When A Sadist Meets A Gay (Bo...

By blackfoxsenpai

245K 6.4K 664

HIGHEST RANK ATTAINED: #1 IN BOYXGAY, OCTOBER 16, 2018 #8 IN HUMOR, JANUARY 22, 2017 The 2nd Book of the "Wh... More

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy)
Teaser
WASMAG 1: Konan
WASMAG 2: Nike
WASMAG 3: The Meet-Up
WASMAG 4: Kasunduan...
WASMAG 5: Duel
WASMAG 6: Bothered...
WASMAG 8: Bound
WASMAG 9: She's Back!
WASMAG 10: Arise
ANNOUNCEMENT!!!
WASMAG 11: Hotness Overload
WASMAG 12: Bakit Nakakaselos?
WASMAG 13: Bekimon Meets Girlalooo...
WASMAG 14: #Instant
WASMAG 15: Reactions
WASMAG 16: Meet The Montemayors...
THANK YOU!!!
WASMAG 17: Happy First!!!
WASMAG 18: Secrets
WASMAG 19: Pansamantalang Kasiyahan.
WASMAG 20: Naudlot na Pagmamahalan.
Important Notice!
WASMAG 21 PRE-FINALE: Just Can't!
WASMAG 22 FINALE: Last.
WASMAG 23 EPILOGUE: Aftermath
3rd Book of The WHEN Series
Book 3 Announcement

WASMAG 7: Signs

9.2K 257 8
By blackfoxsenpai


Nacucurious ba kayo sa title ng chapter na to?

Hehe abangan nyo na lang.

Dedicated po ito kay mrkshnhtn at kay CeeCee_28 na first ever followers ko dito sa world of wattpad.

And, I specially dedicate this chapter kay Rudeboy22. Hehe ang cool nyo po talagang kausap kuya. Basahin nyo rin po story nya ah! Yun lang po.

P.S. yung iba pong user, idededicate ko na lang po yung mga next chpaters sa inyo. Okay?

"It was rare, I was there. I remembered it, all too well..."

NIKE'S POV:

Nagising ako sa isang kuwarto. Kwarto namin ito ni Konan.

Matagal tagal na rin pala kami rito. Mag dadalawang buwan na. Alam nyo ba kung bakit? Kasi were formally married.

Sa US kami pinakasal. Kasi alam nyo na, hindi pa naman tanggap ng mga tao sa lipunan ang same sex marriage o ang pagiisang dibdib ng dalaeang magkaparehong kasarian.

Sa dalawang buwan na iyon, masasabi kong napakaganda ng naging buhay ko. Napakaswerte ko sa asawa ko at masasabi kong napakaswerte nya rin sa akin.

Hinding hindi ako nabibigong pakiligin at pangitiin sya araw araw. Syepmre sya rin naman.

Sya ang cook, housewife, maid, at lahat lahat na sa bahay na ito. Hindi kasi sya nagpakuha ng maid dahil nga daw sa magastos kesyo nakakaabala pa raw at kaya nya daw naman.

Haisst. Pinabayaan ko na lang. Mahal ko naman eh.

Wala pa ring nangyayari sa amin. Kahit tanungin nyo pa sya. Pramis! Peksman!

Eh sa ayaw nya pa eh. Hahaha. Hindi ko naman pinipilit.

Bumangon na ako at inayos ang kama namin. Wala na sya sa tabi ko at alam kong nasa baba na sya at nagluluto ng breakfast namin.

Palagi nya kasing ginagawa eh. Ang sweet nya no? Syempre asawa ko yan eh.

Pumunta na akong banyo at naghilamos na. Gwapo ko talaga. Hahaha joke lang.

Bumaba na ako.

Nakita ko namang may mga pagkain na sa hapag pero nakapagtataka eh wala sya.

Hay. Don't be paranoid. Andyan lang yun! Ang sabi ng kabilang side ng utak ko.

Tinawag ko ang pangalan nya. "Konan? Baby? Asan ka?" Pero walang sumasagot.

Nagsimula na akong kabahan. Asan na ba sya?

Hinalughog ko na ang buong bahay pero wala pa rin sya. Sa banyo, sa guest rooms, sa kusina, pero wala pa rin talaga sya.

Naluluha na ako. Hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko.

