Chapter 41.

7.6K 383 115
                                    

CHAPTER 41.



Sinundo namin ni Romeo si Daddy sa airport. Malaki ang ngiti ni Dad nang makita niya kami ni Romeo na magkasama at magka-holding hands pa.




"Welcome back, Tito!" At nag-chest bump silang dalawa.



"I'm glad you two are back together." Nakangiting sabi ni Dad.



"I didn't knew that Porsche was so inlove with me that she turned her back to her admirers, Tito. Sobrang swerte ko." Hinalikan ako ni Romeo sa noo at nginitian ko lang siya.



"Well, that's good. Shall we have a fine dinner? Gutom ako, e!" Sabi ni Dad nang nakangiti. After all these years, ngayon ko nalang siya ulit nakitang ngumiti at ikinagagalak ko iyon.




"Yes, tito. Andun na po sa resto si Mom at Dad. They're waiting for us." Anang Romeo.




"That's good! Let's go?" Ngiti ni Dad sakin.



I just smiled back, "Tara na dad."



Nagdrive si Romeo patungo sa isang restaurant at nag dinner kami doon. Nakakatuwa ang parents ni Romeo, they're overwhelming at halatang gustong gusto nila ako para sa anak nila. I'm starting to love what's happening to my life right now. Atleast, baka makatulong ito sa pagmo-move on ko kay Callixte.



Pagtapos ng dinner ay hinatid kami ni Romeo sa bahay. Hindi ko maialis sa mukha ko ang galak at tuwa dahil nakikita ko si Dad na masaya. I just want him to be happy. Kasi simula nung maghiwalay sila ni Mommy ay hindi ko na nakita si Dad na nakangiti. Ngayon nalang ulit.




"Porsche," tawag ni Dad sakin bago pa ako makapasok sa kwarto ko.



"Po? Dad?" Hinarap ko siya habang nakangiti.



He sighed heavily. Dahan-dahan siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mariin. Naluha na agad ako dahil sa ginawa ni Dad. It feels so good na ang tagal kong hinanap ang maiinit na yakap ng Daddy ko, after 8 years, ngayon niya lang naibigay at masayang masaya ako don.



"Thank you for helping me, anak. Tuluyan mo na bang iniwan si Callixte?" He asked at nagpahid ng luha. Oh my god! Bakit umiiyak si Dad?!



"Opo dad. Narealize ko po na, I'm better off without him. Natanggap ko na po si Romeo, dad. Wala po kayong dapat ipag-alala."




"I'm sorry for everything, anak.." Nag break down si Daddy sa harap ko. Oh my god.. "Lagi kitang pinagbubuhatan ng kamay. Lagi kitang sinasaktan. Lagi kitang binabalewala. Sobrang laki ng pagkukulang ko sayo, Porsche.. I'm sorry. At salamat sa tulong mo anak."



"Dad.." Hindi ko nadin mapigilan na maluha. "Dad okay lang. Okay lang, Dad. Napatawad na kita kahit nung 'di kapa nagsosorry. Mahal kita Dad, at lahat gagawin ko para sa'yo." Niyakap ko siya ng mahigpit and he did the same.


Lord, thank you.. Thank you dahil after 8 years, ngayon ko nalang ulit naramdaman na may Tatay akong nagmamahal sa akin. I couldn't be more thankful right now! Sobrang saya ko!




"Anak.. Wala na akong utang ngayon. I'm finally free. Nakarami ako ng benta sa iba't ibang bansa with the help of the Estradas. If it wasn't you, baka hindi nila ako tinulungan. I owe you and Romeo everything.. Maraming maraming salamat."



Mas lalo akong napangiti kahit napupuno ng luha 'yung mukha 'ko, "Talaga dad? Wow. Proud ako sa'yo, Dad!"



"My dear angel.." Daddy cupped my cheeks. "You're free. Ikaw ang bahala if you still want to date Romeo or makipagbalikan ka kay Callixte. The decision is yours, my angel."



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon