Chapter 20.

8.3K 340 39
                                    

CHAPTER 20.


Nakipag-highfive ako sa lahat ng blockmates ko nang manalo kami sa game. Grabe! That was intense! Buti nalang ay magaling din ang mga team mates ko.



"Galing mo pala Porsche noh? Ang ganda mo na, sporty ka pa." Harvey. Mahina kong pinalo ang braso niya. Baliw!



"Hindi noh! Tsamba lang 'yun!"



Tinusok-tusok niya yung bewang 'ko, "Sus! Pa-humble ka pa!"



Nagulat ako nung hinila ako ni Callixte sa gilid niya, "Pare, hands off my girl." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kay Harvey. MY GIRL!?



"Oo gago! Iyong iyo na 'yan! Napaka-seloso mo naman pala pare." At ayan tuloy, tinawanan siya nina Paolo, Jake at Enzo.



Umakbay lang siya sa akin at pinigilan ko ang ngiti 'ko. Okay alam 'kong trip niya lang yun pero bakit ako kinikilig? Hay my goodness gracious!!!





"Sasama ka ba mamaya?" He asked nang makarating kami sa kotse niya.




"Uhm.. Maybe?" Baka kasi mamaya nasa bahay na si Dad. "Pero if ever man, susunod nalang ako."



"Why are you undecided?" Taas kilay niyang tanong.



Kasi.. Bubugbugin ako ni Dad pag sumama ako. Hehe. "May importante akong gagawin."




He just rolled his eyes at hindi na kami nag-imikan pagtapos nun. Nakarating kami sa bahay nang walang kahirap-hirap dahil hindi masyado traffic.



"Text mo nalang ako later kung sasama ka." Aniya while i'm unbuckling my seat belt.



"Yeah, sure. Ingat sa pag-uwi." I smiled. Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang wrist ko kaya napatingin ako sakanya.



"I forgot to give you something," and then he pulled my head and kissed me. Shet!!! Sherep! "See you later." He smirked.




Napayuko ako, "Sige, see you."




Agad-agad akong bumaba ng kotse niya at diretso sa bahay. Until now, wala pa din si Daddy. Kailan kaya 'yun uuwi? Babalikan pa kaya ako nun?



I texted Aiko and Ivy kung pupunta ba sila mamaya and they said Yes kaya naman gusto ko din pumunta :( Okay. Ganito nalang. Kapag wala pa si Daddy ng 10pm, susunod ako! Tama! Hay i'm so great!



Nang mag-10 pm, walang Daddy na dumating. Kaya naman nagmadali akong maligo at mag-ayos. Naglagay lang akong simpleng powder, blush on at lip balm. Wow! Ganda ko! Jk.



Nagpahatid ako sa driver ko sa PS, tomas morato. Madami na ang nagtetext sa akin kung nasan na daw ba ako. Napangiti nalang ako sa sarili ko, nakaka-overwhelm naman na they're searching for me.



Pero.. Mas nagulat ako sa text ni Enzo sa akin.


From: Enzo

Porsche? Kayo ba talaga ni Callixte?



Napasimangot ako. Why is he interested to know? Hay. Di ko nalang rereplyan. I know na hindi kami ni Callixte pero ang tingin ng lahat ay kami dahil nga sinasabi niya na "girlfriend" niya ako.




Pagdating sa PS, sinalubong ako ng mga kaibigan ko.




"Uyyy! Porsche! Dito ang table natin!" At dinala nila ako sa couch kung saan nakalatag ang pizza at ang mga alak.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon