LOVE-NAT, isang makulit na lo...

By elliedelights

1M 13.6K 3.5K

[continuation] Meet Eleonor Malicsi Dimaculangan, ang babaeng takot sa ipis at sa binatang nag-ngangalang Mi... More

Chapter 49-2. Watta Gentleman Wants!
Chapter 50-1. The YES YES Show!
Chapter 50-2. The YES YES Show!
SEASON 4: OPENING!!!
Chapter 51-1. Nasaan ka Ellie-sa?
Chapter 51-2. Nasaan ka Ellie-sa?!
Chapter 51-3. Nasaan ka Ellie-sa?!
Chapter 52-1. AyosDito.ph
Chapter 52-2. AyosDito.ph
Chapter 52-3. AyosDito.ph
Chapter 53-1. Sef... FOR SALE!
Chapter 53-2. Sef... FOR SALE?!
Chapter 53-3. Sef... FOR SALE?!
Chapter 53-4. Sef... FOR SALE?!
Chapter 53-5. Sef.. FOR SALE?!
Chapter 54-1. Seducing Mr. Perfect!
Chapter 54-2. Seducing Mr. Perfect!
Chapter 54-3. Seducing Mr. Perfect!
Chapter 54-4. Seducing Mr. Perfect!
Chapter 55-1. Fifty Shades of Pepita!
Chapter 55-2. Fifty Shades of Pepita!
Chapter 55-3. Fifty Shades of Pepita!
Chapter 55-4. Fifty Shades of Pepita!
LOVE-NAT: Soon to be Published!!!
Chapter 55-5. Fifty Shades of Pepita!
Chapter 55-6. Fifty Shades of Pepita!
Chapter 56-1. Love-Nat Musketeers!
Chapter 56-2. Love-Nat Musketeers!
Chapter 56-3. Love-Nat Musketeers!
Chapter 56-4. Love-Nat Musketeers! (4th Anniv Update)
Chapter 56-5. Love-Nat Musketeers!
Chapter 57-1. Truth Bites, Rawr!
Chapter 57-2. Truth Bites, Rawr!
Chapter 57-3. Truth Bites! Rawr!
Chapter 57-4. Truth Bites! Rawr!
Chapter 58-1. Shadow Clone no Jutsu!
Chapter 58-2. Shadow Clone no Jutsu!
Chapter 59-1. Words on a Page
Chapter 59-2. Words on a Page
Interlude: Darren Max Sanchez
Chapter 60-2. Eroplanong Papel
Finale: Eroplanong Papel
LOVE-NOT: Ang Pag-Ibig Kong Ayaw na Ayaw mo!

Chapter 60-1. Eroplanong Papel

9.7K 291 166
By elliedelights

REMINDER --- PART 1 of 2 ito ng last chapter. Hinati ko kasi sobrang haba!!! 

Author's Notes: Hindi ako magdra-drama sa notes kong 'to. Sa huling update na lang. Haha. Pero bago ang lahat, happy happy 6th anniversary sa Love-Nat this coming JULY 27. Oh 'di ba? 6 years na tayong magkakasama!!! Hahaha. Akalain niyong napag-tiyagaan niyo lahat ng kagagahan, katamaran at mga kabaliwan ko? FOR 6 YEARS?!?! Sabi ko na nga ba eh, lab-lab niyo ko! :) 

Siguro naman nabalitaan niyo na mula sa twitter ko at fb... opo, itong Eroplanong Papel ang last chap ng Love-Nat at kaunting parts lang meron ang chapter na 'to.  Kaya kaunting tiis na lang... ITO NA TALAGA!!! Haha :p

Matagal kong pinagisipan 'to, mga 10 seconds haha... dapat talaga isang bagsakan lang 'yung magiging update ko. Tipong 20 pages (MS Word format, 10 font size) 'yung ipapabasa ko sa inyo. Haha. Kaya lang parang ang lupit ko naman masyado kapag ganun. Alam ko namang nahawa na rin kayo sa KATAMARANG taglay ko. Haha. Kaya ito. Sobrang lakas niyo kasi sa'kin eh kaya hinati-hati ko. Magu-update ako as much as possible hanggang sa JULY 27

For the last time, I'll write Love-Nat as much as I can. 

Here's the TEMPORARY schedule of updates -- alam niyo na kung bakit naka bold at capslock 'yung salitang TEMPORARY!!! (Inulit ko pa talaga para siguradong gets niyo!! haha)

July 16 OR 23 -- Part 2 (or 3 kung madadagdagan ko pa) Eroplanong Papel

July 27 OR 30 -- Epilogue

San kayo nakakita ng ganyang schedule??? Walang kasiguraduhan??? Wahahaha. APIR!!!

But anyhow... ito na po 'yung update --- 

SALAMAT SA INYO. 

MARAMING-MARAMING SALAMAT :)

(PS. Baguhin natin ang patakaran ng FANSIGNS. Author naman ang hihingi sa inyo ng FANSIGN. Ako ang bigyan niyo! haha)

--Ellidelights

------------------


[[ Playlist: Time to Go by December Avenue]]


"ELYONOR MALICSI DIMACULANGAN!!! AY URDER YU TU ISTAAAAAP!!!"

May mga bagay na hindi nagbabago kahit ilang taon pa ang lumipas.

"Prrrrrtttttt!!!"

Huminto ang buong Matute University of the Philippines dahil after two years – oo after 2 years -- ngayon na lang ulit nila narinig ang malakas na pag-sigaw at pag-pito ni Manong Guard. At higit sa lahat, ngayon lang ulit nila nakitang nilabas ni Manong Guard ang kanyang mahiwagang baston.

"Prrrrrtttttt!!! ELYONORRRRR!!! ISTAAAP RAYT NOWWW!!!"

♪♪ Bubble it... Bubble it... Bubble it...♪♪

Nagtatakang napa-tingin 'yung mga juniors na naka-tambay lang dun sa may entrance at meron pa ngang isang freshman na nagpapatugtog pa ng sikat na sikat na hit song na "Trumpets" mula sa cellphone niya habang nakangangang nanonood sa habulang nagaganap.

♪♪  ...Rotate your body 'cause me love how you spinning it....... Make me trumpets blow! ♪ ♪

Parang nagslow-motion pa nga ang mga sumunod na pangyayari, sabay pa mismo sa beat nung kanta ang nasaksihan nilang eksena. Dahil sa malupit na background music nila, para tuloy hinango 'yung eksena mula sa isang palabas na action-comedy ang tema.

Isang dalaga ang ngiting-ngiting tumakbo papasok ng MUP. Wala itong suot-suot na ID. Sobrang haba ng buhok niya at sa gulo nito halatang hindi pa ito sinusuklay. May dala-dala pa nga siyang makakapal na libro at isang back pack na mukhang alangan sa suot-suot niyang pang-office na skirt.

Hindi pa man din sila nakakalayo ng entrance ay sumigaw ulit si Manong Guard "ELYONORRRR!!!" Sabay tumigil ito at napayuko hawak-hawak ang nananakit nitong balakang.

Napahinto rin ang dalaga at hingal na hingal na nilingon si Manong Guard. "Hindi masyadong halatang ngayon na lang ulit kayo nakapag-exercise Manong!"

"Batang 'to!!! Hanggang ngayon... wala ka pa 'ring ID?!" Napapikit na ulit si Manong Guard sa sakit. Lumapit na tuloy 'yung bagong Guard para alalayan si Manong. "Aigoo, aigoo." Nasambit ni Manong.

"Manong ah! Panay nood niyo ng Korean!!!" Pabirong nasabi nung dalaga habang nagpipigil nang tawa.

"Aish!" Agad itinaas ni Manong Guard 'yung mahiwagang baston niya na para bang handa na ulit siyang hambalusin 'yung dalaga kaya kumaripas na ulit ito nang takbo.

Tinanaw pa muna ni Manong Guard ang dalaga na siyang papalayo na. Napa-iling ito at hindi mapigilang mapangiti.

Nakakatuwa lang kasing isipin that some things just never change.


♪♪ It's time to go

Someone has to move on

But I don't believe I'm strong

That's what you should know ♪♪

Hindi nag-dalawang isip ang dalaga na humiga sa gitna ng MUP Field. Halos ibato niya sa bigat 'yung mga LAW BOOKS na dala-dala niya dun sa damuhan. Hindi na accounting books 'yung mga binabasa niya ngayon. Wala na ring lamang calculator 'yung bag niya.

Oo, hindi ka nagkakamali, nasa law school na siya ngayon!

"Anakshuta," nasabi niya habang komportable itong humiga sa damuhan na tila isang malaking kama ang MUP Field at siya ang may-ari. Hindi siya napigil nang suot-suot niyang formal black skirt at mas lalong hindi siya napigilan ng MUP soccer team na nagtre-training nung mga sandaling 'yun.

Sa totoo lang, kailangan mo pang titigan nang matagal ang dalaga 'to para lang makilala. Wala na kasi 'yung sobrang iksi niyang buhok. Pinahaba na niya ito at lagpas na ito hanggang balikat. At syempre, hindi pa rin niya ito sinusuklay. Siguro nga marami na ang nag-bago sa kanya. She seemed different and yet she's still the same old Eleonor Malicsi Dimaculangan who just never gives a crap about what other people thinks.


♪♪ I find it hard to leave you

And I just can't understand

What am I without you?

Are we meant to face the end? ♪♪

She spread out her arms and stared at the clear, cloudy sky above MUP Field. "It's so nice to be back." She whispered with a smile. Maya-maya ay umupo ito at inayos 'yung mga law books na nagkalat sa gilid niya. Napatigil siya saglit nang napansin niya 'yung eroplanong papel na nakaipit sa criminal book niya. Marahang bumigat ang dibdib niya pero kinuha niya pa rin 'yung papel at pinagmasdan nang matagal na matagal na parang isang nobela na hindi niya maintindihan ang naka-sulat.

Huminga siya nang malalim at muling tumingin sa kalangitan. "Animales," Nabulong nito ulit sa sarili at agad nitong hinablot 'yung back pack niya at kinuha ang laptop niya.

Pinagmasdan pa niya ulit 'yung eroplanong papel sa palad niya bago tuluyang nag-simulang mag-sulat ---


--------------------

LOVE-NAT, isang makulit na love story!

by: Elliedelights

--------------------

Chapter 60-1. Eroplanong Papel


Eleonor Malicsi Dimaculangan (a.ka. Ellidelights)

Madaling magsinungaling.

Madaling gumawa ng ending na hindi naman talaga totoo.

It would be easy for me to fabricate a tale and make you all smile, end it with a happy note and the last thing you'll read are the ever-worn-out-words "HAPPILY EVER AFTER" with a huge smiley face at the end.

That's a purpose of a story anyway -- to give readers hope, to make you all believe of a nonexistent fairytale. And most especially, the purpose of this novel is to give myself the ENDING that I believe I so deserve.

Pero anakshutang animales lang!!! Kahit pala sa nobela, hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.

Matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nating lahat... kaya naman sa puntong ito, ako – si Eleonor Malicsi Dimaculangan – ay nagpapasalamat sa walang sawang suportang binigay niyo sa akin simula ng isinulat ko itong Love-Nat.

We've reached the end, my dearest friends.

