Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (...

By ecnalorij

1.3M 30.9K 4.7K

• when the school's "Campus Crush" meet the school's "Campus Hearthrob" • Copyright - All Rights Reserved More

◑ KAML ◐
◑ Part 01 ◐
◑ Part 02 ◐
◑ Part 03 ◐
◑ Part 04 ◐
◑ Part 05 ◐
◑ Part 06 ◐
◑ Part 07 ◐
◑ Part 08 ◐
◑ Part 09 ◐
◑ Part 10 ◐
◑ Part 11 ◐
◑ Part 12 ◐
◑ Part 13 ◐
◑ Part 14 ◐
◑ Part 15 ◐
◑ Part 16 ◐
◑ Part 17 ◐
◑ Part 18 ◐
◑ Part 19 ◐
◑ Part 20 ◐
◑ Part 21 ◐
◑ Part 22 ◐
◑ Part 23 ◐
◑ Part 24 ◐
◑ Part 25 ◐
◑ Part 26 ◐
◑ Part 27 ◐
◑ Part 28 ◐
◑ Part 29 ◐
◑ Part 30 ◐
◑ Part 31 ◐
◑ Part 32 ◐
◑ Part 33 ◐
◑ Part 34 ◐
◑ Part 35-36 ◐
◑ Part 37 ◐
◑ Part 38 ◐
◑ Part 39 ◐
◑ Part 40 ◐
◑ Part 41 ◐
◑ Part 42 ◐
◑ Part 44 ◐
◑ Part 45 ◐
◑ Part 46 ◐
◑ Part 47 ◐
◑ Part 48 ◐
◑ Part 49 ◐
◑ Part 50 ◐
◑ Part 51 ◐
◑ Part 52 ◐
◑ Part 53 ◐
◑ Part 54 ◐
◑ Part 55 ◐
◑ Part 56 ◐
◑ Part 57 ◐
◑ Part 58 ◐
◑ Part 59 ◐
◑ Part 60 ◐
NOT AN UPDATE
ECQ

◑ Part 43 ◐

17.8K 373 81
By ecnalorij

Dedicated to IceCreamWriter_12

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

[ Thats our Lance and Jiro ~► so cuuute ♥  ]

[ Watch that video para mas kiligin kayo ng todo ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Lance POV

Sembreak na...

SEMBREAK NAAAAAAAA!!!

Maaga kaming natulog ni Jiro, I think 7㏘, kasi diba ito yung araw ng pagbabakasyon namin sa AMERICA!! Yes! Masisilayan ko na ulit ang America!

Sina Zach at Eros, tinext namin kagabi bago kami matulog. Sinabihan namin na ihanda na nila ang lahat ng mga dadalhin nila. Sinabi din naming dadaanan na lang namin sila. Sabi ni Eros kina Zach daw siya matutulog para isang bahay na lang ang dadaanan namin. Syempre binigay nila yung address ng bahay ni Zach.

At ito ako ngayon, nag-aayos na. Van ko, oo may van din ako, ang gagamitin namin papuntang airport at si Manong driver na bahala magbalik dito sa bahay. Sana maging napakasaya at napakamemorable nitong bakasyon na to. Ayy hindi pala SANA, kasi pagkasama ko si Jiro, lahat posible mangyari.

Nang matapos na ko sa lahat ng ginagawa ko sa katawan ko, kinuha ko na yung mga bagahe ko at nilagay sa compartment ng kotse ko. Siguro sa bubong na lang yung kina Zach at Eros.

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko mula sa kotse ko. Lumabas si Mommy at huminto sa pinto.

"Mag-iingat kayo dun ah! 1week lang ah, Balik kayo ng 1, dadalawin pa natin lolo't lola mo sa sementeryo.." mahabang litanya nito.

Lumapit ako at hinalikan si Mommy sa pisngi nito.

"Sige po. Bye po! Kayo din po mag-iingat!" sabi ko at sumakay na ko sa kotse ko.

Si Manong driver ang nagdadrive at nasa tabi niya ko. Walang segundo na hindi ako nakangiti. Kahit medyo may aanga-angang hindi marunong magbasa ng sign sa kalsada. Walang pedestrian lane tumatawid, pasagasaan ko to eh.

Nakarating na kami kina Jiro, nagpabusina ako at ilang minuto pa bago lumabas ito. Bumaba ako para tulungan si Jiro sa bagahe nito.

"Tagal mo naman lumabas" nasabi ko dito habang nilalagay ang bagahe niya sa compartment ng kotse ko.

"Si Mommy kasi eh ang dami pang sinabi.." paliwanag nito.

"Ah okay sorry. Tara na't susunduin pa natin sina Zach at Eros.." sabi ko. "Saka Jiro, kasama ko si Manong, ingat ha, baka mabuking tayo na may relasyon tayo.." pabulong kong sinabi dito.

"Sige, tara na.."

Mabilis din kaming nakarating sa bahay nila Zach at pagtapat namin dun, nasa labas na sila, nakatayo, naghihintay na samin.

"Pasensya na, medyo traffic eh.." pagpapaumanhin ko.

