Substitute Bride (Editing)

By ohrenren

1.7M 12.7K 625

{Substitute Series # 1} Troy Mcintyre and Samantha dela Vega He lost the will to live for he has lost the... More

Substitute Bride
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 22

27.7K 384 11
By ohrenren

CHAPTER 22:

"It is beautiful."

My voice lamented with so much adoration and amazement. Hindi ako mapaniwala na galing ako sa magagandang lugar na 'to. Kuhang kuha ang pagiging magical ng mga lugar. 

Unang araw palang namin at marami pa sana kaming mapupuntahan ngayong araw kung hindi ako naging clumsy. 

"I know those pictures are worth your time, but I need to dress your wounds." Aniya.

Noon ko napansin ang hawak niyang medicine kit. Napangiwi ako nang marealize kung gaano kahapdi ang gagawin niyang paggamot sa sugat ko.

"Wala ba kong choice? Ikaw talaga gagamot sa'kin?" Biro ko sa'kanya.

Tinaasan niya ko ng kilay. Seryoso pa rin ang mukha niya. Hindi man lang siya natitinag sa pangungulit sa'kin para magamot na ang sugat ko.

"You only got me, Sam. Only me."

Napanguso ako. "Fine." I stretched out my left leg.

Nagbago na ang kulay ng sugat ko. Nagiging kulay violet na 'yun at nangingitim na ang sa tuhod ko. I never thought I'll mess up like this. Gusto ko lang naman ienjoy ang pandaliang pamamalagi namin dito, pero imbes ay mukhang magiging sagabal pa ko. 

Troy sat down. "Let's see what we have."

He placed my left leg on top of his thigh. "What a nasty bruise, Sam? I can't believe you did this to yourself. We can't tour Santorini with you in this state." He tsked.

Napanguso ako. "I'm sorry." Pakiramdam ko kasi ay sinira ko ang bakasyon namin dahil sa pagiging pabaya ko kanina.

Kumunot ang noo niya. "You're sorry for what?"

I played with my hands. "For ruining this trip?"

He chuckled. Tumingala siya at nginisian ako. "It's not your fault, Sam. Accidents do happen."

"Mukha ka kasing iritado sa'kin." Sumbong ko.

He sighed. "I'm irritated with myself, Sam. Hindi kita dapat pinabayaan kanina. You're my responsibility and I got you injured like this."

Panay ang pagtahip ng puso ko sa sinabi niya. I know I'm his responsibility, but hearing him care this much for me makes me believe with rainbow and unicorns. 

Pinagmasdan ko ang lalim ng kunot ng noo niya. Seryosong seryoso siya sa pagtingin sa sugat ko habang ako'y pinag-iisipan ang dapat sagot sa sinabi niya. 

I can't think straight. 

Dahan dahan niyang dinampian ng panglinis ng sugat ang gasgas sa binti ko. Napangiwi ako sa paghihintay ng hapdi pero hindi nangyare 'yun.

He looked at me with mockery on his lips. "Hindi masakit 'yan. Bakit nakangiwi ka?" 

Napanguso ako. "Akala ko alcohol 'yan." 

Umiling siya.

Pinagpatuloy niya ang pagpahid at paggagamot sa mga sugat ko. Hanggang sa balutin niya ng gasa ang tuhod ko. Napasinghap ako sa ginawa niya. 

"Anong ginawa mo? Nagmukha akong mummy!" 

Tumawa siya. "Better be safe than sorry, Sam." 

Sinimangutan ko siya. "Pinagtripan mo kamo ang tuhod ko."

Nakangisi na siya nang tumungo sa kinaroroonan ng telepono ng hotel. Naupo siya sa kama. Akala ko ay dadamputin na niya ang telepono pero muli siyang humarap at pinagsabihan ako. 

"Say anything you want, but you're not allowed to move an inch or else I'll bring you home just to make sure you'll make it there in one piece." aniya bago tumalikod at nagsimulang kausapin ang nasa kabilang telepono. 

Nang ibalik ko sa pagtitingin ng pictures ang atensyon ko, napansin ko ang isang kumpulan ng mga lalaki sa di kalayuan. Pinagsunod-sunod ko pa ang pagscan sa mga larawan at nakumpirma kong sinusundan nila kami.

Hindi ko napansin 'yun kanina nang kumukuha ako, pero ngayong nakikita ko na ang hilaw na larawan sa cellphone ni Troy kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa'min. 

Kaya nang ibaba ni Troy ang telepono ay tinawag ko siya. 

He quickly went near me. 

"Why?"

Iniabot ko ang cellphone niya. Nakabukas doon ang isang larawan niya na kinuhanan ko kanina. Nakatayo siya sa gilid ng kaniyang ATV at mayabang siyang nakaporma doon. Pero kitang-kita din ang parehong lalaki na nasa ibang larawan. 

Nakakulay puting t-shirt at pantalon lamana ang lalaki. Pero kapansin-pansin ang pagmamasid nila sa'min. 

"They're all over our trip. Ngayon ko lang napansin dahil kanina ay mukha lang naman silang mga turista. But I don't think they're just there for a visit. Halos sundan na nila tayo sa mga pictures e." 

He sighed as he scan the next pictures. Pinanood kong magbago ang ekspresyon ng mukha niya sa bawat paglipat niya ng larawan. Mula sa pagiging curious ay nauwi sa pagiging iritable 'yun. 

He handed me his phone. "They're the paparazzi I warned you about. I guess they figured out that we're here." aniya. 

Bakas na bakas sa mata niya ang pagod dahil sa natuklasan. Binalaan na ako ni Troy na hinid imposibleng masundan nila kami dito sa Greece. Pero hindi ko naisip na sa unang araw palang namin ay nakasunod na agad sila. 

Lumayo sa'kin si Troy. Lumabas siya sa veranda ng walang imik at mukhang pagod na pagod. Dahan-dahan akong tumayo at paika-ika kong sinundan siya. 

Hinawi ko ang kurtina. I saw him leaning towards the railings with his other arm caressing the back of his neck.

Madilim na ang kalangitan. Maraming mga ilaw sa paligid ng hotel pero kita pa rin ang kagandahan ng buong lugar. Tinawid ko ang distansya namin. 

Lumapit ako at agad kong hinawakan ang braso niya. 

Lumingon siya. "Are you all right?" I asked. 

"Huhusgahan mo ba ko kung sasabihin kong nakakapagod maging ako?" inosenteng tanong niya. 

Marahan siyang pumikit. Ngayon ko lang naiintindihan ang hirap ng buhay niya. Iniisip ko palang na bente kwatro oras na may nakamasid sa'kin ay napapagod na ako. Para bang kaunting pagkakamali lang ay magagawa na nila ng paraan para maging malaking issue. 

I shook my head. "Who am I to judge? Kilala kita Troy. Bata pa lang tayo ay kilala na kita. Hinding-hindi kita huhusgahan ng basta lamang. I'd rather ask you straight than bother myself judging you." sabi ko.   

Ngumuso ako ng ngumisi siya. 

"What's funny?"

He chuckled. "We're too serious." 

Hinampas ko ang braso niya. "Ikaw kaya ang seryoso diyan."

Umiling siya at naging seryoso muli ang mga mata. 

"You have to be careful, Sam. You're now part of my world, my twisted and fucked up world. People like them would be there to hurt you, but I want you to trust me." 

Pumihit siya sa gawi ko. 

"I'll try my very best to shield you from the hateful people of the industry. I won't allow them near you. Hindi ako papayag na masaktan ka. Not on my watch." 

And I can't believe my heart fell for him even more. 

************

Kinabukasan, nagkasundo kaming manatili na lang sa kwarto. Noon palang nagsisink in sa'kin ang sakit ng katawan ng nangyare sa'kin kahapon. 

