Substitute Bride (Editing)

By ohrenren

1.7M 12.7K 625

{Substitute Series # 1} Troy Mcintyre and Samantha dela Vega He lost the will to live for he has lost the... More

Substitute Bride
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 26

4.7K 93 15
By ohrenren

CHAPTER 26:

Troy surprised me this morning. He helped me pull through a Hail Mary attempt. Malaking parte siya kung bakit hindi ko na kailangan pang pakiusapan si Miss para sa extension, na alam ko naman na malabo niyang pagbigyan. O kung sakali ay baka paluhurin pa niya ko sa asin para lang pagbigyan ako.

I really owe him, big time.

But his surprises didn't stop there.

Nang matapos ako sa paghahanda ng sarili, inalok niya ko na siya mismo ang maghahatid sa'kin sa university. I was stunned for a moment.

What did I do to deserve the pleasure of having the Troy Mcintyre to drive me to school?

"Are you sure?" I asked him for confirmation. Ilang beses ko na siya kinulit tungkol dito at kahit nakasakay na kami sa sasakyan ay tinatanong ko pa rin siya.

"Yup!" simpleng sagot niya habang nanatili sa daan ang mga mata.

Napatingin ako sa ilang buhok na tumutubo sa kanto ng kaniyang panga. Ngayon ko lang napansin 'yun kahit kanina pa kami magkasama. Hindi na siya nagpalit ng damit o kung anu pa man.

He just asked me a minute para naman makapaghilamos at toothbrush siya. Pinagtawanan ko pa siya dahil dun. I find it amazingly funny how comfortable he was with his natural scent.

Sa katunayan, mabango pa rin siya kahit andami na naming pinagdaanan ngayong umaga. That's just so unfair for my haggard look. Tsk.

"Wala ka bang meeting or something ngayon?"

He shook his head while playing with his lower lip. "Not until 5 pm. Dad and I have this early dinner with some of the investors."

Kaya naman pala late na siya natulog kagabi. He thought he had all day to spare and sleep his hearts out.

Lumingon ako sa'kanya. "I'm really sorry, Troy. Babawi ako sayo bukas or sa weekends. Hindi na kita gigisingin dahil sa ingay ko. Nagkata—" pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng biglaang pagpreno.

Nakapula ang stoplight sa unahan kaya Malaya siyang nakagawa ng paraan para harapin ako. He hastily pulled up the hand break before giving me his full and undivided attention.

Napalunok ako.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi. Damn it! His full red lips are inviting me for a show. And I tried my best to ignore it, but for some reason my attention really pointed to his tempting lips.

Damn it, Sam!

"Eyes on me, Samantha. Not on my lips." He said before licking his lower lip.

Napatalon yata ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Para kong bata na nahuling nagnanakaw ng candy sa cupboard.

I bit my lower lip and tried to regain my composure. "A-Anong sinasabi mo? Sa mukha mo ko nakatingin!"

Ngumisi siya. He leaned backwards to the car seat before stifling his taunting chuckle. He threw me a side glance, and laughed some more.

Oh God he's enjoying this!

"I discovered something new about you, Sam." Bitin na sabi niya.

He pulled down the hand break and started driving the car once again.

"Discover what? Puro ka kalokohan Troy!"

"You deny too much. You deny even the most obvious thing in the world." Halakhal niya, at pinasibat ang sasakyan sa daan.

And I felt my cheeks burning.

The whole car ride was surrounded with deafening silence. Panay ang ngisi ni Troy pero hindi ko siya pinapansin. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil talaga naman natameme ako sa pagkakahuli niya sa'kin. Hindi ako makaisip ng tamang isasagot kaya nanahimik ako para hindi na mapahamak pa ang akign sarili.

And clearly, Troy is enjoying my awkward silence.

Napabuntong hininga ako nang matanaw ko na ang gate ng university. Marami ng estudyante ang nagkalat sa school grounds. Some of them are running while the others are merely watching every expensive car that passes their way.

Pumarada si Troy sa sulok na katabi ng Engineering Building. When he pulled over I have decided to at least give him a decent thanks and goodbye.

But he opened his curious mouth.

"Isn't he your friend?" he said whilst pointing someone outside.

Nakita ko ang asul na kotse ni Chrome sa kabilang panig ng parking lot. Nakatayo siya sa gilid ng sasakyan habang abala sa pagkalikot ng kung anuman ng nasa kamay niya.

Of course, hindi mawawala ang kunot niyang noo at ang nakasimangot niyang labi.

"Oo siya nga. I told him not to come pero okay na rin 'yun. I need to talk to him about his laptop." Sagot ko.

"Tell me if he wants a new one." Malamig na sabi niya.

Umiling ako. "Ako ng bahala sa'kanya. Sana lang ay magawa pa 'yun laptop para hindi maging magastos." Paliwanag ko.

Pumwesto na ko para bumaba. I made sure na maayos ang pagkakatanggal ko sa seatbelt. Hinarap ko siya. Sumalubong sa'kin ang nakakunot na naman niyang noo at ang pagtataka sa kaniyang mata.

"Bakit?"

"He doesn't know about our set-up, right?"

Nakakapagtaka ang pagiging malamig ng boses niya. PArang kanina lang ay magiliw pa siyang nang-aasar sakin. Lalo akong nagtaka ng tumingin siya sa'kin gamit ang mga mata niyang blangko ng emosyon.

He looks scary shit right now.

Pinilit kong balewalain ang klase ng tingin niya at alanganing sumagot. "O-Of course, not. Wala siyang alam kahit ang i-iba kong kaibigan. Anong problema mo, Troy?"

Para namang natauhan siya sa sinabi ko. His face was quickly filled with relief.

Pumikit siya at bumuntong hininga. Nang muli siyang tumingin sa'kin ay normal na ulit ang kaniyang mukha.

"Nothing. Just go ahead. Baka malate ka pa." aniya.

"O-Okay. Mag-ingat ka pauwi." Bilin ko na lamang sa'kanya.

Tumango siya at tuluyan na kong bumaba ng sasakyan.

Ilang tao rin ang lumingon sa'kin. Of course, they belong to the opinionated population of the campus. Of course, they still see me as the gold digger who wants Troy's fame and fortune.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Chrome. Malayo ang tingin niya at batid kong hindi niya napapansin ang paglapit ko.

Thirty minutes na lang bago ang deadline, so I have to make this quick or else all our efforts will go into waste.

I tapped Chrome's shoulder to get his attention. He took off his eyes from his phone. Akala yata niya ay ibang tao ako pero nang makilala niya ang mukha ko tsaka siya umayos ng pagkakatayo.

"You're done with your papers?" agad na tanong niya.

I smiled happily before showing him my 2 inches thick project paper. He smiled but of course with his half hearted I'm an ass kind of smile. Typical Chrome.

Kinuha niya ang buong folder. "Well, this looks good. Come on. I'll walk you to the faculty." Alok niya pero agad kong tinanggihan 'yun.

"I'm fine, Chrome. Kaya ko nang ipasa mag-isa 'yan. Sa kabilang building ang class mo at hindi sa Business building."

Tumango- tango naman siya. I took it as a chance para ipakita ang tunay na pakay ko kung bakit ko siya nilapitan. "But I have other concern."

"What?" he asked.

Alanganin kong itinaas ang laptop niya na may bakas pa ng mantsa mula sa juice. Kumunot ang noo niya pero kinuha niya rin naman 'yun.

"Natapunan ng juice. I'm sorry. Hindi ko na mabuksan kahit anong patuyo ang gawin ko. Baka may naapektuhan sa loob. Do you think maayos pa 'yan? Hindi ko alam kung kelan ako magkakapera pero sisiguraduhin kong mabayaran ka kung anuman magagastos mo."

Katulad ng kay Troy ang tatak ng laptop niya. I know it will cost me a fortune bago ko mabayaran 'yun, but I have to at least offer him something. Nakakahiya!

I already figured it out inside my head. I expected Chrome to flip out and get mad about it. After all, it's his precious laptop.

