Alamat ng Bitter

By angrybored

17.6K 483 92

Babasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabid... More

Alamat ng Bitter
Prolouge
Bitter 1
Bitter 2
Bitter 3
Bitter 4
Bitter 5
Bitter 6
Bitter 7
Bitter 8
Bitter 9
Bitter 10
Bitter 11
Bitter 12
Bitter 13
Bitter 14
Bitter 15
Bitter 16
Bitter 17
Bitter 18
Bitter 19
Bitter 20
Bitter 21
Bitter 22
Bitter 23
Bitter 24
Bitter 25
Bitter 27
Bitter 28
Bitter 29
Bitter 30
Bitter 31
Bitter 32
Bitter 33
Bitter 34
Bitter 35
Bitter 36
Bitter or Better

Bitter 26

211 9 1
By angrybored

Crey:

Umaliwalas na lang ang paligid nang mawala ang salot na payatot. Pumalaot na siya sa dagat para manghuli ng isda. Naku, sana nga lamunin na siya ng dagat.

Tapos na kaming kumain at nagkukwentuhan na lang sina Edward at Gardo pati ang nanay nito. Nagpunta ako ng banyo at naabutan si Shiela paglabas.

"Ilang buwan na yan?" magalang kong tanong.

Nagulat pa yata siya. "Anim na buwan." Nakakatakot yung tingin niya. Parang nakakaawa na humihingi ng tulong na hindi mo malaman. Yumuko siya at lalampasan ko na sana nang bigla siyang magsalita muli. "Maswerte... Maswerte siya." Lumingon ako sa kanya. "Napapangiti mo na siya. Hindi na rin siya mukhang pagod."

Si Edward ang tinutukoy niya obviously. "Palangiti naman na siya nang makilala ko."

Nag-angat na siya nang mukha at nakita ko ang maluha-luha niyang mata at malungkot na ngiti. "Pero maswerte ka rin sa kanya. Hindi ka niya pababayaan."

"Alam ko," sagot ko nang may ngiti. Totoo naman. Kahit sino, kahit akong hamak na empleyado lamang niya, tinutulungan niya pa rin.

"Nagbabakasyon na siya." Ngumiti siya. "Buti may nagbago sa kanya. Buti nabago mo siya."

Umiling ako. "Hindi ako ang nagpabago sa kanya. Si Charm... Kayong dalawa. So thank you," sabi ko sabay alis.

Paglabas ko ay naabutan ko ang boyfriend kong hilaw. "Okay ka na?" Ngiti lang ang sagot ko. "Una na ho kami Tita, Gardo." Matapos magpaalam ay lumabas na kami.

Wala pa rin siyang imik kahit nang makalayo na kami sa bahay na iyon. Bumuntong hininga ako. "Bakit pa kasi tayo nagpunta dito? Tapos nagkakaganyan ka ngayon."

"Sorry," sabi niya nang nakangiti tapos tahimik na ulit.

"Pwede ba ako magtanong?"

"Nagtatanong ka na ah."

Hindi ko pinansin ang biro niya. "Ano ba yung pinagsasasabi ng mag-ama? Kasi, honestly, wala akong idea."

"Alin dun?"

"Lahat." Wala talaga akong idea.  Best actress lang ang trip ko kanina. "Bakit parang inis sayo yung huklubang tatay ng ex mo? Bakit sinasabi niya sa akin na nabago daw kita? At higit sa lahat, sino si Larry?"

See? Wala akong kaalam-alam.

Bumuntong hininga siya at umupo sa bench. Nasa dulo na kami ng isla. May waiting shed para sa daungan ng malalaking bangka. Umupo din ako.

Seryoso ang mukha niyang nakatingin lang sa tubig. "Nakwento ko na dalawa ang ex ko diba? Yung isa, si Charm. Si Shiela naman yung isa. Nabanggit ko rin na kaya kami naghiwalay dahil nabuntis siya ng pinsan ko, si Larry."

"Grabe, kelan siya nabuntis at bakit hanggang ngayon-"

"Bago na yung pinagbubuntis niya. It's been 5 years. Anyway, ayun nga, pinsan ko si Larry." Natahimik ulit siya na parang nag-iisip ng malalim. "Dati, workaholic ako, suplado, laging negative sa lahat. Parang," tumingin siya sa akin, "ikaw. Joke." Pero hindi siya tumawa. "Yun, parang... Ayaw ng family sa akin ni Shiela dahil parang ginagawa ko lang daw siyang yaya." Bumuntong hininga ulit siya. "I've changed alot since Charm died. Nakakasawa din kayang iwan."