And I won't be a hypocrite and tell you tale of lies... Sa tinagal-tagal ba naman ng pinagsamahan natin I BELIEVE, WITH ALL MY HEART, THAT YOU ALL DESERVE TO KNOW THE TRUTH. Ayoko kayong paniwalain sa isang bagay na hindi naman totoo. Ganun kayo kalakas sa'kin eh. Binabalik ko lang 'yung respetong binigay niyo sa'kin, 'yung suporta, 'yung pagmamahal niyo. Kaya para sa'kin, again, YOU ALL DESERVE TO KNOW THE TRUTH. Kasi pag nirerespeto mo ang isang tao, hindi mo kayang magsinungaling sa kanya. (May hugot! Haha)

Ito na, sa wakas, 'yung ENDING na 6 years nating inabangan!!! Oo, aaminin ko, kaya ko pa siyang pahabain kung gugustuhin ko. Kaya pa natin talunin 'yung haba ng Harry Potter, and by the time na matapos ko 'tong istorya na 'to maski Lord of The Rings magiging TULA na lang sa inyo. Haha.

But, believe me, I tried with all my might... but I can't go on any longer than this... Sinulat ko 'tong Love-Nat para idaan lahat sa tawa... idaan lahat sa malupit na comedy na tipong lalabas ngala-ngala nating lahat... gusto ko na lang tawanan ang lahat ng 'to... Well, that was the plan... But somewhere along the way... Humor was not working anymore. It didn't cure anything... in fact, it just made everything worse...

So bare with me with this very last chapter...

I'll share you the pain...

And this is the last time I'm dwelling in the past...

This time, for sure, I am letting him go...

"The worst kind of pain is when you're SMILING

just to STOP the TEARS from falling."

"Good morning." It's him again, whispering the same greeting in my ear and I woke up in an instant.

Same greeting but different day.

Same person yet different feelings.

Madalas si Miguel Josef Uy Monteverde 'yung yayakap sa'kin at kukulitin akong bumangon... this morning, I was the one who hugged him and made his arm my pillow.

"Sef," I said his name. I love saying it, and I could say it a couple more times and wouldn't get tired of it. "Pwede bang pass muna ko? Para kasing gusto kong mag-absent."

He shifted a little so as to look at my face. "Why?" Kasi parang dinudurog 'yung puso ko. "What's wrong?" Everything's wrong. "Are you okay?" NO! My heart's not okay.

"Wala naman." Ang dami niyang tanong pero ito lang yung sinagot ko. "Masama lang pakiramdam ko." I wasn't lying. I feel like my head... my heart... is going to explode. "Sige na, oh?" Pakiusap ko sa kanya.

Taympers muna ko.

Kahit isang araw lang.

Kahit ngayon lang po Lord.

Pagod na kasi ako... pagod na ko magbulag-bulagan sa mga palihim na tinginan nila Sef at Pepita sa tuwing magkakasama kami... pagod na ko magbingi-bingihan lalo pa't ilang beses nang natawag ni Sef si Pepita na Lianne... pagod na ko magkunwaring WALA akong alam... pagod na ko mag-kunwaring 'di ko napapansin kung ga'no sila kadaldal sa isa't isa kapag nakatalikod na ko... kung ga'no sila ka-close... pagod na ko.

Oo, wala silang narinig na dalawa mula sa'kin. Inangkin ko lahat. Tinanggap ko lahat, kahit gusto ko nang sumigaw ng TAMA NA!!! Hinintay ko silang mag-paliwanag sa'kin pero wala silang ginawa.

With one glance, Sef knew that I wasn't pretending nor was I lying. He knew and he didn't argue with me. He sat up straight beside me and said, "Are you sure you don't want to go to school today?"

Pinagmasdan ko siya saglit and wondered what he has in mind. Then I thought, ayoko palang malaman... ayokong marinig 'yung sagot.

Minsan iniisip ko... bakit kaya ayaw niya sabihin sa'kin 'yung totoo? Kahit si Pepita ni minsan hindi nagkamaling mag-tapat sa'kin. Para bang pinag-usapan nilang dalawa. Para bang pinag-planuhan. Nagkikita rin kaya silang dalawa ng hindi ko alam? Do they secretly talk to each other? Do they hang out without me knowing it? Do they go out on dates and furtively hold each other's hands?

Anakshu--- taympers! 'Yung kirot kasi ng dibdib ko WAGAS!!!

The more I stare at Sef, the more I realized that he looked so stressed out. His eyes were heavy like he hasn't slept in weeks and his hair was all messed up like he just got out of bed. Pero kahit ganun para pa rin siyang isang prinsipe na nakalimutan lang mag-toothbrush. Haha.

But despite his perfect looks, it was obvious that he looked so tired. The more ko siyang pinagmamasdan, the more akong nasasaktan na nakikita siyang ganyan. Pakiramdam ko kasi... sobra na ba siyang problemado sa'kin? Am I in the way between him and Pepita? Am I such a burden to him now? Sobra na ba siyang na-stress at hindi siya makatulog kakaisip kung pano makikipag-breakup sa'kin? Hirap na hirap na ba siya kung pa'no sasabihin sa'kin 'yung mga salitang – "Ellie, I'm really sorry. But I'm still in love with Lianne."

I swallowed hard. Kung nakakapag-reklamo lang 'yung puso ko sa utak ko siguro kanina pa siya sumigaw ng -- Anakshuta Eleonor!!! NAKAKASAKIT KA NA AH!!! KANINA KA PA!!!

I shifted and rested my head on Sef's chest, and snuggled closer to him. Nung mga sandaling 'yun gusto ko siya yayain sa malayong-malayong lugar kung saan kaming dalawa lang 'yung tao sa mundo. Okay lang ba makaramdam ng ganito? Sobrang selfish ko bang pakinggan?

I clutched on the sleeve of his shirt, not wanting to let go... Naisip ko kasi... hanggang kelan ko kaya siya pwede yakapin ng ganito?

"Sef?" I said, looking at him. At that moment, the words 'I love you' would have easily slipped out my lips. But it never did. "Gusto ko mag-punta sa Subic. Punta tayo oh." I gave him a small smile, trying to persuade him.

"Subic?" He sighed and scratched the back of his neck. "Ellie, I can't." He sounded so tired. And I feel like something broke in my chest. Few simple words and it felt like my world just crumbled beneath me. Pa'no ba naman, for the first time, Sef said NO to me. "I'm really sorry but I have plans and--"

"Okay." Hindi ko na siya pinatapos. I don't want to hear anymore of his lies. Siguro kikitain niya si Pepita. Syempre. Sino pa bang mas importante kesa sa BABE niya?

Dati Sef would take every chance he gets just to be with me. Ni minsan hindi ko siya narinig na umayaw o tumanggi sa'kin. Ngayon lang. Ngayong andyan na 'yung Babe niya. Samantalang dati lagi kaya akong spoiled sa kanya.

Lagi.

Mas lalo akong na-depress nung dahan-dahan na siyang tumayo mula sa kama ko. Naramdaman ko na para bang gusto na niyang kumaripas nang takbo papalabas. He doesn't want to spend any more minutes with me in this room. Ramdam ko naman... lalo pa't hindi man lang niya ibinalik 'yun paglalambing ko sa kanya. Sana kahit kaunting pakikisama naman... sana kahit nag-kunwari man lang siyang may pakialam pa siya sa'kin... hindi naman mahirap 'yung 'di ba? Kahit kaunti lang. Sana hindi naman niya ko isang-tabi lang nang basta-basta. 'Wag naman sa ganitong paraan Sef.

'Wag naman.

Pakiusap.

I pulled my mattress up to cover myself. Ayoko kasi siyang makitang umalis. Narinig ko nang binuksan niya 'yung pintuan. And before closing it behind him he managed to say, "Sorry, Ellie. This is really important to me." Wala siyang ibang ipinaliwanag sa'kin. Hindi nanaman siya nag-effort na mag-explain pa sa'kin. "I'll call you later."

