Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 23

1.6M 48K 24.6K
By jonaxx

Kabanata 23

Shallow Kisses

Para akong zombie na naglalakad sa buong campus habang busy sa paghahanda sa festival. Uuwi pa ako mamaya. Sa bahay na ako mag lu-lunch dahil susunduin daw ako ni Reina. Magbibihis din ako ng dress. Panay kasi ang pants ko dahil kailangang umakyat akyat para mag design ng booths. Ayaw ko namang mabosohan.

Nang dumating na kami ni Reina ay pansin na pansin ko ang pagiging matamlay niya. Maporma na siya at improving na ang makinis niyang kutis ngayon, pero dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Wade at dagdagan pa ng mga naabutan niyang scenes sa Comfort Room, ay mukhang stress si ate.

"It's not his fault, Reina. Ikaw itong humusga sa pagkatao niya. Hindi niya naman sinabi sayo'ng mabait siya, diba? Naging harsh pa nga siya sayo. Ikaw itong nagpumilit na mabait siya. You created your own idea of him."

Tama. You are responsible of your own thoughts, actions, and words. Kahit na sinabi ko sa kanya ang iilan sa mga nalaman ko galing kay Rozen ay umasa parin siyang hindi ganoon si Wade. Kaya ayan, nang napatunayan niya ito ay hindi niya natanggap.

"Alam ko naman yun, Coreen. Talagang hindi ko lang alam kung paano mag react sa sitwasyon na iyon. Tsaka... isa pang ikinagagalit ko ay alam ni Wade na iniisip kong may gusto siya kay Zoey, bakit hindi niya ako diniretso na wala? Na puro ganun lang ang ginagawa niya?"

Tumango ako. Tama rin si Reina. Anong problema ni Wade at bakit hindi niya na lang diniretso si Reina? Ang buong akala kasi namin ay mahal ni Wade si Zoey... si Zoey naman ay nakikipaglandian kay Rozen. Kaya akala namin, magkagalit si Rozen at Wade dahil kay Zoey, iyon naman pala, dahil iyon sa pag kokomprontang ginawa ni Rozen. Nakakalito. Halos dumugo ang ilong ko sa kakaisip.

Nakatingin lang kaming dalawa ni Reina sa nag fa-fashion show na models.

"You think pag sinabi niya sayo, di ka lalayo?" Napagtanto ko iyon sa gitna ng panonood.

Pareho din siguro ang mangyayari. Lalayu at lalayo parin si Reina pag nalaman niyang sex lang naman ang namamagitan kay Wade at kay Zoey. Naiinis iyon sa mga playboy. Ako rin naman. Nakakadiri. Kaya naman ayaw niya kay Rozen. At ganun din ako... ayaw ko kay Rozen.

Napalunok ako. May problema ang mga kulisap sa huling inisip ko, ah?

Isinantabi ko ang nararamdaman ko at naalala ang show ni Noah. Mini Concert.

"Reina! Let's go! Tapos na ang show!" Hinila ko si Reina.

Mabilis siyang nagpatianod sa akin. Syempre, siguro ay curious din siya. Nagpupumiglas pero wala ring nagawa sa paglalambing ko.

Nang nakarating kami sa field, marami ng tao. Sobrang dami. Pakiramdam ko, lahat ng estudyante ay narito. Maingay at may mga banners at karatula pang dala ang iba. Parang rally lang, eh.

Napangiwi ako at hinila pa ang mahinang si Reina.

"Tabi nga!" Sigaw ko sa mga naninikong fans nina Noah.

Masama ang tingin nila sakin. Inirapan ko na lang sila. Useless ang 'excuse me' sa mga taong desperado.

Mas lalo kong naaninag si Noah sa stage. Seryoso siyang nag gigitara. Wala siyang ibang tinitignan kundi ang gitara niya, o di kaya ay ang kawalan. Para bang binubuhos niya sa pag gigitara ang puso niya.

"Bushet na Wade." Sabi ko nang nagsimulang maglakad lakad si Wade para ientertain ang mga tao.

Nang nakarating na kami sa may barricade ay tumigil na ako sa paglalakad.