Pakiramdam ko ay may nakadagang bato sa binti ko sa sobrang sakit kung igalaw. 

Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na makabangon. Sobrang sakit pero dapat ay ikilos ko ito para masanay. Hindi pwedeng manatili kami ng ganito sa tatlong araw pa na natitira sa'min.

Kinuha ko sa luggage ang medicine pouch. 

Balak ko sanang uminom ng pain reliever nang pumasok si Troy sa kwarto. Tulad kahapon, pawisan na naman siya. Tiningnan niya ko at bumaba sa paa ko ang tingin niya. 

"So we're stuck here 'til you get better. No activities for you, Miss. Not even a simple walk." Ani Troy sabay hilig sa kwadro ng pintuan. He has this serious look on his face. I can't believe this trip turned to be a nightmare for the both of us.

Nasa kama pa rin ako at wala akong balak bumangon dahil pakiramdam ko'y nabugbog ang magkabilang binti ko sa sobrang sakit. Kahit ang simpleng paglipat ng pwesto ay malaking pasakit sa'kin. Para na kong naestatwa sa kinahihigaan ko.

"Sayang talaga ang araw natin." Napanguso ako sa sobrang panghihinayang.

Umiling si Troy.

"We're here until Friday. We can rest and chill for the day, and maybe tomorrow you'll feel slightly better." Aniya sabay lakad sa kinahihigaan ko.

Naupo siya sa kabilang bahagi ng kama. Tamang distansya para hindi kami maging sobrang lapit sa isa't-isa. Tamang-tama lang para malanghap ko ang bagong paligo niyang katawan.

"You can't drink meds with an empty stomach. Wait I'll ask for a room service." aniya.   

" What do you want to eat?" tanong niya habang hawak sa dibdib ang telepono.

I looked at him. He's freshly shaved. He's technically extra handsome today and I hate him for doing this to my heart.

"Hmm... something simple. Something not fancy. Ayoko na ng pagkain na hindi ko kilala." Reklamo ko.

Greek foods are delicious—that's an understatement.

Pero hinahanap ng dila ko ang lasa ng Filipino food.

"I'll ask the head chef for kare-kare." He said.

"You can do that?"

"Of course. We own the place."

Lumapad ang ngisi ko sa sinabi niya. For the first time, he's gawking about his fortune.

Pagkarating ng pagkain sa silid namin, naamoy ko kaagad ang masarap na kare-kare na hinahanap ko. Sa sobrang excitement ko sa pagkain, nagawa kong makabangon at makaupo sa lamesa sa may veranda.

Natawa sa'kin si Troy.

"So kare-kare is still your pain reliever."

Hinila niya ang upuan sa harap ko at doon naupo. Nakangisi pa rin siya sa naging pagbangon ko dahil sa kare-kare.

Ngumuso ako at inismiran siya. "Hindi ako sanay sa mamahalin na pagkain. Hinahanap pa rin talaga ng dila ko ang pagkain ng PIlipinas. Like seriously, who wouldn't want a delicious and nutty kare-kare?"

"Uhm probably... me?" he pointed at himself.

"Then why did you order this?" turo ko sa kare-kare na nakahain na sa lamesa. May strawberry shake at clubhouse sandwich na kasama ang pinadeliver niya. Hula ko ay 'yun naman ang kakainin niya.

Tinanguan niya ang lalaking nagdala nun bago tuluyang umalis.

He faced me. "For all I know, you love kare-kare and it will comfort your sorry ass."

Natawa ako sa inasal niya. "Oh I see. It sucks to be allergic to nuts." Tumawa ako at nagsimula ng kumain. Gumawa pa ko ng ingay para mas lalo siyang mainis sa akin. Umiling siya at kinagatan ang clubhouse sandwich.

