Kabanata 52

1.8M 43.1K 21.6K
                                    

Kabanata 52

Tease

Napanood ko ang paghalik ni Liam kay Reina sa noo. I heard they're an item. O baka naman pinapaniwala lang ako ni Rozen nun? Nakita ko kasi ang nagulat na reaksyon ni Reina sa ginawa ni Liam.

"Reina, bakit ka andito? Diba sa susunod na linggo ka pa babalik?" Tanong ni Liam.

Hindi niya alam? Sabagay, ang sabi ni Tita, ayaw daw ni Reina na malaman ng lahat na babalik na siya nang sa ganun ay hindi siya paghandaan ng party. Well, hindi parin maiiwasan iyon. Malalaman at malalaman parin iyan ng buong pamilya niya.

Kung ganun... kung may something si Reina at Liam, bakit di alam ni Liam na babalik si Reina ngayon?

"Wade, classmate kayo noon ni Reina diba? So magkakilala na kayo?" Tanong ni Liam.

Pinalibutan na kasi agad naming lahat si Reina. Well, except for Wade. Nandoon lang siya sa likod namin. Madilim ang titig ni Wade. Para bang nababalot siya ng pagkamuhi. Tumindig ang balahibo ko. Nakita ko sa ekspresyon ni Reina ang pagkakaasiwa dahil sa matinding titig ni Wade.

"Kilalang kilala." Ngumisi si Wade.

Kinagat ko ang labi ko. Kilalang kilala nga. Kumunot ang noo ni Liam at pinagmasdang mabuti si Reina. Nagkatinginan naman kami ni Noah at nagtanguan na lang.

Marami pa silang pinag usapan. Ang hindi ko lang matanggal sa utak ko ay ang pagiging tuliro ni Reina at ang weird na paninitig ni Wade sa kanya. Sexual harrassment na ata ang ginagawa ni Wade, tumitindig na ang balahibo ko sa kakatitig niya kay Reina kaya nang nagkataon ako ay hinila ko na siya papunta doon kina Megan.

"Kung hindi ka lang masyadong primitive, sana nalaman mo na nung papasikat pa lang sila. Visit din ng youtube pag may time at gumawa rin ng Facebook pag may time? Measuring tape lang yata ang laging kaharap mo sa France!" Umirap ako.

Nag rereklamo kasi siya kung bakit hindi ko sinabing sikat si Wade. Kasalanan ko ba iyon? Siya itong nag refuse na malaman ang totoo. Totoong pinagkait ko sa kanyang ang katotohanan, pero kung gusto niya talagang malaman kung ano na ang nangyayari, gagawa siya ng paraan, hindi yung aasa lang siya sa akin.

"K-Kailan lang sila sumikat?"

"Obviously, matagal ng sikat ang Going South kaso nag retire ang vocalist dahil inatupag yung pamilya niya 3 years ago at nabigla na lang akong bokalista na nila si Wade. Mas lalo silang sumikat. You know? I've been to their concert? Mga dalawang ulit siguro. Laging hysterical ang mga fans! May nahihimatay. At siguro tignan mo rin yung internet, baka makita mo kung gaano ka sikat yung apat na yan at lalo na si Wade."

"Nasalubong ko ang billboard niya papunta dito. It's obvious na sikat siya."

Wala akong ginawa kundi ang tumili na lang kasama sina Megan.

"Iyan si Zac, yung may hawak ng gitara, tapos yung isang inaayos ang gitara ay si Austin, Tapos yung drummer nila, bago rin yan, si Adam, tapos siyempre yung vocalist si Wade." Sabi ko nang nakitang nakatunganga si Reina, halatang out of place sa mga kaganapan.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon