Royale Series 1: HATE THAT I...

By iamyourlovelywriter

2.9M 48.5K 1.3K

CATCHLINE: I dont know what to do anymore, all I know is I am madly inlove with you that it hurts... so much... More

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten (END)
Author's Note
Extra 1: Wedding
Extra 2: Pregnancy!
Extra 3: Bestfriends
Pasasalamat!

Chapter One

274K 4.2K 200
By iamyourlovelywriter

Chapter One

            “Bakit ba ikaw ang habol ng habol sa akin? Hindi ba halata na wala akong gusto sa iyo? Mahiya ka naman Megan hindi gawain ng isang matinong babae na manligaw sa lalaki.” Kunot noong bulyaw sa kanya ni Claude, na schoolmate niya at kaibigan ng kapatid niyang si Jaxon. Katulad ng kuya niya third year college na ito at halata ba kung paano sila nagkakilala? Of course kaibigan siya ng kuya niya and yes the usual unfortunate event, she fell in love with her brother’s bestfriend.

            Pero hindi gaya ng nababasa sa mga pocketbooks hindi nasuklian ang pagmamahal niya dito. Palagi naman siya nitong tinataboy dahil sa kagagawan din niya kaya lang mukhang napasobra siya ngayon dahil nag-away ito at ang girlfriend nito na si Sarah. Sobrang galit ang nakita niya sa mga mata nito. All anger and pure disgust at her. Feeling niya ay nahihirapan siyang huminga sa mga titig nito sa kanya. Alam niyang mali ang ginawa niya, alam niyang nakakasakit na siya pero kung ikaw ba ang magmamahal gagawin mo rin ang lahat ng katangahan sa mundo para lang sa taong mahal mo. Siguro nasobrahan lang siya.

            Mag-so-sorry sana siya kaya lang ay naunahan na naman siya nitong magsalita. “Sorry to say this Megan but I don’t like you at kahit kapatid ka ng bestfriend ko hinding-hindi kita magugustuhan. You are not my type.” And he looks at her from head to foot at hindi siya tanga upang hindi malaman kung anong klaseng tingin ang ibinibigay nito sa kanya. Nakakawala ng self-confidence hindi naman kasi siya ganoon kaganda.

            Nasaktan siya, gusto niyang umiyak, sino ba naman ang hindi iiyak? Taong mahal mo ang nagsasalita ng ganoon sa iyo. Balak lang naman sana niyang yayain itong maging date sa grandball pero nalaman niyang si Sarah ang dadalhin nito. She wanted his time and attention pero he wanted to rid her off his life. Isang masakit na katotohanan na hindi niya kayang tanggapin at hindi niya kayang harapin.

            At alam din niya kung bakit hindi siya magugustuhan nito. Sino nga lang ba siya kompara sa masungit na girlfriend nitong si Sarah. Hindi siya umabot ng limang talampakan, maiksi ang buhok at nakasalamin dahil malabo ang mata. Ang maipagmamalaki lang naman niya ay ang talino niya na hindi naman talaga ganoon ka outstanding kasi marami namang matatalino na tulad niya.

Minsan ay naisip niya kung kapatid ba talaga niya ang kapatid niya, hindi sila magkamukha kasi gwapo ito katulad ni Claude. Kung sana ay naging matangkad at maganda siya malamang baka napansin din siya ni Claude. Kaya lang ay hindi eh... impossible...

            Pinigilan niya ang mga luhang gusto ng pumatak sa mga mata niya habang nakatitig sa palayong bulto ng binata. Narinig niya ang tawanan ng mga tao sa buong paligid, sa buong department kung saan siya pinahiya ng husto ng lalaking pinakagusto niya. Lahat sila ay nakatingin sa kanya na para bang sinasabi na nababaliw na siya at nakakahiya iyong nangyari sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong pagkapahiya at ganoong sakit. Gusto niya itong takbuhin at sabihin na bawiin nito ang lahat ng sinabi nito pero pakiramdam niya mas gusto nalang niyang bumukas ang lupa at lamunin siya ng buong-buo. Iyong wala ng matira sa kanya kahit na isang hibla ng balahibo niya.

