaman ko ang pagsipa nya sa akin galing sa baba, nag-taas lang sya ng kilay sa akin sabay tingin kay Zeeyan na nasa likod ko ata kaya napalingon ako sakanya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Isang Zeeyan Johansson na makisig na makisig sa kanyang grey tuxedo, the design of his tux is different and familiar. Katulad ito nung lalaking misteryoso or it was him? I know the design of his mask and the Johansson infront of me has no mask on his hands o iniwan lang nya sa table nila?

Ngumisi sya nang nakita nyang lumingon ako sakanya para bang kanina nya pa hinihintay ang paglingon ko kaya tinikom ko ang bibig ko at binalik ang tingin sa pool.

"You can go here sometimes and take a dip in our pools." sabi ni Zeeyan at rinig ko ang pagtanggi ng mga kasama ko dahil nakakahiya daw pero ako ay nanatili paring nakatitig sa pool nila.

He's impressing someone, sino kaya iyon sa mga kaibigan namin? Maybe Bianca? He doesn't usually invite someone in their house, he doesn't like rowdy people around him.

"What? Hindi naman resort 'tong bahay n'yo para puntahan namin." tumawa si Maxxine. Hindi na ako nakinig sakanila, pinagmasdan ko na lang ang munting agos ng tubig papunta sa pool

"Well, looks like someone wants to swim." iyon lang ang tangi kong narinig sa lahat ng sinabi nila. Nagtaas ako ng kilay ng naramdaman ko ang mga titig nila sa akin

"What? I find it relaxing and I don't want to swim here." sabi ko nang hindi nililingon ang taong nasa likod ko. We have a pool but not this grand.

"Really? Pwede ka namang pumunta dito kung gusto mo, you're always welcome here." hindi ko alam kung ako lang ba yung tinutukoy n'ya o kami

"Sure Zeeyan!" sawsaw ni Nick na ngayon lang nagsalita

Nakita ko ang munting ngiti ng mga kaibigan ko na mukhang kanina pa sila naghihitay ng approval mula sa amin ni Maxxine. Pumalakpak pa si Karlie at mukhang gustong gusto nya ulit bumisita dito, she loves foods and she know na maraming pagkain sina Zeeyan kaya tuwang tuwa sya.

Umiling na lang ako at tumayo kaya napatingin sila sa akin

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Maxxine na nagpatigil sa lakad ko

"Powder room lang." sabi ko at tumango sila, pinagpatuloy nila ang kwentuhan nila habang ako at tumulak na papunta sa loob kung saan ang powder room

Ramdam ko ang yapak sa likod ko kaya lumingon ako kung sino 'yun

Nang nakita ko si Johansson na mukhang hinahabol ako ay binagalan ko ang lakad ko kaya naabutan nya ako

"Do you know which way?" tanong nya at tumango ako kahit na hindi ako siguro kung saan papunta dahil sa sobrang laway ng first floor nila

"Bahala na." kibit balikat ko at binilisan ang lakad

"I'll show you the way." aniya at naunang naglakad kaya sinundan ko na lang

Nang nasa tapat na kami ng powder room ay nagkatinginan muna kami

"Uhm, thanks." sabi ko at agad na pumasok. He's really intimidating with his tuxedo, na para bang kapag titignan ka niya ay parang may mali sa'yo and I hate what I am thinking right now

Konting retouch lang na pinadala ng makeup artist at umihi na rin because of champagnes and wines.

Laking gulat ko ng paglabas ko ay nakita ko si Johansson na nakasandal at nakapamulsa sa hallway. Tumayo s'ya ng nakita n'ya akong lumabas habang ako naman ay mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Nasaan ka kanina?" tanong ko, still curious about that 'man'

Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi pero agad ring nawala

"On our table, bakit?"

So ibigsabihin magka-table sila nung lalaki? Bakit hindi ko nakita si Johansson kung ganoon?

Umiling na lang ako sa tanong n'ya.

Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko na nasa loob na ngayon habang si Johansson naman ay nagpaalam na makikipag-usap muna s'ya sa mga kakilala.

Tumango na lang ako ng nagpaalam s'ya sa akin

"I'll be right back." sabi n'ya at tinalikuran na kami. Kumunot ang noo ko habang tinitignan s'yang paalis, umiling na lang ako sa huli at binalingan na lang ang mga kaibigan ko

"What?" sabi ko ng nakita ko ang mga ngisi nila sa akin

Umiling sila pero hindi natatanggal ang ngisi sa kanilang mga labi kaya lalong kumunot ang noo ko

"Anong meron nung nag-CR ka?" may halong malisya ang tanong ni Maxxine sa akin, siniko ko s'ya. Pasalamat s'ya't bulong lang ang ginawa n'ya kundi baka mas higit pa sa pagsiko ko ang natanggap n'ya

Hindi ko sinagot ang tanong n'ya, hindi na rin kailangan dahil na-divert na ang atensyon n'ya sa mga kwento ni Nick tungkol sa ka-text n'ya.

Habang nag-kukwentuhan kami tungkol sa gustong nilang gawin bago kami gumraduate ay nahagip ng mata ko si Johansson na kausap ang babaeng staff, nanliit ang mata ko para makita kung anong hawak nung babae na mukhang ibibigay n'ya kay Johansson.

Iyon ang maskara ng 'misteryosong lalaki', kinuha ito ni Johansson at laking gulat ko ng sinuot n'ya iyon at dumiretso sa mga grupo ng mga nakamaskara rin na sa tingin ko ay mga bachelors.

Hilaw na ngiti na lang ang nabibigay ko sa mga jokes ni Maxxine at Nick, hindi parin maproseso ng utak ko na si Zeeyan Johansson ang misteryosong lalaki. He's watching me the whole event and I'm too blind to see that it was him!

The way he looked at me is still mysterious to me, I know the look of boys who have interests on a girl and want to hit on her and that's the look I saw on Johansson awhile ago.

Alas onse ng umuwi na kami dahil may trabaho pa sila Daddy at may pasok pa ako bukas habang si Ate naman ay hapon papasok dahil wala daw ang mga professors n'ya sa umaga.

Nakaligo at nakapag bihis na ako ng pajamas, dumiretso na agad ako sa kama at ready nang matulog.

Kinuha ko ang phone ko dahil sinabi ni Maxxine na may sasabihin s'ya sa akin pero hindi pangalan ni Maxxine ang nakita ko sa screen ko kundi ay ang kay Johansson.

Zeeyan Johansson:

Are you at home?

Umayos ako sa pagkakahiga na para bang nakikita n'ya ako ngayon, mabilis akong nagtipa ng reply

Ako:

Yup. :)

Nilagay ko ang phone ko sa aking dibdib at pumikit. Dammit, lahat ng pagod ko sa party ay nawala.

Continue Reading

You'll Also Like

20.3K 776 56
Chiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel...
3.1K 576 36
Afraid of being hurt, afraid of being abandoned and afraid of being unlove. Yan Ang nakatatak sa isipan ni Glace. But what if ikaw yung nanakit? ikaw...
59.9K 2.1K 59
Brex Louie Ortegas is the most rude, harsh and foul-mouthed, U-Prince Ambassador from the faculty of Fine arts, who always rejected the love confessi...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...