Kabanata 18

397 17 2
                                    

Kabanata 18

Pangalawang araw ko na ngayon sa ospital, hopefully, bukas ay makakalabas nako. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Kaso sinubukan kong maglakad kanina. Hindi ko pa rin kaya kasi medyo lamog pa at naipit pa daw ang kanang binti ko nung nagkabungguan.

Walang Potrocio na nagpapakita. Walang naring Sebastian. Aaminin ko, hinihintay ko sila. Maski si Janiah ay hindi nagpapakita saakin. Hindi ko alam kung alam niya to, Pero I'm sure. Kalat na sa buong Grandenas at Tahiban angg nangyari.

Bigla tuloy akong nag alala sa kaibigan ko. Sana naman ay okay lang siya. Yung babae panaman na yun ay sobrang hina ng loob. Sobrang iyakin. At halos pumapayag siyang gawin ang lahat para lang makuha niya ang gusto niya. Hindi siya palaban na kagaya ko. Ni hindi niya nga kayang sigawan ang boyfriend niya nung araw na pinahiya siya nito sa harap namin.

Oo, madaldal yun. Pero agad na tumitiklop kapag boyfriend niya na o pamilya niya na ang pinaguusapan. Ewan ko ba dun, Ayaw magpalakas, para makalaban.

Ngayon ay nagkwekwentuhan kaki ni Jolina, Tanong kasi siya ng tanong. And i don't have a plan na itago ang ngyari. I'm real sure na may picture ako na hinalikan ni Peter. Dahil sa meeting na iyon ay maraming photographer. Ewan ko ba't kung bakit naisipan ni Papa na magpakuha ng litrato sa bawat galaw. Para daw remembrance. Oo, remembrance nga!!

Napabuntong hininga nalang si Jolina. "E pano po yan? Baka po makalabas na kayo bukas?"

Nagkibit balikat ako. Tinanggal na rin kasi yung benda ko sa ulo. Nakakagalaw nako. Napapaling ko na yung ulo ko ng hindi sumasakit na parang hinihiwa. Pero minsan pagka nagigising ako ay sumasakit. Siguro dahil tulog ako ng tulog.

Thankful naman ako, Nalaman ni Mr. Cheng ang may ari ng Maria's Restaurant, na may sakit ako. Pinapaldahan niya na ako ng pagkain ko, every lunch. Hindi parin kasi ako nakakapag almusal dahil tanghali na ako nagigising. Ang dinner ko naman minsan ay prutas nalang. Yung natirang prutas dito na binigay ni sebastian. Namiss ko tuloy kaagad siya.

Biglang may kumatok kaya napatayo na si Jolina at ang lalapad ng mga ngiti. "Baka po si sir seb na!" ki ikilig pa nitong pumunta sa may pintuan.

Napangiti nalang ako pero napawi din iyon kaagad ng iniluwa si Ezra sa binuksang pintuan. Tumingin kaagad ako aa orasan. Alas sais palang ng gabi, Alas ostso ang uwi pa ni Papa sa hotel.

Nanahimik lang si Jolina sa sofa at kumuha ng magazine. Sinenyasan ko kasi siya na wag lumabas. At sinabihan ko rin siya na lung sino man ang dadating na bisita ay wag siyang aalis.

Ezra smiled at me, pero alam kong malungkot ang mga ngiti na yon. Tinignan ko lang siya at pinanuod na umupo sa gilid ko. Inikot niya muna ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Marahil, naisip niya na bakit ako sa mababang ospital lamang naka confined.

Pwes, Tanungin ko jan sa magaling kong boyfriend kung bat dito ako cinonfine.

Tumikhim ako, Inip na ko sakanya. Hindi ito attraction para libutin mo ng tingin.

"Nandito ako, Para sa boyfriend ko, at para sa trabaho ko.." halatang mabait siya sa tono ng pananalita niya palang ay kita na.

Nakita kong inayos niya ang Red Polo niya na naka tucked in sa itim na pencil cut niyang palda. Sinuklay niya rin ang mahaba niyang buhok at inilagay sa harapan nito.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Dahil naka hospital dress lang ako. At dalawang araw din na wala akong ligo ligo.

Sinimulan niya na akong kausapin. Nakinig lang ako at nagiwas ng tingin sakanya habang nagsasalita siya. Naiinis ako. Ang bait bait niyang magsalita. Napaka hinhin niya.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Where stories live. Discover now