Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 33

1.5M 40.1K 16.3K
By jonaxx

Kabanata 33

Insecurities

Unang araw ng second sem, late ako.

Walang tumunog na alarm para iremind sakin kung anong oras dapat akong nagigising. Walang nag oorganize ng schedule ko. Mali-mali ang mga klaseng napasukan ko. Ni hindi ako nakapaglunch kasi walang nagparemind sakin.

"Anong kahibangan 'to, Coreen?" Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko matanggap na alas dos na at saka pa ako mag lu-lunch. Ni hindi ko alam kung kailan dapat tumigil sa kakatalak sa mga kaklase para lang kumain.

Lagi kong nichi-check ang cellphone ko para lang tignan kung may alarm ba kahit alam kong wala.

Ilang linggo na ang nakalipas at ganoon parin ang gawain ko. Mabuti sana kung araw-araw akong niyaya ni Noah mag lunch kaya lang, once a week niya lang ginagawa iyon. Masyado siyang busy. Syempre, second year na siya at mukhang may Field Study na sila. Busy din siya sa pagbabanda.

Isang araw ay pumasok ako sa isang major subject.

Tumunganga lang ako habang hinihintay ang professor namin nang may biglang kumalabit sakin.

"Coreen." Aniya.

Nilingon ko ang isang pamilyar na boses at nakita kong si Wade iyon.

"Ano?" Tanong ko.

Lumingon-lingon siya saka ako kinausap. "Kamusta na si Reina? H-Hindi pa ba siya babalik?"

Napaupo ako ng maayos sa tanong niya. Napaawang ang bibig ko. Marami akong gustong sabihin pero walang lumabas na sagot.

"A-Ano? Coreen, babalik ba siya? Kelan? Mag iisang buwan na, ah?"

Napalunok ako.

"Sorry, Wade... Hindi eh. Nag aaral siya sa-"

"Wala na siyang facebook account. Anong na ang nangyari sa kanya?"

"N-Nag aaral siya sa ibang bansa. Baka matagal pa ang balik niya-"

"Hindi ba siya uuwi ng pasko?"

"Baka sa France na magpasko ang pamilya niya." Napangiwi ako sa sagot ko.

Hinampas niya ang upuan niya. Pinagtinginan kami ng mga kaklase namin. Umiling siya at biglaang nag walk out.

Sa taranta ko ay agad kong nitext si Noah.

Ako:

Noah, tinanong ako ni Wade tungkol kay Reina. Bigla siyang nagwalk out nung sinabi kong matagal pa ang uwi ni Reina.

Agad naman nagreply si Noah.

Noah:

Okay. Salamat. Baka maglasing na naman iyon.

True enough, pagkatapos ng klase ay sumama ako kina Noah sa isang malapit na bar. Umiinom na naman siya ng walang tigil. Umupo si Warren sa harapan niya. Nang nakita niya si Warren ay tumawa ito.

"Hayaan niyo na lang muna ako, please." Linya ni Wade.

"Pare, si Reina ang umalis. Hindi pwedeng ikaw ang nawalan." Ani Warren.

"AKO ANG NAWALAN! OKAY?" Biglaang sigaw ni Wade.

Sigaw na nakapagpaalala sakin kay Rozen. Kinurot agad ang puso ko.

"Wade, tama na-"

"Hayaan niyo ako! Ayoko na!" Sigaw niya.

"Wade!" Buo ang boses ni Noah nang tinawag niya si Wade.

Napatingin si Wade kay Noah.

"Hayaan mo na ang kapatid ko. Nag aaral siya para sa kanyang sarili. Don't be selfish! Kung iniwan mo ang Alegria para mag aral, siya din, iniwan niya-"

"AKO? GANUN BA?"

"Iniwan niya tayo!" Pagtatama ni Noah. "Sometimes you have to sacrifice for the people you love, Wade. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ipagpipilitan mo ang pagmamahal mo sa kanya. Maghintay ka."

"Kelan pa? Bukas? Sa susunod na taon? Paano kung makahanap siya ng iba?"

Natahimik si Noah sa sinabi ni Wade.

