Alluring II: Alluring her in...

By frustatedsinger

509K 21.2K 4.8K

Meet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perf... More

Prologue
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 41.
Chapter 42.
Chapter 43.
Chapter 44.
Chapter 45.
Chapter 46.
Chapter 47.
Chapter 48.
Chapter 49.
Chapter 50.
Chapter 51.
Chapter 52.
Chapter 53.
Chapter 54.
Chapter 55.
announcement

Chapter 40.

7.5K 327 33
By frustatedsinger

CHAPTER 40.



Yung feeling na habang naglalakad ka sa hallway ay pinagtitinginan ka.. Hindi dahil ina-admire ka nila kundi dahil, nandidiri sila sa'yo. Parang dati lang, kada-daan ko ay may magbibigay ng love letter, boquet or chocolates sakin. Pero ngayon, puro sama ng tingin ang natatanggap ko sakanila.



Hindi padin ako pinapansin ni Ivy at Aiko and I'm not trying to approach them either. Ayoko muna ng stress. I have to study. Right afer finals, I swear, kakausapin ko na sila at magsosorry.



Nadaanan ko si Callixte at ang bago niyang girlfriend. Magka-holding hands pa sila habang naglalakad at sobrang sweet nila. No, this isn't the girl he was with yesterday. Panibagong babae nanaman ito. Gosh. For sure, naghihiganti siya.




Nagiwas nalang ako ng tingin kahit na durog na durog ang puso ko. Ilang araw nalang and I'm out of this. Tiis ka lang Porsche..



The exams started at nakasagot naman ako ng maayos. Pagtapos ko ay natapos din si Ivy at Aiko kaya feeling ko ay kukumpruntahin na nila ako. Nauna ako maglakad pero tama nga ako, tinawag nila ako at nagpunta kami sa canteen.



"Mistress? Drug dealer? Pok pok? Ano yun Porsche? Bakit hindi namin alam yun?" Mariin na tanong ni Ivy.



I sighed, "I entered night club. Kasi yun yung easiest way para magka-pera.. Yes, I sold illegal drugs. But trust me, hindi ako pokpok at hindi ako kabit ni Tito Clarence."



"Are you being real? Sa dami ng tinatago mo.. I don't know if we could trust you anymore." Aiko.



Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. I hate this feeling.. Yung feeling na nagsasabi ka ng katotohanan pero hindi ka nila magawang paniwalaan. This has got to be one of the painful happenings in my life.



"Okay lang kung ayaw niyo maniwala.. I understand." Sabi ko habang nagpapahid ng luha. Ang sakit, Lord. Please heal me.




"Pero bakit, Porsche? Bakit mo nagawa yun?" Ivy.




Napapikit nalang ako ng mariin at umiyak. Sorry, hindi ko kasi mapigilan, it kills me. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, "Si dad nga kasi diba, lubog sa utang sa mga Estrada. I worked hard para matulungan ko siya.. Para hindi ko na kailangan i-date si Romeo coz I want to be with Callixte so bad.. Mahal na mahal ko si Callixte and I'm willing to sacrifice everything for him."



"So sa madaling salita, ginawa mo ang lahat ng 'yan para kay Callixte? What the hell? Nagiisip ka ba Porsche?" Galit na singhal ni Ivy kaya mas lalo akong naiyak.



"Alam niyo naman kasi diba na binubugbog ako ni Dad? Pinaglaban ko si Callixte and tried to help Dad. Pero wala.. Nasayang lang lahat. Walang nangyari sa pinaghirapan ko. At ngayon, wala na kami ni Callixte."




"What?! Bakit naman kayo nag-break? Akala ko ba nagtrabaho ka para pupwede na kayo ni Callixte?" Aiko naman.




"I thought too, Aiko. Akala ko din ganun kadali. When I told Dad about the money, binalewala niya iyon. Hindi daw iyon sapat and that his debts are more expensive than my life. Kailangan ko i-break si Callixte kasi, nag-threat si Dad na papatayin niya si Callixte.. Kaya wala akong choice.." Napahagulgol ako lalo. Ang sakit sakit. No words can explain how painful it is..



"Pano mo naman napalayo si Callixte sayo? My gosh.. Sukuan mo na kasi ang Daddy mo! Wake up! Sana si Callixte nalang ang pinili mo.. Sobrang kawawa ka na.." Malungkot na sabi ni Ivy.




"Ivy.. I told him na binayaran ako ng Daddy niya for a one night stand.. At sabi ko sakanya, pokpok ako." Napatakip ako ng mukha ko dahil nag-break down na naman ako. Sobrang sama ko.. I couldn't ever forgive myself for hurting my boyfriend.. Ex. Ex na pala ngayon.



"ANO?!" Sabay na sigaw nilang dalawa.





Tumango ako, "Yeah. He hates me now. Yun yung gusto ko mangyari, ang isipin niya na sinisira ko ang family niya. Bahala na kung galit si Tito Clarence at Tita Marga o si Callixte sa akin.. Bahala na kung nandidiri siya akin. Ang mahalaga, safe sila. Hindi sila mapapahamak dahil sakin."




"Tanga ka Porsche.. Ang tanga mo! How did you even came up with that idea?! For sure sobrang nasaktan mo si Callixte!" Ivy.