"Okay lang." sabi ni Zach. "San namin ilalagay to?" tanong sabay turo sa bagahe nila.

"Dito sa bubong." sabi ko. "Manong, pakilagay naman tong mga to oh.." utos ko kay Manong. Ang bait ko no?! >.<

"Yan okay na, tara na at baka maiwan tayo ng eroplano.." sabi ko pagkatapos ilagay sa bubong ang mga bagahe nito.

Si Manong lang ang nasa harapan. Kami ni Jiro sa pangalawa at sina Zach at Eros naman sa pangatlo.

Habang nasa byahe, walang tigil sa pagahaharutan sina Zach. Yung panglalaking harutan naman. Pitikan ng tenga, tusukan ng tagiliran, pisilan ng ilong. Ang sweet nila no? Haha

"Hoy tama na yan, tara picture tayo!" sabi ko saka itinaas ang camerang hawak ko. Naka-tatlong shot din kami.

Saktong dating namin at kailangan na naming magmadali baka maiwan pa kami. Kanya kanya kaming hila ng bagahe. Yung van? Ayun inuwi na ni Manong.

Saktong sakto talaga ang dating namin dahil pagdating namin dun, agad kaming sumakay sa eroplano. Nararamdaman ko na na magiging masaya tong bakasyon na to.

At ngayon, nakalapag na ang eroplano at palabas na kami. Naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Nasa America na kami, nasa America na ulit kami!!!

"Tara picture ulit tayo!" sabi ko. "Kayo muna!" sabi ko naman kina ZaRos.

Agad namam silang pumwesto. "Isa pa!" sabi ko. Magka-akbay sila sa pangalawa.

"Kami naman ni Jiro, oh!" sabi ko sabay bigay kay Zach ng camera ko.

Agad kaming kinuhaan nito. "sampu pa!" sigaw ko. "Joke lang hehe tara na!"

San kami didiretso? Sa condo nila Jiro. Walang nakatira kasi dun, diba nga sa Pilipinas sila ngayon =_=

Sakto at dalawa ang kwarto. Tabi kami ni Jiro, si Zach naman tabi sila ni Eros. Inayos lang namin yung mga gamit namin at nagyaya ni Eros na lumabas para mag-ikot ikot.

America, America, bakit ang ganda mo? Liligawan sana kita kaso may Jiro na ako XD

Marami kaming pinuntahan na mga sikat na lugar. Picture dito, picture doon. Kain dito, kain doon.

Humiwalay kami sandali ni Jiro. Sinabi namin na sa condo na lang ulit magkita kita. Hindi naman siguro sila maliligaw.

Ngayon, naglalakad kami nang magka-holding hands ni Jiro. Wala na naman yan dito eh, tanggap nila ang ganitong klaseng relasyon.

Nang makaramdam ng pagod kakalakad, naupo ako sa pavement.

"Pahiga ako.." sabi nito.

Akala ko nagbibiro lang siya pero hindi, talagang nahiga siya.

Pinatong niya yung ulo niya sa mga hita ko at saka ipinikit ang mga mata.

"Ang gwapo mo talaga.." sabi nito.

"Nasabi mo yan ng nakapikit ka?" tanong ko dito, totoo naman diba?!

"Kahit naman nakapikit ako, ikaw pa rin nasa isip ko.." sabi nito, pinapakilig na naman ako ng Jiro.

"Ang kulit kulit mo talaga.." nasabi ko na lang at hinawak hawakan ang buhok niya.

Habang nakapikit siya, nakatitig lang ako sa kanya. Ang amo talaga ng mukha niya...

"I told you I love you.." bigla tong nagsalita. "That was a lie.."

Kumunot yung noo ko. Ano?!

"H-huh?! W-what do you mean?!" nauutal kong tanong dito. Di ako mahal ng Jiro ko????

"Coz I am consciously, incredibly, madly addicted to you.." sabi nito at biglang angat ng ulo at hinalikan ako.

"Adik ka, akala ko kung ano na.." ang nasabi ko na lang.

"Alam ko, kakasabi ko nga lang na 'Adik ako sayo' diba?!" sabi nito. Oo nga naman..

"Pick-up-an tayo.." bigla kong aya dito, wala lang. Tumango siya, nakapikit pa din siya habang nakahiga sa hita ko.

"Hey baby.." di siya umimik. "You must be a light switch.." di pa din siya umiimik. "Coz every time I stare at you, you always turn me on!" sabi ko. Pero wala pa rin siyang imik.

"Huy!" paggising ko dito.

"Huwag kamg magulo, nagiisip ako ng banat sayo.." sabi niya habang nakapikit padin. Okay, nagiisip pala..

Nag-intay pa ko ng ilang minuto at finally, dumilat na siya. Tinitigan niya ko..

"Haay.." bumuntong hininga ito. "You're so handsome that you made me forget my pick-up line.." sabi ni Jiro. Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ko..

"Roses are red. Violets are blue. Meron akong mahal, at ikaw ang clue.." sabi nito at iniangat ulit ang ulo saka hinalikan ako.

"A-a-aahh.." pag-iinarte ko. "Ang sakit ng mata ko.." sabi ko at hinawakan ang mata ko.

Napaupo si Jiro. "Bakit? Anong nararamdaman mo?" kinakabahang tanong.

Tinignan ko siya na parang ang layo layo niya.

"Hindi na yata ako makakita... Nang mas hihigit pa sayo.." sabi ko sabay nakaw din ng halik sa kanya.

"G*go ka talaga!" sinuntok niya ko ng mahina sa braso.

"I love you too!!!" sabi ko sabay yakap sa kanya.. "Tara balik na tayo.." aya ko dito.

Tumayo na kami at naglakad pabalik ng condo, malapit lang naman.

Pagkapasok namin andun na sina ZaRos.

"Tinamad pumunta ng kwarto?!" sabi ni Jiro pagkakita dito. Tumawa kami ni Jiro.

Pagkapasok kasi namin ni Jiro, may ginagawang kababalaghan sina Zach at Eros. XD

"Ikaw kasi eh!"  bulong pero rinig na sabi ni Eros.

"Tara kain na tayo.." nasabi ko na lang, ang cute talaga ng dalawang 'to.

Magkatabi kami ni Jiro at kaharap namin sina ZaRos. Minsan sinusubuan ni Zach si Eros. Ganun din ako kay Jiro.

"Alam na ba ng mga magulang niyo?" biglang naitanong ni Jiro.

"Ako oo, nasabi ko na at ayos naman ang lahat. Pero itong si Eros, hindi pa. Hinihintay ko na nga lang na sabihin na niya sa Mama niya para mapakasalan ko na siya.." mahabang litanya ni Zach. siniko siya ni Eros. "Kayo, kamusta relasyon niyo?" naitanong nito.

"Kung yung nararamdaman ko para kay Jiro ang tinatanong mo, ayun lagpas pluto na.." nakangiti kong litanya. "Pero kung iba, di pa alam nina Mommy at Tita, maski classmate namin hindi alam talaga.."

Marami pa kaming napagkwentuhan habang kumakain. At pagkatapos kumain, nanood kami sandali ng comedy film. At nang makaramdam ng antok, pumasok na kami sa kwarto at saka nahiga na.

"First day pa lang ang saya na.. Paano pa kaya kapag 5th day na.." nasabi ni Jiro.

"Eh di sobrang saya lalo na kung ikaw ang kasama!" sabi ko sabay niyakap siya.

Nilapit ko ang mukha sa mukha niya. Konti konti na lang ay maglalapat na nang bumukas ang pinto at may ubo bigla.

"Ehemm" napatingin kami bigla, si Zach. "Sorry sa istorbo.. Saka dapat ni-lock niyo." sabi nito.

"Bakit?" walang ganang tanong ni Jiro.

"Tumawag kasi si Mama, mukhang may problema.." paliwanag ni Zach. "Bukas na bukas din, uuwi na kami, pasensya na ha.." sabi niya. Parang may pinipigilan siya..

"Ahh ganun ba.. Sige. Ingat kayo ha. Salamat sa pagsama.." Jiro said.

"Sige sige." isasara na niya yung pinto nang magsalita ulit ito. "I-lock niyo na ha?! Haha" sabi nito saka tuluyang sinara. Kahit na tumawa siya, halatang malungkot at parang napipiyok siya.

"Ano kayang problema?" naitanong ko dito. Umiling lang si Jiro.

"Tara tulog na lang tayo para bago sila makaalis bukas makapag-picture picture pa tayo.." sabi ni Jiro.

"Okay.." pagsang-ayon ko dito. "Goodnight kiss ko?"

Humarap siya sakin at hinalikan ako nito.

Kinabukasan, gumising kaming apat ng maaga para makapag-bonding pa. Kumuha kami ng maraming litrato. Maraming maraming litrato dahil paalis na agad sila. Marami din kaming kinainan. At nagpaalam na sila.

"Sige una na kami. Maraming salamat!" sabi ni Eros.

"Pasensya na ha.." si Zach naman.

"Hindi, sige ok lang. Ingat kayo ha.." nasabi ko na lang.

"Ingat na lang.." si Jiro.

Kumawaykaway pa sila habang papalayo sila.

"Sayang naman yung pagpunta nila.." nasabi ni Jiro.

"Okay lang yan. I-enjoy na lang natin kahit wala sila. Mas importante naman siguro yun kesa dito. Tara gala pa tayo.."

Marami pa kaming pinuntahan ni Jiro nang may biglaang naalala ako..


"Jiro.." tawag ko, napatingin ito. 

"Happy Monthsary!!!"

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Sana pinanuod niyo yung video. Andun yung scene na nakahiga si Jiro sa hita ni Lance XD

Read my ONE SHOT story guys. Please give it a try. Nagagandahan ako dun kaya sana kayo din magandahan. ONE SHOT yun kaya mabilis talaga ang pangyayari =_= Click the 'External Link' at the right.

 

-♥-♥-♥-

VOTEs & COMMENTs are HIGHLY APPRECIATED ♥

Continue Reading

You'll Also Like

73.6K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
195K 8.7K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...