His Gangster Girl [STBP by L...

By charamelwrites

9.9M 169K 11.1K

Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted th... More

HGG [1]
HGG [2]
HGG [3]
HGG [4]
HGG [5]
HGG [6]
HGG [7]
HGG [8]
HGG [9]
HGG [10]
HGG [11]
HGG [12]
HGG [13]
HGG [14]
HGG [15]
HGG [16]
HGG [17]
HGG [18]
HGG [19]
HGG [20]
S.C [1]
HGG [22]
HGG [23]
HGG [24]
HGG [24.5]
HGG [25]
HGG [26]
HGG [27]
S.C [2]
S.C [2.5]
HGG [29]
HGG [30]
HGG [31]
HGG [32]
HGG [33]
HGG [34]
HGG [35]
HGG [36]
HGG [37]
HGG [38]
HGG [39]
HGG [40]
HGG [41]
HGG [42]
HGG [43]
HGG [44]
HGG [45]
HGG [46]
HGG [47]
HGG [48]
HGG [50]
S.C [3]
HGG [52]
HGG [53] The last chapter
Epilogue
S.C [4]
S.C [5]
S.C [6]
S.C. [7]
S.C [8]
Author's Note
Book 2 is up!
VERY IMPORTANT Author's Note
Author's Note [Please read. Please!]
A/N pa more

HGG [49]

110K 1.9K 87
By charamelwrites

Chapter 49

Janine's POV

"P-princess"

Nagulat ako sa binanggit ni Prince.

"Princess? Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Ciara ngunit bakas sa mukha nito na kinakabahan siya.

Lumambot ang mukha ni Prince.

"I-i'm sorry. I thought you we're someone...important" nanlulumong sabi ni Prince.

Napatingin naman siya sa akin. "Oh! Prince! Meet Ciara nga pala! Ang kaibigan ko!" pagpapakilala ko naman.

Mukhang nagulat si Prince sa sinabi ko ngunit inilahad niya naman ang kamay niya sa harapan ni Ciara. "Hi. Sorry kanina. I'm Devon"

Ngumiti ng matamis si Ciara. "O-okay lang yun, De..von. I'm Ciara" At kinuha ni Ciara ang nakalahad na kamay ni Prince.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Prince at marahas na pinagmasdan ang isang munting pulseras na suot-suot ni Ciara.

"B-bakit to nasayo?" gulat at takot ang ekspresyon sa mukha ni Prince.

Ngunit hindi nakasagot si Ciara. Mukhang natulala lang siya at luluha na.

Teka. Ano bang nangyayari??

"S-si Xavia lang ang meron nito. Bakit nasayo to?"

Umiiyak na si Ciara ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero may pakiramdam akong hindi maganda ang kalalabasan nito.

"Prince! Jan! Bat ba ang tagal niyo ha?? Alam mo bang pagod na pagod na a....ko."

Napalingon kaming lahat kay Jack na kakarating pa lang at nanlalaki ang mga mata nito.

"Princess!" gulat na sambit nito.

Napatingin ulit si Prince kay Ciara at tinitigan siya.

"Huy! Anong ginagawa niyo dito lahat?" natatawa pang sabi ni Ace ngunit tumigil rin siya ng masilayan niya si Ciara.

Kilala ba nila si Ciara? Bakit hindi ko to alam?

"C-ciara.. Kilala mo ba sila?" nanginginig na tanong ko.

May hinala na ako eh. Kaso.. ayaw kong paniwalaan ang natuklasan ko.

Umiling-iling si Ciara habang umiiyak. "H-hindi ko sila kilala" sabi nito at tatakas na sana ng hinigit siya ni Prince para sa isang mahigpit na yakap.

Maya-maya pa'y gumaya rin sina Jack at Ace.

Di ko maiwasang maluha. Bakit ganun? Siya nga ba ang dating prinsesa? Ang 'patay na' na prinsesa?

"Hindi ko sila kilala, Janine!" sigaw ni Ciara habang nagpupumiglas sa mga yakap ng mga lalake.

Bumitaw naman sila kaso lahat sila at nakatingin lang kay Ciara. Pati ako ay pinagdududahan na rin siya. 

Ayaw ko man maniwala o hinde, pero ito ang totoo eh.

"Via... sabihin mo na ang totoo" manhinang sabi ng kasama niya. Si Chris. Ang bestfriend niya.

Ngunit nanatiling tahimik si Ciara.. o Xavia.

Napabuntong-hininga naman si Chris. At napangisi siya ng sarkastiko. "Gusto niyong malaman ang totoo? Oo. Siya nga ang prinsesa. Oo. Buhay pa siya. At oo. Sinekereto namin lahat ng ito sa inyo"

***

Pagkatapos ng eksena sa park ay umuwi na ako agad. Ayoko ng marinig pa ang usapan nila.