"Kaya pala back to being playboy na naman siya. Tama yan, Porsche. Mag-move on ka na sakanya! Gosh! Ang gago! Walang kwenta! 'Di ka man lang hinabol o hindi man lang nagmakaawa!" Aiko. Napayuko nalang ako dahil ang sakit man isipin pero.. Tama si Aiko.




"Hay naku! I don't know which side i'm in!Wait ka lang dyan Porsche, bilhan kita pagkain." Anang Ivy kaya tumango lang ako.



Tahimik lang ako habang nagbabasa ng libro. Kailangan ko na talaga kalimutan si Callixte. We're over. At hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan. Things are so complicated.




"Porsche oh.." Inabutan ako ni Ivy ng isang kanin at ulam.




Inamoy ko muna ang ulam dahil medyo maselan ang panlasa ko these past few days.




"Ivy? Ano 'to?" I asked.




"Huh? Adobong atay ng manok! Masarap yan! Try mo!"




Bigla nalang akong nasuka dahil sa naamoy ko. KADIRI! Ugh!




"Atay ng manok? Alam mong 'di ako kumakain ng mga ganito.." I pouted.



"I was just wondering.. Osige. Wait, palitan ko." Aniya at muling tumayo at pinalitan yung ulam.



"Huy.." Pabulong na sabi ni Aiko kaya napatingin ako sakanya.




"Bakit?"




"Buntis ka noh?"





Napanganga ako dahil sa sinabi niya. WHAT!? "Huy! Baliw! Ako? Buntis?"




"Alam ko naman mga pinag-gagawa niyo.. Psh. Nung team building palang, eh. You don't have to hide. Alam ko mga ganyang galawan.." She grinned.



"H-huy.. 'Wag kang ma-ingay kay Ivy! Nako baka itakwil ako nun! Atin atin muna ha? Please.." I almost begged. Gosh! Kailan pa alam ni Aiko 'to?




"Yes. Sige." Tumawa siya. "Regular ka ba? Delayed ka ba?" She asked.



Napaisip tuloy ako.. Kahapon pa dapat dadating ang period ko pero hanggang ngayon e wala pa din. One day delay won't hurt. "Kahapon dapat. Pero wala pa ngayon."




"HAAAYY NAKU! Buntis ka ngang babae ka! Di ka kasi nagiingat! Tigang kasi kayong dalawa!"



"Hindi nga kasi! Isang araw palang naman... It usually happens. One to three days ang delay ko. Psh. Stop overthinking! Pinapakaba mo ako!"




Nanahimik na kaming dalawa dahil paparating na si Ivy.




Inamoy ko ulit ang pagkain, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasusuka talaga ako. Nag-panic ang dalawa at sinundan ako habang tumatakbo ako sa CR.




Nakasalubong ko pa si Callixte at halatang nagulat siya dahil sa actions ko.



Pumasok ako sa isang cubicle at naisuka ko nga yung sandamukal na kape na ininom ko kagabi. Shet! Sige, Porsche! Kopiko pa more!




"P-porsche?" I flushed the toilet at nagulat ako kasi...




"C-callixte.. B-bakit?" Kabadong tanong ko. GOSH. Baka naghihinala din siya na preggy ako! No way!




"A-are you..." He bit his lip.




"Hindi. Nakita mo naman diba? Puro kape yung suka ko. Na-sobrahan lang siguro sa kopiko." I smiled. "Goodluck sa exams. I heard ikaw yung highest sa Philo ah? Keep up the good work. Sige una na ako."




Iniwan ko na siya doon at sinalubong sina Ivy at Aiko.



Ano? Pati siya naghihinalang buntis ako? Eh ako nga hindi kinakabahan eh.. Duh. Paano naman ako mabubuntis eh alam ko namang nag-ingat si Callixte noon. Mga tao talaga.. Nagsuka lang buntis agad? Di ba pwedeng na-overdose lang sa kape? Di ba pwedeng may nakain lang na hindi sinang-ayonan ng tiyan ko?




"Buntis.. Buntis my butt. Psh." Bulong ko sa sarili ko.




"Huh? Buntis pwet mo? Aba buti naman nang magkaroon ka naman ng pwet—Aray!" Lecheng Aiko 'to! Hahahaha!




"Baliw may pwet naman ako! Hawakan mo pa!" Natatawang sabi 'ko at pinapahawak sakanya ang pwet ko. Hahahaha happy pill ko talaga ito!




"Huy girl bawal.. Si Callixte lang dapat hahawak niyan." She winked at humalakhak.



Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa din ako, "Miss ko na nga ipahawak sakanya." I joked kaya napahalakhak ako at ganon din si Aiko.




"Nasa loob talaga kulong mong hayop ka! Hay nako, kung hindi lang kita kilala, kung hindi siguro kita kaibigan, hater mo ako! May landing hindi inaakala ka pala sa likod niyang mala-anghel at inosente mong mukha." Aiko says at natawa.




"Kay Callixte lang naman ako ganito.. Heh! Mag-aral ka na nga! Mamaya tres lang GWA mo!"

Continue Reading

You'll Also Like

32.4K 1.2K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
45.2K 2.5K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
Connection By Ara

Fanfiction

112K 1.9K 18
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
11K 323 11
BONUS CHAPTERS