Bata palang kami ng matuklasan nila na allergic siya sa nuts. Halos mamaga ang buo niyang mukha dahil sa minsan niyang pagkain ng kare-kare sa bahay namin. Nataranta talaga kami sa nangyari na 'yun, kaya mula nun ay iniwasan na niya ang kahit anong klase ng nuts. 


Nang sumunod na araw ay bumalik na kami sa paglilibot sa kagandahan ng Santorini. Nasa bukana kami ng hotel at nakatingin lamang ako sa mga sasakyan na dumadaan sa harapan namin. Maraming nakatingin sa amin. I'm thinking its because they recognized Troy. He didn't bother covering up.

Dumiretso kami sa service na magdadala sa'min sa diving site. Yup, he planned a diving lesson and a little trip underwater, but I can't seem to tell him I don't want this to happen

Gusto ko lang manatili sa kwarto at matulog hanggang sa makauwi na kami ng Pilipinas.

Pagkasakay namin ng kotse ay tumunog ang telepono ko. He gave me his spare phone to contact my siblings, but I also sent a text to my friends just in case they want to contact me while we're here.

I saw Chrome's caller ID.

Sinilip ko muna si Troy bago sana sagutin ang tawag. Pero nakapikit siya at mukhang walang pakialam sa paligid.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa cellphone at sinagot ang tawag ni Chrome.

"Hello!" bati ko sa kabilang linya.

"Well you sound better than I expected." bungad sakin ng pamilyar na boses.

I smiled inwardly. "Ano bang akala mo sa'kin? Of course I feel better. Ikaw kamusta? I miss all of you, Chrome." wala sa loob na pahayag ko.

Saglit akong natigilan ng gumalaw sa tabi ko si Troy. He moved closer to me, but kept his eyes closed.

"We're doing fine here. Everyone's excited for your comeback and Ivan said he missed you too."

I chuckled with his uncanny response. "At ikaw hindi mo ko namiss?"

"Damn it, Sam. You're married. Stop teasing me." aniya habang natatawa rin sa sinabi niya.

Napansin kong papalapit na kami sa isang yate sa tabi ng dagat. Mukhang malapit na kaming bumaba para sa diving lesson.

"Okay I get it. I'm just teasing you, Google Man!"

He groaned and I laughed. "You're one hell of a lady, Sam."

"Fine. I need to go. Malapit na kami sa susunod na pupuntahan nami. Please tell the others that I missed them and that I'll be back soon."

"Take care, Sam."

I smiled before ending the call.

Chrome and I may not be together as lover, but we'll definitely be the best of friends as long as we both want it to be.

Napapitlag ako ng biglang bumagsak ang ulo ni Troy sa balikat ko. Akala ko ay sinasadya niya ang nangyare pero nang silipin ko ay mahimbing siyang natutulog. Payapa ang kaniyang paghinga. Ni hindi siya kumilos ng iayos ko ang aking pagkakaupo.

Dammit!

Kinakalma ko ang buong sistema ko. Batid kong inosente ang hangarin ni Troy sa pagkakahilig sa balikat ko ngunit sobrang kabado pa rin ako na maging ganito kalapit sa'kanya.

"Troy..." bulong ko.

Sinubukan ko siyang gisinginsa pamamagitan ng pagtapik sa kamay niyang nakapatong sa kaniyang tuhod. Pero mahihinang hilik lang ang itinugon niya sa'kin.

Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Nilingon ko ang labas ng pinagparadahan ng sasakyan.

Kitang-kita ang mga nakahilerang yate sa kahabaan ng tabing dagat. Pero lumutang ang nag-iisang yate na may dalawang palapag at may tatak na letrang 'M'.

Sumulyap sa'kin ang driver. Napangiwi ako ng dumapo sa katabi ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'kanya. Hindi ako sigurado kung magkakaintindihan nga ba kami.

"Despoinís, eímaste edó."

Nagkatotoo na nga ang kinatatakutan ko ng magsalita siya gamit ang lenggwahe nila. Napalabi ako sa kawalan ng ideya kung ano ang sinabi niya.