Isa na lang ang hindi ko napupuntahan. Ang garden.

Agad akong tumakbo papunta doon.

At tama nga ako. Andun sya. Nakatayo. Nakatalikod sa akin. Nakakakulay puti. At nakatingin sa langit.

Nawala naman ang kaba sa akin. Akala ko nawala na talaga sya eh.

"Hay, baby! Andito ka lang pala. Pinag-alala mo pa ako. Halika na kumain na tayo" sabi ko sa kanya pero nakatalikod pa rin ito at di pa rin sumasagot.

Linapitan ko naman ito. Nakatingin pa rin sya sa langit na animo'y ngayon nya lang napagmasdan ito.

Magsasalita pa lang sana ako pero naunahan nya ako.

"Naalala mo pa ba noong una tayong nagkita?"

"Oo naman. Bakit mo ba natatanong yan?" Sagot at tanong ko naman.

"Wala lang. Ang sarap lang balik balikan ng mga sandaling iyon. Nagpapasalamat ako sa diyos dahil nakita kita." Ani nito at humarap sa akin.

"Napakaswerte kong tao dahil nakilala kita. Ikaw ang nagbago sa akin. Ito lang tatandaan mo. Mahal na mahal kita."

Nagtataka man pero sinagot ko pa rin ito. "Mahal na mahal rin kita."

Ngumiti naman ito. Napakacute nya talagang ngumiti.

"O sige na. Aalis na ako. May pupuntahan pa ako eh. Inalam ko lang kung mahal mo talaga ako."

"Huh? Saan ka naman pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sa langit. Hindi na ako pwedeng magtagal dito. Alagaan mo sarili mo ah!"

"Teka Konan!! Bumalik ka please! Di ko kayang wala ka!" Pero parang walang epekto ang mga sinabi ko. Unti unti nang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Isang liwanag ang kumukuha sa kanya pataas. Nakatingin lang sya sa akin. Nakangiti.

"Basta mahal na mahal kita. Ito lang tatandaan mo... Huwag mo akong hayaang mawala sa piling mo."

Pinagmasdan ko lang sya habang unti unti syang naglalaho.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala sya.

"KONAAAAANN!!!"

****

Napabalikwas ako sa kama ko. Hinahabol ang hininga.

Hayy, buti na lang at panaginip lang pala. It was a beautiful dream turned into a dreadful nightmare.

Sana naman hindi na maulit yun. Hindi pa nga kami ni Konan may ganun na agad.

Pawis na pawis akong bumangon at pumunta sa kusina.

Habang pababa ng hagdan, hindi ko pa rin talaga maintindihan yung mga sinabi nya eh.

"Huwag mo akong hayaang mawala sa piling mo."

What does that even mean? Huwag ko daw syang hayaang mawala sa piling ko. Is that a sign? A sign of something?

Plus, diba unti unti syang hinihila papuntang langit? Senyales rin ba yun?

Senyales ba yun na.... Oh my god! No no no! Hindi pwede.

Kung ano ano lang iniisip mo Nike. Napaparanoid ka lang. It's just a nightmare.

Iniwaksi ko na lang ito sa isip ko. Kahit may nararamdaman talaga akong kakaiba. A very bad feeling about that dream.

Kumuha ako ng tubig sa ref saka nagsalin sa baso.

Ibababa ko pa lang sana ang baso ng nadulas ito sa kamay ko at nabasag sa sahig.

Kasalukuyan kong pinupulot ang mga bubog ng naalala ko na isa rin pala itong pamahiin ng mga matatanda.

Napatayo ako ng naisip ko ang bagay na yun. Hindi talaga ako naniniwala sa mga ganung bagay dati pero iba ngayon eh. Parang may nararamdaman talaga akong kakaiba.

Ang sabi kasi ng mga matatanda eh kapag may nabasag daw na baso or frame eh may mangyayaring masama sa isa sa mga taong malalapit sayo or relative mo.

Sana naman mali ang nararamdaman ko.

KONAN'S POV:

It's been another day!!!

Ang saya ko kahapon!!! Andami kasi naming pinuntahan ni Nike sa date kuno namin. Andami lang alam nung lalaking yun.

Nagenjoy talaga ako. Given the fact na first date ko yun, eh napakasweet nya naman talaga.

