Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~2~ And They Meet Again
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~28~ Back Off, Fan Girls
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~33~ Floral Scent
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~38~ Over You
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~45~ Time And Space
~Epilogue~

~16~ Behind His Coldness

207K 5.5K 833
By marielicious

 

~16~ BEHIND HIS COLDNESS

 

CHLOE’S POV

“Pfft! Hahahaha!”

“Wag sabing tumawa eh.” =_____=

Wow. Hindi ko akalain na sa likod ng pagka-expressionless ni Dustin ay may ganitong personality pala siyang tinatago. Anong personality? Well, isa siyang Doraemon freak. Lels ^^

“Grabe, Dustin!” Yun lang ang lumabas sa bibig ko. As in, nganga lang ako. Paano ba naman yung wallpaper ng kwarto niya ay Doraemon-inspired. Maging yung kama niya, ang headboard nito ay korteng ulo ni Doraemon. Pati yung bedsheet at pillow cover, Doraemon-design din. Kaya hindi na ako nagtaka nang makita ko yung kumpol-kumpol na Doraemon stuffed toys sa paligid. Ansabe ng life sized Doraemon niya?

“Sige, tawanan pa ako,” emotionless niyang sabi tapos pumunta siya dun sa isang book shelf na ngayon ko lang napansin. Eh bakit ba? Masyado kasing nangibabaw yung mga doraemon stuffs. *u*

“So, yan yung collection mo?” Lumapit ako sa shelf. In fairness, super dami ng books niya ah.

“Yeah,” he said in a bored expression. “Wala na akong binabasa ngayon. Naghahanap pa ako.”

“Ahh,” tumango-tango ako. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Wow, everything is blue. “Nakakagulat ka. Bakit ka nahilig sa Doraemon?”

“I thought you’re interested in my book collection only?”

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sungit naman nito. “Expected ko na may book collections ka dahil bookworm ka, pero hindi ko inexpect na mahilig ka pala sa Doraemon.”

He sighed exasperatingly, “Oo na. Oo na. Adik na ako sa Doraemon. Kapag may nakikita akong Doraemon stuffs, binibili ko. Yung iba dyan, binili ko pa sa ibang bansa. Miski yung message alert tone ko, boses din ni Doraemon. Ganun ako kaadik sa kanya. Ano, masaya ka na?”

“Aaahh… Yung ang mahiwagang mensahe!” I mimicked Doraemon’s voice.

Nginitian ko siya ng matamis. Gusto ko sana siyang sundutin sa tagiliran kaso wag nalang. Ang FC ko naman nun XD

“Eh bakit ka mahilig sa ganito?” Tanong ko tapos lumapit ako sa life sized Doraemon na mas matangkad pa sa akin. “Magkano ang bili mo dito? Mukhang mahal ‘to ah.”

“Paborito kong panuorin si Doraemon nung bata pa ako.” Sabi niya bago siya lumapit sa kama para umupo. Humarap ako sa kanya para tignan siya. “Gusto kong maging kaibigan si Doraemon kasi marami siyang inventions na nakatago sa maliit niyang bulsa. Wala lang. Sobrang humanga lang ako.” =______=

“Pero Dustin, grabe naman ang fandom mo kay Doraemon. Pati yung wallpaper at pinto ng kwarto mo, Doraemon din,” tinuro ko naman ang kama niya. “Pati ba naman yang kama? Well, it’s cute.”

“Take a sit,” tinuro ni Dustin yung couch sa likod ko kaya umupo naman ako dun. And yeah, doraemon din ang couch niya. “Huwag mong ipagsasabi sa iba na ganito ang kwarto ko. Bukod kay Wayne at sa tatay ko, ikaw lang ang nakakaalam na paborito ko si Doraemon.” =______=

Napatawa ako. “Para kang bata! Hahaha!”

“I’m still young.” =___=

“Hindi yan ang ibig kong sabihin,” sabi ko tapos ay sinubukan kong maging seryoso na. “Okay lang naman na may ganito kang collection. Dun lang ako natawa sa childish line mo na ‘Wag mong ipagsasabi sa iba ang tungkol dito’.”