I have 2 choices. I can try my best and communicate with this man or I can wake up Troy and get this over and done with. I can choose the latter. Its the best choice. Pero hindi ko alam kung tamang gisingin ang payapa niyang pagtulog.

"I can understand English, Madame."

Nanglaki ang mata ko nang magsalita siya ulit. "Oh my God!" I exclaimed.

Napangiti siya sa reaksyon ko. "I thought you only speak Greek. Thank God!"

Ngumiti lamang siya na lalong nagpatawa sa'kin.

Timing naman ng biglang paggalaw ni Troy at tuluyan na nga siyang nagising. "Why are you laughing?" tanong niya habang antok na antok pa ang boses.

"Akala ko kasi hindi siya marunong mag-Ingles. Natutulog ka at hindi ko alam ang gagawin ko."

Pumungay ang mga mata niya at ngumisi. "Our hotel staffs are trained to be well versed. Of course they know how to speak in multiple language. Right, Antonio?"

"Yes, Sir!" sagot naman ng driver.

Pinamulahan ako ng mukha. Minsan talaga ay hindi nakakabuti sa'kin ang pag-ooverthink ko.

Naunang bumaba ng sasakyan si Troy. Inalalayan naman niya ko sa aking pagbaba. Sinalubong kami ng malakas na hangin. Halos liparin ang suot kong sun hat kung hindi ko lamang ito nahawakan.

Nilapitan kami ng isang grupo ng lalaki at babae. Nakadiving suit na ang mga kalalakihan pero nakalaylay pa ang pang itaas nito. Habang ang mga babae naman ay naka bathing suit lamang.

Kinausap ni Troy ang mga lalaki habang nanatili lamang ako sa likuran niya. Narinig kong sila pala ang makakasama namin sa diving lesson.

"I'll think about it, Andro. I don't want to risk it." narinig kong sambit ni Troy sa lalaking kanina pa nakatingin sa'kin.

Nahagip ng paningin ko ang pag-iling ni Troy habang patuloy sa pagsasalita ang mga kalalakihan. Hindi nakikisali sa usapan nila ang mga babae. Nakatayo lamang sila sa likod nila at parang may mga sariling mundo.

"We tried to secure the place, Troy. But man, you're crowd is persistent. My security's having a headache. Look....." sabay turo sa isang isla na may di kalayuan sa kinatatayuan namin.

I can't see a thing. Bukod sa silaw na silaw ako sa sikat ng araw. "I see. Go ahead. I'll talk to her first." pagod na buntong hininga ni Troy.

Ilang saglit pa ang lumipas ng mauna na sa pagsakay ng yate ang grupo nung Andro.

Lumingon si Troy sa akin. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya.

"Bakit? May problema ba?"

"Would you mind if I tell you let's go somewhere else?" naguluhan ako sa tanong niya.

"I won't mind. Pero bakit tayo aalis?"

Nakakapagtaka lang na aalis pa kami kung kelan isang hakbang na lang ay pwede na kaming sumakay ng yate. Ayoko rin naman lumangoy pero gusto kong malaman ang dahilan kung bakit kami aatras.

"The paparazzi's are around the area. According to Andro, there are a bunch of them on that island." turo niya sa kalapit na isla.

"I want our trip to be private as much as possible. So will it be all right, if we go somewhere else instead?"

Alam kong nag-aalala lang naman siya sa magiging imahe ko kung sakaling pagpyestahan kami ng media habang nasa yate.

Ngumiti ako at tinanguan siya. "Okay lang naman, Troy. Ayoko rin naman lumangoy ngayon."

HIndi ko tuloy alam kung dapat ba akong magpasalamat sa mga oras na 'yun dahil hindi natuloy ang paglalangoy namin. Mula kasi ng maaksidente ako sa dagat ay naging bihira na ang pagtungtong ko sa tubig.