Baka may marinig pa akong hindi maganda.

Ellaine's POV

Andito kaming lahat sa hideout. Ewan ko ba dun kay bes kung bakit umuwi agad.

Nakaupo kami sa sala habang pinagmamasdan ang tuwang-tuwa na grupo nila Prince kasama ang isang di-kilalang babae.

Kanina pa kami nag-iintay dito sa kanila, para man lang i-explain nila sa amin kung ano ang nangyayari.

Kaso hinde eh. Pakiramdam ata nila, wala kami dito eh. That we didn't even exist.

Hindi na ako nakatiis at tumayo na sa salang inuupuan ko at lumapit sa kanila.

"Excuse me. Sorry for interrupting pero sino siya?" malamig na tanong ko.

Nagtinginan silang lahat sa akin bago tumayo si Prince. "Sorry prinsesa ko. Siya nga pala si Xavia! Ang dating princess na tinutukoy ko dati" nakangiting sabi niya.

Napatingin naman ako kay Xavia. "Uh.. hi! Xavia nga pala. Nice to meet you" nakangiting sabi nito at inilahad ang kamay niya.

Tinitigan ko lang ang kamay niya at pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay. Wala akong balak na makipagkaibigan dito sa babaeng to.

Masama ang kutob ko sa kanya. O di kaya'y first impression pa lang ay ayaw ko na sa kanya.

***

Prince's POV

"Anong nangyari dun?" nakataas-kilay na tanong ni Ace. Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi ko alam kung anong problema ng prinsesa ko. Pero sa ngayon, iba muna ang alalalahanin ko.

"Nasaan nga pala si King?" tanong ni Xavia.

"Ah! Umalis na siya bago ka namin mahanap eh. Pero.. may gusto akong itanong sayo. Why did you fake your death? Tapos ngayon ay lalabas ka na lang na parang hindi ka namatay?" malambing na tanong ko.

"I'm so sorry guys for not letting you know. However, this all started when the Misery gang threaten my brother...."

.Flashback. (Xavia's POV)

"Ang galing talagang makipaglaban ng princess naten! Kahit mag-isa lang siya, kayang-kaya niyang talunin ang tatlong gangs ng magkakasabay!" puri ng isang estudyante.

Napangiti ako. Masarap talaga sa pakiramdam na pinupuri ka ng isang tao. Sino bang hinde?

Umuwi na ako pagkatapos ng klase at naabutan ko ang nakakabatang kapatid ko na nagbabasa ng isang libro.

Maniwala man kayo o hinde, pero hindi kagaya ko ang kapatid kong ito. Ayaw niyang maging katulad ko. In short, ayaw niya sa akin.

"Hi bebs!"  bati ko sa kanya. Baby bro ang ibig sabihin ng bebs. Hehe.

Ngunit hindi man lang niya ako binati pabalik. Hindi nga rin niya ako tinignan at umaakto siya na parang wala ako dito.

Napangiti na lang ako. Kahit ayaw sa akin ng kapatid ko, mahal ko pa rin yan.

"Hi ma. Hi pa" bati ko naman sa mga magulang ko na nasa kusina.

"O anak. Buti maaga kang dumating, halika at tulungan mo ako sa pagluluto"

"Sige ma"

Ganito ang buhay ko. Simple lang. Oo, alam ng mga magulang ko na isang akong gangster. Ayaw nila nung una, dahil ayaw nilang mapahamak ako pero napanatag rin sila nung makalaban ko ang isang magnanakaw noon.

***

"Uy princess, balita ko ga-graduate na ang kapatid mo ah? Dito rin ba siya mag-aaral?" tanong sa akin ni Chris. Ang bespren ko.

"Ewan ko eh. Pero gusto ko siyang mag-aral dito. Para makita niya kung gaano ka-astig na maging isang gangster." natutuwang sabi ko.

"Sana nga. Pilitin mo ha? Wag mong hayaang kamuhian ka niya habang-buhay" sabi niya.

"Oo naman!" Biglang napatunog ang cellphone ko. May tumatawag!

Dali-dali ko itong kinuha at sinagot. "Hi Pako!!" bati ko sa kanya.

"Hi. Are you alright there?" nag-aalalang tanong ni Pako. Pangarap ko ang ibig sabihin niyan.

"Oo naman Pako! Basta bilisan mong bumalik ha? Miss na miss na kita!"

Narinig ko siyang tumawa ng marahan. "Of course.. buko. I miss you too. Love you"  Buhay ko naman ang ibig sabihin nun! Diba, ang korne?

Napahagikgik ako sa kilig. "Love you too, Pako! Bye!" sabi ko bago ibaba ang telepono.

"Oh? Yung boyfriend mo ba yun? Parang ang tagal ng balik nila ah?"  sabi ni Chris.

"Oo. International na labanan yun ng mga gangs eh. Sayang nga at hindi ako pinayagan nila mama. Gusto ko pa naman ma-meet ang ibang gangs na galing sa iba't ibang parte ng mundo" sabi ko.

Umuwi na rin ako sa bahay pagkatapos ng uwian. As always, nagbabasa na naman ng libro si bebs pagkadating ko.

"Oh bebs! Nagbabasa ka na naman? Ang boring mo talaga! Hindi ka ba naaastigan sa mga katulad ko?" nakangiti kong sabi habang pabiro na kinokotongan siya.

Bigla niyang pinalo paalis ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Ano ba? Pwede ba, wag kang manggulo? Kita mong nagbabasa ako diba? At tsaka, sino bang may gusto sa mga kagaya mo? Eh mga basagulero lang kayo! Mag-aral ka nga ng tumaas-taas naman ang grado mo! Walang mapapala ang pagiging ganyan mo ate! Ayoko sayo! Wala kang patutunguhan!" galit na sabi nito bago patakbong umakyat sa taas.

Malungkot na nakatingin lang ako sa kanya. Hay. Bakit ba hindi ako kayang mahalin ng kapatid ko.

Ang saket ng mga sinabi niya. Alam kong ang babaw pero ganito ako eh. Hindi ako sanay na pinagsasalitaan ng masama.

Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap ni mama. "Hayaan mo na ang kapatid mo, Xavia. Matututunan ka rin niyang tanggapin" sabi nito.

Nung gabi ring yun ay may narinig akong malakas na kalabog sa loob ng bahay.

Mabilis akong tumayo mula sa kama ko at lumabas ng kwarto. Pinakauna kong pinuntahan ay ang mga magulang ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang mahimbing silang natutulog. Ngunit kinabahan ako ng sobra-sobra nang matandaan ko ang kapatid ko.

Pagbukas ko ng kwarto niya ay para akong tinakasan ng lakas ng mapagtantong wala siya at nakabukas ang bintana.

Napatakbo ako sa bintana at sumilip. Walang bakas ng tao ang nasa labas.

Nasaan na ang kapatid ko!?

Napaatras ako at naramdaman ko ang pagtapak ko sa isang papel. Nagtatakang kinuha ko ito at pinagmasdan.

Isang salita lang ang nakalagay doon. Misery.

***

Tatlong araw ng nawawala ang kapatid ko at tatlong araw ko na rin siyang hinahanap. Pagod na pagod na ako dahil hindi na ako nakakatulog ng mabuti pero lahat naman ito ay para sa kapatid ko. 

"Xavia.. ok ka lang? Laki-laki na ng eyebags mo ah!" nag-aalalang tanong ni Chris.

Naka-okay sign lang ako. "Uhhm.. Chris. May alam ka ba tungkol sa Misery?"

Biglang kumunot ang noo niya. "Misery? You mean, yung misery gang?"

Napalaki ang mata ko. "May misery gang?! Isa silang gang?? Nasaan sila?! Alam mo ba?" tarantang tanong ko.

"Chill lang! Oo alam ko kung nasaan sila! Alam mo yung abandoned house malapit dito sa school? Doon yung hideout nila eh" sabi niya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumayo na at tumakbo papunta sa lugar na sinabi ni Chris.

Pagkadating ko sa bahay ay sinipa ko agad ang pintuan.

"Ilabas niyo ang kapatid ko!!" sigaw ko.

Ang tahimik ng buong bahay. Mukhang walang nakatira.

Pero may lumabas na lalake sa isang sulok. "So.. nahanap mo na rin kami" Nakangising sabi nito.

"Pakawalan niyo ang kapatid ko!! Asan siya?! Bakit niyo siya kinuha!?!" Naiiyak na tanong ko. Ang ayaw ko sa lahat, ang mapahamak ang pamilya ko. Lahat gagawin ko sa kanila.

"Hindi mo ba ako nakikilala, prinsesa? Ako yung lalakeng binugbog mo dati. Yung lalakeng walang kalaban-laban noon. Ang lalakeng nerd na nagkagusto sayo."

Nagulat ako sa sinabi niya. S-siya?

Tama ang narinig niyo, nambubugbog ako dati. Isa akong bully noon. Ngunit nung nakilala ko si King, nagbago agad ako. At ang kahusayan ko sa paglalaban ang mas nagtulak sa akin na maging isang gangster katulad ni King. 

"I-im sorry. Sorry sa katangahan ko noon. Sorry at sinaktan kita. I was immature at that time. Please forgive me. Let my brother go.. wala siyang kasalanan dito"

Umiiyak na ako. Madali akong mapaiyak sa mga ganitong eksena.

