Stuck With Each Other [KathNi...

By morenangbabaita

54.9K 606 152

Iba't ibang kwento about love. Isang barkada magpapakita kung paano sila dinala ng destiny sa taong para sa k... More

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]
Chapter 1: Sampalin
Chapter 2: Pranks
Chapter 3: Say Whutt?
Chapter 4: Art School
Chapter 5: 2nd Time Around
Chapter 6: The Reason
Chapter 7: Flashbacks
Chapter 8: Famous Four
Chapter 9: She's The Girl
Chapter 10: Wedding Party
Chapter 11: I'll Be Yours Just For Today
Chapter 12: Bernardo-Padilla Wedding
Chapter 13: Trip to Macau
Chapter 14: Honeymoon
Charter 15: Si Wifey and Hubby
Chapter 16: Mistaken
Chapter 17: Lovers in Lane
Chapter 18: One's side
Chapter 19: Happy Birthday Hubby!
Chapter 20: Selos Overload
Chapter 21: Mysterious Girl
Chapter 22: Partners
Chapter 23: Why not DJ?
Chapter 25: Woman In Black
Chapter 26: Zharm Arriola
Chapter 27: Childhood Sweetheart
Chapter 28: Friends
Chapter 29: Mahal Ko Siya
Charger 30: My Only Hope

Chapter 24: Pagbabago

35 2 0
By morenangbabaita

DANIEL

Alas-singo palang ng umaga gising na ako. Nakasanayan ko na gumising ng maaga para makapagexercise bago simulan ang araw ko. Dito lang naman ako sa room ko nageexercise, konting stretching lang at treadmill na andito rin nakapwesto sa kwarto ko. Ito talaga ang hindi mawawala dito. Isang oras din ako nagexercise pagkatapos pahinga lang saglit bago maligo. Pagkatapos ko maligo at magayos ng sarili tska palang ako lumalabas sa akin kwarto.

Pagkalabas ko, agad ako napatingin sa kwarto ni Kath. Kamusta na kaya yun? Nainis lang talaga ako dahil sensitive talaga ako pagdating sa pagtawag sa akin ng DJ. Naalala ko lang kasi yung nanay ko. Hindi ko naman intensyon na iwan siya sa labas ng bahay at paglockan siya ng pinto. Agad ko din naman ito binuksan pero hindi ko na alam kung ano oras na siya pumasok dahil nagkulong na ko sa aking kwarto. Napansin ko nalang ang sarili ko sa tapat ng kwarto niya, handa na kumatok pero hindi ko ginawa. Napa-iling nalang ako sa akin sarili. Bumaba na ko at nagprepare ng breakfast namin. Nang okay na ang lahat at pakain na ko, nagulat ako dahil bigla bumukas ang pinto namin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kath ang papasok. Basang-basa siya at mukhang lantang gulay. Matamlay siya naglakad papuntang living room tska binagsak ang sarili sa couch. Napakusot ang aking kilay at nilapitan siya.

"Ano pinaggagawa mo at naging ganyan itsura mo?" Hindi niya ako pinansin. Nakapikit lang siya sa harap ko. Bahagya ko sinipa yung sofa. "Oy! Anong oras ka ba pumasok?"

Himala din kasi maaga siya nagising at nang galing siya sa labas. Hindi kaya hindi pa ito pumapasok simula kagabi? Eh bumuhos ang malakas ang ulan kaninang umaga ha!

"Oy!" Inalog ko siya. Nang mahawakan ko ang kanyang braso ramdam ko ang init sa kanyang katawan. Dahil sa gulat at takot ko napaluhod ako at hinawakan ko ang kanyang leeg at ulo. "Kath! Ang init mo!"

Dun ko lang napansin na nanginginig pala si Kath sa lamig. Wtf. Ano nanaman ba kalokohan niya at hindi siya pumasok sa loob ng bahay?

Agad ako tumayo para maglagay ng basang towel na pwede ko ipangpunas sa kanya. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako bumalik sa kanya na may dalang tabo na nilalaman na maligamgam na tubig at maliit na towel na nakalublob dito. Piniga ko muna ang towel bago ko ipunas sa kanyang mukha. Punas lang ako ng punas sa kanya at nakabantay lang sa kanya hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na ko sa gilid niya.

ARIA

"Si Kath daw may sakit?" Bungad ko kela Julia at EJ. Parehas sila gulat ang expresyon. Kakatapos lang ng session namin at usapan namin magkita kita sa bench dito sa lovers lane ng school para sabay sabay kami umuwi.

"Kaya pala hindi siya pumasok?" Ani EJ

"Paano mo nalaman?" Duktong ni Julia

"Huh? Ah..." Aniko. Nagiisip ng sasabihin. "N-Nakasalubong ko si Khalil tapos sinabi niya."

Napakagat ako ng aking labi. Hindi naman niya sinabi. Sa kanya ko nalaman pero sa ibang pamamaraan. Hindi niya direktang sinabi sa akin.

"Punta nga daw siya eh. Tara dalawin din natin?" Duktong ko pa.

"Hindi ba tayo makamadistorbo kung dadalawin natin siya? Hindi pa ganun kagaling si Kath baka mahawa tayo sa kanya." Ani Julia. Napairap nalang ako sa kawalan. Hindi ako makakatanggap ng kahit anong rason para hindi kami makapunta. Kung pupuntahan ni Khalil si Kath kailangan ko din siya puntahan!

"May sakit yung kaibigan natin. Kailangan natin siya dalawin!"

"Sige." Ani EJ. "Pero magpaalam muna tayo kay Daniel baka hindi pa pwede sa pagdalaw si Kath."

Napahalukipkip nalang ako. Si Khalil nga pupunta na doon eh, bakit kami kailangan pa ng confirmation? Gusto ko sana sabihan yan sa kanila pero nanahimik nalang ako. Hinayaan ko nalang sila. Kung hindi naman pwede, hindi rin naman papayagan ni Daniel papuntahin si Khalil dba? Mas safe kung ganun!

Tinawagan ni EJ si Daniel. Mga minuto pa ang tinagal ng usapan nila bago kami balikan ni Julia.

"Pwede naman daw." Aniya. Napangiti naman ako. "Mejo bumaba na rin naman daw yung lagnat ni Kath simula kaninang umaga. Papunta na daw dun sila Khalik at Diego kaya punta na rin daw tayo."

"Oh ayun naman pala!" Napapalo ako ng aking mga kamay. "Ano pa hinihintay natin? Tara na!"

Hinila ko na sila. Baka maaga makapunta si Khalil dun at may makaligtaan ako pangyayari. Hindi ako makakapagpayag! Habang naglalakad kami palabas bigla namin nakita si kuya Neil na mukhang nagmamadali maglakad papuntang parking lot. Agad siya tinawag ni Julia kaya napalingon siya sa amin.

"Si Kath may sakit ha?" Bungad niya sa amin. Sabay sabay naman kami tumango sa kanya.

"Pupuntahan nga namin siya eh." Ani Julia

"Pupunta din ako dun. Tara sabay sabay na tayo. Dala ko yung kotse." Pumayag na kami sa alok ni kuya Neil. Bago pa kami tuluyan umalis may pahabol pa si EJ.

"Kuya! Ano yang suot mo?"

DANIEL

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Hindi ko namalayan kung ano oras na. Ang alam ko hindi na ko nakapasok. Nagising nalang ako nang bigla ko narinig tumunog ang aking phone. Umupo na ko ng tuwid tska kinuha ang aking phone sa aking bulsa tska ito sinagot.

"Yo!"

[Yo bro! Bakit wala ka pa? Himala ata late ka! May nangyari ba? Papasok ka pa ba?]

Napatingin ako sa akin wristwatch. Maghihigit isang oras na din ako late. Napatingin ako kay Kath na mahimbing parin natutulog. Tutal parehas lang namin ng grupo, siguro okay lang kahit hindi na kami pumasok. Wala rin naman saysay kung papasok ako kasi wala yung photographer ko.

"Hindi ako makakapasok, bro." Napatigil ako saglit. "Si Kath kasi nagkasakit. Alagaan ko nalang muna."

[Huh? Ano nangyari sa kanya? Puntahan ko siya!]