Pero hindi 'yun ang nangyare. Binusisi lang niya saglit ang nangyare sa laptop bago nagkibit balikat at mabilis na ipinasok sa sasakyan.

When he looked at me again, he has this impassive look on his face. Hindi ko man lang siya makitaan ng pagkairita o galit dahil sa nangyare.

Hindi ko tuloy maiwasan magtanong. "Ganun lang?" tanong ko habang namamangha sa reaksyon niya. Ilang beses ko pinaulit-ulit sa utak ko kung paano ako hihingi ng tawad sa nangyare pero hindi ko man lang magagamit dahil para siyang ewan sa reaksyon niya.

Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko. "Anong ganun lang?" nagawa pa niyang sumandal sa sasakyan.

And then I realized, "Okay fine, I get it. Mayaman ka nga pala."

Minsan talaga nakakalimutan ko kung gaano sila kayaman. Parang hindi na makatarungan kung paano nila balewalain ang halaga ng pera.

Umismid siya. Kumawala siya sa pagkakasandal at pinatong ang kamay sa ulo ko. "Coming from someone who's married to the university owner." At ginulo pa ang buhok ko.

Umiwas ako at lumayo sa'kanya. I rolled my eyes upward and gave him a sharp look. "Troy's filthy rich, but not me. Estudyante pa lang ako at wala pa kong napapatunayan sa buhay. So yes kayo lang ang mayaman, hindi ako kasali." Anas ko sa'kanya.

Namamangha siyang napangisi at napapailing.

Napangiwi ako nang mapagtanto kung ano ang naging sagot ko. I sound so defensive and he finds it amusing as well.

In the end nagkasundo kaming dalawa na pumunta na sa kaniya-kaniya naming klase. But he made me promise to see him after my first class. May importante daw siyang sasabihin sa'kin.

Hindi makapaniwala si Miss Rivera nang ipasa ko ang paper ko five minutes before her deadline. I know deep inside her skull she's wishing I won't make it. Para magkaroon siya ng dahilan para maipamukha sa'kin ang kawalan ko ng kakayahan sa subject niya.

At tanging ang impluwensya lang ng pamilya ni Troy ang nagpapapasa sa'kin.

Noon pa man ay hindi na niya ako gusto at mas lumala 'yun ng kumalat ang kasal namin ni Troy. Naniniwala siya na free pass ko na ang apelyidong nakakakabit sa dulo ng pangalan ko ngayon.

Mcintyre.

"Well good job, Samantha. Until our next project." Malaman na pagbabanta niya.

Tumango na lamang ako bago tuluyang nagpaalam.

Hindi ako magrereklamo dahil mas lalo siyang magagalit sa'kin. Hangga't makakaya kong hindi siya lalong galitin ay gagawin ko . Gusto ko lang naman na makapasa sa subject niya ng walang inaalala.

I really don't get it when professor terrorizes students. They're supposed to inspire and encourage student, not put them down.

Lumunok ako at kinalma ang aking sarili.

"Well then, what happen?" bungad na tanong ni Mandy sa'kin.

She's waiting for me inside our room. Nakacross legs pa siya at nakataas ang kilay sa'kin. Ibinaba ko sa lamesa ang bag ko at hinarap siya.

"Nasubmit ko na. Nagulat siya nung bigla akong sumulpot sa faculty." Tumawa ako.

"Ooh I should've witnessed that. Sayang!" aniya.

"It's not worth it, Mandy. Kung nakita mo lang 'yung ngiti niya parang nakikita ko na ang susunod na plano niya para ipahamak ako. And for sure maasar ka lang."

"Pathetic!" aniya.

Tumango na lang ako dahil pumasok na ang una naming propesor.

Hindi talaga gusto ni Mandy si Miss Rivera. Bukod sa mahilig mambully ng estudyante, may mga project din to na hindi na makatarungan para sa'min. She's impulsive, hot-tempered and a bitch all the time.

Need I say more?

The rest of the day was a blur. Bukod sa inaantok ako at hindi makapagconcentrate, karamihan sa'min ay excited sa basketball game mamaya. Hindi naman talaga ko mahilig sa sports, pero dahil kasi sa game nay un suspended ang classes.

Basta kailangan lang kami magcheer for our course. We're more than happy to do that. Buti nga at tinamaan ang klase ni Miss Rivera kaya lalo kaming nagbunyi.

Naglalakad kami ni Mandy nang makasalubong namin si Roxanne. She looks stressed and haggard.

Nagkatinginan kami ni Mandy dahil sa itsura niya. One thing about Roxanne is even though she's a nerd at heart, maayos siya sa katawan. Nagkataon lang na mahilig siyang magbasa at mag-aral.

But today, she looks like she met Lucifer.

"I know I look like crap. No need to mention it." Pangunguna niya.

Tumawa kami. Hindi talaga makatarungan ang stress sa mukha niya ngayon. Puyat din naman ako at halos wala pang tulog pero ibang level ang kay Rox. Para na siyang bibigay any moment.

"Kailan ka ba huling natulog?" I asked.

She looks tired and sleepy. "Hindi ko na alam ang pakiramdam nang makahiga sa kama, Sam. Isinusumpa ko na talaga ang araw na naimbento ang salitang hell week." Buga niya.

Dahil masyado nga siyang busy. Hindi na rin nagtagal ang pagkwekwentuhan namin. O mas tama ang pang-aasar sa'kanya ni Mandy. She needs to go somewhere for her org. Hindi na namin pinigilan dahil mukhang importante talaga.

Pagkapasok pa lang namin sa loob ng gym, bumungad na agad ang ingay ng mga estudyante.

"Tara sa kabila. Andun ang BA."

Dumaan kami sa gitna ng court dahil wala naman kaming ibang choice. Nasa court na ang ilang players at kasama dun si Chrome at Ivan. Pareho silang nakajersey.

Number 09 si Chrome.

Number 11 naman si Ivan.

They both jogged towards our direction. Unang bumati si Ivan sa'kin. "You'll cheer for us?" aniya.

Of course umiling kami. "We're rivals. Sorry loyal kami sa department." Biro ko.

"Wala naman kayong pag-asa, Ivan. Sayang lang laway namin." Segunda ni Mandy.

"Wow! Thank you ha!" ani Ivan.

He didn't bother to hide his sarcasm. Patuloy sa asaran si Ivan at Mandy nang maramdaman ko ang paglapit ni Chrome sa tabi ko. I looked at him. He stared at me for a moment.

"What?" tinaasan ko siya ng kilay. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin sa klase ng tingin niya.

Bumuka ang bibig niya pero maagap rin niyang isinara. Kumunot ang noo ko. "Huy, anon a Chrome? May sasabihin ka ba?"

He let out a deep sigh before shaking his head. "Nothing. Umakyat na kayo." 'yun lang ang tumlikod na ulit siya.

Iniwanan niya si Ivan na noong mga panahong 'yun ay nakikipagtalo pa rin kay Mandy.

"Van, anong problema ni Chrome?"

"Huh? Wala naman problema 'yun. Baka meron kaya emosyonal at moody."

"Puro ka talaga kalokohan!"

Sakto naman na tinawag na siya ng coach nila. Nakalimutan ko na rin ang tungkol kay Chrome nang magsimula na ang laro.

Both teams are good.

Sa dami ng courses sa university, ang Engineering at Business Administration na yata ang may pinakamalaking male population. Meron din naman sa iba pero iba ang dami ng lalaki sa dalawang 'to.

Karamihan din sa mga magagaling maglaro ay kundi Engineering ang kinukuha, ay Business Ad.

That's why I understand why the game is so thrilling and action packed.

Napupuno ng hiyaw ang buong gym sa tuwing may makakashoot. At gayun na lang din ang protesta kapag may mga tawag ang referee laban sa kaniya-kaniyang team.

Even Mandy is reacting violently.

Lalo na nung bumagsak si Chrome sa ilalim ng ring. "Shit!" sabay kaming napatayo nun.