Pakiramdam ko kasi'y anumang oras ay mauulit ang nangyare sa'kin noon.

Buong akala ko ay babalik na kami ng hotel. Pero imbes na sumakay sa kotse ay dinala ako ni Troy sa likod ng Old Fira Port.

Nagulat ako sa sumalubong sa'min.

"Oh my God! They're so cute Pwede ba kong lumapit?" tanong ko kay Troy.

He has this amused grin on his lips. It was as if he didn't expect my reaction. Anong magagawa ko kung ito ang unang beses kong makakita ng ganitong hayop? I have the right to be amuse sometimes.

"What?" natatawa na rin ako.

"Nothing. Just be careful. They can be rude sometimes." aniya.

Binalewala ko na lang ang babala niya. I happily made my way to the donkeys. Buti na lang talaga at hindi na sumasakit ang sprain ko. Kaunting pahinga lang ang kailangan nun kaya nakakalakad na ulit ako ng maayos.

Ang dami dami nila sa area na ito. Halos hindi ko nga mabilang ang naroroon na pilit na nagsasama-sama. May iilan na may sakay ng turista, habang ang karamihan ay nagkukumpulan sa isang open field na puno ng damo.

"You can ride them if you want." alok ng lalaking katabi ng donkey na nilapitan ko.

Mukha siyang local sa lugar na. At kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nagmamay-ari ng natapatan kong hayop.

"Really?"

"Of course, Miss. You just have to pay 8 euros."

Ganun na lang ang panglalaki ng ulo ko sa sinabi ni Kuya. Agad na naconvert sa utak ko ang halaga ng sinasabi niyang kailangan kong bayaran.

"8 euros?" he nodded.

Nawala bigla ang excitement sa dibdib ko. Halos limang daang piso ang katumbas ng simpleng pagsakay ko sa kawawang donkey. Nginitian ko na lamang si Kuya tsaka muling tinapik ang likuran ng hayop.

Bumalik ako sa kinatatayuan ni Troy. Nagulat siya nang makita na katabi na niya akong ulit.

"Hindi ka sasakay? I thought you like the donkeys."

"I do love them. But to pay 8 freaking euros for a ride, thanks but no thanks. Kumain na lang tayo hindi pa nasayang 'yun pera."

Hindi ko kayang basta gumastos ng pera kahit pa sabihin na mayaman ang aking napangasawa. Si Troy ang mayaman at hindi ako. I live within my means and my marriage with Troy won't change that.

"I'll pay for it, Sam. Just go and enjoy." pagpupumilit niya.

Umiling ako. "I can't enjoy it, Troy. Buti sana kung hindi ko alam na ganun ang halaga na babayaran mo. Five hundred pesos is a big money for a simple person like me. You can keep your money and let's spend it into something more worth it."

Naglakad na lamang ako papalayo sa'kanya.

I was a few steps away when he held me back.

"Fine. You won't ride the freaking donkey. But let's take some pictures. Kahit 'yun man lang maging remembrance natin dito. Okay?"

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi na ko nakasalita dahil namalayan ko na lang na nakatabi kami sa pulutong ng donkey at hawak ng isang estranghero ang camera para kuhanan kami ng larawan.

"One more..." ani ng lalaki.

Umakbay sa'kin si Troy at masayang nagpose para sa camera. Batid kong bakas sa mukha ko ang pagkabigla sa ginawa niya. Binaba ng lalaki ang camera. Tumingin siya sakin.

"Smile!" he shouted.

"Come on, Sam. Smile for the camera." he whispered behind my ears.

I did what I was told.

I smiled for the camera with my heart ready to explode outside of my chest. It's beating faster and faster by the minute. 

And it hit me hard when Troy posed for another picture........ with his lips touching my cheeks making my heart beat faster than it ever did before.

Heart attack. No.

But I think I just died on that very moment. 

Continue Reading

You'll Also Like

727K 15.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
316K 21.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1M 83.5K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...