            Kaya tumakbo siya, tumakbo siya palayo doon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kung sino ang pupuntahan niya. Wala siyang pakialam kung madapa man siya ng ilang beses at kung magkasugat-sugat man ang tuhod niya. Importante pa ba ang sakit ng katawan niya kung ang puso niya ay halos hindi na niya mabuo sa pagkawasak?

            Gusto niyang lumayo. Gusto niyang sumaya... gusto niyang tumakas sa sobrang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

 

            ”Miss Meg, miss Meg!!!” binuksan niya ang kanyang mga mata at bahagyang napapikit uli ng tumama ang ilaw sa kanyang pobreng mga mata. Tiningnan niya ng masama ang kanyang bestfriend slash assistant na si Ashley na kasama niya ng mga oras na iyon.

            ”What?” she asked groggily. Nag-unat siya ng mga muscles at umayos ng upo, nakatulog kasi siya sa flight nila at sa hindi magandang posisyon.

            ”Dumating na tayo masyado kang nasarapan sa pagtulog Miss Meg.” Ash said merrily, ito lang yata ang masaya sa pag-uwi nila sa Pilipinas after years of staying in London.

            ”Belle.” pagtatama niya dito kapag kasi naisipan nitong inisin siya ay Meg short for Megan ang tawag nito sa kanya at kapag nasapian na talaga ng kung anong nilalang ay Miss Meg. Lahat kasi ng tao sa London ay iyon ang tawag sa kanya. Her family and friends called her Belle since her real name is Megan Ysabelle.

            After twelve years ay muli siyang bumalik sa Pilipinas. Kung hindi lang dahil sa request ng parents niya ay nungka siyang tatapak muli sa lugar na ito. She even took a leave sa kanyang trabaho para sa occasion na kailangan niyang puntahan.

            Yeah, ilang taon na rin ang nakakalipas since that unfortunate day. When her first love shove her heart back to her face, noong tumakbo siya ng walang direksyon kahit na magkasugat-sugat na ang tuhod niya. Her parents and her brother asked what happened because she literally shut her world from the outside world. Hindi na siya pumasok pa what’s the use kung pagtapak pa lang niya sa university ay pagtatawanan din naman siya ng lahat. Hindi niya sinabi ang nangyari sa mga ito, her excuse is gusto niya ng bagong environment. She wanted to grow and expand her horizon and that means gusto niyang mag-aral sa ibang bansa dahil mas maganda doon. Akala ng mga magulang niya ay nagsusulk lang siya but they knew nothing.

            Kahit nasasaktan siya ay hindi naman niya kayang masira ang pagkakaibigan ng kapatid niya at ni Claude lalo na ang pamilya niya. Gustong-gusto ng mga ito si Claude kasi magkapitbahay lang naman sila. And staying her will never help her so she wanted to run away.

            And when she finally settled down, when she finally found her safe haven and when she finally moved on and have the best life a woman could ever have, she was called back by her parents para lang sa isang high school reunion? What a life!? And unfortunately her parents were shareholders sa dating pinapasukan na paaralan.

            Sa nakaraang labing dalawang taon iilang beses lang niyang nakita ang mga magulang niya kapag nagbabakasyon lang ang mga ito sa lola at lolo niya. She haven’t seen her brother too sa mga magazines lang na dala ng parents niya. Her brother hail as one of the most successful businessman in the Philippines at lahat ng balita na may kinalaman kay Claude, she managed to budged it off.

            Naging successful siya sa kanyang career dalawang taon mula noong umalis siya ay nagsimulang nagwork ang wonders ng genes sa katawan niya. Mas lalo siyang tumangkad at gumanda din ang kutis niya dahil na rin sa klima. Naging model siya sa R.J.S clothing line, isang sikat na clothing line sa London. Pero nagresign din siya because limelight will never be her last option sayang ang talino niya at natapos niya. Right now she is a fashion consultan sa R.J.S, isa kasi sa ipinagpasalamat niya sa nangyari sa kanya ay ang pagkaroon niya ng mga kaibigan. Si Ashley and the owner of R.J.S, si Rajeev Santillan.

            And like a normal successful young woman she goes out to party with Ashley of course and with Raj’s approval. Nagkaroon na rin siya ng boyfriends, yes, plural is the right term may mga models siyang naging ex and businessmen o kaya naman ay mga high profile personalities doon being a model gave her enough self-confidence to mingle pero sa tulad niyang Pilipina, she always have her virtues with her. Pinalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang at ng kanyang lola at lolo na puno  ng pangaral and she will never waste it.