I covered my ears and shut my eyes. Bakit siya nagso-sorry? Bakit? Dahil tama ako? Dahil alam niyang nasasaktan niya ko at masasaktan pa? Sinasabi lang 'yung sorry kapag wala ka ng iba pang option 'di ba?

Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin ang sarili ko para mapigilan 'yung sakit na nararamdaman ko nung mga sandaling 'yun.

I have never felt so much pain and I wasn't sure how I'm still alive and breathing. How could one person, who did nothing but speak few words could hurt me so much? Miguel Josef Uy Monteverde is probably not aware that he has my heart and he could shatter it to pieces if he wanted to.

I bit my lip and tried to stop the painful sobs that were threatening to come out. Anakshuta Eleonor!!! KAYA MO YAN!!! Oo, wala akong sawang sinabi sa sarili kong KAYA MO YAN hanggang sa kahit 'yung mga katagang 'yun eh nawalan na rin ng kahulugan.

Pinunasan ko 'yung mga luha ko at huminga nang malalim sabay kuha nung cellphone ko... there was only one person in this whole wide world who I want to talk to... Siya lang... Siya lang... pero ang layo-layo na niya. Dati, isang tawag ko lang dun... nandito na 'yun agad.

Matagal kong tinitigan 'yung screen ng cellphone ko nung nakita kong naka-online si Darren Max Sanchez sa Skype. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap simula nung umalis siya papuntang Canada.

Ni simpleng comment o like sa FB, wala. Ganun kasi kaming dalawa. Ganun naman talaga naging takbo ng relasyon ng pagkakaibigan namin kahit noon pa man.

Gusto ko siya tawagan... kaya lang baka maistorbo ko siya... gusto ko mag-sumbong sa kanya kasi hindi ko na talaga kaya!

I exhaled to control myself, to contain the storm that was brewing in my heart. Magha-hi lang ako kay Max. Oo, kakamustahin ko lang siya. Tama. Gusto ko lang marinig boses niya kesa magmukmok ako dito sa kwarto ko.

Sumagot si Max sa pangatlong ring. "Hello... Ellie?" Medyo maingay pa nga sa background, may malakas na music, at may naririnig akong boses ng isang babae. "Ellie?" Inulit niya 'yung pangalan ko. "Hello... Ellie? Naririnig mo ba ko?"

The moment I heard his voice... the moment I heard him repeatedly called my name... I felt something warm and soothing wrapped around my wounded heart. And I knew I'd break down in an instant.

"Ma—x." My voice cracked. Naramdaman kong namuo agad 'yung pinipigil-pigil kong drum ng luha. "Ma—x." Hindi ko na nakuhang kamustahin siya. Hindi ko na nakuhang tanungin kung okay lang ba siya... dahil... pagkarinig ko pa lang sa boses niya... that was when I started crying. At agad kong tinakpan 'yung bibig ko. Ayoko kasing marinig niya. Ayokong malaman niya. Sasarilihin ko 'to hanggang kaya ko. And they were long, quiet, painful tears, like that of a small puppy gravely wounded.

Knowing Darren Max Sanchez, he obviously didn't ask anything else. Hindi ko kailangan magpaliwanag. When he heard my voice, he just knew. In fact, wala na siyang ibang sinabi pa. Tahimik lang siyang nandun sa kabilang linya. Taimtim na nakikinig.

Ibang klase kaming mag-usap na mag-kaibigan 'di ba? Kung usap nga talaga 'tong matatawag. But to be honest, I like it just like this... kahit sobrang layo niya... I felt like he was just sitting next to me.

"What---?" 'Yung babae na kasama niya lang 'yung natatanging maingay sa background. "—what is she saying? Lemme hear. Lemme hear. She's not much of a talker is she? Wait... wait... is she... like... HUWEYT... is she... CRYING?"