Sinamaan niya lang ako ng tingin tapos lumapit siya sa akin dito sa couch. Umupo siya sa tabi ko kaya umusog naman ako sa dulong bahagi ng couch. Uh oh… Yung kinakabahan na naman ako ng bonggang-bongga >////////<

“That’s what I like about you. You accept me for who I am.” He said, smiling.

 

*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!*

 

Lumunok ako. Tapos lumunok pa. Okay, lunok ulit. Natutuyuan ako ng lalamunan. >.<

“Aahh… Uhmm…” Tinanggal ko ang braso niya sa likuran ko. Nakapatong kasi sa headrest ng couch eh. Para tuloy inaakbayan niya ako. Enebeyen. >//////<

“Sorry…” =____=

“May paakbay-akbay ka pa kasing nalalaman eh!” I interjected.

“Tss,” lumayo siya ng konti sa akin. “Akbay ba yun? Sandalan yung inakbayan ko, hindi ikaw.”

Inirapan ko siya. In denial talaga ‘tong lalaking ito kahit kailan.

“Ows? Oo nalang.”

SILENCE. Wala na. Awkward silence na ang naghari sa pagitan namin. Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako.

“I started collecting all these stuffs when I was 5 years old.” Tumingin ako sa kanya. Napansin kong may hawak-hawak siyang isang maliit na Doraemon keychain at yun lang ang tinititigan niya. “Like any other ordinary kids, I used to play outdoor games with my friends. My friends used to collect robotic figures. It just happened that I’ve been into Doraemon eversince.”

“Hindi ka naman ba inaasar na ganyan yung kinokolekta mo?” Tanong ko. Err… Bakit biglang naging seryoso naman ang atmosphere? >.>

He looked to me expressionlessly. “May nang-asar sa akin noon, pero hindi na yun naulit. Binasag ko kasi yung pinagmamalaki niyang Voltes 5.” Sabay ngisi niya.

Wow, bad kid. -__-

“I’d want to tell you a story about this key chain. You just have to listen. Don’t talk, okay?” Seryoso niyang sabi sa akin. Napa-oo nalang ako kahit medyo nag-aalangan ako. Ano kaya yung ikukwento niya about sa Doraemon keychain na hawak niya? :3

Ngumiti muna siya sa akin bago niya ulit balingan ang hawak niya. “Ito ang kauna-unahan Doraemon stuff na nakuha ko. It was given by my Mom when I was 5 years old. Napansin kasi niya na paborito kong panuorin si Doraemon kaya binigay niya sa akin ito.”

I saw a small smile curves his lips. He’s smiling yet his eyes tell otherwise. Siguro, sensitive topic itong pinag-uusapan namin. Pero bakit niya pa ito inopen sa akin?

“Simula nun, lagi na niya akong binibigyan ng ganito. Until one day, we went out for shopping. Binili na naman niya ako ng ganito.” He paused abruptly and then sighed, “5 years old ako noon pero alam na alam ko ang nangyari.”

Hinintay ko siyang ipagpatuloy ang sinasabi niya pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang sinasabi. Dun na ako nag-alala.

“Dustin, okay lang na hindi mo na sabihin sa akin yan. Mukhang sensitive itong topic na ito eh,” sabi ko at tumayo na. Nag-fake pa ako ng tawa para mawala yung seryosong aura ng kwarto. “Ang mabuti pa, uuwi na ako. Tara na?”

Hala. No reply. Nakayuko lang siya at nakatitig dun sa hawak niya. Anong gagawin ko? :/

Haaaaayyy… Naku, iiwan ko nalang siya dito. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Wala nga lang akong pera na pamasahe. Sus, madali nalang gawan ng paraan yun. Magtataxi nalang ako at dun nalang babayaran sa bahay.

“Dustin, ayos ka lang?” I asked. Wala pa ring reply. “Uhmm… Sige, mukhang nawala ka na sa mood. Ang mabuti pa, uuwi na ako. Hindi na ako magpapahatid sayo. Salamat ulit sa pagkain ha?”

