Revenge Of Lia (Available on...

By LiaCollargaSiosa

978K 14K 1K

More

The Revenge of Lia
LJS
RED UMBRELLA <3
first kiss :*
Ang Kutsilyo Ni Tita Bhecca.
NEW FOUND FRIEND...
M.U
Moment namin ni Crush ♥♥♥
Ang Kamandag Ni SHARMAINE!
VIOLET SCHOOL ♥
Egg day
PATIBONG!
MALA ANGHEL NA BOSES
Ang tunay na kulay ni Liam
BANGA...
super man ♡♡♡
New heartthrob
Don't Know What To Do.
Pahamak na Ice cream at Chocolate
FIRST DUET EVER <3
ACCIDENT!!!
Pasakit
GUARDIAN ANGEL.
Girl on Fire
ang PAG-BABAGO
First Day of REVENGE
Magpapakilala na Siya.
Reyna ng Ube
Hagupit Ng Bagyong LIA sa Ljs Village
BANGAYAN TO DAMAX
ENGAGEMENT PARTY!!
Parating na ang DYOSA sa MAGENTA UNIVERSITY
SAMPALAN! doon, SAMPALAN! dito, SAMPALAN! everywhere!
MAGKAKA ALAMANAN NA!!!
INLABABU NA SI LIA <3
MAGIC VOICE <3
PAMUMULA NI LIA BAKIT KAYA??
NAKUHA NA ANG MAHIWAGANG DYAMANTE NI LIA
VINEGAR DAY
THE SHOW!
LUMALAGAPAK!!
ANG KAWAWANG BABAE... :D
COLLAPSE.....
ANG TUNAY NA SI BHECCA
MAY ANGEL NA PAPADATING..
PUNONG PUNO NANG PAG IINGAT..
NAKAKAWINDANG..
NAWALAN NG KULAY ANG MUNDO NI LIA :((
EPILOGUE

KARIBAL!

24.6K 326 18
By LiaCollargaSiosa

(Chapter 4)

LIA'S POV

Halos hindi ako nakatulog kagabi simula nang mangyari 'yun saamin ni Liam. Nakakahiya! Nasampal ko pa tuloy siya.

"Hey ate Lia! Bakit ba tila malalim ang iniisip mo at kanina pa tila tulala?" Untag bigla ni Jamaica at talagang kinalampag pa niya yung lamesa para magulat ako.

"W-wala kasi akong tulog kagabi. Nagka-insomnia ako," pag sisinungaling ko. Ayokong ipaalam sa kanya na aksidenteng nag ka kiss kami ni Liam kagabi. Nakakahiya! Aasarin lang niya ako at baka kumalat pa at makarating 'yun kay Liam. Baka isipin nun pinagkakalat kong nakahalikan ko siya.

Pero Shit! Si Liam ang first kiss ko. Akalain mo yun! Si crush ko pa ang unang kong na kiss sa talambuhay ko. Hindi ako makapaniwala.

"Tignan mo! Ngayon naman ngingiti-ngiti ka naman. Hay, naku Ate Lia, mabuti pa ay mag pa tingin kana at baka mamaya nababaliw ka na, hindi pa namin alam..." pang aasar ni Jamaica.

Bigla namang tumunog yung doorbell namin. Nagkatinginan kami ni Jamaica. Hudyat 'yun na kung sino ba ang tatayo saamin para tignan kung sino ang taong nasa labas.

"Sige, ituloy n'yo lang pagkain n'yo, ako na ang mag bubukas ng pinto," sambit ni manang.

"Ano ang sadya niyo?" narinig kong sabi ni manang doon sa taong nag doorbell.

"Goodmorning ho, invitation po para po kina Jamaica at Lia." Narinig ko namang sagot nung taong kausap ni Manang.

"Salamat! Mag-ingat ka," sagot ni manang. Kahit talaga kanino ay napaka bait ni manang.

Agad namang iniabot ni Manang saamin ang invitation na hindi namin alam kung kanino galing.

"May invitation kayong dalawa," sabi ni manang sabay abot ng tag isang envelope saamin ni jamaica.