"Anakshuta." Medyo natawa ko nung narinig kong sinabi ni Max 'yun. I knew he mumbled it to himself. "Argh." I knew he was getting annoyed dahil kagaya ng dati, pakiramdam niya responsibilidad niyang pagtakpan ako lagi. Alam niyang I don't like crying in front of other people, so he did what he could only do at the moment para hindi ako marinig nung kasama niyang kaibigan. "Ellie, do not ever mention this to AJ or Japo ... kung hindi lagot 'yang pango mong ilong sa'kin!!!" Na-imagine ko agad 'yung inis niyang mukha pagkasabi niya nun. At nagulat ako dahil bigla siyang kumanta. Opo, Darren Max Sanchez just started singing kahit paputol-putol, sobrang lamig ng boses niya sa telepono. Ang gaan sa loob pakinggan... "♪♪I'm only one... call away... I'll be there to save... the day...♪♪" Napatahimik na 'yung babae na kasama niya. "♪♪Superman got nothing... on me... I'm only one... call... away...♪♪"

Ako naman... hindi ko namalayan unti-unti na akong tumatahan. 

--------------------


Napatingin si Mang Domeng sa napaka-gandang motorsiklong pumarada sa labas ng talyer. Mukhang pang-racing ito sa dami ng sticker at sa kutis ng balat nito eh halatang mamahalin ang maintenance. Pinunasan agad ni Mang Domeng 'yung mga kamay niyang punong-puno ng grasa bago nito kinalabit si Kuya Rolly. "Si Sef ba 'yan?" Tanong nito kay Kuya Rolly. Medyo may halong pagdududa pa nga siya dahil kahit kailan hindi naman kasi niya nakitang nag-motor si Sef. Pero ang binata lang din naman ang kilala niyang may mga ganyang sasakyan.

Umiling si Kuya Rolly at tumigil na rin ito sa pag-gawa. "Hindi. May hawig lang. Pero 'yan 'yung suki ko Mang Domeng. 'Yung pinsan ni Sef."

Tinanggal nung naka motor 'yung helmet niya at nginitian si Kuya Rolly na kala mo matalik silang magkaibigan. Kapit na kapit sa balat niya 'yung plain, white t-shirt na suot-suot niya. Hindi naitago ng manggas nito 'yung tribal tattoo niya sa braso. Katunayan niyan kahit sobrang gulo ng buhok niya dahil sa pagkakasuot niya nung helmet, mahirap pa rin ipagkaila 'yung gandang lalaki ng isang Enzo Ruiz Monteverde. Magulo man o hindi ang buhok nito, mukha pa rin itong modelo.

"Oh, ano?" Bati agad ni Kuya Rolly sa binata. Paborito niyang customer ito dahil sobrang laki kung mag-tip. "Iba ata dala-dala mong sasakyan ser?"

Enzo only grinned without getting off his bike. Halatang wala itong balak mag-tagal sa talyer. "Napadaan lang." Sabi nito. "Actually," He drummed his fingers on his helmet na siyang yakap-yakap niya. "Do you know where..." He hesitated. "... Kung nasaan si Ellie?"

Sumimangot si Mang Domeng nung narinig niya 'yung pangalan ni Ellie. "At bakit mo tinatanong?" Angil agad nito. Dinaig pa niya tatay ni Ellie sa pagiging istrikto.

Napakamot sa ulo si Kuya Rolly, "Mang Domeng," Sita nito sa matandang mekaniko. Parang sinasabihan nitong 'wag masyadong pagtaasan ng boses 'yung customer niya. Baka matakot 'yan at hindi na bumalik. Perstaym kaya niyang magkaroon ng suki na galante tapos itataboy lang ni Mang Domeng. Sakit talaga sa ulo nitong matandang 'to minsan!

