Chapter 7: Flashbacks

2K 27 10
                                    

KATH

"Kathryn Bernardo, will you take Daniel Padilla as your husband, in happiness and with patience and understanding, through conflict and tranquility?"

Bago pa ko sumagot tinignan ko muna yung Pari. Sunod lumingon ako kela papa at mama at huli tinignan ko yung katabi ko. Napalunok ako, kinakabahan.

"Sorry. I can't do this." Umiling ako. Napa-awang naman ang bibig niya. Binitawan ko ang kamay ko na hawak niya atksa tumakbo.

"KATHRYN!" Sigaw ng malakas ni mama pero hindi ko pinansin at patuloy tumatakbo parin palabas ng simbahan.

Sorry ma and pa kung sisirain ko plano ninyo pero I can't do this anymore. Ayoko pang mapakasal..

Tumatakbo lang ako. Hindi ko narealize agad na nasa kalsada na pala ako. Napastop ako bigla. Napalingon ako sa may gilid. Hindi ko namalayan na may kotse pala sasalubong sa akin nang biglang....

"Teka.. Teka.. May mali eh." Inalog ko ang aking ulo. Nagdadaydream kasi kami dito ng barkada. Nagiisip ng paraan kung paano hindi na matuloy yung kasal namin ni Daniel.

"Anong balak mo? Maging runaway bride insan?" Natatawang sabi ni kuya Neil. Inirapan ko lang siya.

"Tapos ano mababangga ka ng kotse?" Napakagat ako ng aking labi dahil sa sinabi ni EJ. Kailangan ba talaga maaksidente ako para lang makaiwas dito?

"Irene ang peg mo girl?" Ngumisi si Julia pero agad din ito nawala nang tinignan namin siya nakakusot ang aming mga kilay. Ano nanaman ba pinagsasabi nito?

"Irene? Sino naman Irene yan?" Iritadong sabi ni kuya Neil. Halatang walang kaalam alam sa pinagsasabi ni Julia.

"Si Irene. Si Toni Gonzaga.." Humalukipkip si Julia sa amin.

"Toni Gonzaga? Paano naman naging si Toni yun?" Tanong ni EJ

"Ano ba kayo! Si Irene yung sa My Amnesia Girl na palabas! Dba siya bida dun?" Napa-iling nalang kami at tumawa sa sagot ni Julia.

"Hay! Isa nanaman yan sa mga kinaadikan mong love story ano?" Tumango tango ako sa sinabi ni kuya Neil, natatawa parin. Ang aking bestfriend na nagiging hopeless romantic dahil ang hilig manuod at magbasa ng mga lovestory!

"Oo naman. Ang ganda kaya nun! Try ninyo panuorin." Nakasmile na sabi ni Julia habang tinataas baba pa niya yung mga kilay niya.

"Sige sa susunod!" Sarkastiko kong sabi. Lalo lumakas ang tawa ko. Nakisabay sa akin sila EJ at kuya Neil sa pagtawa kaya naman nakakuha kami ng simangot at irap kay Julia. Atska lang kami tumigil. Baka kasi magalit pa.

Andito pala kami naglalakad papunta dun sa art school na sinasabi ni EJ. Nagsimula na nga yung klase sabi niya. 3 weeks lang naman daw ito. Free yung tuition kapag summer kung sino yung mga nakapasa magkakaroon ng scholarship sa pasukan. Astig din nitong school na ito. Kung sino naman may ari nito, madiskarte.

Ang pangalan pala ng Art School na ito ay University of Pure Arts. Hmm.. Wala pa din ako alam about this school pero according to EJ ang mga course lang dito ay dalawa. Whether you'll be a designer or modeling. Nagreact nga si insan eh, kasi bakit daw ganun? Kung alam lang daw niya na ganito lang ang course dito edi sana daw hindi nalang siya sumali. Wala siya talent sa pagdedesign plus hindi rin siya marunong magmodel. Masyado daw yun pangbakla! Si Julia naman ok lang. Pangarap din daw kasi niya maging model habang kami naman ni EJ pangarap talaga namin ang pagdedesign. Siguro kung magusto namin dito baka ituloy nalang namin ito. Tutal hindi pa naman din kami nakakapagenroll. Nalaman palang namin na pasok kami sa unibersidad kung san kami nagentrance exam.

"Nga pala, kamusta na pala ang pagiging tutor? Nagsimula na kayo?" Bigla kong tanong. Dahil naging busy kami nito nakaraan na araw dahil may iba't iba kaming lakad, ngayon nalang ulet kami nagkasama sama at makapagcatch up.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Where stories live. Discover now