"Anong invitation ito? Wala naman saating mag babarkada ang nababalitan kong mag b-birthday ahh?!" nag iisip na sabi ni Jamaica.

"Mabuti pa Jamaica ay buksan nalang natin." Sagot ko kay Jamaica.

"Tama ka diyan."

"18 Birthday ni Venince?!" Sabay naming sabi ni Jamaica pag ka buklat namin sa invitation.

"Wow! Ang ganda naman ni Venice dito sa picture nya. 18 Birthday pala niya bukas. Sinuprise tayo ah! Hindi manlang sinasabi na mag b-birthday na pala siya," masayang sabi ni Jamaica. Ako naman medyo nag aalinlangan.

"Hindi siguro ako makakapunta," malungkot kong sabi kay Jamaica kaya naman siyang biglang sumimangot.

"Why naman?!" Nagtatakang na tanong ni Jamaica.

"Sa itsura kong 'to, makakasira lang ako sa kaarawan ni Venice. Sigurado akong pagtitinginan lang ako nung mga bisita nya," sagot ko kay Jamaica sabay alis sa kanya. Tumuloy ako sa kwarto ko.

Agad namang sumunod si Jamaica saakin, "Ano kaba Ate Lia, kaya ka nga inimbita ka ni Venice ay gusto ka n'yang pumunta sa birthday nya. Gusto mo bang mag tampo sayo si Venice? Basta kami ang bahala sa'yo. Kapag may nanlait sayo, todo resbak kami para sa'yo," maangas na sabi saakin ni Jamaica at talagang niyakap pa niya ako.

"Kaya love na love kita eh." Napangiti siya ng sumang-ayon na ako. Nangiti narin ako kasi lumakas ang loob ko sa sinabi niya.

Matapos naming mag usap ay nagpaalam narin siyang babalik na sa hapagkainan. Hindi pa daw kasi siya, tapos mag almusal.

"Sige tapos naman na ako, dito nalang muna ako sa kwarto ko. Iidlip muna ako at wala akong masayadong tulog kagabi," wika ko sa kanya.

"Okay, sleep well Ate Lia. Maiwan na kita dito sa kwarto mong all violet," nakangising sabi ni jamaica.

Nagulat kayo sa sinabi ni Jamaica noh? Yes, all violet kasi talaga ang lahat ng bagay dito sa kwarto ko. Mapa kama, unan, dingding, kabinet, table, upuan, kurtina at kung anu-ano pa. Sobra akong adik sa kulay na ube.

Habang pinipilit kong matulog ay bigla kong naisip na malapit na pala ulit akong mag-aral. College na ako sa pasuan. Saan kaya magandang mag college? Until now, hindi ko parin alam kung ano ang kukunin kong kurso.

Naramdaman kong parang may naiwang palaman ng tinapay na kinain ko kanina sa labi ko. Kasi nalalasahan ko yun peanut tuwing didilaan ko yung labi ko. Kaya naman tumayo ako sa harap ng salamin para tignan kung may naiwan ngang peanut butter sa labi ko. Pag tingin ko sa harap ng salamin ay agad kong tinignan ang labi ko. Imbis na hanapin ko yung peanut butter sa labi ko ay bigla namang pumasok sa isip ko yung nang yari kagabi. Yung malambot, mapula at kissable lips ni Liam. Oh my gosh! Kinikilig talaga ako kapag naalala ko 'yun.

Mayamaya ay nahimasmasan ako ng maalala kong magtatagpo kami dahil sa birthday ni Venice. Nahihiya akong makaharap siya. Paano na? Oo nga pala, hindi ko pa nasasauli yung payong niya. Tapos kapag naalala kong nasampal ko siya ay lalo akong nahihiya. Anong mukha ang maihaharap ko sa kanya?

Kinabuksan ay nag abala akong gumayak para sa birthday ni Venice. Pilit kong iniisip kung ano ba ang aking susuotin.

"Mommy, pwede ko po bang hiramin yung pang straightener ng buhok mo?" Pag papaalam ko kay Mommy.

