Marry You

By pinkyjhewelii

21M 304K 51K

│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano More

MARRY YOU
Chapter 1 ♥ Meet Yumiko
Chapter 2 ♥ Meet Mr. Cold
Chapter 3 ♥ First Meeting
Chapter 4 ♥ Kiss Stealer
Chapter 5 ♥ Ipis
Chapter 6 ♥ Bar
Chapter 7 ♥ Meet Enrique
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 ♥ My Fault
Chapter 44 ♥ Cry
Chapter 45 ♥ End
MUST READ

Chapter 13

457K 6.7K 2K
By pinkyjhewelii

Lance POV

Nanunuod nako ng TV dito sa kwarto ko pero hindi ko mapigilang isipin si Yumi. Yung sinabi ni James kanina sa mall.

Yung naabutan ko si Yumi sa kwarto nya na umiiyak.

Nasaktan ba sya kanina nung makulong sya sa vacant room?

Bigla akong na-konsensya kasi hindi ko sinasagot yung tawag nya.

Sabi ko naman kasi wala na kaming pansinan kaya diko sinasagot. Nainis pako nung makita ko sila ni James na magkasamang pumasok sa mall. Kaya nga sinundan ko ng tingin.

At nakita kong pumasok sa starbucks. Kaya dun ko niyaya si Nicole. Ang totoo sa na-realize ko kanina na sa una lang pala cute at nakakatuwa si Nicole pero nung nakasama ko na sya sa mall, dun ako nakaramdam ng pagka-irita. Masyado pala siyang childish.

Nakakabadtrip.

Pero mas na-badtrip talaga ko. Ewan pero may kakaiba dito sa puso ko nung makita ko sila ni James that's why I acted sweet kay Nicole kanina.

Nagulat lang talaga ako nung sa sinabi ni James. Kaya nga pagka-alis nila, niyaya ko na din pauwi si Nicole. Can't pretend na natutuwa pa ako sa kaniya.

Ang bigat sa dibdib ko yung nakita kong itsura nya kanina. Hindi sya yung usual na mataray yung dating. Tahimik lang sya at parang nanghihina kanina pa sa mall.

Tch.

Nababadtrip talaga ako.


Yumiko POV

Happy morningggggg!

Ang ganda ng gising ko kasi nailabas ko na lahat ng sakit, hinanakit at pagkainis kagabi.

I will start a new day. Ang original Yumiko na palaban, mataray at walang pakialam sa paligid.

Kakalimutan ko din na inlove ako kay Lance. At hindi ko na din sya pakikialaman. Hangga't maaaari, iiwasan ko siya.

Handa na'ko for school. Sa SWU nalang ako mag-breakfast.

Nagulat ako ng paglabas ko ng kwarto ko, palabas din si Lance sa kwarto niya.

Hindi ko sya inimik.

Pababa na kami ng hagdan. Magkasunod lang kami.

Paliko nako papuntang main door ng magsalita siya. "Hindi ka magbe-breakfast?" Tanong nya.

Nakatalikod ako. "No. Sa SWU nalang." Sabi ko saka tumuloy na ng paglakad.

Good job, Yumiko. Wag ka ng papaapekto kay Lance.

Mas matindi pa naman makikita ko mamaya sa room dahil sa transferee. I promise! Di ako magseselos.

Pasakay nako ng kotse ko ng tumunog phone ko.

09********* calling..

Sino naman 'to? 

"Hello?"

[Yumi!]

Napangiti ako. Si James pala. Napaka-cheerful talaga ng lalaking yun.

"Oh?" Sabi ko habang papasakay na ng kotse ko.

[Okay kana?]

Natawa ako. "Oo. Naiyak ko na lahat. Walang-wala na talaga."

[Siguraduhin mo lang kung hindi babatukan kita.]

Si James super palabiro nya talaga. "Oo nga. I'm okay. Napag-isip-isip ko din naman yung sinabi mo." Sabi ko saka nagstart ng magmaneho.

[Dapat lang. Baka mamaya, makita mo lang sweet si Lance at Nicole, umiyak ka na naman.]

"Hindi na talaga. In love ako sa kapatid mo pero kaya ko naman sya tiisin 'no." Sabi ko.

[Ayos yan. Wag mong hayaang saktan ka ni Lance. Kasi pag hinayaan ka ulit nya at hindi ginagawa ang responsibilidad nya bilang fiance sayo, aagawan ko sya ng posisyon.]

Ha? Diko gets. "Ano?"

[Wala. Sige. See you later.]

"Okay. Bye."

*toot toot*

Baliw si James. Adik pero nakaka-goodvibes yung pag-cheer-up nya sakin.

Mukhang magkakasundo kami.

I smiled.


Sa school..

Naabutan ko sa room sina Janna, Chelsea, James at Adrian na nagkkwentuhan.

"Yumi!" Sigaw ni James. Ang layo talga nito sa kapatid nya.

I smiled to them. "Yumi na-kwento samin ni James yung nangyari kahapon." Malungkot na sabi ni Chelsea.

"It's okay naman na. Niligtas naman ako ni James." Sabi ko.

"Si Lance kasi. Aish!" Sabi ni Chelsea.

"Bigayan nga tayo ng number para in case may mangyari sayong di inaasahan o kung may kailangan ka, may tatawagan ka. Kasi kung si Lance, aasahan mo walang mangyayari." Masungit na sabi ni James.

Nagbigayan kami ng number. Grabe. Sa maikling panahon, nakikita at nararamdaman ko na they care for me. Unlike my fiance. Psh.

"Okay na!" Sabi ni Janna.

May naisip nga pala ako. "Adrian, pwedeng favor?" Sabi ko.

"Ano yun?"

"Pwede bang palit tayo ng upuan? Dun ka sa tabi ni Lance?"

Hindi muna agad sumagot si Adrian.

"Go Adrian. Pagbigyan mo na si Yumi. Ang awkward kaya dun kasi may new girl si Lance." Sabi ni Janna.

"Oo nga Adrian." Sabi ni Chelsea.

"Oo na. Makakatanggi pa ba ako?" Ngingiti-ngiting sabi ni Adrian.

They are really nice. Bakit ba hindi katulad ng mga 'to si Lance?

"Magkatabi tayo ngayon Yumi." Sabi ni James.

I just smiled at him. Tapos umupo na. Bale pinaggigitnaan ako ngayon nina Chelsea at James.

Ayos na'to. Kesa dun sa tabi ni Lance. If I know, ayaw naman nya ko talaga katabi. Psh.

"How's your feeling naman na nakulong ka sa vacant room malapit sa gym? Wala pa naman masyadong tao dun lalo na pag malapit na mag-uwian." Tanong ni Janna.

Seriously? Gusto nila malaman?

Sasagot na sana ako ng dumating si Lance. Ano paba? Edi kasabay na naman yung transferee. Siguro sinusundo pa yan ni Lance. Psh. Magsama sila.

Hinintay ko munang makaupo si Lance sa likod bago ako sumagot. Tumikhim ako at nilakasan ang boses. "Actually, natakot talaga ako. Kasi naman ikaw ba makulong dun tapos mag-isa kalang. Sa labas wala ding tao man lang. Sigaw ako ng sigaw dun kahapon. Sakit na ng lalamunan ko sa pagsigaw pero wala man lang nakarinig sakin. Kaya I decided to call my fiance's number. Kaso sa kasamaang palad, nakailang try na'ko ng call, hindi sinasagot. Ang shunga ko nga kasi yung fiance ko lang ang may number ako dito sa SWU. Bakit kasi wala kayong number sakin kaya no choice ako. Give-up na nga ako sa pagtawag kagabi kasi I know naman na wala siyang pakialam sakin. Mabuti nalang sinagot ni James yung tawag ko and there you go, napuntahan nya ako. Nakakatuwa lang kasi at least, may ibang tao na nagmalasakit sakin." Sabi ko. Sinadya ko talaga iparinig kay Lance yun.

"Balita ko nag-mall kayo ni James. Kayo ha..." Parang nantutukso si Chelsea.

"No. Nag-starbucks lang kami saglit nun para kumalma muna ako bago umuwi."

"Baka naman may mabuo nyang pagmamahalan... Ayeee!" Biro ni Janna.

Magsasalita pa sana ako kaso...

*BOOGSH*

Napatingin kami sa pinanggalingan nun.

Si Lance? Itinaob yung upuan nya saka lumabas ng room?

Problema nun?

"Lagot kayo. Nagselos si Lance." Sabi ni Adrian.

Tumawa ako. "You must be kidding Adrian. Asa kang magselos yan? At bakit? Baka nagkatampuhan sila ng new girl niya." Sabi ko. Wala akong paki kung marinig ako ni Nicole na nasa likod pa din namin.

Hindi ko lang inaasahan na biglang lalapit samin si Nicole. "May problema ka ba sakin? I know fiance mo si Lance pero hindi tama yung pinapakita mo."

Wow. As in wow.

"Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?" Sabi ko.

Hinawakan ako ni James sa braso. Means, wag kong patulan. Pero sorry I can't.

"Ako lang naman ang nagpapahalaga kay Lance. Wag ka ngang mag-inarte. Yung nangyari sayo kahapon, hindi mo na kailangan ipagsigawan at isisi kay Lance. At pwede ba? Wag nyo kaming pakialaman dalawa?"

Umuusok na ilong ko sa galit oh.  Hindi na'ko nagpapigil. Tumayo ako at tiningnan sya ng masama.