Siniko ni Mang Domeng si Kuya Rolly at hindi siya pinansin. "Kung may gusto kang ipagbilin, sabihin mo na lang sa'kin. Hindi kami GPS para pagtanungan mo ng address hijo."

Napa-pikit si Kuya Rolly at napa-palo sa ulo. "Naman, Manong..." Bulong nito sa hangin.

Ngumiti lang si Enzo sa matanda. "Ganun ba?" Umiling ang binata at itinaas na 'yung helmet niya para isuot na ulit ito.

Pero napatigil siya nang biglang napa- "OH!" si Kuya Rolly with matching turo pa sa may likod ni Enzo. Nagulat kasi ito nang matanaw niya si Eleonor. "Oh, ayun naman pala si Ellie oh, oh!" Tuwang-tuwa si Kuya Rolly pero agad itong napa-tigil at naiwan tuloy sa ere 'yung nakaturong daliri nito kay Ellie.

Pano ba naman kasi mukhang tanga si Ellie na biglang ngumiti at parang batang excited na nagtatakbo papalapit sa kanila. 

Halos mapatalon sila Mang Domeng at Kuya Rolly nang bigla na lang yumakap si Ellie sa likod ni Enzo.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh, Mcdonald's!!!" Tuwang-tuwang sabi ni Ellie. Siguro nga katangahan na 'tong ginagawa niya. 'Yung magkunwaring okay kahit hindi naman. 'Yung pinagbibigyan na lang niya lagi si Sef dahil ayaw niyang makipag-away dito.

Napansin naman agad ni Mang Domeng na namula 'yung tenga ni Enzo.

"McDonalds?" Enzo then scoffed once he recovered. Naramdaman ni Enzo na agad nanigas ang mga kamay ni Ellie na kala mo isang bloke ng yelo 'yung niyakap niya. Lumingon agad ang binata, knowing he'd be close enough to see Ellie's horrified face. "Do I look like a freaking McDonald's to you?"

To be honest, Enzo was the one who was caught off guard. Nawala agad 'yung ngiti niya nang mapansin niya 'yung namumugtong mga mata ng dalaga. He stared at her for a little bit longer and got even more confused. He swore she sounded happy just moments ago... but her eyes... her eyes tell otherwise.

Si Ellie ba talaga 'to? He wanted to ask.

Ellie backed away and no witty one-liners came out from her. Wala 'yung mga wais niyang comments o jokes. No wisecracks, no nothing. She just looked down and gave a forceful smile. "Tae, sorry!" 'Yun lang. Pero nakita ni Enzo this girl seemed lost... dazed... and worse? Ten times more broken when she found out it wasn't Sef.

"That bastard..." Enzo sighed and with a poker face, he raised his arm up high aiming for Ellie's chest... at hinawakan ni Enzo ang  hinaharap ng dalaga.

Animales, hInaharap --- pinaganda pa!

Oo.

BREAST. 

BOOBS. 

Tama kayo nang basa.

Parang tumigil tuloy ang oras.

At may tatlong bibeng nag-kwak-kwak.

KWAK--- KWAK---- KWAK.

Dahan-dahang namilog ang mga mata ni Eleonor Malicsi Dimaculangan. Nawala sa ulap 'yung isip nito. "ENZZZZZOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!" Napalipad sa takot ang mga bibeng napadaan. "ANAKSHUTTTAAAAAAAAANG ANIMALESSSSSSSSS!"

BAM!

At ayun nakatikim tuloy si Enzo Ruiz Monteverde ng isang sasuwela de kamao na si listo el de gato sa gulpihang de kontodo... mula syempre sa nagi-isang Eleonor Malicsi Dimaculangan!!!

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

92.7K 2.6K 45
Stephanie Jane Reyes the only daughter, a stubborn, brat, umalis siya sa puder ng kanyang pamilya, her Bestfriend Daisy is offered him to be hired gi...
2.7M 34.5K 100
Having a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...