Hini ko nga alam ang motive nya talaga eh. Hindi naman sya nanliligaw o ano pero ayoko pa ring umasa. Masakit kaya.

But his showing some signs. Signs of what? Signs of.... L_ _ _. Haha alam nyo na yun.

Ako? Ewan ko. I can't decipher my feelings yet. DECIPHER? Chumacharot ang lola nyo.

All I know is masaya ako kapag kasama ko sya o kaya kapag kinakausap nya ako. Buo na ang araw ko kapag ngumingiti sya. Yung mga ganun.

Hay tama na nga yan!! Andrama ko na naman eh. Malalate na ako oh!

Nagayos na ako ng sarili at lumabas na ng bahay.

Mainit na at mataas na rin ang sikat ng araw.

Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang ang saya saya ko ngayong araw na ito. Nakangiti ako oh!

Maya maya pa ay nakareceive ako ng text. Text galing kay Nike.

"Good morning! :)"

"Good morning din! :)"

Eto nanaman ako oh. Parang kinikiliting bulate. It happens every time na magtetext si Nike.

"Uy asan ka?" Sya.

"Andito sa kalsada. Patawid na. Papunta na kasi akong firm eh. Bakit?"

"Please wag ka munang umalis! Hintayin mo muna ako!"

Huh? Ang weird nya naman ngayon.

"Bakit naman?"

"Ah basta!"

"Eh tumatawid na ako eh."

"Ha!!??? Sandali!"

Hindi na ako nakareply sa text nya dahil narinig ko ang mga sigawan ng tao sa paligid ko.

At kasunod nun ay ang nakakabinging pagpreno ng isang sasakyan.

And then suddenly, it all turned black.

NIKE'S POV:

Shit!

Hindi na sya nakapagreply sa akin!

Sabi nya papunta na daw syang firm nila. Agad naman akong tumakbo papunta doon tutal malapit lang naman ang condo ko sa kanila.

Lakad takbo ang ginawa ko. Wala na akong pakialam kung may mabunggi man akong tao. Eh sa hindi ako mapakali eh.

Patawid na sana ako nang may nakita akong kumpulan ng tao sa gilid. May sasakyan din na bumanggan sa isang concrete barrier.

Hindi ko alam pero nagkukusang naglalakad ang aking mga paa papunta sa mga kumpulan ng tao.

Shit! Sana naman hindi ito yun! Sana hindi sya yun.

Hinawi ko ang mga tao at nanlumo ako sa aking nakita.

Ito na ba ang bad feeling na kagabi ko pa nararamdaman? Ito na ba ang sinasabi ng mga senyales kagabi at sa bangungot kong yon?

Pwes sana bangungot lang din ito. Dahil hindi pwede itong mangyari. Hindi pwede.

Hindi man lang sya tinutulungan ng mga tao.

This can't be happening.

Ni hindi ko pa nga sya nahahalikan.

Ni hindi ko pa nga sya nililigawan.

Ni hindi ko pa nga sya napapakasalan.

At, ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na...

.

.

.

.

.

Mahal ko sya.

=========

Wew!! What can you say guys!

Ano ayos ba?

Hehe, ngayon alam nyo na kung bakit signs ang pamagat ng chapter na to.

Alam kong nagaabang kayo ng next UD pero baka this week iuupdate ko na rin naman sya. Pati kasi ako excited sa plot ng story na ito. Ang baliw lang noh!?

Anyways, sorry kung hindi ako nakapagupdate ng 1 week dahil dyan sa butchoy na yan. Binaha pa tuloy kami. Pero ayos naman na ngayon hehe.

So yun lang guys! Lavvyahhh!!!

Continue Reading

You'll Also Like

101K 3.1K 47
There was a gay name renz, who fall in love to his schoolmate dylan. Renz knows that he has no chance for his beloved ones, literally no chance. Will...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
264K 7.8K 64
Ang "campus crush" ng St. Aedan High - Zein Carlo Eskribano ay pabaya sa kanyang pag-aaral at inaasikaso lamang ang kanyang relasyon bilang isang boy...
802 85 5
Si Gelo, isang normal na binata. Galing sa hirap at napilitang ipakasal kapalit ng pagka abswelto ng kanyang ama sa kasalanang nagawa. Sino nga ba an...