"Wag na! Andyan ka na sa school eh. Siguro mamaya nalang pagkatapos ng session ninyo. Kaya ko pa naman siya alagaan eh." Kahit ayoko talaga siya papuntahin pero mukha wala naman ako magagawa. Hindi na rin naman siya magpapapigil.

[Sure ka bro?]

Malamang. Asawa ko kaya ito! Napa-iling ako sa akin naisip at napabuktong hininga nalang.

"Oo Khalil. Kailangan din ni Kath magpahinga kaya mamaya ka nalang dumalaw."

[Osge bro. Pagkatapos ng session namin punta na ko agad dyan.]

"Sige." Nagpaalam na kami sa isa't isa tska ko binaba ang tawag. Napabuktong hininga nanaman ako habang nakatitig kay Kath.

Ano na ba ito nangyayari sa akin? Ang plano dapat ay hayaan ko sila mapalapit ni Khalil para ito maging rason ng hiwalay namin pero bakit ngayon parang ayoko na magkasama silang dalawa?

Narinig ko ang pag-ubo ni Kath kaya bigla ako napabalin sa kanya. Pinawalang bahala ko nalang muna ang aking iniisip at inasikaso na ulet siya. Naglagay ako ng panibagong maligamgam na tubig para pampunas sa kanya. Una ko pinunasan ang kanyang noo hanggang sa buong mukha niya. Habang pinupunasan ko siya sa mukha hindi ko mapigilan mapatitig sa kanya. Ito nanaman ako, huli ko makita yung mukha niya ganito kalapitan ay nung nakatulog siya sa balikat ko. Makinis talaga ang kutis niya halatang naalagaan. Walang pimples o kung ano pa ang tinatawag nila na kung ano sa mukha. Yung kilay niya maganda ang guhit at mejo makapal. Yung eyelashes niya na mahaba. Yung ilong niya matangos at ang labi perpekto ang anggulo na mamula mula pa. Parang ang perpekto na ng mukha niya. Ito nanaman ako, nagagandahan sa kanya. Nilipat ko ang aking pagpupunas sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Napalunok ako. Bakit parang bigla ako naiinitan ako? Nakakainis naman yung ganitong pakiramdam! Pinunasan ko nalang ang kanyang braso at kamay. Mabilisan na punas sa kanyang legs. Makikinis ito at maputi. Ayoko na magtagal dun dahil nagiging iba lang ang pakiramdam ko. Huli ko na pinunasan ang kanyang paa. Nilabhan ko muna yung towel sa maligamgam sa tubig bago ko ito ilagay sa kanyang noo.

Tinignan ko yung wall clock namin dito sa sala. 10:30 palang ng umaga. Mejo mahaba haba na rin ang tulog ni Kath simula kanina. Sana paggising niya gumaan na ang kanyang pakiramdam. Inaliw ko nalang muna ang aking sarili. Nakaupo lang ako sa tapat niya at naglaro lang sa aking phone. Nang maboring na ko sa akin nilalaro, naisipan ko makinig nalang ng kanta. Napapakanta nalang ako kasabay ng tumutugtog sa akin phone. Paminsan minsan nagiimagine na nagdrudrums kapag tumatapat sa rock music.

Nang tumungtong na ang tanghali. Nagasikaso na ko ng aking pang lunch. Minadali ko ang pagkain ng aking tanghalian dahil inasikaso ko pa ang pagluluto ng sopas para kay Kath. Hindi ko pa alam kung paano ko siya gigisingin. Natatakot kasi ako baka magwala siya at mairita dahil dinistorbo ko siya pero dahil sa kailangan niya talaga kumain para maka-inom ng gamot pinilit ko siya gisingin.

"Kath?" Bahagya ko siya inalog. Gumalaw siya. Dinilat niya ang isa niyang mata at nang makita ako ay napasimangot siya bigla at pumikit ulet.

What was that? Epekto ba ito dahil masama ang pakiramdam niya?

"Kath?" Sinubukan ko ulet siya gisingin pero imbis na pansinin niya ako, tinalikuran niya ako. Napatuwid ako ng tayo at napakamot ng ulo. Ano nanaman ba pakulo ito?

"Kath! Ayaw mo ba kumain?" Tanong ko. Nakita ko napailing ang kanyang ulo kahit na ba nakatalikod siya sa akin. "Kailangan mo kumain. Iinom ka pa ng gamot mo!"