"Hah. Forgive you? Nang dahil sayo, napahiya ako. Pinagsigawan mo sa lahat na ayaw mo sa akin.. sa isang lampa. And look what you made me now? Sa tingin mo, lampa pa rin ba ako?" nakangiting saad niya.

"I wanted to thank you! Kung hindi dahil sayo, hindi ako ganito ngayon. At isa pa, gusto kong makita kang masaktan. Not physically, but mentally. This is revenge para sa ginawa mo noon sa akin" malamig na sabi nito at lumabas pa mula sa isang pintuan ang dalawa pang lalake na kasama ang kapatid ko.

"Bebs!" Tawag ko.

Umiiyak rin siya kagaya ko. Takot na takot siya.

"A-ate.." mahinang bulong nito. Awang-awa na ako sa kapatid ko. Bugbog-sarado siya at sobrang dami na niyang pasa.

"Ang sama mo! Ang sama sama mo!!" galit na sabi ko at sinugod siya. Ngunit bago ko pa siya mahawakan ay may inilabas siyang baril at itinutok sa ulo ng kapatid ko.

"Wag!"

Napangisi siya. "Ano? Susugod ka pa? Isang hakbang mo pa at puputok ang ulo ng kapatid mo" sabi niya. 

Napahagulgol na lang ako. Wala akong choice ngayon. Kahit magaling pa akong makipaglaban ay wala ring silbi dahil hindi ko rin naman maprotektahan ang kapatid ko.

"Ano? Hindi ka makasagot? Kahit sundin mo naman ako ay babarilin at babarilin ko pa rin itong kapatid mo"

"A-ako na lang.." mahina kong sabi.

Napatingin siya sa akin. "Ano yun?"  tanong niya habang may nakakalokong ngiti sa labi niya.

"Ako na lang ang patayin mo! Walang kasalanan ang kapatid ko!!"  sabi ko.

Bigla siyang umakto na parang nag-iisip. "Hmm.. magandang ideya yan"

"Wag ate!!" sigaw ng kapatid ko.

"Pero siguraduhin mo lang na papaalisin mo ang kapatid ko bago mo ko patayin."  matigas na sabi ko.

Namalagi ang mahabang katahimikan. Sana pumayag siya.. eto na lang ang huling pagkakataon ko para protektahan ang kapatid ko..

"Sige. Pumapayag na ako. I-lock niyo na yan sa kwarto" utos nito. Sumunod naman ang mga kasamahan nito.

"Ate wag!! Ate, ako na lang! Ate wag!! Ate!!" sigaw nito habang nagpupumiglas.

"Mahal na mahal kita, bebs. Please, take care" nakangiting sabi ko sa kanya bago tuluyan siyang i-lock sa kwarto.

"Ihanda niyo na ang gasolina" utos pa nito.

Nanigas ako sa narinig. "G-gasolina? Anong pinagsasabi mo?"

"Tsk tsk tsk. Kahit anong gawin mo, papatayin at papatayin ko kayo. Dapat ang kapatid mo lang sana eh. Kaso nag-volunteer ka. Edi mas masaya" nakangising sabi niya.

"Walanghiya ka!!!" sabi ko bago makarinig ng malakas na siren ng pulis.

Pulis. Nandito ang mga pulis. I was starting to gain hope.

Ngunit naramdaman ko na umiinit na ang paligid.

"Shit"  bulong niya.

"Well, babye na. See you" nakangising sabi niya bago ako barilin.

Biglang akong napahiga ako sa sahig habang lumuluha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Malapit sa dibdib niya ako tinamaan. At alam kong sadya ito para mamatay ako ng mabagal at masakit.

Naramdaman ko na ang apoy na kumakalat sa braso ko. Pinilit ko itong ilagan kaso kumikirot ang lugar kung saan ako binaril.

Naririnig ko pa rin ang mga sigaw ng kapatid ko. "Ate!! Ate mahal na mahal kita!! Ate!!!"

Napangiti ako. Unti-unti akong nawawalan ng lakas hanggang sa tuluyan na akong mapapikit.

***

A/N:

Hi guys! Sorry sa late update :/ Busy eh. Pero dahil sem break na, baka madalas na akong mag-update! Yehey! ^__^

Oh eto na po ang chapter na inaabangan ninyo ;D

Enjoy reading!

BTW, please join our group ng His Gangster Girl! Simply click external link para makapunta doon!

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 322K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
380K 8.3K 60
" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
57.8K 1.7K 11
A hopeless romantic girl named Sapphire accidentally opens a book about ancient magic. Inaakala niyang isang ordinaryong libro lang ang librong nahir...