Imposibleng mapatumba ng ganun na lang si Chrome, lalo't hindi naman kalakihan ang mga kalaban niya sa course namin, maliban sa isang nakabantay nga sa'kanya.

"That monster! Ang dumi niyang maglaro!"

"Is he alright?" tanong ko ng hindi pa rin tumatayo si Chrome.

Mabilis naman siyang nilapitan ni Ivan para alalayan. Ganun na lang ang buntong hininga ni Mandy nang makita namin na unti-unti siyang nakatayo.

Nagpatuloy ang laro pero pinaupo muna si Chrome. Tumingin sa gawi namin Ivan at nag-okay sign.

I saw how relief washed over Mandy's face. Nag-aalala rin naman ako pero iba ang klase ang pag-aalala niya kanina.

Hindi ko tuloy maiwasan na kalabitin siya. She looked at me with her questioning eyes.

"Alam na ba niya?"

"Ang alin?" aniya.

I smiled back. Akala yata niya ay hindi ako aware sa tunay niyang nararamdaman. "Don't play dumb on me, Mandy. I know you better than anyone. Umamin ka na ba kay Chrome?"

Well, that sounded wrong.

Nanglaki ang mata niya. She even gave Chrome's whereabouts a side glance. Her whole body tensed up.

"Y-You know about it, Sam?" she asked with shock written all over her face.

Natawa tuloy ako. "Syempre naman. So ano, alam na ba niya?"

Nalungkot naman ako nang umiling siya.

"I have no plans of telling him. Ayos na ko sa ganito."

The look on her face told me she's serious about it.

Isa sa dahilan kung bakit hindi ko nakikita ang sarili ko sa isang relasyon kasama si Chrome ay dahil sa nararamdaman ni Mandy. She's my bestfriend. And I don't want to hurt her. Kahit pa siya mismo ang nagtutulak sa'kin noon para pansinin ang pahiwatig ni Chrome.

I won't be able to sleep at night thinking she's sad and lonely because of me. As much as possible, I want her happy.

Kaya rin siguro hindi kailanman naging welcome sa'kin ang ideya ng relasyon kay Chrome.

I treasure my friendship with Mandy more than anything else. Of course, mahal ko silang lahat pero iba ang connection ko sa'kanya.

Mukhang napansin niya ang biglang paglungkot ng mukha ko.

"Since when did you know? And please stop giving me that kind of look. Hindi ko gustong kinaawaan ako." Aniya.

"Hindi ako naawa sa'yo. I just thought magkakaroon kayo ng development. I've known it since day one."

"Wow, for real?"

I nodded. "Hindi ka naman magaling magtago. I can almost feel na alam din ni Chrome 'yan pero hindi niya pinapansin kasi wala ka namang sinasabi."

"Well, cut me some slack, Sam. I won't tell him what I feel. After all, baka simpleng crush lang 'to. Lilipas pagdaan ng panahon."

I glared at her. "Crush? May crush bang tumatagal ng tulad ng sainyo? True love na 'yan."

"Stop it, Sam. Huwag ang buhay ko ang pakialaman mo." Suway niya sa'kin.

"Pero baka kasi may chance. Well, you and Chrome could work out."

Siya naman ang sumama ang tingin sa'kin. "Yes it's possible, Sam. But I don't think I can keep my hopes up." Lumingon siya sa kinaroroonan ng mga manlalaro sa bench.

Nahuli namin na malalim ang tingin na binibigay sa'kin ni Chrome. He's staring at me like no one else's is around.

Napailing ako at nakalabing lumingon kay Mandy. Nakangiti siya pero hindi umaabot sa kaniyang mata.

"I can forget what my heart dictates when I had enough of the pain. But it doesn't mean I will stop caring. I can be his friend, but maybe not his lover." malungkot na saad niya. 

And then it hit me. 

Nasa magkamukha kaming sitwasyon ni Mandy. 

I can be Troy's friend, but not his lover. 

And it breaks my heart to realize that. 

Continue Reading

You'll Also Like

743K 16K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
176K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
590K 15.2K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.