My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 36

132K 2.8K 43
By Aljane_Rose

Wala akong pasok ngayon kaya nakapag-update na rin. Sana maintindihan ako ng mga readers ko na puro test kami ngayon at hindi na mapahinga ang utak ko sa kakareview at sabayan pa ang pagpapatuloy sa kwento ng dalawa. Lagot na. Guys sana ipagpray niyo ako may problema kasi ako ngayon. Sana malampasan ko. :(

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*~♡~*

Natigilan ako sa sinabi ng caller. Date ni Clyde? Ang sabi niya sa akin ako ang kadate niya. Ano ba talaga ang totoo, Clyde?

"Sir, Are you still there?"

Hindi ko na sinagot ang tanong nito at ibinaba ko na. Kailangan kong malaman kung sino iyon.

Lumabas ako sa room at nagmamadaling pumunta ng elevator. Pagkapasok ko ay napapatingin ang kasabay ko sa akin. Wala akong pakiaalam kung ano ang iniisip nila mas may kailangan akong gawin kaysa intindihan sila.

Nauna na akong lumabas ng nasa ground floor na. Tinitingnan ko ang mga nadadaanan ko kung makikita ko si Clyde. Nasaan na kaya siya, alam na ba niya na may naghahanap sa kanya?

Pagkalabas ko ng hotel ay naghanap ako ng pwede kong sakyan papunta sa entrance kung saan naghihintay yung taong sinasabi ng caller kanina. May nakita akong guard kaya nagtanong ako kung ano ang pwede kong sakyan.

"Excuse me, saan ako makakakita ng taxi dito?"

"Sorry po ma'am. Wala pong taxi dito pero may mga mini van po na pwede niyong masakyan."

"Saan ko makikita yung sinasabi mong van?"

Mabuti na lang at tinulungan ako ng guard na makahanap ng sinasabi niya. Pagkasakay ko ay nakatingin na sa akin ang driver.

"Saan po tayo ma'am?"

"Sa entrance gate po."

Hindi nagtagal ay natatanaw ko na ang malaking gate. Nang mas malapit na kami ay may nakita akong pamilyar na kotse na nakaparada malapit sa gate. Isang pulang kotse na alam kong nakita ko na.

May dumating pang isang kotse at lumabas mula roon si Clyde. Lumapit ito sa mga guard na malapit sa pulang kotse. Kinakabahan na ako. May kutob na ako kung sino ang may-ari ng kotse, lumabas si Thalia at lumapit kay Clyde. Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang paghalik kay Clyde.

"Ma'am nandito na po tayo."

Ngayon ko lang napansin na nakahinto na ang van at nakatingin na sa akin ang driver. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako sa kanila o lalayo sa lugar na ito.

Napatingin ulit ako sa gawi nila. Nakahawak na sa braso ni Clyde si Thalia habang kinakausap ang mga guard.

"M-Manong pwede niyo po akong ihatid pabalik sa hotel?"

"Sige po."

Pinaandar na niya ang van. Hindi ko na kayang magtagal na makita silang dalawa. Ngayon ko palang naramdaman ito. Na ayokong makita muna si Clyde at gusto ko munang mapag-isa.

Huminto na kami sa tapat ng hotel at kumuha ako ng pera para ipambayad sa driver.

"Wala pong bayad ang pagsakay sa mga mini van po dito. Pinapasahod po kami ng may-ari kaya hindi ko po matatanggap ang bayad niyo po ma'am."

"Salamat po."

Pagkababa ko ay nakatitig lang ako sa entrance ng hotel. Ayoko pang bumalik sa loob kaya naglakad ako palayo dito.

Napatingin ako sa isang restaurant, nakaramdam na rin ako ng gutom at pumasok. Walang masyadong customer. Nakahanap ako ng table na malayo sa mga tao.

Umorder na ako at hinihintay ko na lang. Nakatingin lang ako sa labas. Glass ang paligid ng restaurant kaya nakikita ko pa rin ang labas.

May nagbaba na ng mga pagkain sa table ko.

"Thank you."

Hindi ko na tingnan kung sino ang nagserve ng pagkain ko pero nang hindi ito umaalis sa tabi ko kaya tiningnan ko na kung may kailangan pa ito.

"Bakit mag-isa ka lang na kumakain?"

Binalik ko sa pagkain ang atensyon ko, "Busy pa sa ibang babae si Clyde kaya ako lang mag-isa."

"Hindi ka dapat niya iniiwang mag-isa, Cassandra. Sasamahan kita kung hindi ka niya priority ngayon."

Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Nakangiti siya kaya napangiti rin ako sa sinabi niya.

"Thank you, Ren."

*~♡~*

Napahawak na ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ng malakas. Ang dami kasing sinasabi si Ren na mga jokes pero kahit alam mong corny ang ilan sa mga iyon ay matatawa ka pa rin dahil sa facial expression niya.

"T-Tama na. H-Hindi na ako makahinga sa kakatawa, Ren!"

