Chapter 9: She's The Girl

2.1K 28 12
                                    

DANIEL

Hay ito nanaman kami dadagsain nanaman ng mga babae. Hindi naman sa nirereklamo ko yun, ano pa nga ba magagawa namin... Ang popogi namin LALO NA AKO pero seryoso natutuwa naman ako sa kanila kasi dahil sa kanila napapakita talaga nila na hearthrob nga kami LALO NA AKO kaso ang nakakainis lang yung mga tilian nila. Nakakabingi na kaya! Lalo na kapag nasa harapan mo sila akala mo ang layo namin sa isa’t isa at kailangan pa tumili ng pagkalakas lakas. Well sabi nga ni Khalil, ganun naman daw talaga kasi kinikilig lang daw kasi ang mga chix na ito sa amin. Hahaha!

Ito na pala ako papunta na ng school. Badtrip naman! Ba’t kasama pa ako? Kung hindi lang ito required sa school hindi talaga ako aattend. Hindi ko naman ito kailangan.

Ako nga pala nangunguna.. nasa likod ko yung kotse ni Diego at sa likod niya ang kotse ni Khalil. Ganito talaga kami nagsasabay sabay. Pagpasok namin ng gate pinark na namin ang aming mga kotse syempre may sarili kaming parkinggan VIP nga kami dito sa school dba? Hirap talaga maging gwapo!

Pagkapark namin ng kotse lumabas na kami at sabay sabay naglakad papunta sa mga building namin. Nagtataka ba kayo kung ano course namin dito? Malamang kami na ang model. Hindi pwede maging designer pangbakla lang yun!

Pagkalabas nang pagkalabas namin, agad nagsihiyawan ang mga babae, mga excited na makita kami. At nang magsimula kami maglakad, panay ang sunod nila sa amin. Habang naglalakad kami, ang daming tao pinagmamasdan kami. Kaya lagi ako nakashades para hindi nila mapansin na isa-isa ko din sila tinitignan lalo na kapag naririnig ko ang mga bulungan at sigawan nila.

"OMO!!! ANDYAN NA ANG FF!!! YIIEEEE!!!"

"WAAAAHHHHH!! ANG GWAGWAPO NILA MAAHH GAAASSSHH!!"

"OM TO THE G! I'M SO KILIG LIKE YEAAHHH!"

Ningingitian ko nalang ang mga taong nagsasalita tungkol sa amin kahit na ba paulit ulit lang din ang aming mga naririnig. Pero hindi na sila naging laman ng aking attensyon nang sa malayo palang may nakita akong babaeng pamilyar sa akin. Bakit siya andito?

"Kath..." Bulong ko.

"Ano dude?" Sinulyapan ko si Khalil sa akin gilid. Hindi ko inaasahang maririnig niya yun.

"Huh? Ahh.. Wala." Umiling ako sa kanya tska binaling ulet kay Kath na nakatayo lang sa may harap ng building kasama ang iba pang tao. Lahat sila nakatingin sa amin habang ang isang babaeng maliit at maiksi ang buhok lang ang nakikita ko nagsasalita. Kami ba pinaguusapan nila?

Nagulat din ako. Ewan ko ba pero sa lahat ng babaeng nagkakadarapa na tumakbo dito, siya pa na hindi tumatakbo ang nahuli ng mga mata ko. Naglakad ako sa daan kung san makakasalubong ko sila. Alam ko hindi naman magtataka sila Khalil at Diego dahil sinusudan lang naman nila ako. Ngumisi ako habang papalapit sa kanya. May naisip lang ako gawin... Bigla ako huminto sa harap niya nang tuluyan na kami makalapit sa kanila. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Lalo lumaki ang ngisi ko.

"Sino hindi artista ngayon?" Pagmamayabang ko. Naalala ko kasi yung sinabi niya na feeling artista daw ako. Tss. Hindi niya alam sikat ako kung san siya nakatayo ngayon.

This is my territory.

Tinangal ko ang aking shades para makita niya ang mata ko nang aasar. Hindi ko hinayaan magsalita pa. Sinuot ko din agad ang aking salamin tska siya nilampasan sa paglalakad. Hindi pa ko nakakalayo pero natigilan na ako dahil narinig ko siya sumigaw.

"ANONG ARTISTA? IKAW? OY HINDI PORKET NA SIKAT KA DITO SA SCHOOL NA ITO AY ARTISTA KA NA! ANG ISANG ARTISTA AY YUNG MGA LUMALABAS SA TV!"

Nilingon ko siya at nakita bumelat pa siya sa akin. Tss. Too childish.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon