Hindi Sana ( #1 Grandenas Tri...

By ramosnicole78

34.2K 1K 212

Hindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanta 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 52.1
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Author's note

Kabanata 17

425 18 4
By ramosnicole78

Kabanata 17

Nang makabalik si Jolina ay tulog ako, pakiwari ko kasi napaka bigat ng mata ko at lagi akong pagod. Gumising nalang ako at kinain nung dala dala niya.

"Ma'am, kain po ang kainin niyo, wag po yang mash potato. Mamaya na po yan." Sabi pa nito.

Umiling ako at kumirot nanaman ang ulo ko. Hindi kasi ako masyadong kumakain ng kanin sa bahay. Dalawang subo lang ng kanin at tama na. Ayoko nun, nakakataba.

Kaya ginawa ko nalang kanin ang  mashed potatoes. Nagustuhan ko yung chicken at burger steak nila. Pero yung lumpia at mga iba pa ay hindi ko nagustuhan. Kaya siya nalang din ang kumain.

Sinilip ko ang orasan matapos akong kumain. Mag aala una na pala ng hapon. Uminom narin ako ng gamot at chineck na rin ako ng doctor. Hanggang ngayon ay wala pa si sebastian.

Oo, sebastian na. Hindi na basty. Ayoko kasi na parang close kami. Hindi ngq kami nagkakausap ng maayos e. Isang beses lang, nung hinatid ko siya jung sinabi niyang bibili siya ng barbeque. Nagsinungaling pa. Bibili daw, e siya naman pala may ari nung diner na yun.

"Ma'am, ano pong gusto niyong gawin? Gusto niyo po makinig ng music? O manuod ng tv? O gusto niyo na pong magpahinga?" Tanong saakin ni Jolina habang naglilinis ng kwarto.

"Okay lang ako, uhm. Siguro makikinig nalang ako ng music. Paki kuha naman yung phone ko sa sling bag o, Salamat." Mabait na pakiusap ko.

Pakiramdam ko kasi ang gaan gaan ng loob ko dito sa jolina na to. Siguro dahil lagi siyang masiyahin. Tapos mataba pa. Ang cute. Nakakatuwa. She looks so happy fragile. So sensitive. Na para bang pag tinarayan mo siya ay mawawala na yung mga matatamis na ngiti sa labi niya.

I don't want to be rude. Wala naman ako sa hotel, at hindi naman namin siya trabahador. She doesn't need to be treated professionally. Ayoko soyang sungitan.

Inabot niya saakin ang phone ko nang nakangiti. Ngumiti rin ako pero napawi iyon ng itype ko ang pin ko. 118124.
Agad akong nagpunta sa settings para palitan iyon. Ginawa ko nalang password.

'Z.Verastigue' nalang ang nilagay ko.

Inabot ko na sakanya ang phone ko at sinuksok niya na iyon sa maliit na phone speaker ng ospital. Nakaplay na din don ang mga paborito ko dahil playlist ito.

"Nakaka antok naman po pala yung mga kanta niyo ma'am! Yung iba naman hindi ko maintindihan. Pero nakakaantok parin."reklamo nito habang nakahalandusay sa sofa.

Napangiti nalang ako. "Chinese songs yun, Sige na. Gisingin mo nalang ako kapag oras na ng gamot ko. Thank you. "

Pinikit ko na ang mata ko. Hindi na rin nakasagot si jolina dahil baka nakatulog narin. Huling kanta kasing nagpeplay ay ang cello bass ng photograph.

Gusto ko ngayon ay magtutulog nalang buong araw. Huminga ako ng malalim. Pagkagising ko, Poproblemahin ko nanaman kung saan ako bibili ng pagkain ko. Kung mcdo naman ay, fried chicken lang din naman ang nanduon. Nagsawa nako sa fries at burger kanina. Gusto ko ay bago naman.

Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko ng kakainin ko ay nakatulog na pala ako. Dahan dahan ko nalang minulat ang mga mata ko at derechong tumingin sa orasan. Kaharap ko lang kasi ito. Mag aalas singko na pala. Apat na oras din pala akong tulog pero bitin parin ako. Ano bayan, ganto ba talaga pag may sakit?

Lumingon ako sa sofa kung saan nakahiga duon si jolina. Pero wala na siya ron. Walang kahit sino sa kwarto. Napahinga nalang ako ng malalim at pumikit nalang ulit.

Bumalik na kaya si basty? I mean, Si sebastian?

Nang may bumukas ng pinto ay minulat ko na kaagad ang mata ko.

Si sebastian.

Napalunok nalang ako dahil paki wari ko ay may bara sa lalamunan ko.

"B-bakit ka ba nandito? D-diba sinabi ko sayo umuwi kana!!" hindi ko maiwasang taasan ang boses ko.

Nakakainis.

Kapag wala siya, hinahanap ko.

Kapag nandito siya, pinapaalis ko.

Ano banaman yaaan!!

Hindi siya umimik. Inukutan niya lang ako at pinindot ang phone ko para patayin ang pagtugtog. Sinundan ko lang siya ng tingin na gawin iyon.

"H'wag kang sumigaw, Nandito lang ako sa tabi mo." mahina niyang sabi.

Nakakahiya tuloy. Napakahinhin niya tapos ako puro sigaw. Hindi naman ako ganto ah? Para tuloy hindi kami bagay.

"Iniintindi kita, kasi cargo kita, kasi may sakit ka, kasi kailangan ko. Ayoko pang mapatay ng Kuya mo kapag nakita ka nilang ganito. Kaya please? Makinig ka nalang sakin." umiwas siya nang tingin.

Tumingin siya sa platito na may apples. "Ba't hindi mo to kinain? Nahanginan lang. Sayang." iiling iling itong tinapon ang lamat sa supot, pagkatapos ay tinapon sq katabing bin.

"Diba sinabi ko sayong ayoko? Kapag ayoko, ayoko." nagiwas ako ng tingin at naisipan kong pumikit nalang ulit. Parang napagod na ko sa simpleng pagsasalita.

"Kakagising mo lang, Gusto mo na kaagad matulog ulit?" Malambing na tanong nito habang umuupo sa plastic chair sa tabi ko.

"Pagod ako, pwede ba." sabi ko nalang at tsaka pumikit ulit. "Nasaan pala si Jolina?Umuwi kana, siya nalang magbabantay sakin dito. Mas gusto ko siya, Nagagawa ko lahat ng gusto ko."

"O ede gawin mo rin kahit na anong gusto mo, hindi naman kita pinipilit na matulog o pinagbabawalan na gawin ang gusto mo , Ang sakin lang, Wag ka muna mag gagalaw, kasi masasaktan kalang." sermon nito saakin.

Napairap ako. "At kelan kapa nagkaroon ng pake sa nararamdaman ko?" hindi siya nakasagot.

Tignan mo, nanahimik siya.

"Alam mo sebastian, sana hindi mo nalang ako pinakeelaman e, alam mo yon? Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to. Ayaw na kitang makita, pero heto ka paren. Sulpot ka ng sulpot. Ganyan kaba talaga ha? Lagi mong sinisiksik sarili mo? Ayaw na nga sayo ng tao e...

..Ganyan mo ba nakuha yang ezra mo? Pinagsisiksikan mo ang sarili mo para lang magkasya sa puso niya ha? Alam mo, kung ganon. Hindi ka mahal niyan. Naawa lang yan sayo. Kaya pwede ba--..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon ng muka niya. Ng mata niya. Ng kilay niya. Malungkot.

Tsaka ko lang na realize na ang sakit pala ng mga sinabi ko. Nakakaguilty.

Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga."Sabi ko kasi sayo, Umalis kana. Baka kung ano pang masabi ko sayo na hindi mo magustuhan." tumagilid na ako ng pwesto para hindi ko na siya makita.

Kumirot ang ulo ko pero hindi na gano, Nakainom na kasi ako ng gamot.

Pasimple kong pinunasan ang tumulong luha .Iniwasan kong suminghot dahil baka ikutin niya nanaman ako. Tinakluban ko ng kumot ang katawan ko. Pati muka ko. Yung nakabendang ulo ko nalang ang nakalabas.

"Sige na, uuwi na ko. Kung yun ang gusto mo, kung yun ang makakapagpagaling sayo. I'm sorry, hindi ko sinasadya. Kung gusto mong kumain, Dinalhan kita ng barbeque jan. Alam mo zam, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Ako rin, Hindi ko matignan ng derecho ang kuya mo. Parehas kaming nagsisinungaling ni potrocio, dahil alam niya rin to. Sorry, kung sinabi ko...

..pero kasi ang hirap na nasakin lang to. Sana maintindihan mo zam. Hindi ko din to ginusto. Dahil alam ko kapag nalaman ng papa mo na kagagawan ko to. Sigurado kong nanganganib na buhay ko ngayon. Ayaw niya sakin, maging kaibigan pa nga lang ng kuya mo ayaw niya na, paano pa kaya pag nalaman niyang hinawakan kita.. At..hinalikan.. "

Nanigas ako sa pagkakatagilid ko. Tuloy tuloy na tumulo ang luha sa mata ko. Hearing those words from him, parang kinukurot puso ko. Alam ko, ngayon ay nanganganib na buhay niya, at pati si potrocio nadamay pa. At pati ang inosentwng girlfriend niya ay baka matanggalan pa ng trabaho.

Kasalanan ko to. This is all my fault. Kung sana ay hindi ko hinayaan na buksan ang window ko ay hindi niya nalaman na nandoon ako.

Katihimikan ang bumalot saamin. Nararamdaman kong nasa tabi ko pa siya. Makailang saglit lang ay narinig ko siyang tumayo pero hindi siya lumabas. Nagsalita siya pero hindi ako ang kausap niya.

"Yes...Gising.. Okay naman daw.. Sige brad.. Ganon parin..Galit parin.. I'm sorry.. Okay, hihintayin kita dito..bye."

Malakas ang kutob ko na si Potrocio iyon.

"Pupunta daw si Potrocio dito, Okay lang sayo?" Biglang tanong nito.

Tumihaya nalang ako at tinignan siya. Bahagya akong tumango at nagiwas rin ng tingin.

Wala pang sampung minuto ay dumating na si Potrocio. My dala dala siyang supot ng pagkain galing sa paborito kong restaurant. Nakahinga nalang ako ng malalim. Sa wakas, hindi narin ako mamo-mroblema sa kakainin ko.

Taranta itong lumapit saakin, nilapag niya ang dala dala niya sa tabi ng barbeque sa lamesa. Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo kung saan may bandage duon. Hindi nalang ako umimik.

Kaibigan lang ang tingin ko sakanya. At sanay nako sa pagka sweet niya dahil kaibigan na ni kuya to mula nung nagpartnership ang hotel at resort nila.

"Look, i bought you something. Yung paborito mong pagkain. Are you hungry? Do you want to eat?" Sunod sunod na tanong nito.

Ng tumango ako ay kinuha niya na kaagad ang roller table. Umayos ako sa pagkakahiga ko. Medyo umangat ako para makakain ng maayos. Sinulyapan ko si sebastian na nakaaimangot saakin habang nakatayo sa likod ni potrocio na abala sa paghahanda ng kakainin ko.

Kaya ko namang kumain magisa, pero nagulat ako ng bigla niya ako sinubuan. Wala na akong nagawa kundi kainin iyon.

"God, malinis ba itong spoon and fork nila? Dapat pala ay humingi nalang ako ng plastic forks and spoon sa Maria's!" sabi pa nito habang inaayos ang susunod kong isusubo.

"Zam, Uuwi na ako. Muka naman komportable kayo sa isa't isa." singit ni Sebastian sa gitna ng pagsusubo saakin ni Potrocio.

Hindi ako umimik. Tumingin lang ako kay Pot.

"Uuwi rin ako basty, pagkatapos kong pakainin si zam. Tumakas lang ako kay jeydon. Wag ka ng umalis." Pagpigil ni pot sakanya.

"Susunduin ko pa kasi ezra,maliligo pa ko dahil amoy usok at ospital na ang damit ko. Babalik din ako." malamig na sabi ni sebastian at tuluyan ng umalis.

Uminit ang sulok ng mga mata ko. Im very emotional. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang habulin. Pero paano ko magagawa kung pilit ko siyang tinataboy kapag nandito siya saakin?

Fuck! Nakakainis!

"P-potrocio... Ayoko n-na.." hinawi ko na ang kamay niyang nakatapat na ang kutsra saakin.

"P-pero nakaka limang subo kapalang.." giit pa nito.

"Ayoko na, mamaya nalang.." bigo siyang tumango at pinainom saakin ang kukay peach na juice. Hindi ko alam kung ano yun, pero masarap.

Para daw hindi daw ako ma dehydrate, gamot pala iyon.

"Anong gusto mong gawin? Gusto mong manuod ng movie?" Tanong nito habang nililigpit ang pinagkainan ko.

"Baka hinahanap kana ni kuya.." sagot ko nalang.

Umilung siya at sinabing siya na raw bahala. Babantayan niya muna raw ako habang wala si jolina o si sebastian. Naka one hour break kasi si jolina kaya mamaya pa siguro yun. Hindi ako manhid, Alam kong gusto ako ni potrocio. Pero ayoko. Ayokong ungkatin iyon, Ayokong dumating ang araw na maging awkward kami sa isa't isa. She likes me. That's too obvious.

Pero paghanga at pag gusto lang naman iyon. Hindi niya naman ako mahal. At sana hindi niya nako mahalin pa dahil masasaktan ko lang siya. Walang siyang mapapala saakin.

Tahimik niya lang inasikaso ang pamimili ng tape. Pinapanuid ko lang siya habang naglilipat lipat ng tingin sa hawak niyang mga tape. Medyo nakakunot pa ang noo niya.

"Anong gusto mong panuorin? Horror? Love story? Comedy?" bigla siyang nag angat ng tingin kaya nahuli niya akong nakatitig sakanya. Napangiti siya at nawala ang pagkunot sa noo niya.

"Ano bang nandiyan?" Tanong ko nalang.

Sumulyap siya saakin at unti unting lumapit at umupo sa tabi ko. Ipaninakita niya saakin ang mga Tape at CD.

"Eto nalang, Nakakintindi kanaman ng chinese diba?" Sabay turo ko sa pamikyar na chinese na love story.

Si Jolina kasi ang nagdala ng mga cd na iyon. Hindi ko alam na mostly ay puro chinese movies pala ito. May subtitle pero mandarin ang speaking langguage.

"Oo, Tsaka may subtitle naman. Hindi ako masyadong marinong katulad niyo. Hindi naman kasi malakas ang dugong chinese saakin. Wala naman kasi akong relatives na chinese na nakakasama ko." daldal ni habanag pinapasak ang cd sa dvd player.

Oo, may lahing chinese din si potrocio. Kaso sobrang kaunti lang ng adoptation niya. Ang papa ng lola niya lang kasi ang chinese. Pinanganak siya sa china pero dito siya lumaki. Sa pagkakaalam ko ay dalawang taon lang siya nuong lumipat sila dito pilipinas.

Tumabi siya sa akin ng nagsimula nang magplay ang movie. Seryoso lang akong nanunuod. Samatalang siya ay seryoso akong pinapanuod. Hindi ko nalang pinansin. Siya lang naman mapapagod kakatitig sakin dito.

"Masakit paba ulo mo?" Napalingon ako sakanya bigla kaya medyo kumirot ang ulo ko.

"Oo, Kapag gumagalaw. Pero sabi naman ay tatanggalin na tong benda mamaya. Hindi narin naman masyadong masakit." tipid akong ngumiti pero napawi rin iyon ng biglang pumasok si Jolina na parang kabang kaba.

"Ma'am, S-sir. Naistorbo k-ko po ba kayo?" utal utal nitong tanong, hindi parin umuusad sa pagkakasandal sa pintuan.

Sumulyap ako kay potrocio, he didn't seem disturbed. Ako rin naman ay ganon.

"Hindi, baket? Ano bang nangyayare sayo?" Nagtatakang tanong ko.

Napansin kong pinause muna ni potrocio ang pinapanuod namin, at pinagtuunan kaming dalawa ng pansin.

Tinanong ako ni potrocio kung anong nangyayare sa mandarin. Sinagot ko nalang din siya ng hindi ko alam sa parehong lenggwahe.

"E-e Ma'am, kasi po.. Y-yung m-magulang niyo po nasa labas.. S-si... S-si.."

"SINO!!!?" Sigaw ko, dahil napuno ng ng galit at kaba ang puso ko.

Napatayo na si Potrocio at sinarado na muna ang Dvd Player. Pinatong niya ito sa libreng lamesa. At kabadong tinignan ako.

"S-si... S-sebastian po..." nanginginig nitong sabi.

"What!? What happened!? Anong ginawa ni sebastian!?" Napasigaw na tanong ni Potrocio kay Jolina.

Napaupo ako dahil sa kaba. Sumasakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito at napaiyak sa sakit. Nabigla ata sa pagtayo ko. Inalalayan ako bigla ni Pot ng nakita niya akong napahawak sa ulo ko.

"N-nagsusuntukan po sila.. N-nung l-lalaki..." takot na pahayag ni jolina.