            Speaking of Raj, napangiti siya ng mapadako ang mga mata niya sa singsing na nasa daliri niya. It’s an engagement ring of course and it was given by none other than Rajeev Santillan, she is engaged to him and they are getting married once she reached thirty. She is still twenty seven so she have two more years to enjoy. And besides kung si Raj man ang makakatuluyan niya alam niyang hindi siya nito pababayaan and he is well-off too kaya walang kontra sa pamilya niya kung nagkataon.

            “Masyadong malalim ang iniisip mo.” untag ni Ash sa kanya. Pinanindigan kasi nito ang sinabi nitong magtatagalog daw sila kapag nasa Pilipinas na sila. Ash lives in London all of her life kaya hindi ito marunong manangalog pero pinilit nitong matuto mabuti nalang at mahaba ang pasensya ng grandparents niya na matiyagang nagturo sa kaibigan.

            “Nagdadalawang isip lang ako kung tutuloy ba ako sa party tonight or hindi.”

            Tinaasan siya nito ng kilay and the side of Ash’s lips curved down meaning hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Among all people Ashley knew what happened sila ni Raj alam nila ang napagdaanan niya kaya gusto ng mga itong tulungan siya and they want to know if she had really moved on na. Hindi naman daw kasi nila malalaman kung totoo iyon kung hindi niya ulit makikita ang lalaking minsan ay nanakit sa kanya.

            “You know you need to attend.” Ash said, she just sigh and shrugged off as they wait for the plane to touch down the aisle. Nasa NAIA na sila as what the stewardess announced awhile ago habang nagigising pa siya.

            “Beat me.” She snickers.

            “I already choose your outfit tapos hindi ka pupunta?” naka-pout ito as she findled her fingers tanda na naiinis na ito sa kanya. Like her Ash was a model too, noong nagresign siya ay nagresign na rin ito.

            “Silly, pupunta ako and besides I missed my parents and my brother at least kahit isang araw lang ako dito sa Pilipinas ay makita ko ulit sila.” She flashes her a thrift smile.

            “Yup! And I want to see that stupid guy who broke your heart twelve years ago. I want to see his reaction kapag nakita ka na niya. I will record it and post it in youtube that would be fun and Raj would be happy.” Pumalakpak pa ito.

            Inirapan lang niya ang kaibigan at tumayo na siya gusto na niyang bumaba ng eroplano, nahihilo pa rin siya because of the jet lag but she will be better if this will be over. Bukas din ang flight nila pabalik, hindi sila nandito para magbakasyon she is here to do her duties as a daughter. A prodigal daughter.

            “You don’t have to.”

            “Gusto ko kayang Makita ang lalaking naging dahilan ng malaking changes mo.” Tiningnan niya ito ng masama. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang magpakita kasi kahit ilang taon na ang nakakalipas nasa dibdib pa rin niya ang takot at pangamba sa pwede niyang maramdaman sa binata o kung binata pa ba ito hanggang sa ngayon.

            ”Ash, gaya ng sabi ko sa iyo before. It has been twelve years I’ve already move on.” Sabi niya dito.

            “We can’t tell yet you are my bestfriend and I want you to be happy and seeing you finally moved on from that bastard bloody hell jerk means happiness for the both of us. Pero gusto ko sana magsisi muna siya.” She said while tapping her bottom lips. “Nah, I’d rather see him dropping his jaw when he sees you.” Ashley is a little wicked when it comes to this.

            “I’d rather go home and snuggle my bed than attend this party.”

            “We are going to attend sa ayaw at sa gusto mo and where should we head now? Hotel or or home?”

            “Hotel, nagpabook na tayo doon and besides I don’t want to give my parents false hope kapag kasi nagstay tayo sa bahay they would think I’ll stay longer.”

            At magkapitbahay ang parents niya at si Claude.

            “Sayang gusto ko pa namang mamasyal. This is my first time here.”

            Napatingin siya dito. “Don’t worry Ash you can stay here if you want, uuwi ako.”