"Marami pa akong hindi nasasabi sayo. Suko ka na?"

"Nakakahiya na sa ibang tao dito at kanina pa tayong maingay. Baka batuhin tayo kapag hindi pa tayo tumigil."

Tingnan naman ni Ren ang mga taong sinasabi ko. Humarap ulit siya sa akin.

"Hayaan mo sila. Ako naman ang may-ari ng restaurant na ito. Kaya gagawin ko ang gusto ko at wala silang pake sa ingay natin at kapag binato tayo, doble na ang bills nila."

"Sira ka talaga!"

Masayang kasama si Ren at nagpapasalamat akong siya ngayon ang kasama ko. Nawala na sa isip ko ang nangyari kanina at nakukuha ko ng tumawa na alam kong kapag nagkita ulit kami ni Clyde ay babalik na naman sa akin ang nakita ko.

"Maganda sa pakiramdam na napapangiti na kita ngayon. Huwag ka ng malungkot at sisiguraduhin kong lagi kang nakangiti kapag kasama ako."

I smiled. This guy can make me laugh even though I was in pain. I am really grateful to met him.

"Renzell!"

Napatingin kami sa tumawag sa kaniya. Nawala ang ngiti ko ng makita ko silang magkasama. Nakatingin ako kay Clyde at napansin ko ang seryoso niya habang lumalapit sila sa amin.

"Hi! Ngayon na lang tayong nagkita. Mabuti na lang at pumunta ako dito. Namiss ko na ang mga pagkain dito. Nandito ka pala, Cassandra..."

Ngayon mo lang ako napansin?! Magkatabi lang kami ni Ren, mas malabo yata ang mata nito kaysa sa akin!

"Bakit hindi mo sinabing aalis ka, Sandra?"

"Bakit hindi mo rin sinabing aalis ka, Clyde?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para tanungin si Clyde pero hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya.

"May mahalaga akong pinuntahan kaya iniwan muna kita." Talagang sinabi niya pang mahalaga! Napansin ko ang pagngisi ni Thalia sa tabi ni Clyde. Hindi ako bayolenteng tao pero sa pagngisi ng babaeng ito, parang gusto ko siyang sabunutan!

Iniwas ko ang tingin sa kanila para makontrol ko ang galit ko. Tingnan ko na lang si Ren.

"Anong ginagawa mo dito kasama si Ren?!"

"Pare, nakita kong mag-isa si Cassandra kanina kaya sinamahan ko muna siya."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Renzell kundi ang girlfriend ko!"

May gana pa siyang magalit. Dapat ako ang naglalabas ng sama ng loob pero kung umasta siya parang ang laki ng ginawa kong kasalanan. Siya nga may kahalikang babae pero hindi ako nagpakita ng galit sa kanya.

"Nagugutom ako kaya lumabas ako, pwede na ba iyong rason para tigilan mo na ang pagsigaw dyan. Sinamahan lang ako ni Ren dahil may isang tao dyan na hindi man lang nagpaalam na aalis at pinuntahan ang mahalagang tao na sinasabi niya"

Katahimikan qng namayani sa pagitan naming apat. Wala na akong pakiaalam kung ano ang iniisip ni Clyde ngayon.

"R-Renzell, meron ka na bang date mamaya?" Mabuti naman nagsalita ang babaeng ito.

"Wala nga. Malalagot ako nito."

"Sayang naman. Kung hindi lang ako ang date ni Clyde ay papayag akong maging date mo kaso alam mo naman na uunahin ko si Clyde kaysa sa ibang lalaki." Nagpaparinig ba siya! At talagang sa harap ko pa niyang sinabi iyon.

"Thalia you are not-"

"Ako na lang ang date mo, Ren. Wala naman akong tinanguang imbitasyon na magiging date ako ng kung sinuman."

Hindi ko tiningnan kung ano ang reaksyon ni Clyde at nakatingin lang ako kay Ren. Hindi ko naman gustong gumanti sa kanya pero alam kong maaaring matanggal ang membership ni Ren. Ito na lang ang pwede kong gawin kay Ren sa pagsama niya sa akin. Wala namang problema kay Clyde, nandyan si Thalia para maging date niya.

"Okay lang ba? Isa sa mga problema ko kung sino ang isasama ko mamaya. Wala akong makitang babae na pwede kong isama." Tumango ako.

"Pare, pwede ko bang maging date ang girlfriend mo? Ipapangako kong aalagaan ko siya habang kasama ako."

Hindi agad sumagot ito pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Ayokong salubungin ang tingin niya. Wala akong ginagawang masama at gusto ko lang tulungan si Ren.

"Ano pa ba ang magagawa ko kung nagdesisyon na ang girlfriend ko... Kahit ano ang gustuhin niya ay ibibigay ko kahit sa huli ako naman ang mahihirapan."

Continue Reading

You'll Also Like

101K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
100K 4.9K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...