Napalingon kami bigla sa kanya at halos manginig na siya sa takot. Ako naman ay binalot ng kaba at takot.

"S-sino!? S-si peter? Si K-kuya? Si papa? Si Mike? Rick? Sino!!?" Desperadong tanong ko.

Hinagod lang naman ni pot ang likod ko, at sinubukan akong pakalmahin. Hindi na nakasagot si Jolina nang biglang bumukas ang pintuan at halos maipit si jolina sa likod ng pintuan.

Sumugod kaagad si kuya at biglang sinalubong ng sapak si Potrocio. Napaiyak nalang ako bigla ng makita silang nasa ganoong lagay. Gusto ko silang pigilan pero sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Guato kong sumigaw pero walang lumalabas sa bigbig ko. Tahimik lang akong umimiyak habang pinapanuod silang awatin nang mga masculadong nurse.

"K-kuya! Tama na!!" I shouted. Hindi ko alam kung paano ako naka sigaw. Pero parang wala silang narinig kaya inabot ko ang tasa at inis na binato para mabasag.

Tagumpay naman kong nakuha ang atensiyon nilang dalawa. Lumaban si potrocio kaya mas lalong napalaki ang away nila kanina. Dahil nag gantihan lang naman silang magsuntukan.

Nagtigil sila at galit na humarap saakin. Natatakot ako sa pagigting ng mga panga nila at halos magtaas baba ang balikat nila sa sobrang galit at lalim ng paghinga. Putok ang labi ni potrocio, mas marami siyang galos sa muka kesa kay kuya na putok lang ang labi.

Tahimik lang akong umiyak habang tinitignan sila. Ngayon ay nakaupo na talaga ko sa kama habang ang braso ko ay nasa mahirap na posisyon dahil naka cast ito. Lalapit na sana si kuya pero umatras ako sa pagupo para hindi niya ako mahawakan.

Biglang nanginig ang katawan ko ng pumasok sila Mama At Papa sa kwarto. Yayakapin sana nila ko pero nagbasag nanaman ako ng tasa para hindi sila lumapit.

"Umalis na kayo! I DON'T NEED YOU HERE!! ANG LALAKAS NG LOOB NIYONG SUMUGOD AT GUMAWA NG GULO! FOR PETE'S SAKE! LEAVE MW THE FUCK ALONE!--" napatigil ako ng bigla akong pinutol ni Papa.

"Zamora! Your words!! Your dirty mouth! Stop it!" Sigaw ni Papa saakin pero tinalasan ko nalang siya ng tingin.

"How dare you tell that to me! Sana ay inasahan niyo ko na magiging ganto kapag nagkita kita tayo! Yes! My DIRTY MOUTH! Dahil nahalikan ako ng demonyong peter na yon dahil wala kayong ginawa kundi tumunganga lang! Umalis na kayo! Pwede ba!! Tignan niyo ginawa niyo!" Inilahad ko ang buong kwarto sakanila at galit na pinunasan ang mga tumulong luha ko.

"You're telling me to be a professional one! Pero kayo yun un-pro dito! Is it proper? Na sumugod kayo dito and make a scene ha? Dinamay niyo pa yun mga inosenteng tao na walang ginawa kundi magmalasakit!" Sigaw ko.

Sunod sunod ang paghinga ko. Sobrang sakit na nang ulo ko dahil sa pagiyak ko at sa pagupo. Buti nalang ay may pumasok na dalawang guard na pilit na pinapaalis sila Mama.

"Please...zamora.." pakikiusap ni Mama saakin.

Nag iwas ako ng tingin nang may tumulong luha nanaman sa pisngi ko. "Ma, Please leave. Umalis na kayo. I don't want to be near kahit sino sa inyo. I don't want to fucking see any of you! Just leave. I don't need you, or anyone. Dahil nung oras na nangailangan ako ng tuling ay pinanuod niyo lang ako."

Galit kong pinunasan ang luha ko nang isa isa silang umalis. Hindi ko sila tinignan.

Humiga nalang ako ulit at naramdaman ko nanaman ang pagkirot ng ulo ko. Napansin kong winawalis ni jolina ang mga nabasag ko.

"Sorry, Jolina.." sabi ko nalang at pumikit na.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
209K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
98.5K 1.9K 52
Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and make it happen? Officialwhosthatgirl 2014...
1.8M 36.7K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.