            “Yeah right as if kaya kitang iwanan dito ng mag-isa. Kung saan ka nandoon din ako at saka I am holding your schedules.”

            “Thanks and by the way my parents will be delighted to finally meet you. I want you to meet my brother too.”

            “Okay.” Walang pakialam na sumunod ito sa kanya dala ang kanyang maleta. Pumara siya ng taxi hindi kasi alam ng mga magulang niya na ngayon sila darating hindi siya nagsabi pa. Naiirita na rin siya sa mga tingin na pinupukol ng mga tao sa kanila. Not just her but Ashley too, kaya lang mas sanay ang bruhang iyan na tingnan kasi mas naging model iyan ng matagal and Ash already practice the art of neglecting everyone.

            When they finally reached the hotel ay mabilis naman silang inasikaso mga lalaki kasi karamihan ng staffs at ng makita sila ay hindi nagdalawang isip ang mga itong asikasuhin sila. She is rolling her eyes the entire time mabuti nalang at naka-chanel sunglasses siya kaya hindi siya napansin ni Ashley ayaw kasi nitong nagsusungit  siya nakakapangit daw.

            “I called your mom Belle I told her that we landed safely and we will be in the party on time.” Balita nito sa kanya, inaayos nito ang isusuot nila tonight. Pinatay niya ang dalang iPod at saka tumayo at hinila ang kaibigan palabas ng silid nila.

            “Where are we going?”

            “Eat.”

            “We can order it using the intercom you know.” Maarteng wika nito.

            “I don’t like hotel foods you know that may nakita akong restaurant dito kanina, its Royale para akong nasa England noong nakita ko iyon kanina.”

            “Really? Go.” Hindi naman masyadong kalayuan ang sinasabi niyang restaurant and yes, she feels like she is in London dahil sa cozy appearance nito. At hindi lang maganda ang appearance nito pati ang mga pagkain ay close to perfection kung magtatagal siya sa Pilipinas for sure this place will be her favorite place.

            Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa hotel, they took a nap and what woke them up is the irritating alarm from her bestfriend’s cellphone. Late na sila sa party, kung titingnan ang oras hindi na sila makakaabot sa unang bahagi ng program.

            “I knew it hindi talaga ito pwede late na naman tayo!” naghehisterical na si Ashley na hindi alam ang gagawin. Natawa nalang siya dito as she lazily stood up and went inside the bathroom to freshened up. “Ysabelle!” napangiwi siya sa pagtawag nito ng buong pangalan niya. Galit na talaga ito kaya lumabas na siya at medyo binilisan ang kilos. Paglabas niya ay nakabihis na ito at nag-aapply nalang ng make-up. The advantage of being a model. Kinuha na rin niya ang dress na nakalaan sa kanya at isinuot na rin iyon. Hindi na siya nahihiya kay Ashley because she isn’t just her bestfriend, she is more than a sister to her.

            “Sabi ko naman sa iyo bilisan mo.” Sermon nito sa kanya na hila-hila pa siya palabas ng suite nila.

            “As if I am excited to come if I were to choose hindi ako sisipot sa alumni homecoming.” She said boredly as she tucked in some strands of her hair at the back of her ears.

            “Megan Ysabelle I understand you kaya lang minsan lang ito let them see you. Let them see how beautiful and successful you are. Let that guy see what he missed when he rejected you because he can drool but he can never touch you. Gusto ko lang i-compare kung sino ang mas pogi si pareng Raj or ang ex-love mo.”

            She chuckled at Ash’s choice of words pero aaminin niya nacucurious din siya kung sino ang mas gwapo because the last time she remembered sa paningin niyang bulag sa katotohanan si Claude ang pinakagwapo sa paningin niya. That’s true dahil kapag nainlove ka sa isang tao hindi mo makikita ang pangit na side niya ang makikita mo lang ay ang gwapong side niya kahit hindi naman talaga gaanong gwapo. That’s the explanation sa kasabihang LOVE IS BLIND. Nakakabulag naman talaga. And Rajeev her fiancé is explicitly handsome too, hindi nga lang ito nagmodel dahil baka daw kuyugin ito ng mga tagahanga--- their choice of words. Raj is half Filipino and half-Turkish that’s why.