"Bakit saan naman ang punta mo?"

"Hndi ko pa po pala nasasabi sainyo na aattend po kami ni Jamaica sa 18 birthday ni Venice ngayon."

"Ganun ba? Oh, sige anak, kunin mo nalang doon sa kabinet sa kwarto ko."

VENICE'S POV

Ang saya saya ko ngayon. Dalaga na ako. Nakaayos na ang lahat, pinaubaya nalang ni Mommy ang lahat sa baklang organizer na kinuha nya. Dito lang naman sa bahay namin gaganapin ang birthday ko, tutal ay malawak naman yung likod ng bahay namin at may swimming pool pa.

Ang ganda nga nang pag kaka-ayos. Kumuha din si Mommy nang mag mamake-up saakin. Pinabongga talaga ni Mommy ang lahat.

Maya-maya pa ay nakita ko si kuya liam na papalapit saakin kaya tinanong ko siya.

"Inimbita mo ba si Ate Sharmaine?"

"Oo, pinadalhan ko din siya ng invitation mo," sagot niya.

"Mabuti naman. Sige, kuya maiwan na muna kita at mag papaayos pa ako, malapit ng mag 3pm. Syempre, kailangan beauty na beauty ako sa araw na ito," nakangisi kong sabi sa kanya.

"Ikaw talaga! Enjoy your day and happy birthday!" Nangiting sabi niya at talagang niyakap pa ako.

LIA'S POV

"Ayan! Hindi na masyadong kulot ang buhok ko. Mukhang manipis na siya, thank you po, momm."

"Medyo nangawit ako dyan ah! Ang hirap plantsyahin ng buhok mo," wika niya habang minamasahe ang nakangawit niyang kamay. "Anyway, ako narin ang mag mamake-up sayo para perfect na ang lahat."

"Sige po mommy, thank you po ulit. At saka pasensya na po kayo kung nangawit ang kamay nyo."

Agad-agad ding bumalik si mommy sa kwarto para make-upan ako. 20 minutes lang niya akong inayusan at okay na.

Nakaharap na ako ngayon sa salamin. Nangitim ata lalo ako sa suot kong violet cocktail dress Haha! Napansin kong medyo umuuinti narin yung mga pimples ko. Effective 'yung pinapahid ko ngayon. Hahaha! Malapit na talaga akong gumanda! Charot!

Pag labas ko nang kwarto ko ay sigaw ni Jamaica ang sumalubong saakin.

"Wow! Ang taray ni Ate Lia! Ang ganda! Bagay sa'yo ang straight hair, ang sexy mo pa dyan sa violet cocktail dress mo. Pag nakita ka mamaya ni Liam, tiyak maiinlove un!" Masayang sabi ni Jamaica. Anubayan! Pinaalala pa nito yung lalaking 'yun. Pero, sana nga diko sya makita mamaya. Nakakahiya talaga.

"May problema ba? Mukhang malalim na naman iniisip mo ah? 'Wag kang mag alala, kami ng mga ljs chicks ang bahala sayo mamaya..." Sabi ni Jamaica, nakita kasi niyang ngumingiwi ngiwi ako. Pero ang totoo non ay hindi ako sa mga bisita ni venice natatakot, kundi kay Liam na ayokong makaharap.

"Salamat! Anyway, ang ganda ganda mo din ngayon. Walang wala ang beauty ko sa'yo, talampakan mo lang ata ako." Nagpapatawang sabi ko sa kanya.

"Maganda ka din naman ah! Sino nag make-up nga pala sa'yo? Ayos na ayos ang pagkakalagay ah! Bagay sa'yo. At wait, nawawala nadin ang mga pimples mo, talagang nag papaganda ka na ngayon ah!" napansin din ni Jamaica 'yun! Nakakatuwa.

"May pinapahid kasi talaga ako sa mukha ko," sagot ko sa kanya.

"Push mo lang yan. So ano na, lets go na," aya niya. "Manang paki sabi nga po kay kuya eric, pa drive naman kami. Aalis na kamo kami ni Ate Lia," sabi ni jamaica.

VENICE'S POV

Unti unti nang dumadating ang mga bisita ko. Sari-saring papuri at bati ang sumalubong saakin.

"Happy birthday Venice!"

"Happy birthday Venice! Ang ganda ganda mo."

"Thank you! Kain na muna kayo," sagot ko sa kanila.

"Sandali lang po at puntahan ko lang yung iba kong mga bisita," paalam ko sa ibang bisita.

Natanaw ko na ang ibang ljs chicks, tanging si Jamaica at Lia nalang ang kulang.

"Grabe! Ang ganda mo! Happy birthday!" Bati saakin ni Erika.

"Oo nga! The best ang beauty mo today! Happy birthday! " Bati naman ni Yassy-el.

"Basta girl, enjoy your day ah! Happy birthday and sobrang ganda mo talaga ngayon!" sabi naman ni Zyrisse.

"Aba syempre, birthday ko ngayon. Saka excuse me, kahit wala akong ayos ay maganda naman talaga ako hahaha! Joke! Thanks sa pagpunta n'yo. Mahal na mahal ko kayo." Sagot ko sa kanila.

"Wait, bakit wala pa sina Jamaica at Lia?" Tanong ko sa kanila.

LIA'S POV

"Dito na po tayo," sambit ni manong eric.

My gosh! Ang daming tao! Mukhang mapapaatras na ata ako dito. Nakakahiya! Sigurado akong mapapahiya na naman ako nito. Saka isa pa, si Liam baka maka salubong ko 'yun! Hindi ko na kaya.

"Halika kana Ate Lia. Ano pang Hinihintay mo d'yan? Gusto mo bang ipasundo pa kita kay Liam?" Pang aasar ni Jamaica. Kaasar siya. Banggit siya ng banggit sa pangalan ni Liam. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"Ang daing tao eh, nahihiya ako Jamaica," nakangiwi kong sabi.

"Ano kaba! Ngayon ka pa ba aatras? Nandito na tayo! Sayang ang ayos mo. Saka nag text na saakin kanina si Yassy el, tayong dalawa nalang ang wala sa grupo." Nakapamewang na sabi ni Jamaica.

"Oo na! Lalabas na po!" sabi ko sa kanya. Papa God, please! Sana po hindi kami magka salubong ni Liam.

Tumuloy na kami sa loob nila Venice. Pag pasok na pag ka pasok namin sa loob ay nag umpisa na agad ang kalbaryo ko.

"Sino 'yung napaka itim nayun? Naka violet cocktail dress pa!"

"Oo nga, lakas ng loob mag ganyan eh, ang sagwa sagwa naman!"

"Who's that girl? Ang ugly naman niya!"

"May ganyang klaseng friend pala si Venice ang panget!"

So, anong bago? Ayan na naman, bulong-bulungan na naman ang lahat nang tao dito.

"Wag mo nalang pansinin. Mga inggit lang ang mga yan. Lets go! Ayun na sila oh..." sabi ni Jamaica at talagang inirapan pa niya yung mga babaeng nag bubulung-bulungan.

"Hey Lia! Nandyan na pala kayo. Nice! Ang beauty beauty mo naman ngayon. Bagay sayo ang straight hair ha!" Bungad na bati saakin ni Venice.

"Ano kaba! Syempre walang tatalo sa beauty ng birthday girl. Happy happy happy birthday, Venice. Ito nga pala ang gift ko," sabi ko sa kanyang sabay beso beso.

"Thank you!" sagot ni Venice.

"Hi Lia!"

Nagulat ako sa tumawag sa pangalan ko. Kilala ko yung boses na yun. Hinding hindi ako pwedeng mag kamali. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Wag kang lilingon Lia! kunwari wala kang naririnig. Nabibingi kalang Lia. Saka isipin mo may malaking tutule na nakaharang sa tenga mo, kaya wala kang marinig. Lalala...wala akong naririnig.