"Oo nga."

"Hindi mo pa nararanasan yun."

"Anong hind-"

"Hindi ka iniwan ni DK."

Ouch.

"Grabe ka naman-"

"Will you listen? Kahit ngayon lang." Mukha siyang frustrated na malungkot na hindi malaman so nanahimik na ako. Tumayo siya. "You can be broken hearted kahit hindi ka iniwan. Broken hearted ka kay DK, oo. Pero hindi ka nya iniwan dahil hindi naman siya naging sayo."

Ang... Sakit.

"At huwag mo nang alamin kung ano ang pakiramdam ng maiwan kasi kung yan palang hindi mo na kinaya, what more yun?"

Ang-hirap i-sink ng speech nya. Pero ang malinaw lang ay yung nangingilid niyang luha, malungkot na mukha, at hindi mapakaling kamay. Bahala na. 

Tumayo ako at niyakap siya.

"Nakakahilo talaga pabango mo." Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. "Nadagdagan pa problema mo. Paano pag nalaman ni payatot na wala kang jowa? Kailangan makahanap ka na."

Oh my gosh. Ano ba itong pinagsasasabi ko?

Yumakap na rin siya. "Ako nang bahala dun."

Oh, I love this day.

"May prospect ka na ba?"

"Oo." Ouch! Sana ako. 

Hinarap ko siya nang hindi inaalis ang pagkakayakap. "Sino?"

"Cresia! Oh, I mean, Crey!"

Mabilis kaming naghiwalay nang marinig yun. Si Mandy. Asungot talaga.

Sakay siya ng isang bangka sakay ng iba pang nilalang. "Bakit nandyan kayo? Sabay na kayo sa amin. Direcho na kami sa party. Sinundo lang namin yung mga kasamahan namin," speech niya habang papadaong ang bangka sa tapat namin ni Edward. Sumakay na rin kami, no choice.

"Takas pala ha," bulong ko kay Edward at natawa naman siya.

Pagdating sa party ay nandun na silang lahat. "Saan kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinahanap," sabi ni ate. Marami pa siyang sinabi pero si Edward ang inaalala ko dahil matamlay pa rin siya. Kung totoo lang sana yung sinabi ni Shiela na ako yung makakapagpangiti sa kanya. Sana nga.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Feli:

Muntik na akong atakihin sa puso sa pag-aalala sa makulit kong kapatid. Nagising akong wala na siya sa kama niya at hindi namin nakita buong hapon. May hinala naman na akong magkasama sila ni Edward dahil pareho silang nawawala. Pero kahit na! Hindi man lang nagpaalam na maglalakwatsa.

Sinabi na niya na tatakas sana talaga sila sa party, kaso palpak.

"Sa susunod magpaalam ka ha."

"Takas nga eh tapos magpapaalam?"

"Crey!"

"Okay po mother."

"Ano palang nangyari sa inyo? Bakit parang matamlay si Edward?" Natatakot akong baka nagtapat na pala si Edward kay Crey tapos binasted niya tapos hindi ko man lang nasaksihan ang eksena nila.

"Mahabang kwento. Saka ko na isasalaysay."

Isa rin tong matamlay. Ano kayang nangyari?

Nilapit ni Crey ang ilong sa bowl. "Ambango nito. Mukhang masarap."

"Ang soup ay hinihigop, hindi sinisinghot," sabi ni Edward sabay tawa. Mukhang okay na sila.

"Pwede pa ba kumuha? Nagugutom ulit ako."

"Tara ate, samahan kita dun," yaya ni Edward.

Pumayag ako kay pogi dahil gusto kong makichika.

"So anong nangyari at pareho kayong bangag kanina?"

Ngumiti siya. "Nagkita kami ng ex ko at ng pamilya niya."

"Oh, tapos ano? Nagselos si Crey?"

"Te, hindi. Nagpanggap lang siyang girlfriend ko kasi... Uhm, pili ka muna ng pagkain."

"Anong, ay! Oo nga."

Nasa catering na pala kami. Anlayo. Anlaki kasi ng venue. "Kuya masarap ba to?"

"Yes Ma'am and it will be better if you also try our specialty. Shrimp soup."

"Ah sige go. Ano na yun Edward?"

Natawa lang si pogi sa akin, halatang chismosa. "Ayun, kasi nga, nagtataray yung tatay ni Shiela so sinabi ni Crey na girlfriend ko siya. Naniwala naman-"

"O, bakit ka huminto na naman?"

Humarap siya sa lalaking nagseserve ng pagkain."Sir, did you say this is shrimp soup?"

"Yes sir, with real shrimp chunks."

Nagulat ako nang bigla nang kumaripas ng takbo si Edward. Meron na bang anti-shrimp society ngayon?

Wait! Shrimp ay hipon. Oh my gosh! 

Tumakbo na rin ako at naabutang wala nang malay ang aking kapatid.

"Bigla kasi na parang hindi siya makahinga eh hindi ko alam gagawin," naiiyak na paliwanag ni Mandy.

Si Edward ay naiirita na rin habang may kausap sa phone dahil isang oras pa daw ang aabutin bago makarating ang doktor sa isla.

Buti nga at may nagmagandang loob na tumulong kay Crey na iluwa ang isang malaking hipon sa lalamunan nito.

Nakalimutan kong hindi nga pala alam ni Crey ang amoy ng hipon dahil dalawang beses pa lang siyang nakakakain. Nakalimutan ko ring shrimp ang english ng hipon. Grabe, inuna ko pa ang pag-chismis.

Pagdating ng doktor ay pinagmadali ito ni Edward na tingnan si Crey. Maayos naman na ang kalagayan niya pero isang araw pa ang itatagal ng pamamaga ng mukha niya.

Nasa hiwalay na kwarto kami sa first floor. Pag-alis ng doktor ay sinilip namin siya. "Wag kayong papasok! Papatayin ko kayo!"

OA. Pagpasok namin ay nakataklob ang buong katawan pati ulo ng maarte kong kapatid. "Labas!"

"Tumigil ka nga!" Hinablot ko yung kumot at tumambad sa amin ang dahilan kung bakit niya kami pinapaalis.

Doble ng labi ni Angelina Jolie ang labi niya, parang wala na rin siyang ilong at mata dahil sa sobrang maga.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko pero biglang tumawa si Edward. Hindi na ata napigilan. Sinaway ko siya.

Si Crey naman ay tuluyan nang umiyak.

"Uy, sorry."

"Alis! Umalis kayo!"

Hinayaan muna namin siya magpahinga at kailangan ko na ring lumabas dahil natatawa na rin ako. Masama talaga akong kapatid.

Nagkwentuhan muna kami ni Edward sa labas. Naisalaysay na niya ang mga pangyayari sa kabilang isla.

Lumingon siya sa bintana ng kwarto ni Crey. "Tulog na yata."

"Inaantok na rin ako." Mukhang hindi naman ako narinig ni Edward.

"Silipin ko muna siya." Sinundan ko na lang siya ng tingin nang makapasok sa kwarto at dahil chismosa ako at bukas ang bintana, kitang kita ko sila.

Tulog na nga si Crey. Pinunasan ni Edward ng kung ano tapos kinumutan hanggang leeg. Tinitigan niya si kapatid habang hinahaplos ang buhok. Yung tingin na hindi natatawa. Yung... parang in love. Yun na. I therefore conclude.

Pero teka, meron pa. Umupo siya sa gilid ng kama tapos hinalikan niya sa noo. Kahit noo lang pwede na.

____________________________

Crey:

Pinilit ko lang dumilat. Hindi ako makabangon. Ambigat ng katawan ko pero alam kong wala akong sakit. Hinaplos ko ang pisngi ko at tama, namamaga pa rin. Bwisit.

Nagugutom na ako at may naririnig akong nagsasalita sa labas pero hindi ko naman matawag dahil sinakop na ng pisngi ko ang three fourth ng mukha ko na pati ilong, mata at bibig ko ay gatuldok na lang.

Pinilit kong tumayo, lumapit sa bintana at sumilip. 

"Hahahahaha. Grabe ka talaga." Si Mandy yun. Anong ginagawa niya dito?

At tinanong ko pa eh nasa harap ko na yung sagot. Nakikipaglandian kay Edward. Ang mokong naman, tuloy lang din sa pangungulit sa best friend ko.

"Ang galing mo bumanat a."

Talaga naman Edward, lahat na lang nilandi. Arrrrrggghhhh... Nakakainis. Gusto ko silang pag-

"Crey?" Nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok si ate na may dalang pagkain.

Tumanaw din siya sa bintana at ngumiti sa akin na parang nang-aasar. Grabe talaga tong ate ko. Anlakas ng radar.

"Magpagaling ka na kasi five days lang tayo dito, wag mong sayangin. Ikaw gumastos dito."

"Koyo no long momosyol. Soyong yung orow." (Kayo na lang mamasyal. Sayang yung araw.) Pasensya na at naiipit ng pisngi ko ang makapal kong labi.

Tumingin siya sa akin. "Papayag ba naman yun nang hindi ka sumama?" Mapang-asar pa rin yung ngiti niya. "Syempre para sayo tong trip na to, dapat lagi kang kasama."

"Hmp! Busy no ngo siyo oh," (Busy na nga siya oh) bulong ko lang pero dahil dakilang chismosa si ate, narinig niya.

"Tama na selos. Kumain ka na."

"Hindi oko bitter." (Hindi ako bitter)

"Wala naman akong sinabing bitter ka. Hmm. Nasanay ka na masyado."

Bumalik ako sa kama at sumalampak. 

Singhot. Singhot.

Tumayo ako nang nagtataka. Nakakahilong amoy.

"Pumunto bo si Edword dito?"

"Oo." Inayos na ni ate ang brunch in bed ko at aalis na sana pero huminto pa sa pinto at lumingon.

"Siya ang nag-alaga sayo ah." Ngiti, sabay walk out.

Ouch! Ansakit kiligin pag namamaga ang mukha mo. Binabatak.

Oh well, at least masaya ako.

Inubos ko na ang dalang pagkain ni ate saka uminom ng gamot. Bumukas ulit ang pinto pero anghel na ang pumasok.

"Hey, buti gising ka na. Kanina pa kita hinihintay gumising. Kamusta na pakiramdam mo?" sabi niya habang papalapit sa akin at nilapat ang likod ng palad sa noo ko.

"Ollergy ong meron oko, hindi lognot." (Allergy ang meron ako, hindi lagnat)

Ngumiti siya. "Baka kasi atakihin ka ng ka-biitter-an eh." Himampas ko siya ng unan habang tumatawa.

Umupo siya sa tabi ko sa kama. "Bogong ligo ko no? Omoy no omoy pobongo mo." (Bagong ligo ka no? Amoy na amo pabango mo)

"Hindi ah... Hindi ako naligo." Sabay tawa.

"Yock!"

"Anong yok? Egg yolk?" Tawa ulit. "Mukha kang chipmunk." Sumimangot ako. "Joke lang. Kakahiya naman sa chipmunk kung ico-compare sayo." Tawa ulit.

"Onsoyo mo yoto." (Ansaya mo yata)

"Wala lang."

"Hmp. Nokokito ko long ng mogondo eh." (Nakakita ka lang ng maganda eh)

"Feeling maganda ka naman."

"Hindi oko."

Nagtinginan kami habang nakakunot ang noo nya. Maya-maya ay na-gets na niya. "Ah, si Amanda? Maganda nga siya ah. At mabait. Alalang-alala kaya siya sayo kaya nagstay siya hanggang tanghali. Hinihintay kang gumising."

Hmp. Ako ba talaga dahilan? Sure ako may ulterior motive yun.

"Tsaka theatre actress din siya since high school?"

"Sinobi niyo yun sa videokehan."

"Talaga? Di ko naalala. Anlakas kasi ng pwersa ng ka-bitteran mo eh."

Hindi ako sumagot. Totoo naman kasing lamang sa akin sa lahat ng bagay si Mandy.

"Oy! Ano na naman yan? Nagdadrama ka na naman."

"Ewon ko soyo. Soon koyo pupunto momoyo?" (Ewan ko sayo. Saan kayo pupunta mamaya)

"Pupunta? Hindi kami makagala dahil sayo."

"Grobe nomon to."

"Eh kasi, bago ka lumamon, tingnan mo muna kung may hipon, shrimp, metal, lason yung pagkain nang hindi ka namamaga!"

Nagulat ako kasi parang galit siya. "Eh bokit ko golit?"

"Pinag-aalala mo ko-mi. Komi. Ay, kami." Nagpipigil siya ng ngiti. "Komi ni Ote Feli. Grabe! Nokokohowo yung sokit mo."

Hinampas ko siya ng unan. Adik talaga to. But I'm happy. A very happy chipmunk.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 204K 43
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
192K 3.7K 21
Dice and Madisson
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...