Time Machine: The Truth Behin...

By mosgelo16

493 11 0

Time Machine: The Truth Behind (Ang totoong pangyayari sa isang Time Machine) - Ito ang huling chapter o kaba... More

Time Machine: The Truth Behind Episode 51
Time Machine: The Truth Behind Episode 52
Time Machine: The Truth Behind Episode 53
Time Machine: The Truth Behind Episode 54
Time Machine: The Truth Behind Episode 55
Time Machine: The Truth Behind Episode 56
Time Machine: The Truth Behind Episode 57
Time Machine: The Truth Behind Episode 58
Time Machine: The Truth Behind Episode 59

Time Machine: The Truth Behind Episode 60

67 2 0
By mosgelo16

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tinanong ng bata. Nakakatakot na sabihin na kami ni Givan umaasa.

"Bata, pasensya na, patawarin mo ko dahil hindi ko magagawa ang iyong hinihiling." sabi ko.

Nakita ko sa kanyang mukha na nadismaya at sa mga taong nasa paligid namin na parang may pagtataka.

"Pasensya na." sabi ko.

Niyaya ko si Givan na umalis sa lugar para makaiwas sa atensyon ng mga tao sa amin. Pumunta kami sa lugar na kaming dalawa lamang.

"Uy, bakit naman tayo umalis at iniwanan na lang kaagad ang kausap mo." sabi ni Givan.

"Kasi, diba alam mo na. Kailangan niya ng Time Machine ngunit ang Time Machine ay wala na. wala!" sabi ko kay Givan.

"Kasalanan ko ito, kung hindi dahil sa simula't sapul na pangloloko ko sa iyo, hindi darating na mawawala ang Time Machine." sabi ni Givan.

"Givan, tapos na iyon. Huwag mong sisihin ang iyong sarili." sabi ko.

"Ano ng gagawin natin? hindi na ba tayo makakaharap sa mga taong nasa paligid natin?" tanong ni Givan.

"Hindi ko muna masasagot yan." sabi ko.

Nagdesisyon kaming umuwi muna sa bahay at nalaman na lang namin sa pagbukas ng TV na nasa balita na kami.

"Bakit kaya tinanggihan ni Angelo na kilala sa gumawa ng Time Machine ang hiling ng isang bata na magamit ang pambihirang bagay na iyon? nagbago na ba ang ugali ni Angelo? o may masamang nangyari sa makinang oras? iyon ang ating aalamin." sabi ng reporter sa TV.

"Naku naman, grabe naman ang hinuha ng reporter na iyan." sabi ni Givan.

"Totoo naman sinasabi niya, isa dun ang masamang nangyari sa Time Machine at iyon ay wala na." sabi ko.

Napanood na lang namin sa TV na puno na ng mga batikos sa amin. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan sa mga tao na magiging ganoon ang kanilang mga reaksiyon nila.

"Sa kabila ng lahat ng pagtulong mo Angelo, ganyan lang igaganti nila!" sabi ni Givan.

"Teka Givan, nagagalit sila dahil ang akala nila masama ang aking ugali, ngunit hindi, hindi nila alam ang totoo." sabi ko.

Lumabas ako ng bahay at narinig ko na lang na sabi ni Givan.

"Teka, saan ka pupunta?" tanong ni Givan.

Sumunod na lang sa akin si Givan at didiretso ako sa mga news press at sasabihin ko ang totoo. Nang nakarating na kami sa news press ay pumuno ng mga taong nagtatanong sa akin ngunit gusto ko itong sagutin sa pang malawakan na. 

"Magandang araw po sa ating lahat, dito sa Pilipinas at maging rin sa ibang mundo. Talamak po kami ni Givan sa mga balita ngayon at ito na po ang aking masasabi. Unang-una, hindi po masama ang aking ugali, ang totoo kaya tinanggihan ko ang bata dahil ang Time Machine ay wala na. Patawarin niyo po sana ako dahil ang Time Machine na aking ginawa ay nagkaroon ng aksidente kaya nawala ito. Patawad po at wala na ang isang bagay na kailangan na kailangan ng mundo ngayon."

Kaagad na akong umalis sa news press, siguro ang mga tanong nila kanina ay nasagot na. Kasama ko si Givan na pareho kaming malungkot, doon na lumawak ang isyu tungkol sa Time Machine ay wala na.

Makalipas ang mga ilang oras, nakarinig kami, nakapanood kami, nakakita kami ng mga maraming mga taong bumabatikos at patuloy pa rin ito. Hindi namin alam ang aming gagawin dahil nasasaktan kami at nalulungkot kami sa tunay na pangyayari. Wala man lang magbibigay lakas loob sa aming dalawa ni Givan na maging maayos.

Maya-maya pa ay may tumawag sa amin mula sa cellphone at aming sinagot ni Givan.

"Hello?" sabi ni Givan.

"Hello, Givan, alam namin ang mga nangyayari sa inyo ni Angelo. McTech student din kayo dati, bilang kaklase niyo at ang mga naging kaibigan niyo sa McTech kasama na ang mga profs ay sumusuporta sa inyo. Lakasan niyo lang ang loob niyo, andito kami sa inyong tabi. Yang mga batikos na yan, mawawala rin iyan. Pwede ba naming asahan ang inyong pagpunta sa McTech bukas ng umaga?" sabi ng isa naming malapit na kaklase sa McTech.

"Salamat, maraming salamat." sagot namin ni Givan.

"Sige, aasahan niyo. Salamat ulit." sabi namin ni Givan.

Natuwa kami na sa gitna ng batikos sa amin ay may mga malapit na taong tutulong sa amin na lakasan ang loob at pagbibigay suporta rin.

Kinabukasan, panibagong araw ay dumiretso kami sa McTech kung saan ang inaasahan ng aming mga malapit na tao sa eskwelahan na ito.

Nakita namin sila na magkakasama, mga kaibigan, kaklase, professors, at ilang empleyado sa McTech.

"Angelo at Givan, salamat sa pagtupad ng hiling ko sa inyo." sabi ng aking kaklase.

"Bakit niyo pala kami pinapunta dito?" sabi ni Givan.

"Gaya ng sinabi namin na suportado kami sa inyo, alam namin na kayo ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Andito ang McTech para tatagan ang inyong loob. Yang mga batikos na yan, mababaon yan sa limot kung may iba naman kayong patutunayan. Ang Mckinley Technology College ay bibigyan kayo ng pagkakataon na tapusin ang inyong mga nalalabing mga araw na hindi niyo natapos sa inyong 4th year college." sabi ng aming prof.

Puno ng ngiti ang naging emosyon namin ni Givan. Lumapit kami at tuwang-tuwa at nagpapakita ng selebrasyon.

"Maraming maraming salamat McTech!" sabi namin.

Ilang beses ng kaming gumigising ng umaga nina Givan para pumasok. Espesyal ang aming paggising na papasok sa McTech. Nag-aral kami ng mabuti at inenjoy ang aming mga nalalabing araw sa kolehiyo. Nagpapasalamat talaga ako sa McTech dahil hanggang sa huli ay sila ay naka-suporta pa sa akin. 

"Kaya ko itong kurso kong pinili, ang Journalism!" sabi ko sa aking sarili.

Dumating na ang araw, tapos na ang mga espesyal na mga araw na ipinagkaloob sa amin. Ang isang araw na pinaka-espesyal sa college. Ang graduation.

Kami lamang dalawa ang ga-graduate ngunit naging makatotohanan ang seremonya. Ang aming mga audience ay ang mga kapwa naming kaklase dati na naka-graduate na kasama na rin ang aming mga professors.

Sa gitna ng seremonya ay syempre, inaasahan sa amin ang speech. Nauna si Givan.

"Salamat McTech, wohoooooo! Graduate na ako! Salamat sa kolehiyo na ito dahil hindi ako binitawan at kasama na rin ang aking bestfriend na si Angelo. Itong aking graduation ay wala man ang aking mga magulang dahil nagtatrabaho ay iniaalay ko sa kanila ito." sabi ni Givan.

Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi ni Givan, hindi man gaano kahaba ay siguradong makabuluhan na ito. Ako naman susunod.

"Kagaya rin kay Givan, salamat, maraming salamat McTech, grabe! sobrang saya ko na dadating rin ang araw na ito sa akin. Unang-una sa lahat, salamat muli Mckinley Technology College na walang tigil na suporta. Pangalawa, graduate na ako, ito ang aking bagong napatunayan, kahit man ang una kong napatunayan ay wala na ngayon, yun siguro ang totoo na dapat sa mundo ngayon. Maging sapat tayo kung anuman ang ating nakikita at naririnig. Sa aking kursong Journalism, sana'y matupad ang aking pangarap na maging sikat na manunulat at iyon ang aking susunod na papatunayan!" sabi ko.

Nagpalakpakan ang mga tao sa aking sinabi, puno ng ngiti ang aking emosyon. Pagkatapos ng speech ay nagsimula ng mag-anunsyo ang dean.

"And we're here to announce the 2 new graduates of Mckinley Technology College. John Givan Ortiz and Richard Angelo Rodriguez." sabi ng aming dean.

Sobrang saya, sobrang saya ng mga pangyayari. Ito na ang aking pagtatapos ng aking kolehiyo.

Nagkaroon ng simpleng salu-salo at dito na kami nakapag-usap ni Givan na mukhang may sasabihin siya.

"Angelo, congrats pala." sabi ni Givan.

"Congrats din sa'yo." sabi ko.

"Magpapaalam lang kasi ako sa iyo." sabi ni Givan.

"Huh?" sabi ko.

"Nakausap ko lang kanina ang aking magulang at nang nalaman nila ang balita na graduate na ako ay gusto na nila akong makasama, sa ibang bansa na ako titira." sabi ni Givan.

"Ah, ayos lang yun Givan, iyon ang desisyon ng magulang mo at siguro regalo nila sa iyo yun." sabi ko.

"Ngunit hindi naman iyon ang punto ko, paano ka na? mag-isa ka na lang, wala ka nang ibang malalapitan na malalapit na tao sa iyo." sabi ni Givan.

"Huwag kang mag-alala Givan, sanay naman akong maging mag-isa." sabi ko.

Natapos ang selebrasyon na nag-paalam na si Givan, nakakalungkot man ngunit kaya kong maging mag-isa. 

Pagkagising ko sa umaga ay nakikita ko ang aking bahay na ako lang. Wala ng ibang tao kung hindi ako. Graduate na pala ako, syempre pagkatapos nun ay kailangan may trabaho na ako. 

Naghanap na ako ng mga kumpanya na tumatanggap ng aking kurso. Hilig ko talaga ang pagsusulat kaya Journalism ang aking kinuhang kurso. Sa isang job interview na aking unang napasukan, nakakatuwang pasok na ako kaagad sa trabaho. Trabaho sa isang news bulletin company. Hanggang sa ngayon, may mga taong nakapagbibigay recognize pa rin sa akin at iyon pa na ako ang gumawa ng Time Machine ngunit sana mabura na iyon dahil hindi naman tumagal ang Time Machine. Sana sa susunod ay ang ibigay na recognize sa akin ng ma tao ang aking galing sa panunulat.

Lumipas ang mga maraming mga taon.

Tuloy tuloy ang aking trabaho na puro positibo naman ang aking mga natatapos. Dumating pa nga na ang aming news bulletin ay nakakuha ng mga awards dahil sa mga achievements. Kasama pa rito ang ilang individual award na nakakuha rin ako. 

"Nakakatuwa, sa aking journey sa aking trabaho ay makakakuha pa ako ng ganitong award." sabi ko sa aking sarili.

Dahil dito, binigyan kaming pagkakataon na mag-coverage sa Europe para sa isang event doon. Ito ang aking pangalawang pagkakataon sa London.

Naglibot kami para mag-coverage sa event na kasalan ng isang couple sa politika ng London. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon na makapagbakasyon. 

Habang nagbabasa ako ng isang libro na binili ko sa daan ay may nabangga ako. Lalaki siya at mukhang kalahi ko siya, isang Pilipino at edad ng isang kabataan, naka uniform siya.

"Sorry, sorry." sabi ko.

"It's ok sir." sabi ng lalaki.

"Wait, before I leave, I'm curious, are you a Filipino?" tanong ko.

"Ay opo!" sabi ng lalaki.

"Wow, magkalagi tayo, tapos naka uniform ka? ibig sabihin nag-aaral ka dito?" tanong ko.

"Opo, bukas na nga po ang aming graduation." sabi ng lalaki

"Wow!" sabi ko.

"Eh kayo po, bakit po kayo nandito?" sabi ng lalaki.

"Journalist kasi ako, may coverage ako sa isang event dito sa London." sabi ko.

"Ah, ako po si Angelo dela Cruz." sabi ng lalaki.

"Angelo?" tanong ko.

"Opo." sabi ng lalaki.

"Ako naman si Richard Angelo Rodriguez." sabi ko.

Nagulat siya at aking pinagtaka ito.

"Kilala ko po kayo! Diba po kayo ang gumawa ng Time Machine. Hindi niyo po ba ako natatandaan?" sabi ng lalaki.

"Huh?" sabi ko.

"Ako po yung bata na sinama niyo dati sa future na binigyan niyo po ng adventure partikular na dito sa London." sabi ng lalaki.

Natuwa ako at natatandaan ko siya, oo nga, Angelo ang kanyang pangalan at nang nabigyan ko ito ng kongklusyon. Natuwa ako dahil hindi ko sukat akalain na tinulungan ko siya sa kanyang pag-aaral ay ngayon ay nasa London na siya at nag-aaral at graduation na niya bukas.

"Wow! Grabe, paano ka naman nakarating dito sa London?" tanong ko.

"Diba po ba pinag-aral ninyo ako dati sa McTech, nakatapos na po ako at may isang university na mula London ang may isang foundation na makakuha ng scholarship sa bawat bansa, sa Pilipinas ay may lima silang kinuha, isa ang McTech at ako po ang napili na nakapag-aral sa London dahil sa aking mga achievements at nakakatuwa ko pong ibalita sa inyo na consistent po akong no.1 mula sa Pilipinas hanggang dito sa London."

Sobrang tuwa ako sa aking narinig. Napayakap ako kay Angelo dahil sa matindi niyang achievement, maski ako ay hindi ko yun kaya.

"Congratulations!!!" sabi ko.

"Salamat po pala, dahil kung hindi sa inyo ay hindi ko ito mararating." sabi ni Angelo.

"Walang anuman! Congrats ulit! Nakakatuwa ka." sabi ko.

Kinabukasan, isang graduation na naman ang aking nakita. Ang graduation ni Angelo na dati'y bata lang ng aking nakita ay tinotoo niya ang pangako niya dati na ng makapunta siya sa London gamit ang Time Machine  ay makakapunta siya ulit dito.

Natapos ang seremonya at pinalakpakan ko siya sa pagiging no.1 niya sa kanyang kurso.

"Congrats Angelo dela Cruz, nakakaproud ang iyong nakuha." sabi ko.

"Salamat po kuya Richard Angelo." sabi ni Angelo.

May natandaan ako at aming ikatutuwa ito.

"Teka, anong taon ngayon?" inosenteng tanong ko kay Angelo.

"2030" sabi ni Angelo.

"Diba yan ang taon kung kailan at saan na nagpunta tayo dito sa London gamit ang Time Machine?" sabi ko.

"Oo nga po!" sabi ni Angelo.

"Natatandaan mo ang ginawa natin?" sabi ko.

Dumiretso kami sa tabing dagat at pinuntahan namin ang lugar kung saan ibinaon namin ang isang bagay na magbibigay ng palatandaan ng aming pagsasaya sa adventure.

Malakas ang aking loob na sa aktwal na oras ng mundo ay mananatili ang bagay na iyon. Naghukay kami at kaunti lamang ang lupa na natanggal namin, nakita namin ang bagay na aming hinahanap at bagong bago pa ito. 

"Wow!" sabi naming dalawa.

Napangiti ako, dito ko napatunayan na totoo. May Time Machine talaga, mayroon nga at hindi panaginip lamang na naranasan ko iyon.

Bumalik ang mga alaala ng mga action, drama, fantasy, romance, at adventure sa Time Machine. Ang kahuli-hulihan na journey na ito ay sa isang book fair ceremony sa Pilipinas.

"Good day to all, I'm here to establish the book, the book that now is a non-fiction written by Richard Angelo Rodriguez. The Time Machine: The Truth Behind."

WAKAS

Continue Reading

You'll Also Like

271K 20.5K 57
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...