"WOOOOH!" Malakas akong pumalakpak.

Ang sakit nga ng palad ko. Ang ingay ng mga tao kaya kahit anong tambling ko dito, hindi ko maaagaw ang atensyon ni Noah.

Tumalon talon ako sabay sigaw, kahit useless, "NOAHHHH! GWAPO MO! SHET!"

Tumigil ako nang masyado ng naging maingay ang audience dahil sa isang chant. O sige, pag piyestahan niyo si Wade! Para akin lang si Noah! Tumawa ako.

Unti-unting napawi ang tawa ko nang naalala ko ang pag tanggi ni Noah sakin. He's too heartless. Bakit madalas pinapahiwatig niya saking may gusto siya, that he cares for me, pero tuwing sinasabi ko na ang feelings ko para sa kanya, lagi akong bumabagsak, laging sawi.

Napatingin ako kay Reina. Buti pa ang isang ito. Walang imik sa feelings niya. Masyadong inosente na hindi alam ang sariling nararamdaman kaya hindi rin masabi-sabi sa lalaki. Innocence is truly a bliss.

"That doesn't mean he's bad, Reina." Sabi ko nang nakita ang panghihinayang sa kanyang mukha.

Iniisip kong baka iwasan niya na si Wade ngayon dahil ayaw niya ng mga playboy, sinungaling, at mapaglaro. Hindi naman siya pinaglaruan, at kung may hindi man sinabi si Wade, dahil na rin iyon siguro sa takot na mahusgahan siya ni Reina.

Mas lalong umingay ang buong stage. Nakita ko si Noah na nakatingin na ngayon sa akin. Napaawang ang bibig niya ng ilang sandali bago binawi ang titig. Umiling ako.

Wala akong ibang naririnig kundi ang nakakabinging sigawan ng mga babae sa likod. Kumunot ang noo ni Noah. Mukha siyang nagalit nang nakita ako. Napalunok ako at pinagmasdang mabuti ang kilos niya.

"NOAH! GWAPO MO KAHIT MASUNGIT KA!" Sigaw ng mga babae sa likod ko.

Napatingin ako sa kanila. Wala silang pakealam kahit tinitigan ko sila ng matatalim. Well, yes, bakit? Sino ba ako? Hindi naman ako ang girlfriend... Hmmm. Napatingin ulit ako kay Noah.

"You know what, Reina? Someday, they're gonna be big. And I don't like it." Matabang kong sinabi.

I will support Noah, no matter what. Pero ayaw kong makita siyang may ibang babae. Matagal na akong umaaligid sa kanya at kung mahal niya ako, bakit hindi niya ako minahal noon pa... ang ibig sabihin lang nito ay hindi niya talaga kayang magmahal ng tulad ni Coreen Samantha... There must be someone else... May ibang babaeng darating na mamahalin niya. Not me.

Nabigla ako nang may biglang humigit sa akin. Buong akala ko ay ito na iyong mga babaeng inirapan at tinulak ko kanina. Kakapit sana ako kay Reina pero huli na ang lahat.

Nilingon ko kung sinong humigit at kumakaldkad sakin. Pero bago ko siya na aninag ay agad kong nalaman kong sino.

Sa malalagkit at kagat-labing tingin ng mga babae dito sa kanya, wala ng duda kung sino.

"ROZEN!" Sigaw ko.

Hindi siya tumigil. Kinaladkad niya lang talaga ako hanggang sa umabot kami sa sasakyan niya.

"Ano ba? You can just tell me kung saan tayo magkikita. Hindi mo na kailangang manghila!" Sabay irap ko.

Ngumisi lang siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"I want to claim you mine for today. Even just for today." Aniya.

Uminit ang pisngi ko at tinuro ko siya.

ANG KAPAL NG MUKHA! Ang manyak!

"Anong claim claim ka dyan? Ano ka siniswerte?"

Nalaglag ang panga niya.

"Hindi a-ako tulad ng mga babae mong easy, ano! Ano? Saan mo ako dadalhin sa isang motel? STUPID! Tseh!!! Manyak ka talaga! Sabi na nga ba hindi mo ako mahal, eh, katawan ko lang ang gusto mo-"

"What?" Tumawa siya. "Coreen, I want to claim you... as my girl... today. Anong pinagsasabi mong manyak, motel? Ano?"