"Sino ka para magsalita ng ganyan sakin? Magulang ko nga hindi ako mapagsabihan ng ganyan, ikaw pa na kabago-bago dito? At wag ka ngang pa-charming dahil hindi bagay sayo. Nagmumukha kang tuta sa pagpapa-cute mo. At FYI lang, hindi ko kayo pinakikialaman dalawa. Kung gusto mo ikaw nalang fiance, isaksak mo sa baga mo si Lance!" Sigaw ko.

*PAKK*

"Tangina mo Bro!" Sinuntok ni James si Lance.

Ang bilis ng pangyayari. Natulala ako. Hindi ko akalaing biglang susulpot si Lance at sasampalin ako.

Sa harap ng klase?

Ako pa yung nagmukhang masama? Pinagtatanggol ko lang sarili ko ah.

"Tama na yan!" Narinig kong awat ni Adrian sa magkapatid. Hindi ako makagalaw.

Naramdaman ko lang na niyakap ako ni Chelsea. "Sshhh..."

Napaiyak nako. It's my first time to cry in front of many people. Usually, umiiyak ako pag mag-isa lang ako.

Hindi naman yung sakit nung sampal ang dinadamdam ko. Yun ay dahil mas kinakampihan nya ang babaeng yan kesa sakin. Ako pa nasaktan nya? Ako tuloy nagmukhang kontrabida.

"Gago ka Lance! Ang babae hindi sinasaktan!" Sigaw pa din ni James.

"Wala kang pakialam! Magsama kayo! Tang'na!" Sigaw ni Lance nang maawat sila nina Adrian.

Hinigit ako ni Lance sa kamay. Si James yakap na ni Adrian kasi manunugod na naman.

"Ikaw? Kung may problema ka, sabihin mo ng harapan! Hindi mo kailangang iparinig sakin! At talagang inaway mo pa si Nicole? Nananahimik yung tao! Makapagsalita ka ha?"

I gave him my fake smile habang umiiyak pa din. "Ako pa?"

"Sino paba? Wag mong sabihing si Nicole ang nagsimula? Ikaw lang naman ang warfreak kung paghahambingin kayong dalawa."

Ouch lang. Ako daw nagsimula dahil warfreak ako? "Okay sige Lance! Ako na nagsimula ha? Ako na warfreak! Ako na mali Lance! Ako na!" Sigaw ko saka tumakbo na palabas ng room.

Iyak na ako ng iyak hanggang makarating sa parking. Ang sakit lang. Sinampal nya ko ng dahil sa babaeng yun. Yung babae na yun na sya namang nag-umpisa. Siya ang lumapit sakin pero ako pa din ang nagmukhang masama.

I started the car engine. Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ko. I can't help myself to cry. Napatingin ako sa phone ko na pinatong ko sa dashboard.

Chelsea calling..

Hindi. Hindi ko sinagot. Natapos ang tawag pero tumunog ulit.
 
Janna calling..

Hindi ko sila kaya sagutin ngayon. Masama ang loob ko. Sobra.

Natigil na yung tawag pero for the 3rd time tumunog na naman.

James calling..

Sorry. Ayoko. Ayokong idamay kayo sa away namin ni Lance. Dahil sakin pati magkapatid, nag-away.

Ganun naba ako kasama? Ganon ba ako?

Shit lang kasi ang sakit eh. Sinabi ko na na magbabago na'ko pero anong nangyari? Parang mas lumala pa.

Hindi pa kami kasal ni Lance pero napagbuhatan na nya ko agad ng kamay nang dahil sa Nicole na yun.

Grabe lang. I cried a lot hanggang sa diko mapansin yung stoplight. Masyadong malalim yung iniisip ko eh.

Shit! Napaapak ako sa preno

*SCREECH*

Huli na yata.

Dahil wala na ako---BLANK.



Lance POV

"Hindi pa din tamang saktan mo siya Lance. Worst, sa harap pa ng marami." Sabi ni Adrian.

Umalis na si Yumiko. Naiwan kaming lahat dito sa room. Ayoko lang ng pagbuntunan nya ng galit si Nicole. Nanahimik siya at alam kong sya ang nagsimula.

"Napuno na'ko. Hindi tama yung ginawa nya." Sabi ko.

"Tang'na Lance si yang Nicole na yan ang nagsimula!" Pilit ni James. Nagsuntukan kami kanina pero okay na kami.

Tiningnan ko siya ng masama. "Wag mo siyang ipagtanggol."

"Pinagtatanggol ko siya dahil siya yung nasa tama. Bakit ba masyadong anghel ang tingin mo sa Nicole na yan?" Tanong ni James.

Alam kong hindi magagawang mang-away ni Nicole. Childish sya at charming. She's sweet too. Wala sa nature at ugali nya ang maging mataray hindi tulad ni Yumiko.

"Si Yumiko ang mali. Tama na? Pwede?"

Umiiyak na si Nicole sa may upuan nya. Mabuti pang pauwiin ko na sya. Na-trauma siguro.

Kasalanan ni Yumiko.

Mali yung pagsampal ko sa kaniya pero deserve nya yun. Masyado ng matabil ang bibig nya.

Krrriiinnnggg..

Tumunog iphone ko. Tiningnan ko kung sino.

Butler calling..

"Butler?"

[Tumawag po ang St. Lukes Hospital. Si Miss Yumiko isinugod roon. Naaksidente.]

Naaksidente?

Naaksidente?

Nabitawan ko yung phone ko.

"Lance ano yun?" Tanong ni James at nilapitan ako.

"Si... Si Yumiko naaksidente."

"Ano? Saang hospital?" Sabay-sabay na sigaw nila.

"St. Lukes." Tumakbo na ako palabas ng room.

Naramdaman kong kasunod ko sina Adrian pati sina James at Chelsea.

Hinayaan ko na sila. Kailangan kong mapuntahan si Yumiko.

Bakit sya naaksidente?

Damn it!





James POV

Nakarating na kami dito sa St. Lukes. Nag-aalala kami kay Yumiko. Paano sya naaksidente? Kasalanan ni Lance 'to.

Tinanong namin kanina sa baba kung saang room sya at nasa 4th floor sya kaya dun kami papunta.

Pagbukas namin ng pinto, naabutan namin si Yumiko na walang malay na nakahiga sa hospital bed. May benda sa bandang ulo at may mga plaster sa braso.

Kasalanan talaga 'to ni Lance. Sinaktan nya si Yumiko.

Hindi ko lang matanggap na talagang kinampihan nya ang Nicole na yun. Sabi na nga ba kaya mabigat loob ko dun eh. Yun pala nasa loob ang kulo. May paiyak-iyak pa kanina. Paawa pa. Tch.

"Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor na pumasok sa kwarto.

"Fiance." Sagot ni Lance.

"Maayos na ang pasyente. Mabuti na lamang at naisugod sya agad rito. Iyon nga lang na-injured ang kanang braso niya. Hindi pa siya pwedeng magalaw dahil hindi naman nya talaga iyon magagalaw sa sakit. Bukod sa mga galos at tama ng kaunti sa bandang ulo niya, okay na sya. She will stay here in 3 days at pwede na syang makauwi."

"Salamat doc."

Tinapik lang nung doktor si Lance saka lumabas na ng kwarto.

"Kasalanan mo 'to." Hindi ko na napigilang magsalita.

Nababadtrip ako kay Lance. "Wag mo akong sisihin." Sagot nya.

Tumabi na agad sakin si Adrian. "Bakit hindi? Hindi naman sya maaaksidente kung hindi sya nag-walk-out kanina? At hindi naman sya magwo-walk-out kung hindi mo sya sinaktan. Hanggang ngayon ba yung Nicole na yun pa din kakampihan mo?"

"Wag mong idamay si Nicole dito."

"Sige lang Lance. Ipagtanggol mo yung trasferee na yun hangga't gusto mo." Sigaw ko.

Sinamaan nya lang ako ng tingin. Hinawakan na din ako ni Chelsea sa braso. "Bakit dika pa umalis dito Lance? Sa tingin ko, hindi gugustuhin ni Yumi na makita ka rito. Dun ka na lang kay Nicole. Diba umiiyak siya kanina sa room? Mas damayan mo yun." Cold kong sabi.

Hindi ako makapaniwalang nagagawa kong magseryoso ngayon samantalang cheerful akong tao. Talagang apektado ako sa nararanasan ni Yumiko sa kapatid ko. Napaka-unfair ng kapatid ko sa kaniya.

"Sino ka para paalisin ako dito?" Tanong nya sakin.

"Ako? Ako lang naman ang isa sa nagmamalasakit sa nararamdaman ng fiance mo." Sagot ko.

"Nagmamalasakit o dahil gusto mo si Yumiko?"

Ano daw? Si Yumiko gusto ko? Crap! "Stop talking non-sense things Lance dahil hindi totoo yan."

"Talaga lang ha? Kaya ba apektadong-apektado ka sa kaniya dahil gusto mo sya ha?" Tanong ulit nya.

Nag-iinit dugo ko. Hindi ko naman gusto si Yumi. Nagmamalasakit lang ako.

"Sinabi ko ng hindi ko sya gusto." Sabi ko.

"Kung mag-aaway lang kayo dito, iwan nyo nalang ako mag-isa."

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Yumiko gising na pala.

Continue Reading

You'll Also Like

53.9M 758K 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin ni...
2.4M 9.1K 9
| COMPLETED | 10 August 2016 - 20 October 2016 | MR. PERFECT SERIES #3 | I am Heath Laurent and this is my side of the story. P.S. THIS IS NOT A...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
33.4K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...