            Ang laki na ng pinagbago niya, ito kaya ay may pagbabago din? Mas lalo kaya itong gumandang lalaki o kaya naman ay pumangit na. Kapag hindi nito nameet ang standard niya sa kategoryang gwapo ay pagtatawanan talaga niya ito hanggang sa maubos ang hangin sa lungs niya.

            She sighed as the taxi driver parked the taxi outside the venue, naiinis rin siya kasi kanina pa ito panay ang tingin sa kanila. Napatingin siya sa labas ng establishment, it has been twelve years at hindi lang pala siya ang nagbago pati ang buong university. Nagsisimula na nga ang party dahil may naririnig na siyang ingay sa loob ng school.

            “Wow, is this your school?”

            “Nope, my parents are shareholders lang they don’t own this and I don’t own this either. Let’s go at ng matapos na ang gabi and we can fly back to where our heaven is.” bumaba na sila sa taxi and all eyes from the guests who decided to stay outside the school were on them. They are too beautiful and hot to resist kahit babae ay napapatingin sa kanila, iyong iba may paghanga sa mga mata while others are raising their brows at them.

            Ashley is wearing a very simple yet elegant electric blue cocktail dress and her expensive blue stiletto to match her purse. At dahil nga late na sila hinayaan nalang nito ang mahaba at wavy hair nito. Ash is really beautiful and papatalo ba naman siya? Para ano pa at naging model siya? She is wearing a white and black knee length--no shorter than it pa nga na chiffon dress, showing a bit of her skin and at the same time decent enough to tease them. She let her long straight black her flow freely at her back, and Ash forced her to add a bit of accessory and her light make up. Sabi ng kaibigan hindi na nila kailangang mag-effort pa na magpaganda dahil maganda na daw talaga sila. Mayabang eh kaya minsan nahahawa siya. Binagayan nalang niya ang suot ng white peep toe heels and a black Versace purse. She wouldn’t be a fashion stylist for nothing kaya alam niyang hindi lang siya maganda, magandang-maganda. Sabi nga nakakahawa ang kayabangan ng kaibigan niya.

            “Invitation po.” Tawag pansin ng nasa reception area ng school na nakatitig lang sa kanila. Ash handed her invitation letter and the poor girl gasps. “M-Miss Villaraga.” Nagsta-stutter na ito.

            “That would be me.” Bored na sagot niya. Tumayo ito at may tinawag na isang nakasuite na inutusan nitong dalhin sila sa venue.

            ”Thank you.” Ash said ng makarating na sila sa convention hall. He even opened it for them mukhang alam na nito ang gagawin nito. Naunang pumasok si Ashley at nakasunod lang siya, maraming tao sa loob ng hall na nasa isang pabilog na mesa. Pagkasara ng pagkasara ng pintuan ng convention hall ay bumaling sa kanila ang halos lahat ng guests sa kanila. Who wouldn’t? They are obviously late.

            Inilibot niya ang paningin sa buong paligid and caught a glimpse of her mom and dad who are grinning and waving at her like stage parents. Napangiti din siya sa mga ito, her eyes were focused on her parents then she heard the host of the party announced something that relates to her arrival.

            “Oh, here she is the most awaited lady. Please help me welcome Miss Megan Ysabelle Villaraga, the only daughter of the Villaraga couples that we have here and of course together with her lovely company.” Ash simply smiled and wave a little to everyone habang naglalakad papunta sa parents niya. She on the other hand stopped the urge to ran and hug her parents.

            It has been twelve years at kahit pa na sabihin na nagkikita sila kapag nagbabakasyon ang mga ito ay iba pa rin kung makakasama mo ang pamilya mo. She missed them too much, ang tanging magandang bagay lang sa pagbalik niya dito ay ang makita ang mga magulang niyang isinantabi niya dahil lang sa kanyang nararamdaman kay Claude.

            “Mom, dad.” She greeted them with a warm hug when she finally reached their table, yumakap din ang mga ito sa kanya ng sobrang higpit. She can feel the emotions her parents want to share, they love and missed her a lot. The feeling is mutual.

            “My baby Belle is already big, I miss you so much anak.” Bulong ng mommy niya and she smile at her dad who is looking adoringly at her. There’s a longing look and understanding over her father’s face. She hugged him too after she hugged her mother who is teary eyed

            “Baby Meg. My baby I so miss you.” Bulong ng mom ko my dad gave me a longing look and an understanding smile. I even hug him after.