"WHAT?"

Pinilit kong huminahon. Nilagay ko na lang ang palad ko sa noo ko. Darn it! Masyado ba akong na carried away?

"Tsaka... Anong motel? Seriously? Kung idedevirginize kita, hindi sa motel, sa isang magarbong resort o sa enggrandeng hotel o sa ibang bansa o sa bahay natin-"

"WHAAAAAAAT?" Mas lalong uminit ang pisngi ko kaya sinugod ko na siya at pinagsasapak.

Ginawa niyang shield ang kanyang mga braso. Nagrereklamo siya pero tumatawa parin.

"Iyon ang totoo, Coreen. Mahal kita at sa oras na mahalin mo ako, doon din naman hahantong iyon. Chill-"

Patuloy ako sa pagsapak sa kanya.

"A-Ow!" Aniya nang kinurot ko na ang gilid niya.

Pinikit niya ang isang mata niya at hinawakan ang kamao ko.

"Ang saket." Panunuya niya.

"Manyak ka talaga... Manyak ka! Manyak! Kaya ayaw ko sayo." Sabi ko.

Umiling na lang siya at ngumisi saka ako pinapasok sa sasakyan niya. Panay ang alburoto ko pero unconsiously kong nila-lock ang seatbelt ko.

Grabe. Kahit na naiinis na naman ako sa kanya, parang alam na ng sistema kong sasama at sasama parin ako sa kanya.

"Saan tayo?" Tanong ko nang nakaupo na siya sa driver's seat.

"2nd date." Aniya.

"Saan nga?"

"Wait and see." Kumindat pa siya saka pinaandar ang sasakyan.

Parang kanina lang magkagalit kaming dalawa ah? Parang noong isang araw lang ay hindi siya nagpaparamdam. Ngayon, back to normal kaming dalawa. Ganito na ba ang normal ngayon? Ang kasama siya?

Pinagmasdan ko siyang mabuti, nakita kong hindi naman siya naka pormal. Denim pants, blue t-shirt at ang gwapong mukha lang naman ang soot niya. Nagkibit-balikat ako.

"Baka gusto mong motel?" Tumawa siya.

Sinapak ko agad, "Tumahimik ka nga? Pwede bang i-zip mo minsan yang bunganga mo. Maganda na sana, eh."

Patuloy siya sa pagtawa kaya umiling na lang ako at tinignan ang mga sasakyan sa labas.

"Seriously, bakit mo naisip na sa motel? Coreen Samantha, do you fantasize about me?" Panunuya niya.

Napapikit ako at uminit ulit ang pisngi ko.

Sarap niya talagang bigwasan. Kinurot niya pa ang pisngi ko.

“Shit ka! Tumigil ka na!” Sabi ko at mas lalong tumingin sa labas.

Ayaw kong ipakita sa kanya na nakangisi rin ako. Na natatawa ako. Na natutuwa ako sa panunuya niya sakin. Darn, Rozen Elizalde.

Hindi ako nainip sa byahe. Panay ang sagutan naming dalawa.

“Eh kasalanan mo yun! Buti nga sayo! Bakit ka pa kasi nagdala ng babae ayan tuloy nagkasala sila, ikaw ang nagbayad.”

Nag rereklamo kasi siya na masakit daw ang katawan niya. Paano ba naman kasi, pinagbuhat ko siya kanina ng mga box ng stereo. Iyon ang pamalit niya sa mga naapakang decorations.

“anong koneksyon sa mga babae at sa sakit ng katawan ko?”

Napatingin ako sa kanya ng matatalim, “Ang hina mo po sa logic! Grabe ka!”

“Nagseselos ka lang.”

“Anong koneksyon ng nagseselos at logic? Asa ka pa, Rozen! Asa ka pa!”

“Matutuwa talaga ako pag totoong nagseselos ka, Coreen. Sa sobrang tuwa ko, aanakan kita.”