I waited for his reply, but still he didn’t speak. Yun na siguro ang signal ko para umalis.

Lumapit na ako sa pinto at hinawakan na ang doorknob. Pipihitin ko na sana ito para buksan nang maramdaman ko nalang na may kamay nang pumipigil sa kamay ko.

“Wait.” He whispered in my hair.

Waaaah! Lakas talagang maka-ninja moves ni Dustin. Bakit ‘di ko napansin na nakalapit na agad siya?

“Hmm’kay,” sagot ko sabay lunok. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa doorknob nang dahan-dahan niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko na nakapatong dun.

>//////////<

Uh oh.

“Hindi pa ako tapos sa kwento ko. Bakit uuwi ka kaagad?”

Napapikit ako ng mariin. Para akong aatakihin sa puso. WAAAAAHH! Bakit kailangang nakadikit yung labi niya sa buhok ko? Naiilang ako! >///////<

“Uhh ano… Eh k-kasi naman hindi ka na nagsalita!”

In one swift move, he turned me around. Itinulak niya ako sa likod ng pinto habang nakatitig siya sa akin ng seryoso. Uwaaaaaahhhhh! Chloe, bakit ka nandito sa sitwasyon na ito? TT_______TT

“D-Dustin, wag k-ka ngang ganyan…”

“Wala naman akong ginagawang masama ah. May ikukuwento lang ako,” sabi niya sabay lapit pa niya sa akin. Ipinatong niya ang isa niyang kamay sa likod ng pinto, sa kaliwa ko.

“Ikukuwento? Bat g-ganito pa?” WAAAAAAHHH! Scheme lang ba niya ang pagiging nice at gentleman niya sa akin??? Baka anuhin niya ako! Noooooooo~ Wag niya sana akong anuhin!! T_T

Ngumiti siya. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko. “Let’s go back to the topic. Huwag kang dirty-minded. Wala akong balak na gawan ka ng masama. Trust me.”

Yung pagkasabi niya ng Trust me, automatic na napatango nalang ako sa kanya. There’s something about him na sa bawat salita niya ay sincere. Haaaayyyy… Kwento lang naman ito eh. Wala namang mawawala sa akin.

“Okay.”

He smiled more. Tumingin siya sa mga mata ko, at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya.

“5 years old ako nang mangyari ito. Pauwi kami galing sa mall, nang may humarang na van sa kotseng sinasakyan namin. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ang alam ko nalang ay may grupo ng armadong lalaki ang tinambangan kami.” He paused, his eyes are full of fear. “Kitang-kita ko na binaril si Mama sa ulo. Pati ang driver namin, pinagbabaril. Wala akong nagawa noon, kundi ang umiyak. Nakita ko kung paano pinatay si Mama.”

Nataranta na ako nang makita kong nangingilid na ang mga luha sa mata niya. I immediately pulled him into a hug. Mahigpit ko siyang niyakap. Nararamdaman ko yung takot niya. Now I get it. He’s still in trauma. Kaya pala siya cold…

“S-Simula noon, naging ganito na ako. Masisi mo ba ako kung bakit ako cold, Chloe? Masisi mo ba ako?”

I patted his back. I felt him hug me back. “Hindi… Ano ka ba, Dustin. Hindi mo naman dapat sabihin sa akin ito. Na kay Doraemon lang tayo kanina, tapos dinivert mo yung topic.” Biro ko sa kanya. Baka sakaling kumalma siya.

“You need to know more about me. Gusto kong kilalanin mo ako.”

I can’t help to smile. Okay… Medyo kinilig aketch dun. Pero hello? Sensitive topic naman yun! >.<

“Pero Dustin, past na yun eh.” Humiwalay na ako sa yakap at tinitigan siya. Hanggang ngayon, pulang-pula pa rin ang mukha niya. “Kung ayaw mo nang balikan ang nakaraan, huwag mo nang alalahanin pa. Paulit-ulit ka lang masasaktan.” Nginitian ko siya. “Kaya cheer up na.” :)

He just stared at me for a moment… and smiled.

“Okay. I’ll leave the past behind and just focus on my present.” Tapos yumakap na naman siya sa akin. Halaaaa, taking advantage na siya ah! “Miss present, pwede ka bang maging future ko?”  

Eh??? >///////>

Tinulak ko siya palayo sa akin sabay ngisi. “Depende Dustin, kung ibibigay mo sa akin yung life sized Doraemon na yun.” Sabay nguso sa direction ng Doraemon na malaki hohoho. Binibiro ko lang naman. *O*

At ayun balik na siya sa straight face niya. “No… I will never give that away. Sa Japan ko pa yan binili. Now, let me take you home. Baka kung ano pang gawin mo sa collection ko.” =______=

Ay, sayang. Nakakainggit! </3

 

 

DUSTIN’S POV

Malinaw na malinaw ang pangyayari. Hinarangan ng isang van ang kotseng sinasakyan namin. May tatlong lalaki ang sapilitang nagbukas ng pinto ng kotse namin. Mga nakatakip ang mga mukha nila ng maskara.

Walang ano-ano’y sunod-sunod na pinaputukan nila ng baril ang driver namin.

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit… Mahigpit ko rin siyang niyakap. Ayokong malayo sa kanya. Baka gawin nila sa amin ang ginawa sa driver namin.

“Pasensya na, Madam. Napag-utusan lang!”

“Maawa kayo sa amin! Huwag niyong sasaktan ang anak ko!”

Nagkatinginan silang tatlo habang nakatutok pa sa amin ang baril nito. Dun na ako nagsimulang umiyak. Mamamatay na ba ako? Kami ni Mama?

“Kunin niyo ang bata!” Narinig kong sabi ng lalaki at yun nga ang ginawa nila sa akin. Nilabas nila ako sa kotse at dalawang lalaki ang humawak sa akin. Dun ko lang napansin na nasa isang liblib na lugar kami. Umuulan pa nung gabing yun. Wala akong narinig kundi ang pag-iyak ni Mama. Pati ako, halos mawalan na ng boses sa kakasigaw.

“MAMAAAAAAAAA!!!!”

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila kay Mama. Basta ang nakita ko nalang ay hinuburan nila si Mama sa harapan ko. Pati yung tatlong lalaki, naghubad rin. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Pero isa lang ang siguradong hindi ko makakalimutan hanggang sa tumanda ako.

 

Pinagbabaril nila si Mama pagkatapos nila itong paglaruan.

 

“Maaaaaaaaaaaaa!!”

 

Iniwan nila kami pagkatapos nun. Malinaw pa sa isip ko ang dugo na nagkalat sa paligid. Wala na si Mama. Pinatay nila si Mama.

 

***

 

“Mamaaaa!”

I woke up from a bad dream again. Eversince that night, it haunted me even in my dreams. I got traumatized since that night. That explained why I am like this… I am as cold as ice.

Sweat dewed all over my face. I got up from bed and got myself a water to drink. Siguradong hindi na ako makakatulog ulit nito, kaya napagpasyahan kong magpalipas ng oras sa pag-online.

4:30AM shows my desktop’s clock. Few more hours to go and I’ll be heading to school.

I logged into my facebook and yahoo to check what’s need to be checked… My body froze when I read one expected message from a very unexpected person in my life.

 

---

From: Jenine

 Dustin, sorry if I haven’t spoken to you lately. It’s just that I’m in a very unwanted situation. I really miss you. Please wait for me. I love you.

---

 I smashed the keyboard hard and unplugged it without shutting it down. That’s bullsh*t…

“Magpaparamdam ka lang kung kailan mo gustuhin? Tss. Wala ka nang babalikan, Jenine.”

---

A/N: Okay, hindi na siya naka-hold. Alam niyo bang natrend kagabi ang #GwapoSiDustin sa twitter? OMG. Nagnumber one daw! Belated happy bornday kay Dustin~ Marielicians, you rock! Thank you! :)

Continue Reading

You'll Also Like

1K 61 32
This Book content is a Book Cover Edits of me-ShylessPen. At first last 2021 when I open this I make cover for watty payment but As I back last Feb...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
605K 13.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...