            “I miss you dad.” She said and kissed him on the cheeks, napangiti na lamang ito. It’s their secret code as father and daughter, she is a papa’s girl after all. Bumitaw na siya and then grab her bestfriend’s hand. “And dad, mom, this is Ashley my bestfriend.” Pakilala niya.

            “Hello po.” Muntik na siyang humagalpak ng tawa sa magalang na pagbati ni Ash, ang bait-bait kasing pakinggan. Maldita kasi iyan sa tunay na buhay.

            “Nice to finally meet you Ashley, nakilala ka na rin namin akala kasi naming ay hallucinations lang ni Belle na may bestfriend siyang parang manika sa personal.” Puri ng mommy niya alam niyang excited din itong makilala ang bestfriend niya. Ash blushed sa compliment na natanggap nito sa nanay niya.

            “Baby sis!” isang masayang boses ang biglang nakapagpalingon sa kanya. She will never forget the voice dahil kahit hindi man sila magkita pa she will always be the spoiled little angel her brother usually called her. She smiled at her brother and hug him tight but her smile freeze when she saw someone oddly familiar. Mabilis niyang inalis ang tingin sa lalaking iyon because the pain she tried to push back at the back of her consciousness is slowly resurfacing.

            Even after twelve years a single glance to him can still make her heart flinch. At hindi na niya ito pwedeng pagtawanan gaya ng plano dahil hindi naman kasi ito pumangit, mas lalo itong gumandang lalaki. Nakakabuwisit lang!

            “Kuya.” Kumalas siya ng yakap sa kapatid at hinarap ito and kiss him on the cheeks, hinalikan naman siya nito sa tungki ng ilong making her giggled like a stupid child. “I miss you.”

            “Hindi na kita nakilala baby sis. Akala ko kung sinong model.” she grinned at her brother dahil alam niya ang naging reaksyon nito noong malaman nito na nagmodel siya.

            ”I so love you kuya and I already quit modeling at mas masaya ako sa trabaho ko.”

            “And you never told me na nagkaroon ka na ng maraming boyfriends sa London.” Tumawa siya ng malakas at umiling. “Hindi ko man lang nakaliskisan I would love to point my riffle to your suitors.”

            “Silly, exes na sila and besides I am happy now. And by the way I want you to meet my bestfriend Ashley.” Tinaasan niya ng kilay si Ashley na bigla nalang ay natulala ng makita ang kapatid niya. She can’t blame her, her brother as proud sister is equally handsome as their male models in R.J.S. “And Ashley meet my handsome brother Jaxon.”

            Tumikhim siya ng ang kuya niya ay titigan naman ng husto ang kanyang bestfriend. Gusto niyang pumalatak dahil alam niya kung anong klaseng tingin ang binibigay ng kapatid niya kay Ashley at kahit mahal niya ang kapatid mahal niya rin ang bestfriend niya.

            ”No kuya.”  She interupted. ”No hitting on my bestfriend maghanap ka ng ibang babae na paglalaruan mo hindi ang bestfriend ko.”

            “I didn’t say anything.” Depensa nito sa sarili nito.

            “I am your sister and I know that look.” Seryoso kong sabi sa kanya.

            ”Fine. Oh, my bestfriend Claude still remember him?” turo nito kay Claude na nasa likod lang nito. She calmed her senses and Ashley elbowed her lightly. She flash Claude a smile.

            Sino bang hindi makakalimot dito? Not when almost everyone inside this hall knew what he did to her way back then.

            “Yeah, of course how can I forget your bestfriend?” she look Claude in the eyes with a smile on her lips at linapitan ito. She can feel her heart beating but she knows how to control herself kaya mas madali sa kanya na magpanggap na okay lang siya. She tip toed kasi kahit tumangkad siya at may heels na siya mas matangkad pa rin ito. She gave him a peck on the cheeks like what she did to her brother. “Hi, kuya Claude. How are you na?”

<3 <3 <3

a/n: Done editing the first chapter. Love-Love-Love!

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 802 26
She's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent...
754K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
308K 10.6K 14
Published under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.
... By ScarletteQueen

General Fiction

362K 5K 7