SHIT! Hindi ko na kaya! Sinapak ko na! Panay ang hagalpak niya sa tawa. Sinaktan kong mabuti ang braso niya. Nanggigil ako, eh. Pumula ito.

“Oh. Tama na! Nagkakasakitan na tayo ng totohanan.”

“BWISIT KA! Ba’t ako sumasama sayo? Hindi ko na alam. Nakalimutan ko na ang rason-”

“Maybe you’re inlove!”

“Tsss.” Nag iwas ako ng tingin.

Nipark niya sa labas ng isang nature park ang kanyang sasakyan. Date. Sa Nature Park. Anong meron dito? Mga punong kahoy, zoo, at overlooking na tanawin sa buong syudad. Not bad. Creative, Rozen.

“Are you finally in love, Coreen? In love with me?” Marahan niyang utas.

Kumalabog ang puso ko sa tanong niya. Imbes na seryosohin ko iyon ay tinanggal ko ang seat belt ko para lumabas. Kaya lang, tumunog agad ang locks ng pintuan. Ibig sabihin, sarado ang mga pinto sa buong sasakyan. Hindi niya ako palalabasin kung di ko sasagutin.

“Y-You know my answer, Rozen.” Nag iwas ako ng tingin.

God! I can’t believe I’m stuttering!

“Do I, Coreen?” Humilig siya sakin.

Titig na titig siya sa mga mata ko. Iyong tipong titig niya na tumatagos sa kaluluwa. Basang-basa niya ang buong pagkatao ko. Ang mga mahaderang kulisap ay nag papaputok na sa tiyan ko. Darn it! Stop it, you! Iinuman ko talaga ito ng Baygon!

“Alam mong magaling akong magsinungaling, diba?” Aniya.

Nagkibit-balikat ako.

Naramdaman ko na ang hininga niya sa pisngi ko. Ang isang kamay niya ay nasa harap ko, nakahawak sa may aircon. Ang isa naman ay nasa likod ng upuan ko.

“Kaya alam na alam ko kung paano ihambing ang nagsisinungaling at ang nagsasabi ng totoo. Nasa mga mata yan, Coreen. If you really don’t love me, why can’t you look at me and say it?”

Matama ko siyang tinignan.

DARN IT! Hindi ko magawang titigan siya ng matagal. Pakiramdam ko puputok ang mga kulisap sa tiyan ko kung gagawin ko iyon.

“Say it, Coreen. Say it...” Hinilig niya ang noo niya sa gilid ng noo ko.

Napalunok ako. Hindi na ako makagalaw. Nalulusaw ang buong katawan ko, ang puso ko, ang buong pagkatao ko.

“Don’t worry. Let’s pretend that you’re lying. Let’s pretend that we’re on just for this day... Let’s just pretend, Coreen.”

“N-Na ano? Na mahal kita? Let’s pretend na mahal k-kita?” Tanong ko.

“Oo. Let’s pretend. Let me hear it. Please, let me hear it, Coreen.”

Napalunok ako. Gusto ko siyang tignan sa mga mata niya pero hindi ko magawa. Nakadikit kasi ang noo niya sa noo ko.

“I l-love you, Rozen.”

Huminga siya ng malalim. Yumuko ako. Naramdaman ko ang ilong niya sa pisngi ko. Damn! Kumalabog ulit ang puso ko. Take away my darn heart, Lord, please!

“Say it again... I want the memory... I want your voice...”

“I love you, Rozen.” Mas klaro kong sinabi.

Huminga ulit siya ng malalim.

“I’m madly smitten, too.” Hinalikan niya ng marahan ang pisngi ko.

Hinayaan ko siya. Hanggang sa nilagay niya ang index finger niya sa baba ko at ginabayan ito para mapaglapat ang labi namin.

His kisses were slow, shallow, no tongue, all lips. Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko kayang nakapirmi lang habang dinadama ang halik niya. I tried to kiss him too. Just the lips. Smooth, slow, shallow kisses.

Nakita kong ngumisi siya.

“Pretend parin ba ang part na ito?” Sabi niya in between kisses. “Kasi pakiramdam ko, totoo na.”

Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
665K 23.7K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
799K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.