"Lia? Hi! daw sabi ni kuya oh! Hindi mo ba siya lilingunin," sabi ni Venice. Patay na! Mukhang wala akong choice kundi lumingon na. Mas nakakahiya siguro kapag hindi ko siya pinansin. Unti unti akong lumingon sa likod ko.

"H-hello!" Pautal-utal kong sabi sa kanya.Hindi ako makatingin sa kanya. Actually sa damuhan ako nakatingin.

"Yang damo ba ang kausap mo? Ako kaya ang nag hello! Hindi sila." patawang sabi ni Liam kaya naman natawa din ang mga ljs chicks.

"Nahihiya kasi sayo si Lia, kaya hindi siya makatingin ng diretsyo sa'yo," sambit naman ni Jamaica.

"Wag kang mahiya saakin. Saka, pwede ba kitang makausap? Tara sumama ka saakin," sabi niya sabay alis.

"Ayiee! Taray ni ate Lia. Sumama ka daw sa kanya oh! Sumunod kana sa kanya bilis! Pag kakataon muna yan!" Pabulong na sabi ni Jamaica.

Nangangatog na ako lalo. Ano kayang sasabihin niya? Nakakahiya! Para tuloy akong bomba na gusto nang sumabog.

Sumunod naman ako sa kanya. Until now, hindi parin matigil ang tingin saakin ng mga bisita ni Venice.

Huminto si Liam sa may gilid ng swimmingpool. Kaya naman lumapit na ako sa kanya.

"Bakit? Ano ang pag uusapaan natin?" Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Ah yung...yung ano...yung nangyari nung isang gabi, hindi ko naman sinasadya yun eh! Sinalo kita nun kasi parang mabubuwal ka. Nung nasalo kita may naapakan akong bato kaya natapilok ako. Nabuwal tayong dalawa at di ko sinasadyang magkalapat ang---" bigla nalang napatigil sa pag sasalita si Liam ng biglang pukawin ng isang bagong dating ang tingin ng mga tao. Sari-saring usapan ang nadinig namin.

"Sino yun? Ang ganda naman niya. Mukha siyang barbie."

"Ang puti puti niya at ang amo ng face."

"Oo nga, bagay na bagay sa kanya yung suot nya kahit simple lang."

Bulungan ang lahat. May dumating kasing isang magandang babae.

"Ah Lia sandali lang, nandyan na siguro si Sharmaine. Susunduin ko lang muna siya," sabi ni Liam sabay takbo patungo dun sa babaeng maganda. Sa pag takbo niya ay tila ba excited na excited siyang makita yung babaeng yun.

LIAM'S POV

"Hello Sharmaine! Ang ganda mo naman ngayon," bati ko sa kanya.

"Hi! Thank you!" sagot niya saakin. Grabe bakit ba may ganitong magandang babaeng nilalang sa mundo? Nakakainlove ang kagandahan ni Sharmaine kahit simpleng simple lang ang pag kakaayos niya.

"Mabuti naman at nakarating ka?"

"Ofcourse, nakakahiya kay Venice kapag hindi ako nag punta. Anyway, nasaan pala siya? May dala akong gift para sa kanya," aniya sabay lingap sa buong paligid.

"Ayun sa mga friends niya," turo ko sa kanya.

"Wait lang Liam, pupuntahan ko lang siya saglit," sabi niya saka siya lumapit kina Venice. Grabe, pati pag lalakad ni Sharmaine ay nakakainlove

VENICE'S POV

"Hello Venice! Happy birthday!"

"Thank you, Sharmaine! Nakakagulat naman po kayo. Mabuti po at nakapunta kayo? " masaya kong sabi sa kanya.

"Syempre baka mag tampo ka kapag hindi ako nakarating..." sagot ni sharmaine. Grabe ang ganda ganda talaga ni ate Sharmaine.

"Mga friends ko nga pala, mga chicks 'yan dito sa Village namin," pag papakilala ko sa mga kaibigan ko.

Sabay sabay naman siyang binati ng mga ljs chicks. Lahat din sila ay gandang ganda sa kanya.

LIA'S POV

Hindi na ata ako babalikan dito ni Liam. Masyado na ata syang nag eenjoy kay Sharmaine. Medyo nagutom na ako, kaya kumuha na ako ng pagkain ko. Mamaya kasi ay baka mahimatay pa ako sa gutom dito, nakakahiya.

Pag kakuha ko ng food ay nakayuko akong naglalakad papunta sa mga kaibigan ko. Habang hawak hawak ko yung food ay hindi ko sinasadyang masunggo yung babaeng nakasalubong ko.

"The f*ck! Anobayan! Hoy ikaw, panget ka! Tignan mo nga dinadaanan mo! Ang ganda ganda ng damit ko tapos mamantsyahan mo lang! Ang tanga tanga mo! tanga kana ang panget panget mo pa!" galit na galit na sabi ni Sharmaine.

"Sorry! H-hindi ko sinasadya," sabi ko habang pinupunasan ko ng panyo yung damit nyang natapunan ko ng mga ulam na kinuha ko.

"Tatanga-tanga! Kasi yung pangit nayan eh!"

"Oo nga! Sinabi mo pa!"

"Bakit ba kasi may ganyang pang pag kay pangit pangit na babaeng bisita si Venice??"

Bulungan na naman ang lahat. Nakakahiya! Lagi nalang ganito.

"Ate Sharmaine, pag pasensyahan mo na si Lia. Friend ko po yan." pag tatanggol ni Venice.

Mayamaya ay tila nag iba ang ihip ng hangin.

"Ah, eh, okay lang 'yun Lia. Hindi mo naman sinasadya eh! Okay lang yun Venice. Sige, ako na bahala dito. Kumain kana at baka lumamig yang pagkain mo," nakangiti na sabi ni sharmaine. Nakapagtataka, biglang bait!?

"S-sorry ulit," Sinuklian lang niya ako ng ngiti. Ngiting parang ang plastic.

"Lia, halika kana. Ikaw kasi di ka nag iingat eh." Nakangiting sabi ni Venice. Ang bait niya talaga. Hindi siya nahihiyang ipakita sa mga bisita niya na kaibigan niya ako.

Tumuloy kami sa inuupuan ng ljs chicks. Habang kumakain kame ay usap-usap muna kami ng kung anu-ano. Habang abala ang lahat ay bigla nalang napunta yung paningin ko kina Liam at Sharmaine. Masayang masaya silang nag uusap, "Siguro nililigawan ni Liam yang si Sharmaine. Ang ganda naman kasi. Kaso may pagka malditahan nga lang," bulong ko sa sarili ko.

"Bakit kanakatingin kina Liam at Sharmaine? Nag seselos?" Asar ni Jamaica.

"Hindi ah!" pag tatanggi ko sa kanila.

"May sasabihin ako sainyo. Hindi naman sa gusto kitang masaktan Lia, pero matagal nang nililigawan ni kuya si Sharmaine." sabi ni Venice na deep inside ay nalungkot ako dun.

"Awwwwwww!!" sabay sabay na sabi nila. Mga nanunura talaga. Pero syempre, hindi ko pinahalata sa kanila na nasaktan ako sa naring ko.

"CRUSH KO LANG NAMAN YANG SI LIAM. CRUSH IS PAG-HANGA..." taas kilay kong sabi sa kanila.

Halos 11pm ng matapos ang birthday party ni Venice. Medyo tinamaan kami ng alak na ininom namin kaya nag pasya na kami ni Jamaica na umuwi.

Pag dating namin sa bahay ay parehas kaming pagod ni Venice. Kaya pag pasok ko sa kwarto ko ay bulagta agad ako. Wla nang bihis bihis. Natulog ako na naka cocktail dress pa. haha!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
570K 13.8K 35
"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."
6.8K 194 42
Samatha Park Rodriguez's story.. *** Are promises of yesterday's really worth to fulfill? Or maybe those promises can be easily forgotten? Genre: Tee...
62.7K 2.8K 26
(ctto of the photo) Trust is the foundation of love, but what will happen when someone broke your trust. All I did is to love you, all I want is to...