"Noah! Alam kong mahirap ako at mayaman kayo kaya ayaw na ayaw niyo sakin. Pero mahal na mahal ko si Reina! At hindi ko alam kung paano magsisimula ngayong wala siya."

"Oh come on, Wade!" Sabi ni Warren.

"Wade, babalik din si Reina." I assured him.

"Babalik siya, oo. Pero paano kung bumalik na may kasama? Anong laban ko?"

Natahimik kaming lahat.

"You're crazy, man." Sabi ni Noah.

"I am crazy for your sister."

"Ma fo-fall out ka rin." Sabi ko.

Napatingin si Wade sakin. Tumawa siya. At nang nakita ko ang pula niyang mga mata, tumindig ang balahibo ko. Wala akong ibang maisip kundi ang mga mata ni Rozen.

"SANA NGA, COREEN! Damn! I wish!" Pinaglaruan niya ang bote bago tumikhim at lumingon samin. "You know what, I quit."

Walang nagsalita.

"I quit everything! I quit the band. I quit Reina. I quit this love. I quit!"

"Wade, wa'g kang ganyan." Sabi ni Joey.

"Di, totoo. Ayoko na."

"Paano yung upcoming album natin?" Tumaas ang tono ng boses ni Warren.

Nakita kong kumuyom ang panga ni Noah at nanigas ang kanyang braso.

"Sorry, pero ayoko na." Aniya.

"I thought this is your passion?" Mas tumaas ang boses ni Noah.

"Oo. Pero ayoko na-"

Biglang sinuntok ni Noah si Wade. Humandusay si Wade sa sahig kasama ang mga bote ng beer.

Sa sobrang gulat ko, wala akong nagawa kundi ngumanga at panoorin si Warren at Joey na umaawat kay Noah.

"Gago ka! Then, you are not passionate enough! Umalis ka! You don't deserve Reina!" Nag walk out si Noah kaya sinundan ko siya.

Malulutong na mura ang inabot ng kanyang sasakyan. Panay ang sipa niya sa gulong ng kanyang kotse.

"Gagong Wade!" Aniya. "Kung gusto niyang magpakamatay, wa'g niya kaming idamay!"

"Noah..." Pinipiga ang puso ko.

Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin ko para lang medyo gumaan ang pakiramdam niya. Unti-unti kong napagtanto na mukhang wala akong maaring sabihin para lang lumubag ang loob niya. This is his passion. Buong buhay niya, ito ang inatupag niya. At ang malaman na hindi na matutuloy ang vocalist nila, nawasak ang kanyang mga pangarap.

"I'm sorry." Sabi ko.

Nilingon  niya ako.

Punong-puno ng panghihinayang ang kanyang titig.

"Ipangako mo sakin, Coreen. Wa'g na wa'g mong babanggitin kay Reina ang lahat ng mangyayari kay Wade simula ngayon."

Tinitigan ko lang siya.

"Ayokong umuwi siya dito para lang kay Wade. Gusto ko magtagumpay siya doon. Kailangan magbunga ang sakripisyo nilang dalawa."

Tumango ako.

"Pwede ko bang sabihin na nadisband ang banda niyo? Na kumalas si Wade?"

Umiling siya.

"Noah... Ang alam ni Reina ay magre-release kayo ng album this December. Malalaman niya rin iyon kay Liam na hindi kayo natuloy." Sabi ko.

Suminghap siya saka tumango, "Okay. Pero convince her to stay there, Coreen. Wa'g na wa'g mong hahayaang magdesisyon siya na bumalik dito."

Nasaksihan ko kung paano nag move on si Wade. Sana ay kaya ko rin iyon. Halos perfect lahat ng exams niya, tahimik na siya at hindi na nakikipag usap sa ibang babae.

Ako na. Ako na ang matanglawin na umaaligid sa kanya para lang makiusyuso kung may iba siyang kinahuhumalingan. Marami din akong nakitang mga magaganda (mas maganda pa kay Reina, yes) na nagpapatulong di umano sa kanya sa mga assignments o nagiging grupo niya, pero ni isa sa kanila, wala siyang nitratong espesyal.

At para kay Noah naman, nagsisimula siya ng panibagong banda. Ilang ulit siyang nagpa audition at walang ni isang pumasa. Syempre, ikaw ba naman ang papalit kay Wade Rivas, tignan natin kung kaya mong pantayan iyon.

"Noah, tama na muna to para ngayon. Pagod na kayo." Deklara ko sa kanila.

Hinawakan niya ang kanyang ulo saka tinitigan ako.

"Thanks, Coreen." Aniya saka tumayo.

Ngumisi ako.

"Tama ka. Ihatid na kita sa inyo."

Uminit ang pisngi ko, "Naku! Wa'g na. Susunduin naman ako."

"No. Hayaan mo akong ihatid ka." Aniya.

Hindi na ako nakipagtalo. Nagpahatid na ako kay Noah. Sa sasakyan niya ay wala akong inatupag kundi ang tignan ang hand outs ko para sa nalalapit na midterms.

"Alam kong kung nandito si Rozen, araw-araw, walang mintis ka niyang ihahatid. Ida-drop niya ang subjects niyang conflict sayo para lang magkatime siya."

Tumunganga ako sa handouts ko. Hindi ko magawang tignan si Noah. Nanghina ako nang narinig ulit ang pangalan ni Rozen galing sa kanya.

"I know, Coreen. I know my brother."

Parang labadang pinipiga ang bawat piraso ng puso ko. Ang sakit sakit. Ang marinig iyon sa taong malapit sa kanya? Sobrang nakakasakit!

"Sorry. Di ko lang maiwasan." Sumulyap siya sakin.

Niligpit ko ang hand outs kong kanina ko pa ina arrange.

"Buti di mo ako sinagot. Di ako deserving sayo. Ang dami kong iniisip sa banda at sa school. Minsan nga lang kita nahahatid." Tumawa siya.

Ngumisi ako, "Hindi mo naman ako niligawan ah?"

Nanlaki ang mga mata niya at nilingon ulit ako.

Mabuti na lang at traffic kaya okay lang ang pasulyap-sulyap niya sakin.

"I told you I love you, Coreen. Hindi pa ba sapat na pahiwatig iyon?" Ngumisi siya.

Tumawa ako at di nagsalita.

"Flirt!" Aniya.

Kinurot ko ang braso niya.

"Heh! Totoo naman ah!" Sabi ko.

"Bakit? kung niligawan ba kita, sasagutin mo ba ako?"

"Hindi! Kasi suplado ka!" Biro ko.

"Hindi kasi iyong kapatid ko ang mahal mo!" Umiling siya.

Napawi ang ngisi ko.

"Ayan! Napatigil kita sa pag lalandi mo." Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko.

"Tumigil ka nga, Noah!" Saway ko.

Natahimik kaming dalawa hanggang sa umandar ulit ang sasakyan niya.

"Anong gagawin mo pag nakabalik na si Rozen?"

Honestly, na o-awkward na ang topic namin ni Noah. Ayokong sagutin.

"Coreen!" Aniya.

"Noah, bukod sakin, wala ka na bang ibang minahal?" Tanong ko.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita.

"Winawala mo ang usapan. Ang tanong ko, Coreen, ay kung bumalik si Rozen, anong gagawin mo?"

Ngumuso ako. Alam kong di niya sasagutin ang tanong ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Hindi mo alam? Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo."

Nilingon ko siya pero di ako nagsalita.

"Kasi kung di mo sasabihin, liligawan talaga kita kahit alam kong basted ako. At di kita titigilan." Tumawa siya.

Ngumisi din ako pero parang hinahampas ng dos por dos ang puso ko. I'm sorry, Noah.

"P-Paano kung siya ang na fall out? Paano kung may iba na siyang mahal? Ayaw niya na sakin?" Finally, nasabi ko na ang insecurities kong sobrang hawig kay Wade.

"Try Rozen Elizalde, Coreen."

Tumikhim ako.

"Kung ayaw niya, edi ako ang sasalo sayo." Lumingon siya at kumindat.

Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o namemersonal.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...