Hindi na siya umimik. Ilang beses ko pa siya pinilit na bumangon pero hindi na niya ako pinapansin kaya nakaisip ako ng paraan. Tinigilan ko na ang pangungulit ko sa kanya. Sinabi ko aalis na ko at hahayaan nalang ang pagkain sa may center table. Tumikhim ako. Pinapakita sa kanya na wala na ko kahit ang totoo nakatayo lang ako sa may gilid ng sofa. Nang magtagumpay ako sa balak ko, bumangon na si Kath at bigla naman ako umupo sa kanyang tabi. Nagulat siya nang makita andun papala ako pero agad din hindi kumibo.

"Kath, kailangan mo na kumain ng tanghalian dahil iinom ka pa ng gamot." Kinuha ko ang bowl sa center table at sinusubukan siyang subuan pero ayaw niya ibuka ang kanyang bibig. "Lumamig na din yung pagkain mo."

Hindi parin siya umiimik. Napasulyap lang siya saglit sa soup na hawak ko bago ideretso ang tingin at hindi na bumalik pa sa akin.

"Ano ba nangyayari sayo Kath? Bakit ka nagkakaganyan?" Pagtataka ko. Kanina ko pa napapansin na iwas siya sa akin. Hindi ko alam kung epekto ba ito sa sakit niya o galit siya sa akin.

"Galit ka ba?" Nagkipit balikat lamang siya. "Nagalit ka ba sa nagawa ko?" Nagkipit balikat ulet siya at seryoso lang ang mukha.

"Look," Nilapag ko ulet yung soup sa may center table. "Alam ko may nagawa ako mali. Hindi ko naman sinasadya na pagsaraduhan ka ng pinto eh. I swear, ilang minuto lang ang lumipas nang buksan ko ulet ang lock nito. Akala ko pumasok ka na, hindi ko alam na nagstay ka papala sa labas at hinayaan ang sarili lamigin sa buhos ng ulan."

Hindi parin siya umiimik. Kahit paglingon niya sa akin hindi niya magawa. Parang ba wala siyang naririnig o hindi naman kaya wala ako dito sa tabi niya. Napabuktong hininga nalang ako.

"I'm sorry," Natigilan ako nang bigla siya lumingon sa akin. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang sa akin at para bang pinagmamasdan kung seryoso ako. Napabuktong hininga nalang ulet. "I'm really sorry. I didn't mean to hurt you that way. Nadala lang ako sa inis ko dahil sa family dinner na iyon."

"I understand." Tumango lang siya sa akin. Napataas naman ang isa kong kilay. Ganun nalang yun?

"Hindi ka na galit?"

"Nope."

"Weh? Bakit ang tipid mo parin sumagot?"

"Ano ba gusto mo, ang sumagot ako o manahimik nalang ulet ako?"

"Sunget naman." Kinuha ko ulet ang soup sa center table at hinalo ito. Handa na sibuan siya pero nang tinapat ko na yung kutsara sa bibig niya, tinignan lang niya ito.

"Ganun nalang ba kadali sayo ang lahat?" Bigla niya tanong. Napahinto ako sa pagsubo sa kanya.

"Huh?"

"Sa tingin mo ba, magiging okay ang lahat nang dahil lang sa sorry?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sagot na hindi niya ikakagalit. "Swerte mo dahil mababaw lang akong tao. Isang sorry lang okay na. Minsan pa nga kahit walang sorry. Kapag hindi ko matiis yung tao babatiin ko nalang agad."

"Ano ba gusto mo iparating?" Panghihinayang ko. Totoo naman yung sorry ko at nagsisi na ko sa nagawa ko kaya nga inaalagaan ko siya ngayon para pangbawi.

"Paano nalang yung mga ibang tao hindi mo napansin na nasaktan mo pala? Kung wala pa nangyari masama sa kanila hindi ka pa hihingi ng sorry?" Magkatinginan lang kami. Hindi ako maka-imik sa sinasabi niya. "Wala naman maidudulot kung patuloy ka makasakit sa kapwa mo eh. If may galit ka, revenge was never an answer. At isa pa, dapat mas lalo mo pinapakita yung pagmamahal mo sa kapwa mo hindi lang sa tuwing may kailangan ka sa kanila o may nagawang kasalanan. Isipin mo, kung ang trato mo sakanila gawin nila pang trato sayo. Ikakatuwa mo ba?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Alam ko hindi lang tungkol sa kanya ang sinasabi niya. Alam ko una palang napapansin na niya ang maling pagtrato ko sa pamilya ko. Pero who's the one to blame? Nang dahil sa kanila kaya hirap ako ng ganito. Pero bakit ko nga ba pinapasa kay Kath ang galit ko sa kanila? Wala naman siya kinalaman dito. Napapahamak pa siya dahil sa pinaggagawa ko. Bumuktong hininga ako.

"I was mad last night because I really hate family dinner." Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Kath dahil sa bigla ko pag-amin. Napayuko nalang ako. Hindi ko kaya magsabi ng tunay ko nararamdaman kapag nakatingin siya sa akin. "Hindi talaga ako nakikipaghalubiro sa pamilya ko. Hindi ko kaya magtagal kasama sila dahil naalala ko lang yung masamang nangyari nung bata pa ako."

"Ano ba nangyari?" Tinignan ko si Kath. This time seryoso na ang mukha ko.

"I was just 7 when my real mom died." Nanlaki ang mga mata ni Kath at nalaglagan ng panga sa gulat. "Wala nakakaalam na hindi ko tunay na mommy si Karla."

"P-Pero paano nangyari yun?"

"I was a kid back then. All I know she's fighting for cancer but she didn't make it too long. Hindi rin nagtagal nang dumating si Karla sa buhay namin. She really wanted to be my mom pero I just can't accept it. Kapag sa ibang tao ka lumaki, sila talaga yung ituturin mong ina na kahit sino pa ang pumalit hindi mo kaya tanggapin."

Hindi nanaman umimik si Kath. Nakakusot ang kanyang mga kilay at bahagya na nakabuka ang kanyang bibig at halata hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"That's why I hate it kapag tinatawag ako na DJ. My mom always call me that. Siya nagpauso na tawagin akong DJ. Dati gustong-gusto ko iyon pero ngayon ayoko na dahil naalala ko lang real mom ko kapag tinatawag ako na ganun."

Natitig lang sa akin si Kath. Malungkot ang mukha. Hindi siya umiimik. Sasabihin ko na sana wag na siya maawa sa akin pero bago ko pa ibuka ang ang aking bibig nagulat ako sa ginawa niya. Bigla siya lumapit sa akin at humiga sa balikat ko. Pinaikot niya ang kanyang braso sa akin.

"I'm sorry I didn't know. Hindi din naman kita pipilitin sabihin sa akin kung ayaw mo. I was just curious. Kung alam ko lang na ganun pala ang rason, hindi ako magtatanong sa simula palang."

"Hmmm... Naalala mo ba yung usapan natin?" Hindi siya umimik. Nagpatuloy nalang ako. "Dba sabi ko partners tayo? Kung may problema tayo sa isa't isa, magsabi tayo. Dapat tayong dalawa ang magtulungan dahil mag-asawa tayo. Kaya sinabi ko na rin sayo ang tungkol dito. You trusted me nung sinabi mo sa akin yung tungkol kay Neil. So I guess, I need to trust you with this one."

Naramdaman ko ang pagtango niya sa akin braso.

"Ang sarap sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan na natin ang isa't-isa ngayon." Aniya

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Masarap din sa pakiramdam na may napagsasabihan ka ng hinanakit mo sa buhay. At feeling ko mas lalo napalapit sa akin si Kath ngayon. Parang mas comfortable na ko makasama siya.

Nakasandal kami sa may sofa at ganun parin ang posisyon niya sa akin. Nagtatawanan na kami at kung ano pa kalokohan ang napaguusapan namin. Nasa gitna kami ng pagsubo ko sa kanya ng kanyang pagkain nang biglang may nagdoorbell. Napakalas na sa akin si Kath habang ako naman ay tumayo para salabungin kung sino man ang pumasok.

"Hi bro!" Malaki ang ngiti ni Khalil. Inabot niya ang prutas na nasa plastik sa akin. "Asan na si Kath?"

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 720 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
203K 8.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...